Saturday, May 9, 2009

Makakaalis pa ba?

Part II

Pagdating naming sa Shangrila tumambay pa kami sa food court para maghintay… Shit! Naiinis na ako sa mga oras na yon dahil tawag na nang tawag ang Nanay ko at mga kamag-anak ko. Kung anu ano na ang mga sinasabi. Hindi na rin ako makapag-isip ng matino dahil nadadala na ako sa mga pinagsasabi nila. Kinukulit na namin siya kung talagang makakaalis pa ba talaga kami.

“Dong, hintay lang kayo inaasikaso pa ang ticket niyo.”

Hanggang kailan? Tanong ng isip ko. Buong araw kaming nakatunganga sa food court ng Shangrila kaya naman hinding hindi ko makakalimutan kapag napunta ako doon. Haayyysss… buhay nga naman!

Makalipas ang mahabang oras na paghihintay… ang sabi,

“Dong, ihanap ko na lang kayo ng mauupahan para makapagpahinga muna kayo bukas na ma-release ang ticket niyo.” may ganon...

Ewan ko ba halos sunud sunuran na lang kami sa mga sinabi niya. Hinatid kami sa may motel sa pasig, yong maraming nakahilira dyan sa may pasig. Haayy natatawa na lang kami ni kumpare… akalain mong iisang kwarto lang ang inuupahan para sa amin. Tsk! Damn you, tanda! Pero ok lang at least may makakausap…

Kinabukasan maaga kami nagising dahil ang sabi alas singko daw kami aalis papuntang airport. Sana nga makaalis na kami para wala nang mga tanong at mga pangungulit ng mga kamag-anak… naghintay na naman kami nang matagal sa may Jollibee sa crossing. Lintik talaga! Nahihiya na ako dahil pinagtitinginan na kami ng mga crew dahil halos kalahating araw na kaming nakaupo doon dala dala ang mga maleta.

Haayy salamat at dumating din siya… mabuti naman at pinakain niya muna kami dahil nahihilo na kami sa gutom…

“Ate, ano nang mangyayari sa amin? Matutuloy pa ba?”

Ngiti lamang ang sagot niya sa amin. Ano bang ibig sabihin ng mga ngiting yon? Pinipilit naming siya magsalita kung ano ba talaga ang mangyayari sa amin. Alas kwatro na ng hapon pero nanatili pa rin kami sa kinauupuan namin. Wala pa ring balita. Ano na ba talaga? Kinukulit na naman ako ng mga kamag-anak ko… dini-discourage na nila ako pero nanatili akong matatag at pinaninindigan ang desisyon ko. Itutuloy ko ito!

Inaabot na kami nang gabi sa crossing pero wala pa rin talagang nangyayari sa amin. Hinatid na naman kami sa isang apartelle at doon magpalipas ng gabi dahil ang rason bukas na makakaalis…sure na! Lagi na lang bukas! Bukas!

Exhausted na ako sa mga araw na iyon… pakiramdam ko para akong naglayas na walang patutunguhan. Gusto ko na ring sumuko sa pangarap ko pero nilakasan ko ang loob ko. Binalewala ko lahat ng mga negatibong pananaw ng mga kamag-anak ko. Hindi ko pinagkinggan ang lahat ng mga sinasabi nila dahil naniniwala pa rin na matutuloy ang pag-alis ko.

“Dong, hintay lang kayo sa tawag ko ha… “

Kinabukasan (ulit?!) nag-stay lang kami sa apartelle na inuupahan niya para sa amin binigyan kami ng food allowance at binayaran ang upa ng apartelle. Nakatanggap ako ng tawag noong araw na iyon… si kuya yon. Pinapauwi na ako dahil sobrang nag-alala na si Inay at iyak nang iyak na raw. Kahit ako man ay naiiyak na sa pangyayaring iyon. Pero sabi ko, ok lang ako konting tiis na lang at makakaalis na ako. Pinilit kong maging kampante para sa kanila. Pinilit kong pakalmahin ang pamilya ko. Kahit ako ay medyo nahihirapan na rin pero lakas loob kong harapin ang hamon na ito. Hamon na hindi ko alam kung kailan matatapos….

“puro na lang kayo bukas… sabihin niyo na lang ang totoo!”

Susuko na ba ako?


Itutuloy…..


P.S.
Pasensya na medyo bitin… inaalala ko lang muna ang mga nangyayari sa akin noon…

31 comments:

  1. wala pa akong masabi...bitin eh lolzz

    ReplyDelete
  2. antatag mo dude...ahahaha
    at ang haba ng pasensiya niyo sa agent niyo ah...kung ako yun naku umuwi na ko! papaabangan ko na lang siya sa kanto...joke joke joke...o sige na tuloy mo na...tapos?

    ReplyDelete
  3. TO:

    LORD CM & DETH:

    Wag atat... hehehe!

    ReplyDelete
  4. bitin pa rin...parang expressway to ah! mahaba..

    "may bukas pa..."hehehe

    ReplyDelete
  5. TO:

    POGI:
    Pogi, pinatawa mo ko ah... lolz! expressway ba? hahaha...

    ReplyDelete
  6. maghihintay din kami? hayyyyy....

    ReplyDelete
  7. honeybee,(hahaha)

    bitinerz pa ren..
    saka na ulit ako magsasabi ng kung ano mang sasabihin ko sa susunod na kabanata na lang hehehehe

    ReplyDelete
  8. TO:

    STUPIDIENT & HU U?:

    sige... ! :)

    ReplyDelete
  9. haha nabitin na nman ako dun ah...aabangan ko yan. anu ano na naiisip ko. parang nanunuod ako ng teleserye.hehe mgaling mgaling...

    ReplyDelete
  10. TO:

    HARI:
    Sensya na... kung nabitin ka... hehehe!

    ReplyDelete
  11. Kailangan ko 'atang magbasa ng mga previous posts mo, Mark. (,"o

    ReplyDelete
  12. ayos! original kah bro... puro itutuloy... para lang kme nanonood nang telerserye... kelangan tlgah namen abangan para malaman ang kasunod... tsk! lolz..

    syempre nde tlgah makahirit pah... kaya naman... aabangan koh na lang uletz ang susunod na kabanata =)

    GODBLESS! -di

    p.s. teka sino si honeybee? naks may secret admirer kah atah eh... =)

    ReplyDelete
  13. Nyak! Bitin (again?!)

    Sa bagay matagal-tagal na nga naman na yun, cge lang alalahanin mo muna ang detalye sa kwento mo..;)

    ReplyDelete
  14. ayunz! nabitin din ako bro...hehehe


    pero sabi nga ni sis dhianz! kelangan naming abangan kung anong sumunod na nangyrai.. :)

    ReplyDelete
  15. nyahahha di ka nakaalis tangs!!ksi nga if nakaalis ka eh di wla kana ditow buhahahahha!!1lol

    ReplyDelete
  16. Bitin. Haha. :) So yea. Just dropping by. ^w^

    ReplyDelete
  17. wahhh...
    galng mambitin..talented.hehe
    lookin forward to the continuation.=)
    nkakainis ung ate.grh.

    ReplyDelete
  18. kaka-frustrate yung ganyan... i feel for you.

    update moko ulet sa part 3! (--,)

    ReplyDelete
  19. mukhang happy ending naman ito. ;)

    ReplyDelete
  20. Dre, pasensyoso ka pala....tlagng sinusubok ka ng tadhana... :) Dre kahit ano pa man mangyari dito sa eksperyens mo cgurado ko may dahilan na mganda....tc

    ReplyDelete
  21. ok ahhhhh...
    sobrang haba ng pasensya...
    kung ako yun, sinunog ko na lahat ng motel na pinagparadahan sa akin...lols

    lalo na ako, di nakakatagal sa lakaran na madaming bagaheng dala-dala..lols

    sige aabangan ko ang susunod

    ReplyDelete
  22. i agree with kuya DH... true... may magandang dahilan si God ba't nangyari 'un... =)

    sige... we'll wait for part 3...

    enjoy ur weekend.=)

    GODBLESS! -di

    ReplyDelete
  23. malay mo dba Dhee saan ka ba Dhee nkatira? ...lol oist! sowee Marco akala ko ym to eh...lol

    ReplyDelete
  24. familiar ang anecdote na yan..mga pagtitimpi sa airport. KALMA ka lang, sabihin mo husaah!

    bastat tandaan mo lagi, hindi mo ikakapogi ang init ng ulo..kaya suntukin mo agad. haha!

    wala ako sa katinuan

    ReplyDelete
  25. TO:

    DHIANZ:
    Stalker yan sis... hmpt! imbestigahan mo nga...

    DYLAN:
    Sige lang... matatapos ko na ang huling part sa king eksperyens...

    MAYYANG:
    Pasensya na kung nabitin kayong lahat... :)

    AMOR:
    Abnuy ka talaga kahit kelan... amf amf amf ka!

    UMI:
    Thanks sa pagbisita... ;)

    SOBER:
    Grrrrr talaga.... buti nga may respeto pa ako... dahil kung nawala yon... pinatay ko na talaga ang tanda na yon! hmpt!

    CHYNG:
    SUre Chyng... update kita :)

    Ingat

    REYJR:
    Happy? hmmm... abangan mo na lang bro :)

    DH:
    Biyaya yon galing sa ITAAS hehehe... naku parekoy kung hindi ko hinabaan ang pasensya ko... malamang nasa kulungan ako ngayon dahil papatayin ko na yon! :)

    KOSA:
    Buti na lang parekoy mahaba ang pasensya ko... :)

    DHIANZ:
    Yup.. pero ba't ang tagal? naiinip na ako e... hehehe!

    DH:
    YM ito parekoy ah... lolz

    ReplyDelete
  26. TO:

    JUYJUY:
    Baka di lang suntok JUy.. baka saksakin ko na... lolz

    ReplyDelete
  27. ang lintik naman oo... waaaaah biglang nabadtrip, kasi nabitin nanaman sa pangalawang pagkakataon. lolz marco!!! nyahahahaha

    ReplyDelete
  28. TO:

    ZEB:
    Hahaha... na-badtrip? easy lang Zeb... lolz...

    ReplyDelete
  29. Well this is okay from the start, but we'll be waiting for the part III of your anecdote, I agree with Dhianz you got an originality in writing and we will await the continuation.

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D