Showing posts with label personal. Show all posts
Showing posts with label personal. Show all posts

Saturday, January 26, 2013

Personal | Karanasan

Masayang nagkwentuhan ang magkakaibigan sa coffee shop sa isang Mall. Habang sumasarap ang kwentuhan, biglang nagtakbuhan ang mga tao sa loob ng Mall. Nagulat ang lahat! Nagtayuan ang mga tao sa loob ng coffee shop, nakiusyo, tuluy-tuloy ang takbuhan ng mga tao at nagkakagulo na. Yong iba papuntang exit ng Mall at ang iba naman papunta sa loob ng mga resto at botique. Sumama ang magkaibigan sa daloy ng takbo ng mga tao. Ang isa, umiba ng direksyon.

Pumasok sa isang resto para maging safe at pumasok na rin ang ibang mga tao sa loob. Nanginginig ang buong katawan, kinilabutan at nenerbyus sa maaring mangyari anumang oras. Mga ilang segundo tumahimik ang paligid, lumabas sa resto ang mga tao at nakikiramdam. Bigla na namang nagtakbuhan ang mga tao papasok sa resto at botique.

Narinig ang putok ng isang baril sa baba. Mas lalong nagpanic dahil iniisip niya na baka umakyat sa third floor ang salarin. Nagtago ang mga tao, yong iba tinatawagan na ang kani-kanilang pamilya. Yong iba naman ay tinitext ang mga kaibigan o kamag-anak.

Paano kung ito na yong huling gabi? Sino ang maghahatid ng masamang balita sa kanya pamilya?

Lumipas ang ilang minuto, naging ok na ang lahat...dali-daling lumabas sa resto at tinungo agad ang exit ng Mall para makaalis na agad. Salamat Lord! Ligtas kaming lahat.

News:


A robbery incident stirred panic among mall-goers in Mandaluyong City Saturday.
Mandaluyong City Police Senior Superintendent Armand Bolalin confirmed the incident, identifying "Martilyo Gang" to be behind the robbery at a jewelry store in Megamall.
"The robbers used hammers to rob the jewelry store," Bolalin said.
"It's a hold-up. They used hammers to get the [jewelry] from the counter," Bolalin added.
This reporter saw people in panic, running in big groups from SM Megamall Building B.

The shooting started at the upper ground floor of department store in SM Megamall Building B, a little past 7 pm.

As of this posting, Bolalin said no casualties have so far been reported.
"There's no report of anyone injured in the incident yet," he said.
Meanwhile, SM management issued a statement around 11 pm. It said it "deeply regrets the robbery incident at a jewelry counter inside SM Megamall on Jan.26 at approx 7:26pm."
SM, quoting initial reports, confirmed "Martilyo Gang" was behind the heist.
"They pounded the jewelry fixtures, broke the glass and stole a still undetermined amount of jewelry before escaping. A gunshot was reportedly fired at the ceiling but fortunately, no casualty was reported," the SM statement added.

http://ph.news.yahoo.com

Saturday, January 19, 2013

Busy Bee

Viva Pit Senyor sa mga Cebuano!

Sobrang abala ang lahat noong nakaraang linggo. Hindi mapakali ang lahat, stressed, nagpapanic na dahil malapit na malapit na ang event. Kuha ng mga trophies at mga give aways, etc. Abala din ang iba sa pagpapabook ng mga rooms & airline tickets. Yong iba naman, abala sa pag gawa ng mga reports and presentation. 
ACACIA HOTEL Lobby
Samantalang ang inyong lingkod naman ay abala rin sa pag-setup ng mga bagong gadgets na gagamitin ng mga nasa field works. Inventory dito, assigned doon...Ka-stress! 

At dumating na nga ang araw ng event. Toink! Linggo ng umaga, tinanggap ang imbitasyon nina Joanne at Zai para magbreakfast sa Something Fishy...Akala ko naman kung anong something fishy yan, iba kasi naisip ko. LOL! 

As usual, late na naman ako dumating. Hahaha! Nakapag-champurado na sila. Then, kain kain kain kain. Tapos kumain, lakad lakad lakad lakad...... Walang picture dahil hindi naman ito ang ibablog ko kundi ang event noong nakaraang linggo e. Hahaha!
Our Room
Linggo ng hapon, binabaybay ang EDSA at ang Express way para tumungo na sa event. Isang starex na puno ng kahon kahong iPad para sa mga field works. Pagka-checkin sa Acacia hotel. Pasok muna kami sa room namin at nag take ng rest. After, distribution na agad para makatambay na sa kwarto ng maaga at ienjoy ang pag stay. Hahaha! Akala mo naman makapag-enjoy!
Distribution ROom
Alas nine na kami natapos noon. Then, late dinner at Teriyaki Boy with our Boss. Then, balik sa hotel para makapag-bath tub. Hahaha! At makapag-rest ZZzzzzzzz
Our James Bond attire LOL
 Kinabukasan, meeting ang nagaganap. Puro business and numbers ang pinag-uusapan. Di ako maka-relate. Hahaha! At dahil pasaway kami ni Ryan, umaga ng monday naka-jeans at polo lang kami. Pagkakababa namin! Hala! Nakapang-corporate ang lahat. OP kami. Hahaha! Napansin ni Boss. Ayon, nasermunan. Hahaha! Kaya, balik kami sa kwarto at nagbihis ng pormal kuno. LOL!
Awarding Ceremony
 Lunes ng gabi, awarding para sa mga field works. Sinong naka-hit, etc..... Hindi ako sanay mag coat with bow-tie. Hahaha! Pero napanindigan ko naman siya. At dahil dyan, binola ako ng mga Boss. Poging pogi daw ako kapag nakapormal. So, anong ibig sabihin nila? Hindi ako kaaya-aya kapag normal days? Hmmm. Lol

Ang theme ng awarding ay James Bond kaya lahat kami naka coat & bow-tie.
Our Department

Martes ng umaga, busy pa rin....training, meeting, etc. 

Wednesday ng umaga, ganun pa rin....busy busy busy....assist ng mga problema sa gadgets, etc etc etc

K-pop and Dance Contest
Kinagabihan, may program naman K-pop daw ang theme pero ang iba naman parang hindi k-pop e. Hahaha! May dance contest. Nakalimutan ko ang name. Yong gagayahin nila ang dance step sa malaking screen. Haha! 


Picture Picture
Mabuti na lang hindi tinawag ang department namin para mag intermission number. Kundi, YARI! Hindi ako prepared. Hahaha! Ayon, lumabas na kami sa ball room at nag pi picture picture.

Ayon lang ang update ko ngayon. Bukas tatakbo ng 16km, ang boring dahil ako lang mag-isa. Parang tinatamad ako pero sayang ang finisher shirt. Kaya naman, inanyayahan ko yong friends ko na pumunta para i-cheer ako. Hahaha!

Kamusta naman kayo? 

Ciao!




Wednesday, June 13, 2012

Gaano ka bz?

**
Simula ng nakabalik ako ng Maynila, medyo nanibago ako ng konti dahil mag-isa lang ako sa bahay, walang maingay, walang aalagaang pamangkin, at iba pa. Nais ko man na hindi na bumalik dito pero andito ang buhay ko. Siguro sa mga susunod na taon, babalik ako doon for good. Simple buhay. Walang masyadong gulo, walang trapik, hindi bumabaha masyado kapag umuulan, nakakaligo sa dagat kahit ano mang oras ko gusto, nakakaakyat ng bundok at naisip ko din na maging magsasaka na lang kaya ako? Hmmm. Pwede!  Gagawa ako ng farmville for real! Sigurado batak na batak muscle ko nyan. Hahaha!

**
Hindi pa ako nito pumapasok. Nawiwili ako sa leave ko. Hahaha! Nagiging bz ako nitong week na ito,  nag-aapply din habang naka-leave pa; apply dito, apply doon. Mapa-local man o abroad. Ang hirap bumalik sa pagiging aplikante. Hahaha! Hindi na talaga ako masaya sa trabaho ko. Pinipilit ko na lang talaga habang wala pang makitang kapalit. Ibugaw niyo na nga lang ako! Sige na! Plssss... Hahaha!

**
Pero nagawa ko pa ring magjogging sa lagay na 'to. Haha! Kailangan mawala ang stress para hindi magkasakit. Kailangan maging matapang sa mga pagsubok na ibabato sayo ng Itaas. Maloloko ka kung papatalo ka sa mga pagsubok na yan. At higit sa lahat, dapat happy!

**
Alam ko, matapang ang Nanay ko. Pero alam ko din at ramdam ko din na umiiyak sya kapag nag-iisa. O assuming lang ako? Hmmm. Haha! 

**
Noong nakaraang araw, may nakasabay yata akong blogger, iniisip ko kung sino siya, nahiya ako magtanong baka mali ang akala ko, nahiya ako titigan baka sabihin holdaper ako. Hahaha! Pero ayon, nag comment sa previous post ko. Ikaw nga yon, Joey! Haha! Pasensya!

**
Gusto ko ng masahe, whole body massage. Sino marunong? Libre lang ha! Libre na lang kita pagkain. Haha! Kuripot!

**
May nakakakulitan ako nito nagdaang araw. Ang kulit niyo pala talaga! Sabi niya; smal,l medium, at large daw ang peg namin if ever na magkasama. Haha! Salamat sayo at sayo kahit papaano e napapatawa nyo ko.  Hehehe! 

**
Andito ako ngayon sa internet shop, nagloloko kasi si Nyonna. Lintik siya! Nagtatampo yata dahil mag isang taon ko na rin yata siyang hindi pinindot. Hehe!

**
Wala munang photography sa ngayon.... 

Oh sya, antok na ako! Bye!

Sunday, May 27, 2012

Naalala ko...


Naalala ko noong bata pa ako, sumama ako sayo noong mamingwit ka tapos tuwang tuwa pa ako noong makita ko ang mga isda sa coral reef. Sabi ko pa, ang galing naman! Hulihin mo yon. Dapat madami tayong mahuli para ulamin natin pag-uwi natin sa bahay. At hindi pa nga ako nakapagpigil, sumisid pa ako doon sa coral reef. Namangha ako, ang ganda e!

Naalala ko noong bata pa ako, ikaw at si Nanay kasa-kasama ko kapag nagpunta tayo ng bukid. Magtanim ng camoteng kahoy at saging. Tapos, nag tanim ako ng mais sa may malawak na lupa. Ayon, pagbalik natin mga ilang araw….walang tumubo na mais. Nadismaya ako. Sabi niyo, mali ang pagtanim mo at hindi mo nadiligan.

Naalala ko noon, pag nasa bundok tayo, ang dami nating nagawang pangarap, sabi niyo pa, patayo tayo ng bahay sa bundok, yong mansion para maganda, may maganda tayong sasakyan. Tapos pagawaan natin ng swimming pool sa likod, tapos may garden.

Naalala ko noon, noong nag second honor ako noong grade 1 ako, niregalohan mo ako ng isang box na cloud 9 chocolate. Promise mo kasi yon. Saya saya!

Naalala ko noon, kinukulit kita na turuan mo akong magdrive kahit 7 years old pa lang ako noon. Sabi mo, hindi mo abot ang manibela. Saka na lang!

Naalala ko noon, inis na inis ako sayo kapag nalalasing ka.

Naalala ko noon, noong wala si Nanay, sumama ako sayo doon sa lugar ninyo. Tapos, sabi ng mga kakilala mo doon, kamukha kita. Ewan ko ba bakit ayoko na kamukha kita. Gusto ko kasi mas gwapo ako.  Pero mas gwapo kaya ako sayo. Hahaha!

Naalala ko, hindi ka makakilos kapag wala si Nanay.

Noong umuwi ako dyan, nakalimutan ko pa ang sapatos na gusto kong ibigay sayo. Sabi ko, sa Fiesta ko na lang dalhin para may masuot ka.

Pero ngayong wala ka na...paano na si Nanay? Iniwan mo na siya, iniwan mo na kami ni Lawrets at Michael! Iniwan mo na mga apo mo; Weskee, Weska, Weshan, Xam, Duday at Wansu. Gusto ko pa man din na isama ko kayo ni Nanay mag-travel para mapag-unwind din kayo.

Akala ko biro lang ang lahat ng nabalitaan ko. Pero nakumpirma ko kay Nanay na wala ka na nga. Hearing Nanay’s mourning and her cry makes my heart broken. Binaba ko na ang phone dahil sobrang sakit na marinig ko si Nanay na humahagulhol. Hindi mo man lang ako hinintay na ipasyal ko kayo ni Nanay.

Tay, mamimiss ka namin, mamimiss kita at mahal na mahal ka namin!  

Saturday, May 19, 2012

ito na ako.........

Hi guys! Astig! Pasok si Ate Jessica sa top 2. Siya na kaya ang bagong AI? Hmmm. Abangan!

Nabanggit ko sa una kong mga post ang "first day", isa sa inyo ang nag-isip na mag-barko ako, yong iba naman bagong trabaho, mag-abroad...blah blah blah...pero darating tayo dyan. Hehehe!

Dati ko pa itong gustong gawin at ito din talaga ang gusto ko. Ewan ko ba't kinuha ko ang kursong di naman ako nainlove ng husto. Haha! Mas naiinlab ako sa pagiging doctor at pagiging hotelier. Pero ayon dahil walang sapat na pera pang-aral sa pagiging manggagamot at dahil na rin sa mga sulsol ng mga makakating dila....kinuha ang IT na kahit kaylan e hinding hindi talaga ako napamahal! So, bago pa ako ma-drama sa post na ito.... ayon nga, nag-enroll ako for 5 days sa isang training center.
birds of paradise
dwarf shoe
Tinalakay namin syempre ang hotel industry...Food & Beverage, Housekeeping and Bartending. At mukha ngang ma-e-enjoy ko ito. Sabi nga ni Sir Danny, "follow your heart kung sa palagay mo ay mag-eenjoy ka"

Day 1 & 2: Pinag-usapan ang Food and Beverage, proper way ng pagtanggap ng bisita sa resto. Preparing table settings, mga pagkain, folding of napkins (sample na makikita mo sa itaas), etc. At mga karaniwang sitwasyon na kahaharapin mo sa larangang ito. Pero parang hirap ako dito dahil mahina ang pick-up ng memory ko, mabilis makalimot, kunwari pa ako  at nagdahilan e bingi lang talaga ako. Hahaha!


Day 3 & 4: Pinag-usapan naman ang Housekeeping. Ang tamang pag gamit ng mga kemikals sa banyo, at iba pa. Kung paano mag linis sa loob ng deluxe room at kung anu ano pa. Exciting ang lovemaking  bed making. Yong taming pagtupi ng mga bedsheets, blah blah blah...kung magkabahay ako. Gagamitin ko ang nalalaman ko dito. Sosyal! Pero sabi ni Sir, may mga di inaasahang pangyayari din dito.

Exciting ang Day 5: Dahil BARTENDING ito....tinuro ang iba't ibang klase ng alak. Paano magtimpla ng iba't ibang klase ng iinumin katulad ng, frozen margarita (na makikita mo sa itaas), tequilla sunset and sunrise, at kung anu ano pa. Ang resulta....natamaan ang lahat.

Career move na ba? Hmmm...pwede! Problema ko ngayon ang maghanap ng trabaho sa hotel. Paano naman kasi...may age limit at lagpas na ako dyan sa age limit na yan. Kainis lang. Ang daming arte. E kung magagawa mo naman ang trabaho...bakit kailangan pa ng limitation! 

mga kaklase kong pasaway. :D

Enjoy your weekend! :*