Tuesday, May 26, 2009

Leaving...?


Ako muna ay pansamantalang mananahimik (kelan ba ako nag-ingay? hehehe!) teka teka parang ang panget ng pagkasabi ko ah para namang mamatay na ako at mananahimik talaga.... hmmmpptt...

Ako muna ay pansamantalang mawawala sa mundo ng blogosphere sa kadahilanan...?????????.... sa akin na lang yon! Hindi naman ako gaano magtagal... babalik at babalik din ako, pramis!

Marami akong natutunan at nakilala dito sa mundo ng blogosphere. May nameet na rin kahit papano. Naging kaibigan at naging kakwentuhan at kasama minsan sa galaan.

Ako'y magpapasalamat sa mga naging kaibigan na nakilala ko rito at yong tinuring akong kaibigan. Maraming sayo at sa inyo!

Sa mga nakakaalam ng contact number ko.... pano? text text na lang ok?

Ang tula na mababasa niyo sa ibaba ay para po sa inyo... tinuturing ko po kayong kaibigan kahit hindi ko man kayo nakikita, nakainuman, naging kasama sa mga trip at kung anu ano pa... kaibigan na ang turing ko sa inyo!




TO You my Friend
-Marco Paolo-

You’re such a wonderful friend
for a little bit of time
I thank God for having a friend like you.
When I will say goodbye to you
My amiable friend
Because someday I maybe far away
I hope you don’t even forget me like I do.

Our sweet and happy memories will always bear fresh in my mind
I do hope you feel the same, too!
Whatever obstacle comes from our friendship
and how I am far apart from you,
I assure you that you will not be forgotten.

I thank God for having a friend like you For guiding me
For protecting me
For understanding me
For loving me
And for caring me.

Because our friendship is golden
like the stars in the heaven
and you will be my precious stone in my heart
until one day we will meet
Thank you my friend!

Friday, May 22, 2009

Quotes


Don't let your life slip through your fingers by living in the past or for the future.By living your life one day at a time, you live all the days of your life.

Wednesday, May 20, 2009

Isyu

Isa na namang panlalait ng isang banyagang aktor... ang Pinay ay tinawag na "Mail Order Bride." Ang sabi isa lamang itong biro pero hindi ito magandang biro para sa ating mga kababayan lalo na sa mga kababaihan. Ang sabi nila panlalait o pang-iinsulto ito para sa mga Pilipino!

Click mo to para makita ang video.

Ano ang masasabi mo?

Tuesday, May 19, 2009

Anong reaksyon mo?

Apat na araw na ang nakalipas noong nakatanggap ako ng forwarded message sa phone ko. At ito ang laman ng mensahe…


Very touching story…

Si Darwin ay isang 6 years old na batang bunga ng rape. Dahil dito lagi siyang sinasaktan ng Nanay niya physically and emotionally.

Isang araw naisip ng Nanay niya na ito na siguro ang araw para mahalin naman niya ang kanyang anak. Pagpasok niya sa kwarto ni Darwin nakita niya na nakabigti ito at nag-iwan ng isang note:

“Mama, dib a sabi mo ikaw na ang magiging pinakamasayang tao sa mundo kapag namatay ako. Kaya ito po regalo ko sayo ngayong birthday mo. Happy Birthday Mama… I love you.”

Ito lang ang masasabi ko, napakasama niyang ina bakit niya dinadamay sa galit ang anak niya na walang kasalanan sa nangyari sa buhay niya.

Ikaw, ano ang reaksyon mo?

Saturday, May 16, 2009

Be Thankful

Be Thankful for the difficult times .
During those times you grow .
Be Thankful for your limitations .
Because they give you the opportunities for improvements .
Be Thankful for your mistakes .
They will teach you valuable lessons .
Be Thankful for each new challenge .
Because it will build your strength and character .
Be Thankful when you're tired and weary .
Because it means that you've made a difference .

Thursday, May 14, 2009

Oy, salamat ha!

Una sa lahat maraming salamat sa mga sumusubaybay sa kwento ng aking buhay. Ako'y natutuwa dahil sa inyong mga komento. You guys lifted me up to continue my dreams. Ilang beses ko iyong pinag-iisipan kong ishare ko ba ang karanasang iyon at dahil matagal na rin ang pangyayaring iyon at nakamove on na rin ako kaya naman share ko sa inyo ang karanasan ko sa buhay.

Maraming THANK YOU sa inyong lahat...


"Jesus did not promise that life would be easy but He did promise to be with us in every step of the way. Keep going! He cares for us all the time...."

Sunday, May 10, 2009

Huling Yugto

Patalastas:
Bago ko po ipagpatuloy ang kwento ko ako'y babati muna sa lahat ng Nanay sa buong mundo... HAPPY MOTHER'S DAY!!!
Nay, Mahal ko po kayo... miss ko na po kayo! Ingat kayo palagi :)
************************************
Part III
Susuko na ba ako?

Palipat-lipat kami ng apartelle noon at minsan naman sa motel kami pinapatuloy… kung hindi ako nagkakamali tatlong motel na ang napasok namin at dalawang apartelle… palipat-lipat na parang taong gala. Tumagal ang pag-stay namin sa isang apartelle sa may west ave. sa Quezon City. Doon kami halos isa o dalawang buwan namamalagi. Sa umpisa, ok naman ang kalagayan namin dahil binibigyan kami ng food allowance at sila ang nagbabayad ng rent sa apartelle na yon.

Ganon pa man, panay pa rin ang pangungulit ng mga kamag-anak ko lalo na si Inay. Pero nananatili akong matigas dahil nasa puso ko pa rin ang pananabik na makakaalis at tuparin ang mga pangarap. Naghihintay pa rin ako na minsan ay naisip ko na ring sumuko at umalis sa apartelle na tinutuluyan ko.

“Ok lang ako ‘wag kayong mag-alala”

Pero alam kong nahihirapan na ako sa sitwasyon lakas loob ko pa rin haharapin ang pangarap na 'yon. Desisyon ko ito kaya paninindigan ko. Kung anuman ang mangyari hindi ko ito pagsisisihan. Manghihinayang, oo! Dahil malaki na ang nagastos ko sa pangarap kong ito.

“Ate, kamusta? Ano na ang balita?”
“Dong, hintay lang kayo ha… please Dong, hintay lang kayo...”


Maraming pangako ang binibigay sa amin. Mga pangako na kay sarap isipin kung talagang tutuparin.

“Mark, uwi ka na lang dahil si Ante Baby ang payat na dahil sa pag-alala sayo… ‘wag mo na lang isipin ang nagastos mo dahil pera lang yan at siguro maiintindihan ka ng Lola mo, hindi mo naman kagustuhan ang nangyari e. Iyak nang iyak ang mama mo. Magpakita ka na dito…” Text iyon ng Auntie ko.

May kirot sa puso ko noong nabasa ko ang text. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko noong araw na natanggap ko ang mensahe na iyon. Gusto kong umiyak dahil pakiramdam ko nabigo ako sa pangarap ko. Gusto kong sumigaw… at itanong kung bakit nangyari sa akin yon! Kung ano ang naging kasalanan ko...

Halos isa o dalawang buwan na hindi kami nagkita ng aking mahal na ina kaya naman ganoon na lang siya kung mag-alala. Nasa Pinas lang naman ako noon pero parang ang layo ko sa pamilya ko. At minsan naisip ko para akong naglayas na hinahanap ng aking pamilya.

Pinipilit kong maging matatag kahit gusto ko nang sumuko sa mga oras na iyon. Mabuti na lang at may karamay ako sa mga panahong nalulungkot at nabibigo ako. May kausap. At ang karamay ko sa mga panahong iyon ang kumpare na biktima rin, katulad ko. Minsan gusto kong sisihin ang sarili ko dahil nadamay pa siya sa katangahan ko.

Nangarap lang naman ako na iahon at ibigay ang gusto ng mga magulang ko at ibalik ang karangyaan na meron sila noon…

Isang araw, text kami ng text sa kanya para alamin kung ano na ba talaga ang mangyayari sa amin. Kami ba ay makakaalis pa? O hindi? Hanggang kailan kami maghihintay?

“Dong, darating ang taong magdadala sa inyo sa Dubai. Hintay lang kayo ha dahil dyan din siya tutuloy…”

May konting ngiti sa puso ko noong sinabi niya sa amin yon. Sana matuloy na. Please, Lord! Sambit ko sa Itaas.

Ang pagdating…

Dumating na nga yong sinasabi niyang tao na magdadala kamo sa amin papunta sa Dubai at doon maninirahan sa bahay nila. Hmpt! Ang daming dahilan… At ayon, kinausap naman kami nang maayos at pinaliwanag kung bakit nagkaganon. At naku po, alam na alam niya ang nangyayari sa amin… syempre chinismax siguro ni tanda ang mga reklamo namin pati na rin reklamo ng mga kamag-anak. Maayos naman makipag-usap yong lalaki… parang Medrep nga na nagbebenta ng produkto. Haayyss… hindi ko na alam kung maniniwala pa ako sa mga magagandang paliwanag mula sa nagbubulang bibig nila.

Lord, sana nga totoo ang mga sinasabi nito! Sambit ko ulit sa Kanya. Lumipas ang araw at ang isang lingo. Wala pa ring nangyayari. Paggising ko nang umaga akala ko nasa Dubai na ako. Syet! Pilipinas pa rin pala… haayyy! Ano ba talaga ang nangyayari?

Tinawagan na namin siya para ipaalam na sinisingil na kami ng management ng apartelle pero walang reply. Gutom na gutom na kami dahil wala na kaming makain. Dahil hindi na kami nabigyan ng food allowance at pati rent ng apartelle ay nakalimutan na at kami na ang kinukulit ng mga tauhan ng apartelle.

Pabalik-balik na ang tauhan ng apartelle sa kwarto namin para itanong kung mag-extend pa kami. Wala akong maisagot sa tanong dahil natulala na ako sa mga nangyayari at siguro dahil na rin sa gutom.

“Ma’am, magkano po ba ang balance namin?”
“Sir, 1,200 po ang balance niyo… kung mag-extend pa kayo ng isang araw bale 2,000+ ang babayaran niyo.”

Hindi ko alam ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon dahil ako’y litong lito na. Nanginginig na ako kakapindot ng keypad ko sa phone para itext o tawagan si Ate. Pero, ni isang reply… WALA akong natanggap! Natataranta na ako…

“Sir, ano extend pa po ba kayo?”

Limang oras pa ang aming pamamalagi sa apartelle na yon pagkatapos ng limang oras dagdag singil na kami. Kaya naisip kong kontakin ang kamag-anak ko. Wala na akong ibang maisip kundi ibenta ang gamit kong phone para bayaran ang apartelle at umalis na. Doon na ako nakapag-desisyon na… AYOKO na! Suko na ako!

Alas dos ng hapon, buwan ng Enero taong 2006.

Sa SM Sta. Mesa, nakipagkita ako sa aking kamag-anak para ibenta ang phone ko. Mabuti na lang at binili nila. Kaya pagkakuha ko ng pera agad agad akong bumalik sa apartelle para makahabol sa oras. Ni hindi na ako nakipagkwentuhan at hindi ko na sinasagot ang mga tanong nila. Napansin nilang tolero na ako at namayat na rin. Pinipilit kong ngumiti sa harap nila pero kung napapansin man nila may lungkot sa aking mga mata.

Pagdating ko nang apartelle derecho agad ako sa cashier para bayaran ang balance at mag-declare na lalabas na ako. Pagkabayad ko… derecho agad ako sa kwarto at nagligpit ng mga gamit…

“Pare, saan ka pupunta?”
“Pare, aalis na ako dito…uuwi na ako sa Laguna.”

Dahil gusto na ring umalis ni Kumpare isinasama ko na lang siya pauwi ng Laguna dahil nandoon ang kapatid at ang nanay ko na matagal nang naghihintay. Dali dali kaming umalis sa apartelle na yon… Kinalimutan ko na ang pangarap na makaalis ng bansa dahil sobrang pagod na pagod na ako noon.

Sa Laguna…

Gabi na kami nakarating ng Laguna… hindi nila inaasahan na makikita nila ako noong gabing ‘yon.

“Ma, si tito…” sambit ni Weskee (Pamangkin ko)

Nakatayo ako noon sa may pintuan na nakangiti habang tinititigan sila. Hindi ako makapagsalita sa mga oras na nandoon na ako sa bahay. Walang kibo. Agad lumapit ang Nanay at niyakap ako (umiiyak si Inay). Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nahihiya ako sa nangyari. Ngiti lamang ang tanging sagot ko sa mga tanong nila. Ngiti na kumukubli sa mga kabiguan at kalungkutan na nararamdaman ko sa mga oras na yon.

Masakit para sa akin ang pangyayari… isang malaking pagkabigo ang naranasan ko. Wala akong mapagkwentuhan noon sa aking nararamdaman. Wala akong sagot kung bakit nangyayari sa akin yon. Maraming tanong sa aking puso at isipan. Pinipilit kong tumayo mula sa aking pagkadapa. Pinipilit kong maging matatag kahit pakiramdam ko babagsak na ako. Na minsan naisip ko nang tumalon sa Pasig River dahil sa sobrang depressed ko.

“Alam na ni Lola mo ang nangyari sayo. Siya pa nga ang nagsabi na umuwi ka na lang.”

Umiiyak ako noon na hindi nagpapakita sa kanila. Iyak nang pagkabigo. Hinding hindi ko makakalimutan ang karanasan na iyon. Pinipilit ko pa ngang umiwas sa mga tanong na nag-uugnay sa naudlot kong pag-alis. Kahit hanggang ngayon kapag naisip ko… nalulungkot pa rin ako dahil nabigo ako! At hindi ko maiwasan na umiyak.

Kinontak kami ni ate noon pero hindi na ako ang nakipag-usap sa kanya pagod na ako sa mga lintik na pangako. Gusto sana nang kapatid ko na ipaalam sa imbesgador o sa bitag ang nangyari sa amin para kami ay matulungan. Ano?! Bigla na naman akong kinakabahan noong sinabi ni Kuya yon. Si Mark? Makikita sa telebisyon? Parang hindi ko ata kaya yon… Hindi ako pumayag sa halip nakipagkita at kinausap na lang si ate at kinuha ang placement fee na binigay namin sa kanya. Nagmamakaawa siya sa amin noon dahil hindi raw niya alam kung saan siya kukuha ng pera.

“Naawa ka ba sa amin noong kami ay nagmamakaawa sayo?”

Iyak lamang ang sagot ni Ate naawa man ako sa kanya pero dapat lang na magdemand ako dahil hindi lang ako ang naperwisyo sa kagagawan niya pati pamilya ko.

Dong, alam mo naman na hindi ko kasalanan to di ba? Si ___ kasi ang humawak ng pera niyo at ginamit niya pala ang pera na pambili ng ticket niyo?”

Hindi na ako nakinig sa mga paliwanag niya. Sawang sawa na ako. Hindi raw niya alam na ginamit pala ng kasama niya ang pera namin pero alam kong alam niya ang nangyari. Ayaw niya lang magsalita sa amin.

“Basta ibigay mo nang buo ang pera na binayad namin sayo… dahil kung hindi magkita-kita na lang tayo sa korte.”

“Dong, Baby (pangalan ng Nanay ko), maawa kayo sa akin may mga anak pa akong nag-aaral.”

Wala kaming pinagkinggan sa mga paliwanag at pagmamakaawa niya sa amin. Sa halip binigyan siya ng ilang buwan para mahanap ng pera para ibalik ang lahat ng nagastos ko. Oppsss… wag na kayong magtanong kung magkano!

Mabuti naman at sa takdang araw na binigay namin sa kanya binalik niya ang pera sa akin. Nakapanghihinayang dahil hindi na nga ako natuloy nawalan pa ako ng trabaho. Matagal bago ako naka-move on sa nangyari. Hindi lumalabas ng bahay. Kung lumabas man, sa gabi!

Walong buwan akong tambay mula noong ako’y nag-resigned sa pinapasukan kong kompanya noon at pilit kinalimutan ang mga nangyari. Naghanap ng trabaho sa kung saan saan.

Marami pa ring gusto magtanong tungkol sa nangyari pero umiiwas ako. Kahit nakikita man nila na parang hindi ako naapektuhan pero deep inside my heart… sobrang bigat nang nararamdaman ko!

Ilang kompanya na rin ang pinasahan ko ng aking resume hanggang sa ako’y tinanggap dito sa isang Pharmaceutical dito sa may Mandaluyong. Kahit medyo maliit lang ang kita pero ok lang at least hindi ako palamunin ng aking mga magulang.

Nangangarap pa rin ako na makaalis nang bansa dahil andoon pa rin ang gusto kong makatulong sa pamilya ko. Pero hindi ko alam kung para sa akin ba talaga ang pag-aabroad o hanggang dito lang ako?

Minsan talaga hindi ko maiwasan na hindi malungkot sa mga nangyayari sa akin. Pangarap na pinilit kong abutin pero hindi ko talaga maabot sa halip nabigo pa ako.

Matutupad pa kaya ang mga pangarap na ‘yon?

P.S.
Maraming salamat po sa mga sumusubaybay sa aking kwento hango sa aking karanasan. At pagpasensyahan niyo na po kung kayo man ay nabitin sa kwento ko. Salamat po ulit sa inyong lahat. God Bless you!

Saturday, May 9, 2009

Makakaalis pa ba?

Part II

Pagdating naming sa Shangrila tumambay pa kami sa food court para maghintay… Shit! Naiinis na ako sa mga oras na yon dahil tawag na nang tawag ang Nanay ko at mga kamag-anak ko. Kung anu ano na ang mga sinasabi. Hindi na rin ako makapag-isip ng matino dahil nadadala na ako sa mga pinagsasabi nila. Kinukulit na namin siya kung talagang makakaalis pa ba talaga kami.

“Dong, hintay lang kayo inaasikaso pa ang ticket niyo.”

Hanggang kailan? Tanong ng isip ko. Buong araw kaming nakatunganga sa food court ng Shangrila kaya naman hinding hindi ko makakalimutan kapag napunta ako doon. Haayyysss… buhay nga naman!

Makalipas ang mahabang oras na paghihintay… ang sabi,

“Dong, ihanap ko na lang kayo ng mauupahan para makapagpahinga muna kayo bukas na ma-release ang ticket niyo.” may ganon...

Ewan ko ba halos sunud sunuran na lang kami sa mga sinabi niya. Hinatid kami sa may motel sa pasig, yong maraming nakahilira dyan sa may pasig. Haayy natatawa na lang kami ni kumpare… akalain mong iisang kwarto lang ang inuupahan para sa amin. Tsk! Damn you, tanda! Pero ok lang at least may makakausap…

Kinabukasan maaga kami nagising dahil ang sabi alas singko daw kami aalis papuntang airport. Sana nga makaalis na kami para wala nang mga tanong at mga pangungulit ng mga kamag-anak… naghintay na naman kami nang matagal sa may Jollibee sa crossing. Lintik talaga! Nahihiya na ako dahil pinagtitinginan na kami ng mga crew dahil halos kalahating araw na kaming nakaupo doon dala dala ang mga maleta.

Haayy salamat at dumating din siya… mabuti naman at pinakain niya muna kami dahil nahihilo na kami sa gutom…

“Ate, ano nang mangyayari sa amin? Matutuloy pa ba?”

Ngiti lamang ang sagot niya sa amin. Ano bang ibig sabihin ng mga ngiting yon? Pinipilit naming siya magsalita kung ano ba talaga ang mangyayari sa amin. Alas kwatro na ng hapon pero nanatili pa rin kami sa kinauupuan namin. Wala pa ring balita. Ano na ba talaga? Kinukulit na naman ako ng mga kamag-anak ko… dini-discourage na nila ako pero nanatili akong matatag at pinaninindigan ang desisyon ko. Itutuloy ko ito!

Inaabot na kami nang gabi sa crossing pero wala pa rin talagang nangyayari sa amin. Hinatid na naman kami sa isang apartelle at doon magpalipas ng gabi dahil ang rason bukas na makakaalis…sure na! Lagi na lang bukas! Bukas!

Exhausted na ako sa mga araw na iyon… pakiramdam ko para akong naglayas na walang patutunguhan. Gusto ko na ring sumuko sa pangarap ko pero nilakasan ko ang loob ko. Binalewala ko lahat ng mga negatibong pananaw ng mga kamag-anak ko. Hindi ko pinagkinggan ang lahat ng mga sinasabi nila dahil naniniwala pa rin na matutuloy ang pag-alis ko.

“Dong, hintay lang kayo sa tawag ko ha… “

Kinabukasan (ulit?!) nag-stay lang kami sa apartelle na inuupahan niya para sa amin binigyan kami ng food allowance at binayaran ang upa ng apartelle. Nakatanggap ako ng tawag noong araw na iyon… si kuya yon. Pinapauwi na ako dahil sobrang nag-alala na si Inay at iyak nang iyak na raw. Kahit ako man ay naiiyak na sa pangyayaring iyon. Pero sabi ko, ok lang ako konting tiis na lang at makakaalis na ako. Pinilit kong maging kampante para sa kanila. Pinilit kong pakalmahin ang pamilya ko. Kahit ako ay medyo nahihirapan na rin pero lakas loob kong harapin ang hamon na ito. Hamon na hindi ko alam kung kailan matatapos….

“puro na lang kayo bukas… sabihin niyo na lang ang totoo!”

Susuko na ba ako?


Itutuloy…..


P.S.
Pasensya na medyo bitin… inaalala ko lang muna ang mga nangyayari sa akin noon…

Friday, May 8, 2009

Swerte, malas o minalas?

Part I

"makakaalis din tayo pare"

Mahigit tatlong taon na ang nakalipas nang subukan ko ang mangibang-bansa pero sa kasamaang-palad ako'y hindi natuloy sa kadahilanang... hmmm sabihin na lang nating minalas ako! Ako ay nagtatrabaho noon sa isang oil depot dito Pilipinas. Okay naman ang sweldo ko kahit papano nakakaraos naman, nabibili ang gusto at nakakaipon. Dahil sa kagustuhan kong makaalis ng bansa at may opportunity na nag-cross sa aking landas. Agad ko itong sinunggaban na walang pagdududa.

Sa una, okay naman ang pag-uusap at ang mga kalakaran. Ni wala akong duda sapagkat isa sa mga pinsan ko ay nakaalis nang dahil sa kanya.

I am preoccupied that time because I am preparing all the papers that I need to submit in the said agent. And I'm gonna take a risk for this opportunity came in my way because I think this is it...

I'll make myself strong because I know it is not easy to leave your country and to your love ones. And I'm pushing myself to leave because it is my dream and opportunities are here already. So, I'll grab it!

Hindi mo naman magagawa ang lahat ng bagay kapag wala kang pera kaya pati savings ko ginalaw ko na just for my dream. Naglabas ng pera. Hinanda ang lahat ng kailangan. Nangutang na ako sa lola para sa pangarap na makaalis ng bansa.

Dumating na ang araw na pinakahihintay ko... November 2005 iyon nang tumawag siya sa akin "Dong, magready na kayo dahil bago magpasko alis niyo..."

Pumapasok pa ako noon kaya agad agad akong gumawa ng resignation letter para may oras pa silang makahanap ng ipapalit sa akin at para makapag-turnover ako. Nagulat ang mga Boss ko dahil parang ang bilis ata nang pangyayari. Kahit ako man ay hindi makapaniwala. Hindi pa sana ako payagan na mag-resign pero nagpumilit ako dahil sa pag-aakala ko, ito na yon e!

Ganon pa man, best wishes na lang ang natatanggap ko mula sa mga ka-opisina ko. Nagpapasalamat naman ako sa kanila dahil sinuportahan naman nila ako.

Ito na…

Araw ng aking paglisan… hinatid pa ako ng aking Nanay at mga kamag-anak. Parang ayaw ko nang ituloy dahil sobrang kaba ng dibdib ko. Pero kailangan kong lakasan ang loob ko para sa pamilya at sa ambisyon ko.

“Pare, andyan ka na ba?”

Pagdating ko nang NAIA, pinaalis ko na agad ang mga humatid sa akin dahil ayokong magkaroon iyakan sa pag-alis ko kahit alam kong umiiyak na sila at ako nama’y pinigilan ang emosyon at pinilit na ngumiti para sa kanila.

Sinubukan kong tawagan ang agent naming para i-confirm na nasa airport na ako at susunod na rin ang isa kong kasama. Pero, walang sumasagot sa tawag ko… pati sa text ko, wala…! Lalong lumakas ang kaba ng aking dibdib pinipilit kong iwaksi ang mga negatibong pumapasok sa isipan ko. HINDI PWEDE, HINDI!

“Pare, si ate ____?”

Wala akong maisagot sa tanong niya pakiramdam ko para akong… hindi ko maipaliwanag… nanginginig ako habang sinasagot ko ang tanong ni kumpare. Biglang nag-ring ang phone ko nanginginig pa rin akong sagutin ang phone… si Ate ___ yon!

“Dong, punta muna kayo dito sa Shangrila dahil nagka-problema sa ticket niyo”

FUCK! What happen?! Tanong ng isip ko.

“Pare, punta raw tayo sa Shang… nagkaproblema raw sa ticket natin.”

Tulala na ako noong nasa taxi na kami pabalik ng Manila. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pinipilit kong maging positibo sa lahat. On and off ang phone ko dahil nagmimiskol na si pinsan. Waaahhh! Hindi ko na alam anong gagawin ko at isasagot ko sa kanila.,,

Pinaglalaruan ba ako?! Makakaalis pa ba ako?


Itutuloy….

Tuesday, May 5, 2009

The Past


Don't dwell on past mistakes...
leave yesterday behind you...
along with any of its problems, worries and doubts.
Do realize that you can't change the past,
but just ahead is the future...
And you can do something about that.

Saturday, May 2, 2009

Kowts at Tag


Kahit gaano man kadilim ang nakaraan mo hayaan mong ang liwanag ang gagabay sayo para sa iyong magandang kapalaran. - marco paolo


(ang larawan na yan ay kuha ko noong nasa Baguio ako :) )
*******************
na-TAG ako...
Jen ito na yong tag... pasensya na medyo natagalan... hehehe!
8 Things i'm looking forward to

1. makauwi sa province sa darating na FIESTA.
2. maka-attend ng Class Alumni namin sa September 2009.
3. makahanap ng mauupahan para makalipat na.
4. makapag-enroll ng any medical courses next sem.
5. makapag-aral ng webdesign/autocad.
6. makapag-travel local/abroad.
7-8. dahil sa naudlot kong pangarap na makapagtrabaho abroad susubukan muli ang pangingibang bansa…

8 Things i did yesterday:

1. nag-update ng mga data sa system namin.
2. nakipaglokohan sa ka-officemate.
3. di masyadong busy kaya nag-explore sa net.
4. kumain ng pizza masarap dahil libre yon Hehehe!
5. nakipagkita kay ex-officemate para ibigay ang mga billings niya.
6. kumain ng pasta syempre libre pa rin.
7. nagbasa ng libro pagkatapos nagttxt bago matulog.
8. … Zzzzzz!

8 Things i wish could do:

1. makapag-travel.
2. bumili ng mga bagay na gusto.
3. magsulat ng nobela tungkol sa pag-ibig.
4. magsulat ng bagong tula.
5. gumala ulit at kumuha ng mga larawan.
6. magbakasyon sa province namin kaso di pa pwede ngayon.
7-8. kontakin lahat ng mga high school friends para gumimik o mag-bonding.

8 Shows i watch:

1-8. di ko hawak ang remote control kaya di ko kontrolado kung ano panonoorin ko.

8 People i tag:

1-8. Late na to kaya di ko na i-tag sa iba. :)