Saturday, May 19, 2012

ito na ako.........

Hi guys! Astig! Pasok si Ate Jessica sa top 2. Siya na kaya ang bagong AI? Hmmm. Abangan!

Nabanggit ko sa una kong mga post ang "first day", isa sa inyo ang nag-isip na mag-barko ako, yong iba naman bagong trabaho, mag-abroad...blah blah blah...pero darating tayo dyan. Hehehe!

Dati ko pa itong gustong gawin at ito din talaga ang gusto ko. Ewan ko ba't kinuha ko ang kursong di naman ako nainlove ng husto. Haha! Mas naiinlab ako sa pagiging doctor at pagiging hotelier. Pero ayon dahil walang sapat na pera pang-aral sa pagiging manggagamot at dahil na rin sa mga sulsol ng mga makakating dila....kinuha ang IT na kahit kaylan e hinding hindi talaga ako napamahal! So, bago pa ako ma-drama sa post na ito.... ayon nga, nag-enroll ako for 5 days sa isang training center.
birds of paradise
dwarf shoe
Tinalakay namin syempre ang hotel industry...Food & Beverage, Housekeeping and Bartending. At mukha ngang ma-e-enjoy ko ito. Sabi nga ni Sir Danny, "follow your heart kung sa palagay mo ay mag-eenjoy ka"

Day 1 & 2: Pinag-usapan ang Food and Beverage, proper way ng pagtanggap ng bisita sa resto. Preparing table settings, mga pagkain, folding of napkins (sample na makikita mo sa itaas), etc. At mga karaniwang sitwasyon na kahaharapin mo sa larangang ito. Pero parang hirap ako dito dahil mahina ang pick-up ng memory ko, mabilis makalimot, kunwari pa ako  at nagdahilan e bingi lang talaga ako. Hahaha!


Day 3 & 4: Pinag-usapan naman ang Housekeeping. Ang tamang pag gamit ng mga kemikals sa banyo, at iba pa. Kung paano mag linis sa loob ng deluxe room at kung anu ano pa. Exciting ang lovemaking  bed making. Yong taming pagtupi ng mga bedsheets, blah blah blah...kung magkabahay ako. Gagamitin ko ang nalalaman ko dito. Sosyal! Pero sabi ni Sir, may mga di inaasahang pangyayari din dito.

Exciting ang Day 5: Dahil BARTENDING ito....tinuro ang iba't ibang klase ng alak. Paano magtimpla ng iba't ibang klase ng iinumin katulad ng, frozen margarita (na makikita mo sa itaas), tequilla sunset and sunrise, at kung anu ano pa. Ang resulta....natamaan ang lahat.

Career move na ba? Hmmm...pwede! Problema ko ngayon ang maghanap ng trabaho sa hotel. Paano naman kasi...may age limit at lagpas na ako dyan sa age limit na yan. Kainis lang. Ang daming arte. E kung magagawa mo naman ang trabaho...bakit kailangan pa ng limitation! 

mga kaklase kong pasaway. :D

Enjoy your weekend! :*

23 comments:

  1. Wow, ang saya naman ng training mo! hope you find that perfect job!!

    One frozen margarita please... :)

    ReplyDelete
  2. Haha ang saya naman! :D exciting ba talaga ang bed-making? ahihi..

    Minsan talaga, nakakainis ang age limits n yan. pero ganun talaga. Anyways, Goodluck, Empi! :)

    ReplyDelete
  3. nice naman! good luck sa training Empi! :)

    ReplyDelete
  4. hrm ako empi, at masaya nga ang field na yan kasi ang dami mong pwedeng magawa at experience. di ko lang pinursue ang pag work sa hotel kasi, ewan ko ba! haha :) kung na enjoy mo, push through mo lang yan, kuha ka ng fake birth certificate para pasok sa age limit :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. di ko kaya e.. haha

      wow...hrm ka pala. paturo magluto. haha

      Delete
  5. gudluck pre...
    sa cruise b training mo?

    ReplyDelete
  6. so ano 'to goodbye corporate world? hello restaurateur/hotelier?

    isang tequila sunrise at isang platitong mani nga..hehehe

    ReplyDelete
  7. Gusto ko din mag HRM.. Hotel RestUrant Manager..i mean Management hehehee..masaya ya..i remember nung nagtuturo pa ako under sa HEM Dept..ayun nakapagturo din ng HRM.. Hehehehee..pero saglit lang.. Dami pa opportunity diyan..

    ReplyDelete
  8. nice!!! so next time ikaw na gagawa ng drinks. Gawa ka ng badtrips. hahahaha :D

    ReplyDelete
  9. turuan moh koh how to make drinks... =P

    take care nd Godbless!

    ReplyDelete
  10. it is always nice to learn new things..

    nauhaw ako dun sa frozen margarita .. hehe

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D