Showing posts with label Christmas. Show all posts
Showing posts with label Christmas. Show all posts

Saturday, December 22, 2012

Get together

Ang Pasko ay panahon ng pagtitipon ng mga kaibigan, kamag-anak, kasalukuyang ka-trabaho at dating mga naging ka-trabaho. Sa araw na ito ay kahit may kanya kanyang buhay na ang bawat isa ay nagawa pa rin punan ang isang araw o kalahating araw para lamang magkakasama-sama ang mga taong naging parte na ng ating buhay.

OFFICEMATES
Iba't ibang departamento ngunit nagkakasundong lumabas at mag-exchange gifts. Naging kaibigan na rin kahit papaano. 

Iba't ibang suggestion kung saan kakain. Kung dinner ba, o lunch. Kung inuman ba o kainan na lang. Pero nauwi ito sa Christmas lunch out. 


Pagkabalik sa office namin. Nag-exchange gifts naman kami. Ang saya lang kasi iba't ibang wishlist at kakaibang codename ang mga ginamit kaya hulaan kung sino ang nabutan ni kuwan, ni kuwan at ni kuwan...

EX-OFFICEMATES
Maagang umuwi dahil nakipagkita pa ako sa isang kababayan ko sa Glorietta at nag shopping na rin ng kaunti. Kumain. Nagkape. Kumain ulit.

Kinagabihan naman, dumerecho naman ako sa mga dating kong kaopisana para mag get-together kami sa isang hotel na pina-reserved namin.

Late pa ako nakarating. Tsk! Buti na lang di pa sila nag umpisa pero tapos na silang kumain noong dumating ako. Syempre, busog na busog na rin kaya kahit gusto ko ang pizza. Hindi ko na pinansin baka magka-dyspepsia na ako. Lol!

I met them sa may ministop sa baba ng GoHotel. At doon bumili kami ng maiinom. Noong nasa cashier na kami sabi ng guard "bawal mag-inuman sa hotel" at buti na lang naipuslit pa rin namin ang mga inumin. Ang ginawa namin tinanggal ko ang laman ng backpack ko then, binalot ang inumin sa isang plastik bag at recycle bag. At pumasok sa hotel......ayon naaaaaa!!!! Tagay na!!! LOL!

Pero ang ginawa namin ay kung sino yong pinakamababang nakabunot sa baraha ay siya ang iinum ng alak. Malas ko lang dahil lagi kong nabubunot ay ang pinakamababa. Asar!!!! LOL

GIFTS
Thank you sa mga nagbigay ng gifts para sa akin. Sa mga boss ko. Sa nakabunot sa akin, thank you sa bonnet at tumbler. Syempre, niregaluhan ko din sarili ko. Sa lahat....THANK YOU!

Wednesday, December 5, 2012

Update, update lang muna...

Buon Giorno! 

Ako narito na naman para sabihin sa inyo na may isang malaking pakontes akong gagawin. Ang mananalo ay makakasama ko sa Europe Tour ko. Game? Hahahaha!

Ayan, ayan...nawala na naman ang gusto kong isulat. Anak ng....tsk tsk tsk!

Ito na nga lang.....magpaparinig na lang muna ako tutal malapit na rin ang Pasko. 

Empi's Wishlist:

  • Notebook - hindi ordinaryng notebook yan ha...gusto ko maganda, kakaiba, unique. Minsan kasi kapag tinatamad akong magblog. Ite-take-note ko na lang siya sa notebook ko. Saka, mga itinerary sa mga pamumundok ko at kung anu ano pang pwedeng isulat.
  • Bonnet - kahit anong kulay basta dark color. Dumihin kasi akong tao kaya ayoko ng light colors.
  • Sports Tumbler - pwedeng magamit sa pamumundok ko at pwedeng magamit kapag nagjojogging ako.
  • Running Shirt (dri-fit) - Medium size. Dark Color
  • Backpack - yong pang-dayhike. oks na...at kung ikaw ay super galante na friend ko, pwedeng magrequest ng......
  • CAMERA? LOL
Ayan lang po...maraming salamat in advance. Ahihihi!

Teka, ume-EB pala ako noong monday. LOL! Huling EB sa taong 2012.

Nice meeting you; Jaid, Mar, Bino, Theo, Joanne, Zai, Arline at Hash (ayan ha, alam ko na pangalan mo nah nah! Lol)




Monday, December 20, 2010

Maligayang Pasko

Dito'y mayro'ng caroling at may simbang gabi
At naglalakihan pa ang christmas tree, ang christmas tree
Kakaiba nga naman talaga ang Pasko dito sa ating bansa
Makikita mo ang naglalakihang Parol at Christmas Tree sa loob at labas ng mga Mall.

Giant Christmas Tree, Ocean Park

Giant Christmas Tree, Quirino Grandstand


Giant Christmas Tree, Manila Cathedral



Giant Christmas Tree, Robinson Ermita

Giant Christmas Tree, MOA
At syempre hindi mawawala ang mga regalo.... kaya, SALAMAT ng marami sa mga nag-iwan ng regalo sa work station ko. Pwede pa kayong humabol... Hahaha!

Maligayang Pasko sa lahat!!!


Wednesday, December 8, 2010

Lets Sing It

Naalala ko noong ako'y High School pa lamang ay itong kantang ito ay kinanta namin sa isang competition at nagwagi kami sa competition na iyon. Kaya hindi ko ito makalimutan... i-dedicate ko ang kantang ito sa lahat ng OFW at sa lahat ng tao na malayo sa kanilang pamilya at mahal sa buhay, na hindi makakasama ang kanilang mahal sa buhay sa darating na Pasko.


This is one of my favorite Pinoy Christmas Song, Sa Araw ng Pasko (background music).







'di ba't kay ganda sa atin ng pasko
Naiiba ang pagdiriwang dito

Pasko sa ati'y hahanap-hanapin mo

Walang katulad dito ang pasko



Oo, napakaganda ang pagdiriwang ng Pasko dito sa ating bansa... we really feel the spirit of Christmas.


Lagi mo na maiisip na sila'y nandito sana
At sa noche buena ay magkakasama



We certainly miss the foods na nakahain sa ating hapag-kainan, na kasama natin ang mga mahal natin sa buhay, na makikita silang nakangiti at masaya.


Ang pasko ay kay saya kung kayo'y kapiling na
Sana pagsapit ng pasko, kayo'y naririto

Kahit pa malayo ka, kahit nasaan ka pa

Maligayang bati para sa inyo sa araw ng pasko



Yeah, magiging masaya sana kung kumpleto ang pamilya sa pagdiriwang sa kapanganakan ni Papa Jesus. Pero kahit malayo ka man, kahit nangungulila, kahit nangangarap na sana sa pagsapit ng pasko ay kasama sila. Maligayang bati pa rin para sa inyo sa araw ng pasko!

Sa ibang bansa'y 'di mo makikita

Ang ngiti sa labi ng bawat isa

Alam naming hindi n'yo nais malayo

Paskong pinoy pa rin sa ating puso



Sabi ko sa pinsan ko kahapon na nakausap ko sa YM, natanong ko sa kanya kung kamusta ang pasko doon, sagot niya ay "Ibang iba ang pasko dito, di tulad diyan sa atin na masaya!"


I hope you enjoy the song! Maligayang Pasko (in advance!)