Naalala ko noong bata pa ako, sumama
ako sayo noong mamingwit ka tapos tuwang tuwa pa ako noong makita ko ang mga
isda sa coral reef. Sabi ko pa, ang galing naman! Hulihin mo yon. Dapat madami
tayong mahuli para ulamin natin pag-uwi natin sa bahay. At hindi pa nga ako
nakapagpigil, sumisid pa ako doon sa coral reef. Namangha ako, ang ganda e!
Naalala ko noong bata pa ako, ikaw
at si Nanay kasa-kasama ko kapag nagpunta tayo ng bukid. Magtanim ng camoteng
kahoy at saging. Tapos, nag tanim ako ng mais sa may malawak na lupa. Ayon,
pagbalik natin mga ilang araw….walang tumubo na mais. Nadismaya ako. Sabi niyo,
mali
ang pagtanim mo at hindi mo nadiligan.
Naalala ko noon, pag nasa bundok
tayo, ang dami nating nagawang pangarap, sabi niyo pa, patayo tayo ng bahay sa
bundok, yong mansion para maganda, may maganda tayong sasakyan. Tapos pagawaan
natin ng swimming pool sa likod, tapos may garden.
Naalala ko noon, noong nag second
honor ako noong grade 1 ako, niregalohan mo ako ng isang box na cloud 9
chocolate. Promise mo kasi yon. Saya saya!
Naalala ko noon, kinukulit kita
na turuan mo akong magdrive kahit 7 years old pa lang ako noon. Sabi mo, hindi
mo abot ang manibela. Saka na lang!
Naalala ko noon, inis na inis ako
sayo kapag nalalasing ka.
Naalala ko noon, noong wala si
Nanay, sumama ako sayo doon sa lugar ninyo. Tapos, sabi ng mga kakilala mo
doon, kamukha kita. Ewan ko ba bakit ayoko na kamukha kita. Gusto ko kasi mas
gwapo ako. Pero mas gwapo kaya ako sayo. Hahaha!
Naalala ko, hindi ka makakilos
kapag wala si Nanay.
Noong umuwi ako dyan, nakalimutan
ko pa ang sapatos na gusto kong ibigay sayo. Sabi ko, sa Fiesta ko na lang
dalhin para may masuot ka.
Pero ngayong wala ka na...paano
na si Nanay? Iniwan mo na siya, iniwan mo na kami ni Lawrets at Michael! Iniwan
mo na mga apo mo; Weskee, Weska, Weshan, Xam, Duday at Wansu. Gusto ko pa man din na isama ko
kayo ni Nanay mag-travel para mapag-unwind din kayo.
Akala ko biro lang ang lahat ng
nabalitaan ko. Pero nakumpirma ko kay Nanay na wala ka na nga. Hearing Nanay’s
mourning and her cry makes my heart broken. Binaba ko na ang phone dahil
sobrang sakit na marinig ko si Nanay na humahagulhol. Hindi mo man lang ako
hinintay na ipasyal ko kayo ni Nanay.
nakakapalungkot ang post mo na ito lalo na sa mga wala ng tatay....ako sa May 29 ay mag one year ng wala ang tatay ko....first anniversary ng pagkamatay......nakita ko ang previous post mo ng pag uwi mo at tulog ka pagdaan sa san juanico bridge kay di ka naka picture....
ReplyDelete:(
ReplyDeleteNaluha naman ako dito pre... BATo ang taong hindi maantig sa sinulat mo pre... Condolence pare. Masakit pero ganyan talaga ang buhay darating tyo sa ganyan. Isipi mo na lang na tapos na lahat ng problema, sakit at hirap nya. Dahil ngayon alam nating lahat na nasa payapang lugar na sya kung san sya masaya.
ReplyDeleteMagkikita kita din kayo balang-araw, dahil dun naman talaga ang final destination nating lahat. Temporary lang yan pre, darating ang araw lahat tyo kasa-kasama na ang mga mahal natin sa buhay na miss na miss na antin.
Keep strong, ikaw pa. And have faith in God.
Dama ko ang lungkot a nararamdaman mo. Gaun pa man
ReplyDelete, stay strong my friend. Condolence
condolence. ikaw na ang papalit sa tatay mo bilang haligi so you need to be strong. Ikaw ang aalalay sa mothermo. kaya mo yan
ReplyDeletealam ko ang gnyan pkiramdam, nitong april lang nwalan nman ako ng lola..
ReplyDeletesobrang sakit pag lungkot pero alm ko mlalagpasan mo pagsubok na eto.
sigurdo ako proud n proud sau ang tatay mo.
condolence...
oh.. Memories makes everything more special and it can makes thing worst. Nalungkot ko bigla but on the brighter side, memories make us stronger. Just keep goin.
ReplyDeletecondolence empoy. recent lang ba ito? dibale ippagpray naten yan! :) anyway, I know makakayanan mo yan. :)
ReplyDeletenakikiramay ako mp...
ReplyDeleteandito lang kaming mga kaibigan mo para sa iyo.
naiyak naman ako dito empi..condolences ulit..we're always here for you!
ReplyDeleteyour blog is so good and article also.
ReplyDeleteescorts in kanpur
Goosebumps :(
ReplyDeleteCondolence sa iyo pare .
be strong . stay strong.
Thank you all! :D
ReplyDeletethis is heartbreaking... but i guess he's in a better place now at doon na siya finally makakapag-unwind...
ReplyDelete