Hindi ako magaling sa photograpiya. Hindi ako mahusay gumawa ng konsepto para sa isang photograpiya. Kailangan daw kasi na may concept sa pag kuha mo ng mga larawaran. Isang kakilala ko ang nagbigay ng link para pag-aralan kung anu ano ang dapat gawin o mga style para sa photography. Ayoko na elaborate dito dahil hindi ko pa actually nababasa ang kabuuan nito. May mga rules of photo composition like; rule of thirds, golden section rule, at diagonal rule.
Kung ikaw ay isang photographer, malamang sa alamang alam mo ang dinadaldal ko dito. Hehehe! Ano ba ang punto ko sa mga sinasabi ko dito? WALA! Dahil wala akong karapatang humusga sa mga photos na kuha ng iba. At wala akong karapatan para laitin ang obra nila. Kasi hindi ako magaling at hindi ako photographer, pumo-photography lang...kumbaga, tamang picture picture lang ang alam ko. Bwahaha!
Hindi ako magaling kumuha ng larawan. Pangalawang beses ko na sinabi ito... hehehe! Naghalungkat ako sa isang folder ko na puro kuha ng kung anu ano. Walang masama kung i-share ko ito dito sa pahina ko. Angal ka? E pahina ko ito. Hindi ako nang-aaway. Promise! Bwahaha!
Ang totoo nyan, wala akong camera. Bwahaha! Nanghihiram lang ako kung gusto kong mag photo-photography-han
Gusto ko lang husgahan niyo ang mga kuha ko, ukrayin o laitin. Wapakels ako! Sabi nga nila, hindi ka gagaling sa isang bagay kung wala kang kritiko. Showbiz? Bwahaha!
Game! Laitin niyo na!
1. Ang larawan na ito ay kuha pa rin noong umakyat ako ng Sagada. Hindi halatang namiss ko na ang climate doon. Lol!
2. Itong larawan na ito ay hindi ko na matukoy kung sa Baguio o sa Sagada. Basta ang alam ko, Pine Tree ito! Bwahaha!
3. Sigurado akong sa Botanical Garden ko ito nakunan. Ang likot ng dragonfly na ito.
4. Sa Sagada ko nakuhanan ito. Kung hindi ako nagkakamali sa harapan ng weaving......
5. Ang dalawang magkasunod na larawan ay sa Botanical Garden.
Ano na? May masasabi ka? H'wag kang mahiya.... this post is open para sa mga kritiko. :)
pumo-photography ka din pala! LOL
ReplyDeletefor me, there are No rules. kanya kanyang style lang yan. but of course kailangan mo pa ding matutunan lahat ng technicalities ng camera and lahat gn equipments.
Then You build your own rules.
Very general, kasi nagaaral pa lang din ako :D LOL
whaha ang ganda ng mga kuha... gusto ko yung kuha mo sa 4 and 5 :D dapat biblur mo yung number 5 sa likod para nakafocus siya doon sa paro-paro :D
ReplyDeletegusto ko yung kuha mo na may bubuyog.
ReplyDeletephoto number 2 - sa sagada yan... ung sa may church.. nung nagpictorial galore tayo na nakatimer ang camera.
ReplyDeletephoto # 4 --- hindi yan sa sagada weaving echos.. dun yan sa malapit sa papuntang echo valley. hay naku
@ MRCHAN: Apir! Hahaha!
ReplyDelete@ AXL: Hehehe. Oo nga no. Hindi ko naisip yon ah. Salamat parekoy!
@ MOKS: Salamat. Wala kang uukrayin par? Hehehe!
ReplyDelete@ YANAH: Bwahaha. Sa may weaving yan kaya. Nagpapicture ka kaya noon na mala-rosalinda. hay naku ka rin.
gusto ko yong kuha sa kahoy at sa mga paru paru dahil makulay.
ReplyDeleteMaganda ngang pag aralan ang Photography at ang tamang paggamit ng camera.Tapos ikaw na ang gumawa ng sarili mong style. Di pa ako nag aaral pero gusto ko talaga.
gusto ko yung pic no.1 nature...natural na natural... sarap lumanghap ng fresh air....
ReplyDeletenice photos you should do more often! wahaah! nahawa na ako kay moks!
wala akong alam sa pinagdadaldal mo...heheh..pero magaganda lahat ng mga picture...basta tira lang ng tira..haha
ReplyDeleteAkoni
@ DIAMOND: Oo nga. Gusto kong pag-aralan to. Hehehe!
ReplyDelete@ IYA: Nakakahawa ba si moks? Lol
@ AKONI: tira ng tira... iba pumasok sa isip ko. bwahaha!
ReplyDeletehindi din ako magaling sa potograpiya. pero sabi mo kelangan mag criticized sa pics. sige gagawin ko kahit masama sa loob ko. nyahahahaha.
ReplyDelete1st pic. mas oks sana kung wala na yung parang upuan sa foreground. mas maganda din kung sa horizon ng ulap nakabase. konteng rotate at ipantay ang horizon sa ulap. panalo na. para hindi nakatabingi ang larawan.
3rd at 6th pic. medyo blurred. konting stable lang siguro sa kamay. pag di maiwasan, itry gumamit ng tripod. o lamesa o kahit anu mang bagay na stable.
4th pic. mas oks sana kung sa bubuyog naka focus kesa sa orchid.
anu at ano pa man. maganda parin ang kinalabasan ng larawan. sa potograpiya, kelangan lang ng praktis. pitik ng pitik. kahit yung mga dalubhasa sa larangan na to, madami din silang larawan sa isang set at dun sa set na yon, dun sila pipili ng pede.
sorry naman kung masyado mahaba post ko. nagpapanggap lang ako na marunong sa potog.
you take a good shot..
ReplyDelete@ bulakbolero.sg:
ReplyDeleteAyos! Masunurin kang bata ka. Gusto ko tong sinasabi mo para alam ko. Maraming salamat!
Dahil dyan, i-add kita sa blog roll ko. Pwede naman di ba? Lol
@ ARVIN: Thanks!
ikaw na humble! hehehe
ReplyDeleteganda ng shots promise :)
pare napakagandang kuha.. ang kulang na lang ay modelo.. hindi ako nagpiprisinta, nasa sayo kung kukunin mo ko.. hehe
ReplyDeleteat least may signature sa gilid. hehe. @_@
ReplyDeleteHi MP! Na-miss ko dito ah :) Sorry naman, santambak lang ang gawain at commitments sa labas ng blogging world hehehe.
ReplyDeleteNatuwa ako sa post mo. Bakit? Dahil nakita ko na naman ang kababaang-loob mo ;)
At dahil humihingi ka ng kritiko, magbibigay ako kahit na alam kong wala rin naman akong "K" magbigay dahil hindi naman ako ako professional na fotog. Ito ay opinyon ko lamang kaya di mo ako puwedeng ipakulong dahil sa mga ito hahaha.
Alright, here goes:
1. Kung hindi maiwasan na isama ang upuan, samahan na lang ng tao hehehe. Para silbi naman ang upuan hehehe. O di ba, romantic yan kung may lovers sa upuan na yan :) Tapos, pasok pa yan sa rule of thirds ;)
2. Magandang perspective. Pero kung makakakuha ka pa ng mas malagong pine tree, mas swak :)
3. Mahirap makunan ang dragonfly dahil mabilis ito kapag lumilipad kaya....maghintay ka muna nang 48 years para dumapo ito at mag-steady hahaha.
4. Mas maganda sana kung focused din pati ang bee.
5. Nice naman yung photo. Kung kayang ilapit pa ang focus sa butterfly, mas swak. Pero as it is, maganda naman :)
6. Maganda rin ito. Kung mas focus sa butterfly at blurred ang background, mas gaganda ;)
O sya, sobrang haba na yata nito eh. Basta, praktis ka lang. Bilang nag-aaral din sa pagkuha ng picture, ayoko muna mag-focus sa mga rules ng composition. Sinusubukan ko munang mag-train ng mga mata. Feeling ko kasi, pag na-train mo ang mga mata mo kung ano ang magandang kuhanan, madali na lang i-apply ang mga rules. Yan ay pananaw ko lang naman, iho :)
ikaw na ang walang alam sa photography na maganda ang shots! amf! wahahaha
ReplyDeletenice post. you should write more often! exlink? lels
@ TRAVELIZTERA: Uy! Uy! Naligaw ka Binibini. Hehehe! Salamat.
ReplyDelete@ MD: Sige... next time ikaw gawin kong modelo. Lol!
@ KA BUTE: Salamat sa pagbisita. Hehehe!
ReplyDelete@ MSN: Wow! Natuwa ako sa opinyon mo. Maraming salamat. Praktis lang ng praktis.
Yaan niyo, pagbutihin ko pa para maperfect ko.
@ KA BUTE: Salamat sa pagbisita. Hehehe!
ReplyDelete@ MSN: Wow! Natuwa ako sa opinyon mo. Maraming salamat. Praktis lang ng praktis.
Yaan niyo, pagbutihin ko pa para maperfect ko.
@ BINO: Langya ka! Bwahahaha! umi-exlinks ka pa. Lol! Adik!
ReplyDelete@empi, gusto ko yung pine tree. :D
ReplyDeletebored kpa nyan ha hehehe
ReplyDeletebored ka nyan ha.. Panu nlng kaya kung hindi na?
ReplyDeletelahat naman nagsimula as beginners no. kahit ako e. feeling lang din. hahaha! wala naman pakialaman e. kanya kanyang trip yan. kaya mo rin ang ginagawa nila...
ReplyDeletenga pala.. nakita kita sa cubao... ayiiii! may kasamang bebot at may bitbit na ____
@ KHANTO: Salamat! :)
ReplyDelete@ LHAN: Hehehe. Oo nga e. Bored na bored. :D
@ TIM: Hahaha. Salamat sa dalaw. :D
ReplyDelete@ KURA: Ano daw? Kelan mo ko nakita? Lol
kahapon ko pa gusto magcomment sa post na 'to kaso hirap pa ako magtype. hehe. pag ok na kamay ko tsaka na ang mahabang comment, ngayon typing praktis lang muna. hehe
ReplyDelete@ PEPE: Pagaling ka muna. :D
ReplyDelete