Isa ang Albay sa mga lugar na gusto kong puntahan dahil gusto kong makita ang Mayon Volcano. Hindi ko sukat akalain na makikita ko ito in person. Akala ko hanggang sa post card/picture ko lang sya masisilayan. Salamat sa pagiging bloggero ko dahil isa ito sa mga nagpapatupad ng aking mga pangarap. :) At syempre salamat din sa mga taong nakakasalamuha at nakilala ko na naging kaibigan ko na rin.
Nagkaroong ng pagkakataon na bisitahin ang Albay pagkatapos ng eleksyon. Swerte ko na rin dahil umuwi si blogger friend Jun sa Albay. Kaya, I decided to go Albay kahit solo lang sa byahe. Masaya kapag solo! Wala kang ibang iniisip kundi sarili mo.
Anyways, bago man humaba ang post na ito...narito ang ilang lugar na pinuntahan ko sa Albay.
KAWA-KAWA
Unang pinuntahan ay ang Kawa-Kawa....tinatawag siyang kawa-kawa dahil pagdating mo sa tuktok. Korte siyang kawa.
CAGSAWA Church
Next is Cagsawa Church built in 1724 and destroyed due to the eruption of Mayon Volcano, 1814.
Na-disappoint ako dahil natatabunan siya ng mga ulap.
Legazpi Port
Mayon Volcano everywhere..
Dahil hindi na ako masasamahan ni Jun...pinuntahan ko ang Legazpi Port early in the morning. I went to seawall section.
MAYON VOLCANO
Kinabukasan ay maagang gumising para masilayan ang Mayon Volcano na walang ulap sa paligid. I went to Legazpi Port at ayon, napa-ngiti ako dahil sobrang ganda ng nakita ko.
Present si Meng! :D
DARAGA CHURCH
At bumalik sa Daraga Church...para masilayan ulit ang Mayon na walang ulap.