Monday, September 3, 2012

More lakwatsa. Its More Fun in the Philippines

Hello mga ka-empi! Kamusta naman kayo? Ako, ito....gwapo pa rin. Haha! Joke lang! Ang totoo, isang buwan pa lang yata akong nagfufoodtrip...pero feeling ko ang laki na ng na-gain kong timbang. Ganda! Parang feeling ko ang bigat bigat ko na. Lumalapad ang katawan. Bumibilog ang mukha. Whew! Sarap kasing kumain. Pero ang hirap naman mag-diet! E di kain na lang ng kain. Sabi nga ng globe, go lang ng go!

Ang dami kong gala nitong weekend. Akala nila ang dami kong pera. Hahaha! Pero, laging butas ang bulsa. Pero, tipid naman ang mga gala ko. Budgeted kumbaga! Enjoy lang sa buhay hangga't humihinga pa. Kapagod magpa-stress sa buhay at mas lalong nakakapagod kapag ini-entertain mo sya. Di ba? Kaya, libangin ang sarili para hindi ma-bored!

Narito na mga kaganapan ng aking weekend! 

FRIDAY: STARCITY DAY
As usual, invited ako ng aking very own JRo (kasama si zai at ann na officemate nila), gamit ang voucher (oh, di ba sabi ko nga tipid ang mga gala). Kinita ko sila sa may metropoint tapos kumain muna bago umalis. Asar ako sa mga taxi driver na namimili. Nag-sign f*ck u ako! Bad ko! Lol!

Ang saya lang pumasok doon sa mga gulat eksena tulad ng Kilabot ng mummy. Haha! Parang tanga lang, tinatakot ang sarili. Lol!

Pero, hindi ko kayang sumakay sa star flyer, surf dance at freesbie ba tawag don? yong parang ibalibag kayo. Haha! Pakiramdam ko, lalabas mga intestine ko. Lol!

At pumasok naman kami sa snow world...lintik sa kalamigan! Pag labas ko, bigla akong sinamaan ng katawan at biglang na-haggard. Kaasar! Haha!


SATURDAY: EATINGDAY
Pagkatapos ng gala, kainan na naman. Sabi sayo e, tumataba na ako. Sino ba naman ang hindi tataba e kain ng kain. Tapos, reklamo ng reklamo na tumataba! Ang gulo lang, di ba?

Inaya kasi ako ng kaibigan ko na mag foodtrip, e di sige! Ako pa! Naalala ko noong naging lamon king ako. Hahaha! Anyways, wag ng tanungin at mahaba ang story nyan at ayaw ko ng balikan pa at maalala. Forget the past! 

moving forward.....

Ayon, kumain kami sa Antonio's Bibingka and coffee. Super BIG special pa ang inorder namin ha, at ayon, bundat na agad! Bigat sa tyan! Hahaha!

Pagkatapos niyan, punta naman kami sa Fancy Crepes, inorder ko ay mango madness nila, yong kasama ko naman ay bananutella, masarap siya! 

At dahil masuka-suka na kami sa kabusugan, nag-cha dao tea naman kami para mag relax ng konti.


SUNDAY: CLIMBING DAY
Dahil kahapon ay lamon day, ngayon naman ay patadtad ng taba day! Hahaha! Ayon sa tracker ni Kuya, nasa 3600calories ang na-burn sa aming katawan. Oh, di ba? Tadtad! E paano naman kasi, inakyat namin ang Mt. Batulao sa Nasugbu, Batangas.

Hanep sa adventure ang araw na ito dahil maulan ulan. Pero God is good dahil hindi Niya pinalakas ng husto ang ulan. Kaya, tuloy ang mountain climbing...

Dadaanan kami sa sampung campsite bago namin marating ang tuktok ng bundok. Nakikita mo yang picture na nasa gitna, yan ang inakyat namin, nag-start kami sa left na bundok, yan ang tinatawag nilang old trail. Then, paakyat doon sa pinakatuktok....pababa naman sa right side. Bago mo marating ang tuktok, ay magra-rock climbing ka.

Grabe! Sobrang nginig ang mga tuhod bago ko narating ang tuktok na iyan. Halos hindi ako makatayo sa nginig. Saka, may fear of heights din ako. Noong tumayo ako, feeling ko itutulak ako pababa. Haha! Pero, hindi ko iniinda iyan. Ang sarap kaya ng pakiramdam lalo na't makikita mo ang ganda ng likha ni Papa Jesus. Tapos yong iba, aabusuhin. Tsk! Tsk!

Anim na oras naming inakyat ang bundok na iyan, dahil puro pahinga kami at dahil na rin sa maputik na daan kaya todo ingat baka mahulog sa bangin. Madulas pa!

Salamat Jin, Lito, Xt at jason!

O sya, hanggang dito na lamang at ako'y inaantok na.

Salamat sa mga nakakasama ko simula noong friday, saturday hanggang sunday!

***salamat sa mga larawan (starcity pics and mt batulao pics)

40 comments:

  1. hahaha . san tinuloy muna anggang monday ... nakita ko pic mo kay zai hahahah yun pala itsura mo .. #pogi

    ReplyDelete
  2. ikaw na talaga ang punong puno ng kulay ang buhay. super adventure. hehe sana makaakyat din ako ng bundok someday.

    ReplyDelete
  3. andami mong adventure!!!! ansarap sigurong maka-experience ng ganyan. hahahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ikaw din naman khants! Mas madami pa nga e.

      Delete
  4. eh di ikaw na ang maraming lakwatsa! :P
    kainis ka nagcrave tuloy ako sa mango crepe *tulo laway*

    kinilig pala ko sa "...ng aking very own JRo..." :)

    ReplyDelete
  5. O ha! ikaw na ang tourism ambassador!!! haha. nice to know you enjoyed your escapes. apir para sa mga susunod pa!

    ReplyDelete
  6. ibang level ang "aking very own JRo", hahaha. Takot sa heights kaya hindi sumakay ng balibag rides pero umakyat sa buwis buhay na trail, hmp!!

    naks, gwapo raw, nahahawa ka na ng confidence level saken ah! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. nakakahawa ka kasi e. Hehehe!

      Ibang adventure naman kasi yan. Kesa doon sa ibalibag ka. Haha

      Delete
  7. bongga! hehe :)

    kain lang ng kain... habang humihinga pa...
    gala lang gala habang nakakagala pa kahit butas bulsa... hehe

    mahirap kapag bored ang life :P

    ReplyDelete
  8. Naks, sinasalamin ng post mong ito ang grateful heart mo, MP. Busy ang weekend ah. Pero oks lang yan, ang importante yung mga ginagawa mong bagay ay napapasaya.
    Pag nagawi akong south, sana ay maakyat ko rin ang Mt. Batulao.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo, Miss N! Masaya talaga. Thanks!

      Akyatin mo na rin. :D

      Delete
  9. eh di naging sobrang makabuluhan ng weekends mo :)

    ReplyDelete
  10. buti ka pa dame mo nagawa ako eto bahay lng parate hahaha nagapataba

    ReplyDelete
  11. kainggit, ako di pa nakapunta star city hehe

    ReplyDelete
  12. Ayus andami nyang gala at andami nyang pera kasi meron syang pangbudget! Tama yun,go lang ng go!

    ReplyDelete
  13. more gala more fun! ang saya sa star city no?

    nagutom ako sa bibingka!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo! Lalo na doon sa part ng sigawan dahil nagugulat o natatakot. LOL!

      Delete
  14. Grabe yan ang todong gala ng bonggang bongga!

    ReplyDelete
  15. Looks like there was lots of good food for everyone to eat. :P

    ReplyDelete
  16. Yan na nga ang sinasabi savour life.kung walang time maghanap.
    wag lang maeeenganyo sa kain.

    ReplyDelete
  17. WOW! ang daming adventures ah! ayoko ng food trip.. gusto ko yung mountaineering! more more more!!! :)

    ReplyDelete
  18. "very own JRo"? Mag diet na ako para sa kasal!

    I thought the Bibingka looked like lechon. hehehe.

    More pics next time sa mga nature adventure mo.

    ReplyDelete
  19. Lamon lang nang lamon at pag tumaba ka nga, hindi sila dapat makialam, kasi pinaghirapan mo ring i-gain yan hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka dyan, glentot! Pinaghirapan din yon.

      Delete
  20. mukhang u had so much fun friendship... happy for u =)

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D