Sunday, January 30, 2011

Yes, first time!

Sa wakas, nakapag-jogging na rin ako. First time kong mag jogging sa taong ito. Ewan ko nga rin kung bakit nahinto ang weekend routine ko na iyon pero ngayon ay aking ibabalik. Sobrang na-excite yata akong tumakbo at tinodo ko. Resulta? Masakit ang mga binti ko. Tsk!

Dapat ay may kasama ako sa pag-jogging pero hindi natuloy. Ewan ko sa kanya! Nagulat na lang ako na nasa terminal ng bus na at aakyat daw ng bundok. Hehehe! Pero na-karma siya, katabi niya raw kasi ay matanda at sabi pa niya, matutulog na lang daw siya sa byahe. Sagot ko naman, "Wag kang matulog. Hahalikan ka ng matandang katabi mo." Hayup ka! Tnt, reply nya. Kung makahayup naman parang dinig buong QC ah. Tsk!


photo credit: flickr.com

Okey, balik tayo sa pagjojogging. Alam mo ba, kung gusto mong pumayat magjogging ka. Epektib. Promise po! Noong sineryoso ko kasi ang pagjogging way back 2008 or 2009 yata 'yon ay pumayat si MPoy. Hehehe! Alam ko may magrereak. Pero totoo, pumayat talaga ako. Pakita ko pa picture ko. Hehehe!

Ang larawan pala na nasa itaas ay galing dito. Salamat sa larawan ha. Hehehe! Kinuha ko lang siya talaga kay lolo flickr. *kindat*

Pagkatapos magjogging ay umattend ng mass pero hindi ko gusto ang Pari. Sorry ha, hehehe! Bakit hindi gusto ni empi ang pari? Ewan, nakakairita siyang magsalita. 'Yong Lord na salita ay binibigkas niyang "Lor". Yeah, with silent letter "d." It's like "Lor, have mercy!"

Ewan ko kung bakit ganun ang pagbigkas niya. Hindi ko alam kung anong lahi ni Father. :)

Sorry Lord kung hindi ko tinapos ang mass kanina. Sorry po!

Pagdating ko ng kubo nagpahinga ng konti at nagnet... Oo, may load ang smartbro ko (kaya nakapagnet sa kubo) at unli pa. Bleh! Lol!

Sabi ko, hindi ako lalabas ng kubo ngayon. (patalastas: kinanta na naman ng lalaki sa may kanto ang SHINE ni Regine V. Sakit sa tenga lakas ng volume. tsk!) Pero...parang gusto kong lumabas. Kaya, dali dali akong naligo at nagbihis at nagpabango at nagsapatos at umalis na ng kubo.

Sana makaabot ng mass sa EDSA Shrine.......

Pagdating ng Ortigas! Wehhh.... muntik ko ng hindi naabutan ang mass. Foreigner din si Father pero okey naman siya.


Pasado alas dose na natapos ang mass kaya pumasok muna si MPoy sa mall at nag lunch. Oo na, alam ko na kung ano sasabihin mo. Lamon King nga e. Di ba???? :D

Wala akong kahilig hilig sa pasta... nasusuka ako pag kumakain ng pasta (Joke lang!). Bwahaha!

Ito po ang order ni empi.... PASTA PROCCACIA (with ham, mushroom, and garlic in olive oil) worth of 160php plus icedtea worth of 40php equals 200php... ang lunch ni MPoy. Tsk! Dapat nag tinapay na lang ako e, nakamura pa sana!

Kung gusto mong itry, punta ka lang sa 2nd level Rodeo Drive, Robinson Galleria, Ortigas. Hanapin ang PIADINA ITALIAN PASSION FOOD.


'Yon lang po... Bye! *kindat*

38 comments:

  1. naks...good living...ako natigil na simula nung nag uulan noong december... nakamiss magjogging..pero mas masarap pag may kasama ka...

    ReplyDelete
  2. hahaha. ako madaas din sa circle nagjojogging dati.. ngayon hnd na kaya tumataba..

    ReplyDelete
  3. smart bro mo? ok.. sabi mo eh.. :P

    sinong umakyat ng bundok?
    tae ka.. hindi tuloy ako makatulog ng ayos.. bawat galaw nung mashondang iskeyri na manong eh nagigising ako. hayup ka talaga. lol

    pumayat ka nun? parang ala namang pinagbago. mygawd! hahahahaha

    ReplyDelete
  4. baka kase Lord talaga yon, humihina lang ang boses nya. parang si Robin Padilla sa mga movies nya. pansinin mo. LOL

    gusto ko na ding magjogging, wala kase akong jogging pants. :(

    ReplyDelete
  5. Wow! Jogger!

    Ako mas gusto ko umupo...hehe...tutal naglalakad naman ako araw araw kapag pumapasok sa trabaho. Solb na yun.

    Dapat may picture ka na "Before" at "After" para mapatunayan nga na pumayat ka na.

    ReplyDelete
  6. natikman ko na rin yong pasta dyan. pero di ko trip.

    so kumusta ang jogging? masakit ang tuhod? hahahaha.

    baka ako uumpisahan ko pagjojog kung sisispagin ako. kelan? di ko alam.

    ReplyDelete
  7. nagpapasexy talaga si Mc Coy.

    dahil naiinggit ako sa pasta, dinner ko rin yan inorder sa amor pasta restaurant :)inggitera lng ako pagdating sa food :)

    ReplyDelete
  8. wow dyaging. hahaha may jogging shoes :P

    ReplyDelete
  9. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  10. @ MOKS: Ako, laging nag iisa pag nagjojogging. :(

    @ KIKILABOTZ: Apir. Hehe!

    @ AMOR: Weh? Andito ka ba? Lol

    ReplyDelete
  11. @ YANAH: Oo... smart bro ko ito. hahaha!

    Grabe talaga kung makahayup oh.

    KONTRABIDA na naman.

    ReplyDelete
  12. @ RAINBOW: Ate pretty... hindi e... dinig na dinig ko kaya... without letter d talaga yon.

    @ ISHMAEL: Wow. Magandang exercise yan. Hehehe!

    Wag na yong pic. Nahiya ako. :D

    ReplyDelete
  13. @ MANG POLDO: Mukhang di naman italian. hehehe!

    masakit binti ko hahaha... at tuhod. tsk!

    naku kelan ka kaya sisipagin niyan. :D

    @ BHING: Inggitera talaga si ate. hehehe!

    ReplyDelete
  14. Ilang oras ba ng pag-jog ang kailangan para pumayats? mukang mahaba-habang joggingan ang need ko. :D

    ReplyDelete
  15. WOW. SARAP NAMAN MAG-JOGGING.
    PERO MAS MASARAP YANG PASTA NA YAN.

    YOU MAY VISIT AND FOLLOW MY BLOG ;)
    INGATS

    ReplyDelete
  16. yun oh! pagkajogging kain ng marami lol

    ReplyDelete
  17. taray ng weekend! refreshing!
    tama yan food trip after jogging. hehe

    ReplyDelete
  18. nakakawala rin ba ng balahibo ang pagjajogging? lolzz

    ReplyDelete
  19. @ KHANTO: Hehehe... kaya mo yan! Suportahan kita dyan! :D

    @ ARVIN: Thanks!

    ReplyDelete
  20. @ DEMIGOD: Mas masarap kumain kesa magjogging. Hehehe! Add kita sa blogroll ko.

    @ BINO: Bwahaha. Yon lang, bumawi din after jogging! :D

    ReplyDelete
  21. @ CHYNG: Hahaha. Oo nga, Chyng e! Balewala din ang pagjogging.

    @ CM: Napaisip ako... ano kaya konek sa balahibo sa pagjojogging. Hahaha! Ang adik mo!

    ReplyDelete
  22. nice one Empi! stay fit!

    buti ka pa, nakakasimba ka pa... hehehe!!!

    ReplyDelete
  23. naks.. ayos yan parekoy... ako walang hilig magjagging.. kakatamad kasi bumangon ng maaga. hehehe... after jogging, mass then food trip hahaha.. galing..

    ReplyDelete
  24. wow ang yaman, pa pasta pasta nalang

    ReplyDelete
  25. Tingin ko nga epektib talaga pag-jojogging.. sinubukan ko kase..kaso 1 buwan lang ako nakatagal. Tapos.. Papayat ako konti.. pero babawiin ko lang ulit tapos tataba pa rin lalo.

    Hahah.. nakasimba ka na sa umaga..nagsimba ka pa sa gabi.. hahahaha... Ang mahal naman ng lunch mo 200.. hahaha.. pang-sisig lang ako sa kanto

    ReplyDelete
  26. Hilig ko kumain. masarap ang pesto para sakin :)

    ReplyDelete
  27. nakakatamad naman kasi magjogging magisa..haaayyyy..buti kapa..

    ReplyDelete
  28. mukhang masarap yung pasta yummm!anyway..di ako nakakpagexcersie kaya unhealthy ako hehehe

    ReplyDelete
  29. galing! endorsor ka na pala ngayon?

    pwes,hindi epektibo ang pagpo-promote mo kasi di ako naganahan..ayaw ko rin ng pasta..hindi ako nanlalaway pag may nakikita akong pasta..

    patawad, sarcasm lang..haha..syet! nakapanlalaway yang pic mo ng pasta na yan..

    ReplyDelete
  30. Dahil ba sa pari kaya hindi mo tinapos ang mass?

    ReplyDelete
  31. @ PINOY: Bihira na nga e. Hehehe! Bad ako. :D

    @ ISTAMBAY: Isang kang TAMAD, parekoy! :D apir!

    @ JIN: Sus. Hahaha!

    ReplyDelete
  32. @ KAMILA: Yup! Epektib talaga. :D Salamat!

    @ MR. CHAR: Apir!

    @ CHEENEE: Wag ka tamarin kasi. hhehe

    @ SUPERJALD: Hehehe!unhealthy?di naman siguro.

    ReplyDelete
  33. @ KRIS: Hahahaha! endorser talaga... ikaw na ang naglalaway! :D

    @ GLENTOT: opo... sorry naman! :D

    ReplyDelete
  34. gusto ko rin mag jogging dian kaso ang layo naman sa lugar ko.. kaya sa village na lang.. tama ang jogging ay isang para ng exercise na good for the lungs!

    ReplyDelete
  35. ako kung me time lang ako nagjojogging na sana ko at di ako nag no no rice diet. kainggit. circle pa. ang lapit samin nyan kaso tinatamad ako.

    lagot ka ke lord di mo tinapos ang mass. mawawala daw internet mo for one week. joke lang.

    pagnakakakita ko ng ganyan kamahal na pagkain, naaalala ko yung ice cream kong 214pesos :))

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D