Patalastas:
Bago ko po ipagpatuloy ang kwento ko ako'y babati muna sa lahat ng Nanay sa buong mundo... HAPPY MOTHER'S DAY!!!
Nay, Mahal ko po kayo... miss ko na po kayo! Ingat kayo palagi :)
************************************
Part III
Susuko na ba ako?
Palipat-lipat kami ng apartelle noon at minsan naman sa motel kami pinapatuloy… kung hindi ako nagkakamali tatlong motel na ang napasok namin at dalawang apartelle… palipat-lipat na parang taong gala. Tumagal ang pag-stay namin sa isang apartelle sa may west ave. sa Quezon City. Doon kami halos isa o dalawang buwan namamalagi. Sa umpisa, ok naman ang kalagayan namin dahil binibigyan kami ng food allowance at sila ang nagbabayad ng rent sa apartelle na yon.
Ganon pa man, panay pa rin ang pangungulit ng mga kamag-anak ko lalo na si Inay. Pero nananatili akong matigas dahil nasa puso ko pa rin ang pananabik na makakaalis at tuparin ang mga pangarap. Naghihintay pa rin ako na minsan ay naisip ko na ring sumuko at umalis sa apartelle na tinutuluyan ko.
“Ok lang ako ‘wag kayong mag-alala”
Pero alam kong nahihirapan na ako sa sitwasyon lakas loob ko pa rin haharapin ang pangarap na 'yon. Desisyon ko ito kaya paninindigan ko. Kung anuman ang mangyari hindi ko ito pagsisisihan. Manghihinayang, oo! Dahil malaki na ang nagastos ko sa pangarap kong ito.
“Ate, kamusta? Ano na ang balita?”
“Dong, hintay lang kayo ha… please Dong, hintay lang kayo...”
Maraming pangako ang binibigay sa amin. Mga pangako na kay sarap isipin kung talagang tutuparin.
“Mark, uwi ka na lang dahil si Ante Baby ang payat na dahil sa pag-alala sayo… ‘wag mo na lang isipin ang nagastos mo dahil pera lang yan at siguro maiintindihan ka ng Lola mo, hindi mo naman kagustuhan ang nangyari e. Iyak nang iyak ang mama mo. Magpakita ka na dito…” Text iyon ng Auntie ko.
May kirot sa puso ko noong nabasa ko ang text. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko noong araw na natanggap ko ang mensahe na iyon. Gusto kong umiyak dahil pakiramdam ko nabigo ako sa pangarap ko. Gusto kong sumigaw… at itanong kung bakit nangyari sa akin yon! Kung ano ang naging kasalanan ko...
Halos isa o dalawang buwan na hindi kami nagkita ng aking mahal na ina kaya naman ganoon na lang siya kung mag-alala. Nasa Pinas lang naman ako noon pero parang ang layo ko sa pamilya ko. At minsan naisip ko para akong naglayas na hinahanap ng aking pamilya.
Pinipilit kong maging matatag kahit gusto ko nang sumuko sa mga oras na iyon. Mabuti na lang at may karamay ako sa mga panahong nalulungkot at nabibigo ako. May kausap. At ang karamay ko sa mga panahong iyon ang kumpare na biktima rin, katulad ko. Minsan gusto kong sisihin ang sarili ko dahil nadamay pa siya sa katangahan ko.
Nangarap lang naman ako na iahon at ibigay ang gusto ng mga magulang ko at ibalik ang karangyaan na meron sila noon…
Isang araw, text kami ng text sa kanya para alamin kung ano na ba talaga ang mangyayari sa amin. Kami ba ay makakaalis pa? O hindi? Hanggang kailan kami maghihintay?
“Dong, darating ang taong magdadala sa inyo sa Dubai. Hintay lang kayo ha dahil dyan din siya tutuloy…”
May konting ngiti sa puso ko noong sinabi niya sa amin yon. Sana matuloy na. Please, Lord! Sambit ko sa Itaas.
Ang pagdating…
Dumating na nga yong sinasabi niyang tao na magdadala kamo sa amin papunta sa Dubai at doon maninirahan sa bahay nila. Hmpt! Ang daming dahilan… At ayon, kinausap naman kami nang maayos at pinaliwanag kung bakit nagkaganon. At naku po, alam na alam niya ang nangyayari sa amin… syempre chinismax siguro ni tanda ang mga reklamo namin pati na rin reklamo ng mga kamag-anak. Maayos naman makipag-usap yong lalaki… parang Medrep nga na nagbebenta ng produkto. Haayyss… hindi ko na alam kung maniniwala pa ako sa mga magagandang paliwanag mula sa nagbubulang bibig nila.
Lord, sana nga totoo ang mga sinasabi nito! Sambit ko ulit sa Kanya. Lumipas ang araw at ang isang lingo. Wala pa ring nangyayari. Paggising ko nang umaga akala ko nasa Dubai na ako. Syet! Pilipinas pa rin pala… haayyy! Ano ba talaga ang nangyayari?
Tinawagan na namin siya para ipaalam na sinisingil na kami ng management ng apartelle pero walang reply. Gutom na gutom na kami dahil wala na kaming makain. Dahil hindi na kami nabigyan ng food allowance at pati rent ng apartelle ay nakalimutan na at kami na ang kinukulit ng mga tauhan ng apartelle.
Pabalik-balik na ang tauhan ng apartelle sa kwarto namin para itanong kung mag-extend pa kami. Wala akong maisagot sa tanong dahil natulala na ako sa mga nangyayari at siguro dahil na rin sa gutom.
“Ma’am, magkano po ba ang balance namin?”
“Sir, 1,200 po ang balance niyo… kung mag-extend pa kayo ng isang araw bale 2,000+ ang babayaran niyo.”
Hindi ko alam ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon dahil ako’y litong lito na. Nanginginig na ako kakapindot ng keypad ko sa phone para itext o tawagan si Ate. Pero, ni isang reply… WALA akong natanggap! Natataranta na ako…
“Sir, ano extend pa po ba kayo?”
Limang oras pa ang aming pamamalagi sa apartelle na yon pagkatapos ng limang oras dagdag singil na kami. Kaya naisip kong kontakin ang kamag-anak ko. Wala na akong ibang maisip kundi ibenta ang gamit kong phone para bayaran ang apartelle at umalis na. Doon na ako nakapag-desisyon na… AYOKO na! Suko na ako!
Alas dos ng hapon, buwan ng Enero taong 2006.
Sa SM Sta. Mesa, nakipagkita ako sa aking kamag-anak para ibenta ang phone ko. Mabuti na lang at binili nila. Kaya pagkakuha ko ng pera agad agad akong bumalik sa apartelle para makahabol sa oras. Ni hindi na ako nakipagkwentuhan at hindi ko na sinasagot ang mga tanong nila. Napansin nilang tolero na ako at namayat na rin. Pinipilit kong ngumiti sa harap nila pero kung napapansin man nila may lungkot sa aking mga mata.
Pagdating ko nang apartelle derecho agad ako sa cashier para bayaran ang balance at mag-declare na lalabas na ako. Pagkabayad ko… derecho agad ako sa kwarto at nagligpit ng mga gamit…
“Pare, saan ka pupunta?”
“Pare, aalis na ako dito…uuwi na ako sa Laguna.”
Dahil gusto na ring umalis ni Kumpare isinasama ko na lang siya pauwi ng Laguna dahil nandoon ang kapatid at ang nanay ko na matagal nang naghihintay. Dali dali kaming umalis sa apartelle na yon… Kinalimutan ko na ang pangarap na makaalis ng bansa dahil sobrang pagod na pagod na ako noon.
Sa Laguna…
Gabi na kami nakarating ng Laguna… hindi nila inaasahan na makikita nila ako noong gabing ‘yon.
“Ma, si tito…” sambit ni Weskee (Pamangkin ko)
Nakatayo ako noon sa may pintuan na nakangiti habang tinititigan sila. Hindi ako makapagsalita sa mga oras na nandoon na ako sa bahay. Walang kibo. Agad lumapit ang Nanay at niyakap ako (umiiyak si Inay). Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nahihiya ako sa nangyari. Ngiti lamang ang tanging sagot ko sa mga tanong nila. Ngiti na kumukubli sa mga kabiguan at kalungkutan na nararamdaman ko sa mga oras na yon.
Masakit para sa akin ang pangyayari… isang malaking pagkabigo ang naranasan ko. Wala akong mapagkwentuhan noon sa aking nararamdaman. Wala akong sagot kung bakit nangyayari sa akin yon. Maraming tanong sa aking puso at isipan. Pinipilit kong tumayo mula sa aking pagkadapa. Pinipilit kong maging matatag kahit pakiramdam ko babagsak na ako. Na minsan naisip ko nang tumalon sa Pasig River dahil sa sobrang depressed ko.
“Alam na ni Lola mo ang nangyari sayo. Siya pa nga ang nagsabi na umuwi ka na lang.”
Umiiyak ako noon na hindi nagpapakita sa kanila. Iyak nang pagkabigo. Hinding hindi ko makakalimutan ang karanasan na iyon. Pinipilit ko pa ngang umiwas sa mga tanong na nag-uugnay sa naudlot kong pag-alis. Kahit hanggang ngayon kapag naisip ko… nalulungkot pa rin ako dahil nabigo ako! At hindi ko maiwasan na umiyak.
Kinontak kami ni ate noon pero hindi na ako ang nakipag-usap sa kanya pagod na ako sa mga lintik na pangako. Gusto sana nang kapatid ko na ipaalam sa imbesgador o sa bitag ang nangyari sa amin para kami ay matulungan. Ano?! Bigla na naman akong kinakabahan noong sinabi ni Kuya yon. Si Mark? Makikita sa telebisyon? Parang hindi ko ata kaya yon… Hindi ako pumayag sa halip nakipagkita at kinausap na lang si ate at kinuha ang placement fee na binigay namin sa kanya. Nagmamakaawa siya sa amin noon dahil hindi raw niya alam kung saan siya kukuha ng pera.
“Naawa ka ba sa amin noong kami ay nagmamakaawa sayo?”
Iyak lamang ang sagot ni Ate naawa man ako sa kanya pero dapat lang na magdemand ako dahil hindi lang ako ang naperwisyo sa kagagawan niya pati pamilya ko.
“Dong, alam mo naman na hindi ko kasalanan to di ba? Si ___ kasi ang humawak ng pera niyo at ginamit niya pala ang pera na pambili ng ticket niyo?”
Hindi na ako nakinig sa mga paliwanag niya. Sawang sawa na ako. Hindi raw niya alam na ginamit pala ng kasama niya ang pera namin pero alam kong alam niya ang nangyari. Ayaw niya lang magsalita sa amin.
“Basta ibigay mo nang buo ang pera na binayad namin sayo… dahil kung hindi magkita-kita na lang tayo sa korte.”
“Dong, Baby (pangalan ng Nanay ko), maawa kayo sa akin may mga anak pa akong nag-aaral.”
Wala kaming pinagkinggan sa mga paliwanag at pagmamakaawa niya sa amin. Sa halip binigyan siya ng ilang buwan para mahanap ng pera para ibalik ang lahat ng nagastos ko. Oppsss… wag na kayong magtanong kung magkano!
Mabuti naman at sa takdang araw na binigay namin sa kanya binalik niya ang pera sa akin. Nakapanghihinayang dahil hindi na nga ako natuloy nawalan pa ako ng trabaho. Matagal bago ako naka-move on sa nangyari. Hindi lumalabas ng bahay. Kung lumabas man, sa gabi!
Walong buwan akong tambay mula noong ako’y nag-resigned sa pinapasukan kong kompanya noon at pilit kinalimutan ang mga nangyari. Naghanap ng trabaho sa kung saan saan.
Marami pa ring gusto magtanong tungkol sa nangyari pero umiiwas ako. Kahit nakikita man nila na parang hindi ako naapektuhan pero deep inside my heart… sobrang bigat nang nararamdaman ko!
Ilang kompanya na rin ang pinasahan ko ng aking resume hanggang sa ako’y tinanggap dito sa isang Pharmaceutical dito sa may Mandaluyong. Kahit medyo maliit lang ang kita pero ok lang at least hindi ako palamunin ng aking mga magulang.
Nangangarap pa rin ako na makaalis nang bansa dahil andoon pa rin ang gusto kong makatulong sa pamilya ko. Pero hindi ko alam kung para sa akin ba talaga ang pag-aabroad o hanggang dito lang ako?
Minsan talaga hindi ko maiwasan na hindi malungkot sa mga nangyayari sa akin. Pangarap na pinilit kong abutin pero hindi ko talaga maabot sa halip nabigo pa ako.
Matutupad pa kaya ang mga pangarap na ‘yon?

P.S.
Maraming salamat po sa mga sumusubaybay sa aking kwento hango sa aking karanasan. At pagpasensyahan niyo na po kung kayo man ay nabitin sa kwento ko. Salamat po ulit sa inyong lahat. God Bless you!
hmmm..... natapos den ang kwento.... teka... pabati ren muna.. Happy Mother's Day sa mom moh.... dehinz madali ang pinagdaanan moh... nde koh alam watz d' right thing to say... and kahit ilang taon na ang nakalipas and yeah andon pa ren sa puso moh ang panghihnayang, ang sakit, ang inis, ang konting galit i guess... pero wat i do know na everythin' happens for a reason... alam koh may magandang dahilan si God for that... for now nde pa naten siguro alam ang sagot... pero for sure one day marerealize moh at malalaman moh ba't nangyari 'un.... kung ' un tlgah ang desire nang puso moh i do believe God will give it to you... i guess u really juz have to fully trust Him... for sure He has a better plan for 'ur life... and a lot of wonderful blessings still waitin' for you... again u juz have to trust Him... and prayers... ingatz lagi marc... Godbless! -di
ReplyDeleteang drama naman. hehe
ReplyDeletePare seriously you deserve STANDING OVATION sa post mo na ito... nasa third post mo yung CLIMAX ng kwento mo pare astig heartbreaking yung mga tagpo at sitwasyon.
ReplyDeletein a way pare nagkaroon ako ng reflection sa buhay while i was reading your blog, how to move on... trust no body... be storng... etc.
“Mark, uwi ka na lang dahil si Ante Baby ang payat na dahil sa pag-alala sayo… ‘wag mo na lang isipin ang nagastos mo dahil pera lang yan at siguro maiintindihan ka ng Lola mo, hindi mo naman kagustuhan ang nangyari e. Iyak nang iyak ang mama mo. Magpakita ka na dito…” Text iyon ng Auntie ko." ------ eto pare ang lakas ng KUROT sa puso ko nitong text na ito.
KUDOS!!! nice post, seriously!!
Sabi nga nila parekoy, masarap ang mangarap, ang tutuo libre nga un eh!!!Pero may bayad na kapag gusto mo itong tuparin...Mahihirapan ka na kung aabutin mo ito, mabibigo, masasaktan pero bandang huli mapapawi ng lahat ng yun kapag naabot mo na ito...di pa lang siguro panahon parekoy, darating din yan, kung hindi man, sigurado may iba Syang ibibigay sayo...Yung para sayo talaga...
ReplyDeletehaay...gnda ng story mo pre ha...buti na lang binalik naku kung ako un sasabunutan ko ung babaeng un,hahaha nkkpnghinayang nga lang dhil gniveup mo ung trabaho dati...
ReplyDeleteok lng yan lalo ka lang tumutibay nian...gudluck nlang sayo,mrami pa tayong mraranasang gnyan...
di pala masyadong happy ending. pero gayunpaman, magiging happy ending din yan balang araw. ;) basta magsumikap lang at magtyaga, laging may nilaga sa dulo.
ReplyDeleteHappy Mothers' Day sa Mama mo!
grabe pumayag ka ng 1 buwan nakatambay sa a[artelle na yn? amo gmgawa nyo while waiting?
ReplyDeletehaay, buti na din nasoli yun pera. abala ginawa nila sayo, pti sa mama mo..
Ibibigay din sayo ung gusto mo,
ReplyDeletebka lang hndi pa ryt tym..
Bka rin Hindi pero mas malaki nman ung kapalit..
Gnun tlga buhay..
bstah lakasan lang ang loob.
kudos at nlampasan mo un..
bastah pre, isipin mo nlng, there's a reason for everything..
don't lose hope..=)
TO:
ReplyDeleteDHIANZ:
Happy Mother’s Day din sa Nanay mo
Salamat Dhi sa pagsubaybay ng kwentong ito… Hanggang ngayon andito pa rin ang sakit, inis at galit … pero nakaraan na yon nakamove on na ako.
BART:
Drama ba? Hehehe…
ZEB:
Naks! May SO ka pang nalalaman Zeb ah… Hehehe! Anyway, salamat sa pagsubaybay sa kwento… Happy Mother’s Day na rin pala sa Mom mo.
LORD CM:
True parekoy! Ang sarap mangarap pero 50/50 kapag gagawin mo na ang mga pangarap na yon… andyan ang pangamba na baka di ka magtagumpay.
HARI:
‘wag mo nang sabunutan parekoy dahil ang huling pagkakaalam ko… nalunod na sa utang si tanda. Karma!
REYJR:
Yup… di happy ending yon…. Happy Mother’s Day din sa nanay mo.
CHYNG:
Nakatunganga lang Chyng… nag-iisip nang kung anu ano… haayyys…
TO:
ReplyDeleteSOBER:
Salamat... :) Tama ka nga... ganon ang buhay di mo alam kung magtatagumpay ka o hindi. Hindi kasi hawak natin ang ating kapalaran e.
asteeeg, galing ng pagkakasulat...ramdam ko ang lahat ng emosyon.
ReplyDeleteSabi nga lahat daw ng nangyayari sa atin may purpose si God, at wala siyang ibibigay na pagsubok na alam niyang hindi mo kaya...alam ko na sa pangyayaring yun...naging mas matatag ka:D
nung last post mo medyo na badtrip ako ng konti< konti lang naman kasi nambitin ka nun eh. pero now astiiiiggggg ok n wala na yung pagkabadtrip nyahahaha.
ReplyDeleteuhmmm...lahat kasi ng bagay binibigay Niya saten sa tamang panahon...
ReplyDeletedi pa siguro panahon na mag-abroad ka Marco kaya ganun yung nangyari...
Pero nakakainis yung recruiter na yun ahh...sarap pitpitin ng pinung-pino..hehehe...
may ibang plano si Lord sayo... sana nakita mo na un ngayon. kung bakit hindi ka pinaalis.. kung bakit di ka nakaalis...
ReplyDeletebilib ako sa lakas ng loob mo at pasensya. kung sa iba siguro... dugo na ang kapalit. hehehehe...
i hope ur fine now. and happy...
sa wakas natapos din...
ReplyDeletesayang kung natuloy ka lng sana dito sa dubai, kasama ka namin na gumagala (pag gabi)..lolz..
pwede mo parin subukan, mas chances para sa pangarap mo, pero ingatz lang perekoy
naniniwala pa rin ako parekoy,
ReplyDelete"Ang lahat ng Bagay eh dumarating sa Tamang Panahon..."
Just pray and keep on going!
darating din yung panahon na yun!
walang imposible kapag naniwala ka...
apiiiir!
HappyMothers Day!
NAging biktima ka pala ng ganitong sitwasyon, Mark! Pero sa tingin ko, nakakalimutan mo na ang hapdi na nararamdaman mo noon, makakalimutan mo rin ang tindi ng sakit nito.
ReplyDeleteIturing mo nalang na ito'y isang karanasang mapupulutan mo ng aral, at siguro sa karanasang ito, ay mas lalo kang naging malakas para harapin ang hamong dumarating at parating pa sa iyong buhay!
Tawagan mo ang Lola at Mama mo ngayon. Silang palaging nandu'n lalung-lalo na sa panahong namumrublema ka, hinding-hindi ka nila iniwan o sinisi. Tawagan mo sila at batiin ng 'Happy Mother's Day!'
tara tanggalin naten ang sakit... lolz... uy! happy moms day den sa mom moh... ingatz! =) Godbless! -di
ReplyDeleteHi Marco!
ReplyDeleteI am on break pero napadaan ako dito! ganda ng story mo ah., hehehe
Happy Mother's day muna sa MOM mo!
kaya pala emo ka eh kasi may pinaghuhugutan, hehe... ako rin plan ko umalis kaya todo ipon din but I wish wag naman sana mangyari sakin yun., siguro kung ako yun, pina TV patrol ko pa yung nanloko sakin and idedemanda ko talaga sya para makulong!!! kahit sino pa yung taong yan, kahit matanda sya he deserves it... hehehe
well, anyway, it's not how you suffer from any trials but it's how you uplift yourself and move on! tuloy tuloy lang and you can still continue to fulfill your dreams.
Lahat tayo ay nagngangarap na maiangat ng kahit bahagya ang uri ng ating pamumuhay sa lipunan, at ang pinakamadaling solusyon ay hanapin ang kapalaran sa ibang bansa. Subalit hindi lahat pinapalad, may mga kadahilanan na kung minsan ay mahirap maunawaan. Maaring hindi iyon ang kalooban ng Dyos para sa atin at may iba pang naghihintay na magandang kapalaran sa atin, ang mahalaga ay huwag tayong mawawalan ng pag-asa at manalig lagi sa Dyos at tanggapin ng maluwag ang kalooban ng Maykapal.
ReplyDeleteTO:
ReplyDeleteDETH:
Hehehe… salamat sa pagsubaybay Deth… Siguro nga naging matatag ako… at naku talagang tinitest ang pasensya ko. Hmpt! Hehehe!
ZEB:
Natawa ako sayo parekoy ah… nabadtrip ka talaga anoh… pagpasensyahan mo na…
JEN:
Hahaha… sarap pitpitin ba? Masarap nga saksakin ang mga taba sa katawan ng matandang yon…Pero hmmm nalulunod na ata yon sa utang sa dami nang umatras na mga nirecruit nya.
AZEL:
I’m fine naman… Thanks Azel!
POGI:
Gumala sa gabi? Hmmm… saan yon Ogi?
Try and try nga raw sabi nila, until you die… este until you succeed!
TO:
ReplyDeleteKOSA:
Salamat parekoy… Tagal naman noon parekoy nababagot na ako…. Joke! Tama nga kayo siguro nga may iba SIYANG plano. Hmmm ano kaya yon noh?
RJ:
Yup… nawala na ang hapdi at sakit na nararamdaman ko ngayon pero di ko talaga makakalimutan ang mga nangyayari at nanghihinayang ako talaga at the same time nalulungkot pag naalala ko. Haayy!
Binati ko na po… Salamat!
DHIANZ:
Tanggalin ang sakit? Hmmm ano yon ha? Hehehe!
CHRISTIAN:
Oyyy… thank you sa pagbisita mo… ingat ingat ka rin… at sana maayos maging ang pag-aapply abroad…
THE POPE:
Salamat po Pope… God Bless You! Hindi ko pa siguro panahon para makaalis.
Akchuli, kagabi ko pa nabasa ng buo tong post mo kaso pagka type ko ng mahabang comment, hayun, biglang nag off PC.. May sakit eh..
ReplyDeleteAnyways, yung sa agency ko kasi bago ibibigay ang placement fee, hawak na namin ang ticket.. Safe. Isa pa POEA licensed yun.. May pangalan na talaga silang maipagmamalaki sa POEA kaya recommended nila...
As for you, wag sana dun matatapos ang pangarap mong mag ibang bansa kung yun talaga ang gusto mo.. Training lang yun, mas magiging maingat ka nyan sa susunod.. i prayed for an agency many yeras ago para walang masayang na panahon at pera.. MAhirap kasing naloloko, bukod nga sa nakakapanghinayang ay totoong nakakahiya. Pero stand proud pa rin.. Alam ko kahit anu pang desisyon mo, nanjan ang nanay at family mo to supprt you..
TO:
ReplyDeleteDYLAN:
Ehemm... tats ako ah... thank you Dylan. Ingat!
wala na akong masabi e... thank you sa pagbabasa ng kwento... :)
yay.. npabasa nmn ako..khit hnde ko naumpisahan..pero.. i can still feel the pain.. tsk..
ReplyDeletemay ganun ka plang story.. i guess, God has a reason for everything, kitam.. mas naging close kau ng family mo..:)
tama nga naman.. hnde pera ang makakasira ng isang pamilya diba?..
just have faith in him.. at lahat ng dreams mo matutupad in god's time.. don't lose hope=)..!!
mwapsz
Dre matinding trials yan pinagdaanan mo...pero ang mganda natapos at nkaya mo...pero di ibig sabihin titigil ksa sa mga pangarap mo gawin mong kalakasan yun mga pinag daanan mo cgurado ko may luagar na pra sayo at cgurado mas hihigit pa sa pinangarap mo...tc n Happy Mother's Day sa Mommy mo (hugs Mommee!) tc
ReplyDeletep.s....lol...Sometimes we need to be broken before great blessings comes! tc
ReplyDeletepahabol pare...
ReplyDeleteang hirap sagutin kung matutupad pa ba o hindi na. traumatic kasi yung experience.
ako nga eh gustong gusto ko rin ang umalis kasi ang bagal ng buhay dito sa pinas pero di ganun kalakas ang loob ko.
pero hoping pa rin ako na matutupad pa rin yun!
TO:
ReplyDeleteHONIE:
Hi Ate, musta ang party? nalasing ka ba? hehehe!
salamat pala sa pagdalaw sa aking kuta... kiss mo ko kay miszha!
salamat din sa comments. :)
DH:
Oist!ganon daw ang buhay e... haaayyy malas ko lang dahil sa akin nangyari... hehehe! e ganon nga talaga... trials... daming trials na aabangan at haharapin sa paglalakbay natin.... whew!
MULONG:
akalain mong humabol ka.... hehehe! kahit ako man ay hoping pa rin kahit medyo may konting takot... haaayyy! lakasan lang daw ng loob...
thanks parekoy :)
Hmmmm.... the end! yehey...
ReplyDeleteganyan tlga ang buhay...may darating sa iyong pagsubok...pero sa totoo lang bro, ang hirap ng pinagdaanan mo... pero sa kwento mo at base sa nangyari sayo that time..naging matatag... ur a man!ahhehe...*smile na :)
dont stop to dream... don't lose hope bro... be strong! ngayon, nasubok mo na yan...at alam ko marami kang natutunan sa mga nagyari sau... and i hope and wish na matutupad mo ang dream mong makapag abroad.... just be with HIM...PRAY :)
Godbless bro :)
baka sa susunod pa ang happy ending para sa'yo. yun naman ang aabangan ko,,
ReplyDeletehay fafa mski try and try lang nooo, aba if umalis ka eh di sana di mo nakilala akow nooo!!!nu ka ba!! hahahah, basta makakaalis ka dn kelan un?di ko lam, lols..bumalik ako parang mang ukray noo!! hahahah, joke... just keep on trying ok?ha?ok ha?>hahahaha
ReplyDeleteoo nga naman... kung umalis kah nde kayo magkakakilala ni mareng amor.... hehe... nakisabat... =) Godbless!
ReplyDeleteoo kung umalis ka Dre eh di mo makikilala si princess Dhee!...lol mga uziee eh!...lol tc
ReplyDeleteTO:
ReplyDeleteMAYYANG:
Hi sis... thanks sa pagbisita... wish wish wish for that... hehehe!
STUPIDIENT:
hmm... sana nga :)
AMOR:
Oist! amf!
DHIANZ:
Nag-second the motion din to... tsk tsk tsk! lolz!
DH:
Mas lalo na to... amf! lolz!
o bkt nag aamf ka dyan, nammiss mo lang akow eh, kung anow ano na naissulat mow,hahahaha!!lols..di nko ngayon tangs, akow na si kups lols..
ReplyDelete@dhi mareng dhi tama ka, susme na fafa mski ang shungs talaga di nagiicp, may prpose nga eh if di nakaalis, mas magging masaya kaya sya if andun sya?sus!!mas magging masaya sya sa akin buhahahah!!lols,,,babanat pa yan mare babanat pa yan.lol..
ReplyDeleteTO:
ReplyDeleteAMOR:
SHUT UP! lolz
nice story...isang rolyo ng tissue naubos ko...hehehehe
ReplyDeletehappy mothers kay mami baby...
next time sabay na tayong magpapaloko..tnt joke..
5 star for me....
tc mp