Friday, April 17, 2009

Marco: Tag

Tag ni Lord CM!

Bakit ka nagblog? Ito ang tanong ni Lord CM sa lahat... at ito ay kanyang pinasa sa lahat ng mga ka-blog niya at isa ako sa napasahan nito. At dahil nangako ako na gagawin ko ang TAG na ito. Kaya ito na parekoy!

Bilang pasimula, ako'y babati muna ng isang Maganda Araw sa lahat ng mga taga-subaybay ng "A Journal of My Simple Life" at sa lahat na bumisita. Sa totoo lang hindi ko alam ang website na ito. Lagi lang ako sa FS account ko at minsan naman doon ako nagsusulat ng mga tula sa FS blog ko at magpahayag ng mga saloobin.

Isang ex-officemate slash kumare ang nag-udyok sa akin na mag-blog daw ako. Sagot ko naman, "ano naman gagawin ko?". "E di magsulat at kung anu ano pa." sagot naman niya. "Hindi ko alam kung paano gumawa e at saka tamad ako mag-register." Nag-offer siya na siya ang gumawa ng account ko sa blog at pati na rin layout ginawa na rin niya. Kaya dahil sa kanya nahuhumaling ako ngayon sa pagbablog... hehehe! Salamat kay Genyze... Hi Gen, kiss mo ko kay Miszha! Kaya dahil kay Gen natuto akong magblog.


Unang mga entry ko ay galing sa FS blog ko. Tapos, hanggang sa unti unting may nagko-comments sa entry ko at unti unting may nakilala na rin ako. At yong iba naman ay inadd ako sa kanilang blogroll at nagkaroon na rin ako ng mga blogmates na nasa blogroll ko ngayon. At unti unti na rin akong natutong gamitin ang account na ito at bisitahin ito araw araw. Hanggang sa dumami ang sumusubaybay sa aking pahina at sa mga entry ko pati mga hinagpis na dinadaan sa pagtutula, mga photos at kung anu ano pa... mabuti na lang may mga bumabasa sa mga sinusulat ko na kahit non-sense ito para sa kin. Salamat sa inyo! :)

May nagcomment. May nang-uukray. May pumupuri. May sumasaludo. May sumasang-ayon. At may sumasalungat. Ito ang mga katangian ng mga taong dumadalaw sa pahina natin.

Ako'y nagbablog dahil dito ko nailabas ang emosyon ko, mga kalungkutan, mga idea, mga nakahiligan ko na tulad ng pagkukuha ng mga larawan at iba pa. Sa pamamagitan nito nailabas ko ang emosyon ko at may nagiging online buddy na rin ako kasalo sa kaemohan at kaabnuyan. Naging kaibigan na kahit hindi pa man nagkikita ay nagiging sandalan sa tuwing down o depress...na kahit abnuy ang iba ay may naitutulong pa rin para ikaw ay pangitiin. :)

Kaya salamat sa blog dahil nakilala ko kayo...

**************************



Tag ni Amor!


Na-tag na naman ako ng kaibigan kong abnuy na si AMORSKIE... dapat daw picturan ang bunganga na nakalabas ang ipin. Kaya ito na....

Ang sabi ni AMORSKIE: "UNG NAKIKITA NYONG PKTYUR TINA TAG KOW PALA YAN SA INYOW, lol..kaya dapat may same pics din kayow, ung bunganga kita at ipin,bahala na kayow kung anow ung laman nang mga bunganga nyow basta nkasmile, at magsorry na din sa mga taong gsto nyow ibigay ang sorry nyow ok? ANG ayaw MAG TAG NAKOW DADALAWIN NI PSSTT..PSSSTTT...lol"


Bahala na si Sunset sa picture na nilagay ko... hehehehe! Wala ibang maisalpak sa bunganga kaya bolpen na lang. Hmmm... mag-sorry daw! Ah... mag-sorry ako sa bloggers na nag-tag sa akin noon na hindi ko nagawa. Sorry po! Smile!
Kunin niyo na lang din ang Tag nina Lord CM at Amorskie.

P.S.
Salamat pala sa Dentist ko na umayos ng ipin ko. Thanks Doc!

18 comments:

  1. Ay!!!Putek!!!Mapipilitan akong gumawa nito eh, langya kasing amor yan eh!!! lolzzz

    Brod, salamat sa pagkuha ng tag...Sana nga mangyari ung drowing sa larawan na pinost mo...Isang malaking EB :)

    ReplyDelete
  2. wadek ka!bida nanaman ako sa blog mo :) thanks thanks..
    love you kuya!
    see you soon!

    ReplyDelete
  3. @lord cm hahah!aba inukray mkow hahaha..lol..natawa akowsh weeeeeee!!gawin mo na lord ha gawin na!lol

    @marco ahah fafa mksi!!thank you ha kasi sunod-sunuran ka talaga hahaha, ayun at buti naman nooooooo!!na tag mo!hahaht takot ka talga kay psstt no?loll..weeeeee hahah aba mashave ka nga!lol..at may braces kapa ssoyalan ka ha!!lol..

    ReplyDelete
  4. ayus parekoy!..

    may visual aide pa!...heheh

    creative!....

    tagay parekoy!...

    ReplyDelete
  5. aha! may drawing parang foodchain..hehehe

    yan ang buhay blogging.......

    ReplyDelete
  6. hehehe.. parang process flow nga!

    Ciao!

    ReplyDelete
  7. Got an award for you. Pick it up at the oasis in the desert!

    ReplyDelete
  8. kakaiba talaga ang mga naiisip ni amor! haha.

    ReplyDelete
  9. TO:

    LORD CM:
    Walang anuman parekoy... :)

    GENYZE:
    I miss you!

    AMOR:
    Abnuy ka kasi... hahahaha!

    PAJAY:
    Visual Aide talaga anoh... hehehe! naisip ko lang gawin yon... parang flow chart ng pagbblog ko... hehehe!


    POGI:
    Yan ang buhay blogging kung anu ano naiisip ilagay hehehe!

    NJ:
    - Hehehe may ganon talaga NJ... naisip ko lang mag lagay ng flow chart hehehe! Tama sana ako dyan hehehe...

    - Salamat kukunin ko agad yon... :)


    JOSH MARIE:
    Yan si Amor, Josh! Abnuy yan e. hehehe!

    ReplyDelete
  10. so we have genyze to thank pala kaya andito ka sa mundong ito.. hehehe

    ReplyDelete
  11. anugn pase-pasensya?! wala yan! tsdk tsk tsk may peboritism ka hmp!
    naka ilang tag na ako sayo wala ka pa rin nagawa hmp..
    hahahahahaha

    ReplyDelete
  12. mas abnuy ka nooooooo

    ReplyDelete
  13. TO:

    YANAH:
    Kaya nga... Sorry e! hehehe!

    AMOR:
    Ikaw yon...!

    ReplyDelete
  14. ang totyal ng ipin ah...nakarehas talaga...konserbatib??

    aheks..uu nga noh...buti naimbento itong blog...ibang pwendshep at hapines ang natagpuan ko rito...weeee

    ReplyDelete
  15. HAHAHA

    taena.. galing ng mga linya ahhhh..
    basta ako nagbablog kase... basta madaming dahilan...

    ikukwento ko sa susunod..
    natawa talaga ako sa tag ni Amor..lols excited na akong gawin yun..lols

    astig na astig parekoy!

    ReplyDelete
  16. TO:

    VANVAN:
    Hahaha natawa ako sa sinabi mo... NAKAREHAS! Lolz.

    Oo nga marami kang makikilalang mga iba't ibang tao sa mundo ng blogosperyo... ehehehe!

    KOSA:
    Sige parekoy... aabangan namin ang mga dahilan mo.

    Gawin mo na ang tag ni Amor.

    Ingat ingat! :)

    ReplyDelete
  17. cool guys! check the latest saving [url=http://www.casinolasvegass.com]casino[/url] games like roulette and slots !study out like a sunny the all unexplored reform [url=http://www.casinolasvegass.com]online casino[/url] games at the all untrained www.casinolasvegass.com, the most trusted [url=http://www.casinolasvegass.com]online casinos[/url] on the final! dig our [url=http://www.casinolasvegass.com/download.html]free casino software download[/url] and be the victor in money.
    you can also restraint other [url=http://sites.google.com/site/onlinecasinogames2010/]online casinos bonus[/url] . check out this new [url=http://www.place-a-bet.net/]online casino[/url].

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D