Monday, May 23, 2011

Food Trip at Gala

Sobrang bored ako nitong nakaraang linggo na parang ikakamatay ko na ang boredom na iyon. Joke lang! Hehe! Pero minsan talaga darating sa ating buhay ang pagkabagot. Sa kaso ko, madalas ko itong nararamdaman lalo na sa buwang ito. Dumating sa punto na dahil sa pagkabagot ay kung anu ano na ang pumapasok sa isipan at pati trabaho ay naapektuhan.

Kaya naman naisipan kong lumabas ng lungga. Magliwaliw sa kung saan man dalhin ng mga paa. Habang nasa kahabaan ng EDSA ay nagtatalo ang isipan kung saan tutungo. Mabuti na lamang at may nag-suggest na lugar kung saan ako pwede pumunta. Hindi alintana ang init ng araw noong mga panahon na iyon. Basta lamang maisakatuparan ang naisin na mag-unwind.


Napadpad ang inyong lingkod sa lugar ng Las Piñas na kung saan ay matatagpuan ang Mary Immaculate Parish o kilala sa tawag na Nature Church. Naiiba siya na simbahang napuntahan ko. Pinalibutan ito ng mga punong kahoy, na sa unang tingin ay parang restaurant o bar ito. 


Ang Nature Church ay gawa sa kahoy, dahon ng anahaw, cogon, capiz at iba pang uri ng native products. Ang altar ay gawa sa driftwood and polished tree stumps na nagsisisilbing upuan ng mga churchgoers.





Naiiba talaga ang Nature Church sa lahat ng simbahang napuntahan ko. Masasabi mong napaka-creative ng Pinoy. Kung ikaw ay naghahanap ng peace of mind and refreshing experience, subukan mong pumunta rito. Napapalibutan din ito ng hardin. 


Hindi ako nagtagal doon dahil may wedding ceremony. Wrong timing ang pagpunta ko. Hehehe! Pero okey lang, babalik ako some other time. Next stop, pinuntahan ko ang kilalang simbahan sa Las Piñas ang Bamboo Organ. 


Napakalumang simbahan na ito. The church was completed in 1819, and the organ finally completed in 1824 after Fr. Cera decided to use metal for the trumpets.


Mga ilang minuto lang din ang tinagal ng inyong lingkod sa lugar na iyon dahil hapon na. At bago tuluyan bumalik sa lungga, ay naisipang mag food trip muna sa Cafe France. 

At ito ang mga nilamon ng inyong lingkod. Hehehe! 

Mini Chicken Bechamel

Iced Tea

Seafoods Marinara

Teka, kung ikaw ay magtatanong kung saan ang Nature Church - ito po ay matatagpuan sa Apollo III Moonwalk Village Talon V, Las Piñas City.


23 comments:

  1. whahaa i hate you.. di mo ko tinext alam mo naman tiga diyan lang ako.. whahaha anung oras ka pumunta niyan.... minsan sa nature church ako nagsisimba eh or sa five pounds.. san ka kumain?

    ReplyDelete
  2. ikaw na ang gala! ang mahilig lumamon! lolzz

    ReplyDelete
  3. may ganito pala sa las pinas, sabagay di pa naman ako nakapunta dun kaya marahil di ko alam to.

    may depth of field na yung mga kuha mo. peborit ko yung pagkakakuha mo sa bulaklak at estapageti.

    ReplyDelete
  4. naghahain palang ako sabay ito ang nakita ko una yong food. at kakaiba ang simbahan ito nakakarelax buti di natutulog ang mga nagsisimba diyan

    ReplyDelete
  5. ikaw na ang nagchurch hopping!

    ReplyDelete
  6. mukhang masarap ang seafods marinara.. mahilig kasi ako sa pasta.. nice trip empi.. missed ko itong bahay mo.

    ReplyDelete
  7. hahaha magkakasundo pala tayo sa mga biglaang lakad :)) ayos 'toh salamat sa pagfeature..nalalayuan kasi ako eh sa LP...siguro someday mapupuntahan ko rin toh BTW ganda ng mga shots :)

    ReplyDelete
  8. aaahhh...sige, ayos toh ah.. ganda nung place. masaya ako para sayo, dahil kahit biglaan ang lakad mo, church padin ang pinuntahan mo.

    ReplyDelete
  9. I like the creativity of Nature Church. :)

    ReplyDelete
  10. The church is pretty interesting!

    ReplyDelete
  11. nasa las pinas ka lang pala nun! sana nagtext ka hehehehe. ganda ng photos ah, at ang ganda ng church

    nice post! you should write more often! i like the way you write! lels

    ReplyDelete
  12. ayos pag natatamad ka ah..hehe

    hanggang dito dala-dala ni bino nag spam niya..haha

    ReplyDelete
  13. nice! ikaw na ang may makati ang paa, hindi madala sa kamot kaya gala nalang ang show..hehe bentang benta ang mga piktyurs..me likes it! :D

    ReplyDelete
  14. @ AXL: Oo nga e. Naiwan ko kasi phone ko. Sorry! Hehehe!

    @ CM: Thank you sa support. Bwahaha!

    ReplyDelete
  15. @ Bulakbolero: maraming salamat blogmate. Hehehe!

    @ AKONI: Ayos nga e. Hehehe!

    ReplyDelete
  16. @ DIAMOND: oo nga e. malamang may nakakatulog dyan. :)

    @ IYA: Ako na! Ako na talaga. Lol!

    ReplyDelete
  17. @ Mommy: Apir! Pareho tayo mahilig din ako sa pasta. Hehehe!

    @ HART: Ayos! Hopefully makakasama kita sa mga biglaang lakad na yan. Hehehe!

    ReplyDelete
  18. @ MD: TNT! Yon lang. :-D

    @ DYLAN: Thanks!

    ReplyDelete
  19. @ Jag: Oo nga. Salamat!

    @ BINO: TNT sa nice post na yan. Ikaw na! Lol!

    ReplyDelete
  20. @ AKONI: Oo nga e. Grabe kung maka-spam si bino. Lol!

    @ TABIAN: Hahaha. Makati nga e.

    ReplyDelete
  21. ganda ng churchness.

    question, yung pagkain na mini chicken something, anu yon, parang bread with chicken o chicken talaga sya?

    ReplyDelete
  22. @ KHANTO: hmm... mini chicken bechamel... bread siya na may cheese at hindi ko alam kung may chicken dahil hindi ko ma-distinguish ang chicken kung meron man doon. Hehehe!

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D