Wednesday, April 29, 2009

Marco's Fourth Tripping

April 25-27, 2009
Ang aking pang-apat na tripping ang... BAGUIO CITY!!! Unang bisita ko dito kaya sobrang eksayted ako at kahit hindi sumasang-ayon ang panahon dahil maulan pero ini-enjoy ko pa rin ang pananatili ko dito.

Una, nagsimba muna ako sa Baguio Cathedral para magpasalamat sa maayos na byahe at sa pag gabay niya sa akin. At syempre pinagdasal ko rin na sana'y magpakita si Haring Araw para mas masaya ang pag gala ko dito... :)

Pangalawa, pinuntahan ko ang tinatawag nilang MINES VIEW... medyo tumila ang ulan sa mga oras na iyon... haayy! sana uminit na...

Pangatlo, pagkatapos sa Mines View nagpunta naman ako sa Botanical Garden kung tawagin... hmm... ok naman ang lugar pero mas gaganda siguro kung inaalagaan ng husto ang lugar. Konti lang ang mga namumulaklak na halaman... bakit? haaayyy iwas tanong na ako dahil nagiging inquisitive na naman ako. hehehe!

Mga bulaklak na nakikita ko sa loob ng Botanical Garden...

Mula itaas bumaba naman ako at nagtungo sa Burnham Park.... teka bakit ganyan ang tubig? hehehe! ayan tanong na naman ako...

At syempre di dapat kalimutan to.... ang strawberry farm. Maulan pa rin sa mga oras na iyon pero tuloy ang tripping...



Huling pinuntahan ay ang tinatawag nilang groto na may 100 steps daw...totoo? pasensya na hindi ko nabilang kung talagang 100 steps talaga to... pero sabi nila lagpas isang daan daw ito ewan ko lang kung totoo.



Sobrang nag-enjoy ako sa pag gala dito na kahit ayaw sumang-ayon ang panahon sa akin pero tinuloy ko pa rin ang pag gala sa lugar dahil bihira lang mangyari ito. Teka, ang hirap pala maligo doon ang tubig ay parang may yelo... whew! grabe! na-frozen ang dugo ko tuwing naliligo ako... hahaha!


Thanks God for a nice trip!

Thursday, April 23, 2009

Paano Kung...?

Patalastas:

Suportahan natin ang lahat ng mga blogero't blogera na kalahok sa PEBA o Pinoy Expats Blog Award.


****************************



Minsan sa ating buhay akala natin kontento na tayo sa isang bagay. Akala natin masaya na tayo sa isang bagay na meron tayo. May mga bagay o mga pangarap na pilit natin inaabot at may mga plano tayo na kailangan gawin o kaya kailangan nating tuparin.

Pero minsan naguguluhan tayo sa mga plano natin kung paano natin ito sisimulan at kung alin ang uunahin natin. Ito ay minsan na nagpapalito sa ating isipan. At may mga pangarap tayo na hindi natin naabot na siyang nagpapabigo sa atin. Mga pangarap na siyang magpapasaya sa atin ayon sa ating isipan pero pakiramdam natin ay pinagkait sa atin ng tadhana.

Paano kung ikaw ay hindi na masaya sa iyong ginagawa o kaya sa trabaho? Ano kaya ang gagawin mo? Mananatili ka ba dito dahil wala kang choice? o Hahanapin mo ang bagay na magpapasaya sayo?


Ayon sa previous entry ko : "Don't try to accomplish everything at once...life can be difficult enough...Without adding frustration to the listDo travel one step at a time...and reach for one goal at a time.That's the way to find out what real accomplishment is."

Sa aking pagkakaintindi, hindi natin kailangan gawin ang lahat ng bagay na gusto natin sa isang araw lamang. Sapagkat sa pagmamadali natin maaaring tayo ay magkamali sa mga desisyon na ating gagawin. Kumbaga, dahan dahanin natin ito... may oras pa naman para sa ibang pangarap at ibang plano. Hindi kailangan na pagsabay-sabayin ang mga ito dahil sa aking palagay ito ang nagpapalito sa atin at nagbibigay frustration sa ating buhay.

Minsan naman natatakot na tayong subukan ang ibang bagay na gusto natin dahil natatakot tayong mabigo. Totoo di ba? Pero sabi nga nila, hindi ka magiging matatag o magtagumpay kung hindi mo pagdadaanan ang pagkabigo at ang paghihirap. Hirap muna bago sarap... yon yon eh!

Tuesday, April 21, 2009

Accomplishment


Don't try to accomplish everything at once...life can be difficult enough...Without adding frustration to the listDo travel one step at a time...and reach for one goal at a time.That's the way to find out what real accomplishment is.

Sunday, April 19, 2009

Marco's Third Tripping

This is my official third tripping. I am with my relatives and I was able to go around La mesa Eco Park to have my Nature Tripping. Enjoy the photos!
I like this view...

This is the picnic groove and the horse back riding...


The Orchids Garden and also they have Butterfly Farm but I wasn't able to take shots of them.


And of course, the swimming pool... kaso lang maliit lang ang pool. hehehe!

And my uncle and couzins... marami pang photos kasama sila pero hindi ko na pinost.... yan na lang!


Friday, April 17, 2009

Marco: Tag

Tag ni Lord CM!

Bakit ka nagblog? Ito ang tanong ni Lord CM sa lahat... at ito ay kanyang pinasa sa lahat ng mga ka-blog niya at isa ako sa napasahan nito. At dahil nangako ako na gagawin ko ang TAG na ito. Kaya ito na parekoy!

Bilang pasimula, ako'y babati muna ng isang Maganda Araw sa lahat ng mga taga-subaybay ng "A Journal of My Simple Life" at sa lahat na bumisita. Sa totoo lang hindi ko alam ang website na ito. Lagi lang ako sa FS account ko at minsan naman doon ako nagsusulat ng mga tula sa FS blog ko at magpahayag ng mga saloobin.

Isang ex-officemate slash kumare ang nag-udyok sa akin na mag-blog daw ako. Sagot ko naman, "ano naman gagawin ko?". "E di magsulat at kung anu ano pa." sagot naman niya. "Hindi ko alam kung paano gumawa e at saka tamad ako mag-register." Nag-offer siya na siya ang gumawa ng account ko sa blog at pati na rin layout ginawa na rin niya. Kaya dahil sa kanya nahuhumaling ako ngayon sa pagbablog... hehehe! Salamat kay Genyze... Hi Gen, kiss mo ko kay Miszha! Kaya dahil kay Gen natuto akong magblog.


Unang mga entry ko ay galing sa FS blog ko. Tapos, hanggang sa unti unting may nagko-comments sa entry ko at unti unting may nakilala na rin ako. At yong iba naman ay inadd ako sa kanilang blogroll at nagkaroon na rin ako ng mga blogmates na nasa blogroll ko ngayon. At unti unti na rin akong natutong gamitin ang account na ito at bisitahin ito araw araw. Hanggang sa dumami ang sumusubaybay sa aking pahina at sa mga entry ko pati mga hinagpis na dinadaan sa pagtutula, mga photos at kung anu ano pa... mabuti na lang may mga bumabasa sa mga sinusulat ko na kahit non-sense ito para sa kin. Salamat sa inyo! :)

May nagcomment. May nang-uukray. May pumupuri. May sumasaludo. May sumasang-ayon. At may sumasalungat. Ito ang mga katangian ng mga taong dumadalaw sa pahina natin.

Ako'y nagbablog dahil dito ko nailabas ang emosyon ko, mga kalungkutan, mga idea, mga nakahiligan ko na tulad ng pagkukuha ng mga larawan at iba pa. Sa pamamagitan nito nailabas ko ang emosyon ko at may nagiging online buddy na rin ako kasalo sa kaemohan at kaabnuyan. Naging kaibigan na kahit hindi pa man nagkikita ay nagiging sandalan sa tuwing down o depress...na kahit abnuy ang iba ay may naitutulong pa rin para ikaw ay pangitiin. :)

Kaya salamat sa blog dahil nakilala ko kayo...

**************************



Tag ni Amor!


Na-tag na naman ako ng kaibigan kong abnuy na si AMORSKIE... dapat daw picturan ang bunganga na nakalabas ang ipin. Kaya ito na....

Ang sabi ni AMORSKIE: "UNG NAKIKITA NYONG PKTYUR TINA TAG KOW PALA YAN SA INYOW, lol..kaya dapat may same pics din kayow, ung bunganga kita at ipin,bahala na kayow kung anow ung laman nang mga bunganga nyow basta nkasmile, at magsorry na din sa mga taong gsto nyow ibigay ang sorry nyow ok? ANG ayaw MAG TAG NAKOW DADALAWIN NI PSSTT..PSSSTTT...lol"


Bahala na si Sunset sa picture na nilagay ko... hehehehe! Wala ibang maisalpak sa bunganga kaya bolpen na lang. Hmmm... mag-sorry daw! Ah... mag-sorry ako sa bloggers na nag-tag sa akin noon na hindi ko nagawa. Sorry po! Smile!
Kunin niyo na lang din ang Tag nina Lord CM at Amorskie.

P.S.
Salamat pala sa Dentist ko na umayos ng ipin ko. Thanks Doc!

Wednesday, April 15, 2009

Marco's Second Tripping

This is my second tripping... But first of all let just enjoy the Halo Halo from Razon's and their Ensaymada bites... :)



My favorite subject in photography...the SUNSET! I love sunset, I really do. I am starting to appreciate things created by our Almighty Father. Thanks God for having this beautiful creation.


Tuesday, April 7, 2009

My Fave Subject

Maraming bagay ang bumabagabag sa aking isipan nitong nagdaang araw ako'y tolero sa mga dapat kong gawin. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang mga plano. At kung paano ko ito sisimulan.

May mga bagay din na nagpapabigat sa aking kalooban at mga bagay na minsan ay nakakaapekto na sa aking kalusugan. Pilit kong iwaksi ang mga bagay na ito sapagkat mentally stress na ako.

Kaya naman, naisipan kong gumala nitong weekend para kahit papaano ay mawala pansamantala ang mga bagay na iyon.

Sa aking paglalakbay, napag-tripan ko mga billboards sa may EDSA at ito ang mga kuha ko....


Nag-ikot ikot ako para libangin ang sarili at nilakad ang kahabaan ng Roxas Blvd. (from US embassy to Raja Sulayman to be exact).Whew! Kaya niyo yon? Ganon mga trip ko 'pag upset ako. At syempre ang favorite subject ko sa photography... ang SUNSET!


Sana'y lilipas din tong mga bagay na bumagabag sa aking isipan at sana'y magiging ok ang mga plano na gagawin ko. At sana magiging ok ang lahat!

You must learn to say, "If God has allowed this thing to happen in my life, there mustbe something I can learn from it." The Word of God tells us that "all things work together for good to those who love God, to those who are the called according to His purpose" (Rom. 8:28). We don't learn the lesson by asking why, but by giving thanks in all things. "In everything give thanks; for this is the will of God in Christ Jesus for you" ( 1 Thess. 5:18). - this is from the book of Enjoy Your Journey (Dr. Alyn E. Waller).

I thanks God for giving me strength to face all the troubles in my life though sometimes I really want to give up because in my mind this is odd! But God gives me strength and hope that everything will be alright.




Friday, April 3, 2009

Praktis lang...

At Quezon Memorial Shrine Museum


Due to the high-technology lots of children are not interested to play.

Thursday, April 2, 2009

Just For Laugh

The Lone Ranger and Tonto



The Lone Ranger and Tonto are camping in the desert. They set up their tent and are soon asleep.

Some hours later, The Lone Ranger wakes his faithful friend. "Tonto, look up at the sky and tell me what you see."

Tonto replies, "Me see millions of stars, Kimosabe."

“What does that tell you?" asks The Lone Ranger.

Tonto ponders for a minute. "Astronomically speaking, it tells me there are millions of galaxies and potentially billions of planets. Astrologically, it tells me that Saturn is in Leo. Chronologically, it appears to be approximately quarter past three. Theologically, it's evident the Lord is all-powerful, and we are small and insignificant. Meteorologically, it seems we will have a beautiful day tomorrow. What does it tell you, Kimosabe."

The Lone Ranger is silent for a moment, and then says, "Tonto, you're really dumb! Someone has stolen our tent....! "



***********************
JOKE TIME!!!

LOVER’S QUARREL

GF: Punyeta ka!
BF: Punyeta ka rin!
GF: Tarantado!
BF: Tarantado ka rin!
GF: Supot!
BF: Babe naman e, sorry na kasi…!
***********************
Baog Ako!
BF: Taksil! Paano ka nabuntis e BAOG ako. Sinong AMA? Ang kaibigan kong si Tano? Si Daniel? Si Noel? Sino?GF: Tumigil ka! Puro ka kaibigan mo! Bakit? Wala ba akong friends ha?

SA HOSPITAL
Doc: Iha, mukhang pumapayat ka at hinang hina pa. Sinunod mo ba advice ko na 3 meals a day?
Babae: Diyos ko… 3 meals a day ba? Akala ko 3 males a day…

Si Angelina at si Yaya

ANGELINA: Yaya, nakakita ka na ba ng elepanteng nagtatago sa highway?
YAYA: Di pa. Ikaw? Nakakita ka na ba?
ANGELINA: Nagtatago nga eh! Your so bobo Yaya… Your such a loser!!!


Wednesday, April 1, 2009

Para sa inyo...


Ako'y natutuwa sa lahat ng bumisita sa aking munting tahanan at nagbigay komento sa bawat mga entry. At lubos na natutuwa sa bawat papuri na natatanggap kaya naman ang inyong lingkod ay may handog para sa inyong lahat.... Ang aking Marco's Mango Float! :)