Showing posts with label Mt. Batulao. Show all posts
Showing posts with label Mt. Batulao. Show all posts

Wednesday, January 2, 2013

Double Hike: Mt. Talamitam at Mt. Batulao

Bago ang lahat, nais ko munang bumati sa inyo ng Maligayang Bagong Taon sa inyo. Sana ay kumpleto pa rin ang bawat parte ng iyong katawan. Sana ay nakapagpaputok kayo ng matiwasay. Kayo ba ay naputukan? Nagpaputok? Hahaha!

Oppss, nais kong pasalamat si Arline. Ang effort niya oh....gumawa ng cupcakes at halos lahat yata ng blogger na kilala ginawan nya ng ganito. May pangalan pa. Astig! Salamat, Arline! :)


Anyway, gaya nga ng nabanggit ko sa previous post ko na mag year-end mountain hiking kaming mga mahilig mamundok. Ayon bagong mag Bagong Taon, nag double hike kaming mga kaibigan ko. Matagal na itong planado at mabuti na lang natuloy at least memorable ang last day ng 2012.

Unang bundok na inakyat sa araw na iyon ay ang Mt. Talamitam. Pero bago tumungo sa lugar ay kinita muna sina Jin at Jey sa Pasay Rotonda. Then, sumakay ng bus going to Nasugbu, Batangas (124pesos pamasahe). Bumaba sa Sitio Bayabasan at kinita naman ang dalawang officemates ni Jin. Hinantay si Roy ng ilang minuto pero hindi sya makakahabol dahil naliligaw sa Batangas. Kung saan saan kasi sumakay, hindi na lang sumabay sa amin sa Pasay. Buti nga! LOL!

We informed him na sa pangalawang bundok na lang siya sumama dahil umaaraw na. Kailangan ng maakyat ang bundok para maaga makababa.

We hired guide dahil hindi naman namin pa kabisado ang lugar. Start ng trek mga around 9am na, nagregister muna, 20pesos ang bayad. Then, start trek.

Naakyat namin ang Mt. Talamitam mga around 1.5Hrs pero estimated ng guide 2hr. 

Picture...picture muna sa taas ng bundok.
Jin with his officemates
trekking
Lesson learned:
Agahan ang pag-akyat para hindi masunog ang balat lalo na kapag sobrang init dahil konti lang ang mga puno .

Pangalawang bundok ay ang Mt. Batulao, pangalawang akyat na namin ni Jin ito. Pero bago inakyat ang bundok ay nagpahinga muna kami ng ilang minuto. Kinita si Roy sa may Ever Crest para mag lunch at pagkatapos ay umpisa na sa pag-akyat sa pangalawang bundok.

Mga around 2pm sinimulan namin ang paglalakbay. Sa pagkakataong ito, hindi na kami kumuha pa ng guide dahil medyo kabisado na namin ang trail. Pero ok lang naman siguro kung magka-ligaw-ligaw kami tutal apat naman kami. Lol!

Pagdating sa campsite 1, register naman ang mga pangalan namin, 20pesos ulit ang bayad. Old trail to New Trail pala ang ginawa namin. At magbabayad ka rin pala ng registration pagdating mo sa New Trail, 20pesos ulit. Hehe!

Trivia:
“Batulao” is from the tagalog word of “Bato sa Ilaw” (light in a rock). It derived from incidence happens that the sun situates between the two mountaintops and it generates a scene that described by the locals as “ilaw sa dalawang bato” (light between two rocks) or “Bato sa Ilaw”.

Natawid namin ang old trail to new trail around 4:30pm. We rested sa may kubo, kumain ng buko. Mga 5pm start trek ulit pababa.

Lesson learned:
Magdala ng flashlight para hindi mangangapa kapag inabutan ng gabi. 

Happy New Year! :)

Monday, September 3, 2012

More lakwatsa. Its More Fun in the Philippines

Hello mga ka-empi! Kamusta naman kayo? Ako, ito....gwapo pa rin. Haha! Joke lang! Ang totoo, isang buwan pa lang yata akong nagfufoodtrip...pero feeling ko ang laki na ng na-gain kong timbang. Ganda! Parang feeling ko ang bigat bigat ko na. Lumalapad ang katawan. Bumibilog ang mukha. Whew! Sarap kasing kumain. Pero ang hirap naman mag-diet! E di kain na lang ng kain. Sabi nga ng globe, go lang ng go!

Ang dami kong gala nitong weekend. Akala nila ang dami kong pera. Hahaha! Pero, laging butas ang bulsa. Pero, tipid naman ang mga gala ko. Budgeted kumbaga! Enjoy lang sa buhay hangga't humihinga pa. Kapagod magpa-stress sa buhay at mas lalong nakakapagod kapag ini-entertain mo sya. Di ba? Kaya, libangin ang sarili para hindi ma-bored!

Narito na mga kaganapan ng aking weekend! 

FRIDAY: STARCITY DAY
As usual, invited ako ng aking very own JRo (kasama si zai at ann na officemate nila), gamit ang voucher (oh, di ba sabi ko nga tipid ang mga gala). Kinita ko sila sa may metropoint tapos kumain muna bago umalis. Asar ako sa mga taxi driver na namimili. Nag-sign f*ck u ako! Bad ko! Lol!

Ang saya lang pumasok doon sa mga gulat eksena tulad ng Kilabot ng mummy. Haha! Parang tanga lang, tinatakot ang sarili. Lol!

Pero, hindi ko kayang sumakay sa star flyer, surf dance at freesbie ba tawag don? yong parang ibalibag kayo. Haha! Pakiramdam ko, lalabas mga intestine ko. Lol!

At pumasok naman kami sa snow world...lintik sa kalamigan! Pag labas ko, bigla akong sinamaan ng katawan at biglang na-haggard. Kaasar! Haha!


SATURDAY: EATINGDAY
Pagkatapos ng gala, kainan na naman. Sabi sayo e, tumataba na ako. Sino ba naman ang hindi tataba e kain ng kain. Tapos, reklamo ng reklamo na tumataba! Ang gulo lang, di ba?

Inaya kasi ako ng kaibigan ko na mag foodtrip, e di sige! Ako pa! Naalala ko noong naging lamon king ako. Hahaha! Anyways, wag ng tanungin at mahaba ang story nyan at ayaw ko ng balikan pa at maalala. Forget the past! 

moving forward.....

Ayon, kumain kami sa Antonio's Bibingka and coffee. Super BIG special pa ang inorder namin ha, at ayon, bundat na agad! Bigat sa tyan! Hahaha!

Pagkatapos niyan, punta naman kami sa Fancy Crepes, inorder ko ay mango madness nila, yong kasama ko naman ay bananutella, masarap siya! 

At dahil masuka-suka na kami sa kabusugan, nag-cha dao tea naman kami para mag relax ng konti.


SUNDAY: CLIMBING DAY
Dahil kahapon ay lamon day, ngayon naman ay patadtad ng taba day! Hahaha! Ayon sa tracker ni Kuya, nasa 3600calories ang na-burn sa aming katawan. Oh, di ba? Tadtad! E paano naman kasi, inakyat namin ang Mt. Batulao sa Nasugbu, Batangas.

Hanep sa adventure ang araw na ito dahil maulan ulan. Pero God is good dahil hindi Niya pinalakas ng husto ang ulan. Kaya, tuloy ang mountain climbing...

Dadaanan kami sa sampung campsite bago namin marating ang tuktok ng bundok. Nakikita mo yang picture na nasa gitna, yan ang inakyat namin, nag-start kami sa left na bundok, yan ang tinatawag nilang old trail. Then, paakyat doon sa pinakatuktok....pababa naman sa right side. Bago mo marating ang tuktok, ay magra-rock climbing ka.

Grabe! Sobrang nginig ang mga tuhod bago ko narating ang tuktok na iyan. Halos hindi ako makatayo sa nginig. Saka, may fear of heights din ako. Noong tumayo ako, feeling ko itutulak ako pababa. Haha! Pero, hindi ko iniinda iyan. Ang sarap kaya ng pakiramdam lalo na't makikita mo ang ganda ng likha ni Papa Jesus. Tapos yong iba, aabusuhin. Tsk! Tsk!

Anim na oras naming inakyat ang bundok na iyan, dahil puro pahinga kami at dahil na rin sa maputik na daan kaya todo ingat baka mahulog sa bangin. Madulas pa!

Salamat Jin, Lito, Xt at jason!

O sya, hanggang dito na lamang at ako'y inaantok na.

Salamat sa mga nakakasama ko simula noong friday, saturday hanggang sunday!

***salamat sa mga larawan (starcity pics and mt batulao pics)