Sa wakas, nakapag-jogging na rin ako. First time kong mag jogging sa taong ito. Ewan ko nga rin kung bakit nahinto ang weekend routine ko na iyon pero ngayon ay aking ibabalik. Sobrang na-excite yata akong tumakbo at tinodo ko. Resulta? Masakit ang mga binti ko. Tsk!
Dapat ay may kasama ako sa pag-jogging pero hindi natuloy. Ewan ko sa kanya! Nagulat na lang ako na nasa terminal ng bus na at aakyat daw ng bundok. Hehehe! Pero na-karma siya, katabi niya raw kasi ay matanda at sabi pa niya, matutulog na lang daw siya sa byahe. Sagot ko naman, "Wag kang matulog. Hahalikan ka ng matandang katabi mo." Hayup ka! Tnt, reply nya. Kung makahayup naman parang dinig buong QC ah. Tsk!

photo credit: flickr.com
Okey, balik tayo sa pagjojogging. Alam mo ba, kung gusto mong pumayat magjogging ka. Epektib. Promise po! Noong sineryoso ko kasi ang pagjogging way back 2008 or 2009 yata 'yon ay pumayat si MPoy. Hehehe! Alam ko may magrereak. Pero totoo, pumayat talaga ako. Pakita ko pa picture ko. Hehehe!
Ang larawan pala na nasa itaas ay galing dito. Salamat sa larawan ha. Hehehe! Kinuha ko lang siya talaga kay lolo flickr. *kindat*
Pagkatapos magjogging ay umattend ng mass pero hindi ko gusto ang Pari. Sorry ha, hehehe! Bakit hindi gusto ni empi ang pari? Ewan, nakakairita siyang magsalita. 'Yong Lord na salita ay binibigkas niyang "Lor". Yeah, with silent letter "d." It's like "Lor, have mercy!"
Ewan ko kung bakit ganun ang pagbigkas niya. Hindi ko alam kung anong lahi ni Father. :)
Sorry Lord kung hindi ko tinapos ang mass kanina. Sorry po!
Pagdating ko ng kubo nagpahinga ng konti at nagnet... Oo, may load ang smartbro ko (kaya nakapagnet sa kubo) at unli pa. Bleh! Lol!
Sabi ko, hindi ako lalabas ng kubo ngayon. (patalastas: kinanta na naman ng lalaki sa may kanto ang SHINE ni Regine V. Sakit sa tenga lakas ng volume. tsk!) Pero...parang gusto kong lumabas. Kaya, dali dali akong naligo at nagbihis at nagpabango at nagsapatos at umalis na ng kubo.
Sana makaabot ng mass sa EDSA Shrine.......
Pagdating ng Ortigas! Wehhh.... muntik ko ng hindi naabutan ang mass. Foreigner din si Father pero okey naman siya.
Pasado alas dose na natapos ang mass kaya pumasok muna si MPoy sa mall at nag lunch. Oo na, alam ko na kung ano sasabihin mo. Lamon King nga e. Di ba???? :D
Wala akong kahilig hilig sa pasta... nasusuka ako pag kumakain ng pasta (Joke lang!). Bwahaha!

Ito po ang order ni empi.... PASTA PROCCACIA (with ham, mushroom, and garlic in olive oil) worth of 160php plus icedtea worth of 40php equals 200php... ang lunch ni MPoy. Tsk! Dapat nag tinapay na lang ako e, nakamura pa sana!
Kung gusto mong itry, punta ka lang sa 2nd level Rodeo Drive, Robinson Galleria, Ortigas. Hanapin ang PIADINA ITALIAN PASSION FOOD.
'Yon lang po... Bye! *kindat*