Wednesday, June 13, 2012

Gaano ka bz?

**
Simula ng nakabalik ako ng Maynila, medyo nanibago ako ng konti dahil mag-isa lang ako sa bahay, walang maingay, walang aalagaang pamangkin, at iba pa. Nais ko man na hindi na bumalik dito pero andito ang buhay ko. Siguro sa mga susunod na taon, babalik ako doon for good. Simple buhay. Walang masyadong gulo, walang trapik, hindi bumabaha masyado kapag umuulan, nakakaligo sa dagat kahit ano mang oras ko gusto, nakakaakyat ng bundok at naisip ko din na maging magsasaka na lang kaya ako? Hmmm. Pwede!  Gagawa ako ng farmville for real! Sigurado batak na batak muscle ko nyan. Hahaha!

**
Hindi pa ako nito pumapasok. Nawiwili ako sa leave ko. Hahaha! Nagiging bz ako nitong week na ito,  nag-aapply din habang naka-leave pa; apply dito, apply doon. Mapa-local man o abroad. Ang hirap bumalik sa pagiging aplikante. Hahaha! Hindi na talaga ako masaya sa trabaho ko. Pinipilit ko na lang talaga habang wala pang makitang kapalit. Ibugaw niyo na nga lang ako! Sige na! Plssss... Hahaha!

**
Pero nagawa ko pa ring magjogging sa lagay na 'to. Haha! Kailangan mawala ang stress para hindi magkasakit. Kailangan maging matapang sa mga pagsubok na ibabato sayo ng Itaas. Maloloko ka kung papatalo ka sa mga pagsubok na yan. At higit sa lahat, dapat happy!

**
Alam ko, matapang ang Nanay ko. Pero alam ko din at ramdam ko din na umiiyak sya kapag nag-iisa. O assuming lang ako? Hmmm. Haha! 

**
Noong nakaraang araw, may nakasabay yata akong blogger, iniisip ko kung sino siya, nahiya ako magtanong baka mali ang akala ko, nahiya ako titigan baka sabihin holdaper ako. Hahaha! Pero ayon, nag comment sa previous post ko. Ikaw nga yon, Joey! Haha! Pasensya!

**
Gusto ko ng masahe, whole body massage. Sino marunong? Libre lang ha! Libre na lang kita pagkain. Haha! Kuripot!

**
May nakakakulitan ako nito nagdaang araw. Ang kulit niyo pala talaga! Sabi niya; smal,l medium, at large daw ang peg namin if ever na magkasama. Haha! Salamat sayo at sayo kahit papaano e napapatawa nyo ko.  Hehehe! 

**
Andito ako ngayon sa internet shop, nagloloko kasi si Nyonna. Lintik siya! Nagtatampo yata dahil mag isang taon ko na rin yata siyang hindi pinindot. Hehe!

**
Wala munang photography sa ngayon.... 

Oh sya, antok na ako! Bye!

28 comments:

  1. sir kating-kati akong tanungin ka kung ikaw nga si empi hahaha, kaso nag alangan ako baka hindi ikaw pumayat ka kasi sir. nag isip ako ng paraan kung papaano kita makausap kaso nahiya ako sa mga kasabay sa jeep. Saka baka isipin nyo modus hahaha. Ang gulo kasi ng itsura ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ikaw nga yon! Bakit di mo ko tinanong? Papalibre pa naman sana ako ng breakfast. Hahaha. Pumayat ba ako? Parang di naman ah.

      Delete
    2. oo sir pumayat ka, tinignan ko yung litrato nung peba nasa camera ko pa rin. Malay natin magkasabay ulit tayo dun ang way ko tuwing weekend.

      Delete
    3. Sige. Naway magkasabay para makabawi ako. Suplado ako noon e. Hehe

      Delete
  2. enjoy the leaves muna. Ipahinga at magrefresh. Magpa-massage.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haba ng leaves no...wala namang pang gala. Hahaha!

      Delete
  3. naku madaling makilala si joey eh. nasa buhok lang yan :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha. Kaya nga, yong buhok at salamin ang napansin ko. Pero nagdadalawang isip pa rin ako. :D

      Delete
  4. Tawa much ako dito! Bet talaga magpa-bugaw, haha! Si zai marunong mag-body massage, pamasahe ka at your own risk, hahaha! O well, sana gumaling na ako agad para matuloy ang small, medium, large na peg naten.. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. at your own risk talaga? haha. pagaling ka para masaya! :D

      Delete
  5. Sa title pa lang konik na konik ako sa tanong mo.mukhang inspired ka post mong ito. May kung anong saya kang nararamdaman lumalabas sa mga sinasabi mo o guni- guni ko lang.

    Kung ano man yon mag pa massage ka maganda yan lalo na kung libre lang.

    ReplyDelete
  6. sarap ng mahabang leave, parang matagal na akong hindi nakakapag mahabang leave..hehe gusto ko rin ng bagong trabaho yung tipong binabayaran ka para mag travel lang (choosy?)..hehe
    gusto mo libre masahe? keri ko kaya lang baka malugi ka sa pagkaing ibabayad mo saken..LOL

    Good Vibes sayo dong empi!!!! ^________________^

    ReplyDelete
  7. hmm oo ako marunong mag bugaw at mag massage! ako na! ako na lahat! haha :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ibugaw mo ako. At masahe din...libre lang ha?! Haha

      Delete
  8. enjoy lang ang life sir empi :)

    ReplyDelete
  9. haha basta ganu ka man mging bz wag kalimutan ang sarili once in a while have fun din ha

    ReplyDelete
  10. mukhang bc k nga ah pero gnun din ako bc sa pagpasok ni utoy di mkapag gwa ng blog dahil lipad pa utak ko...
    gudluck sa job hunting mo pre...

    ReplyDelete
  11. sana makahanap ka na ng mambubugaw sayo haha natuwa ako ng sobra sa term na to haha anyway..ako din gusto ko ng whole body massage kaso wala akong pera. tss

    ReplyDelete
  12. magmuni muni muna... enjoy the moment :)

    ReplyDelete
  13. ibugaw kitah at bigyan kita nang whole body massage! naks naman... nnde ka pa ba don??? lolz... kahit *drunk* akoh ngaun eh nagkokokment akoh ngaun.. san ka pah!!! lolz... ingatz my friend... *hugz*... Godbless!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Huy! Bakit ka naglalasing? Ano problema mo? Tawagan mo ko at masermunan kita. LOL

      Delete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D