Tuesday, October 5, 2010

Bakit Single Ka pa?

Bakit single ka pa? Ito ang isa sa mga tanong ng "bayan" lalo na kapag magkakaroon ng reunion ang pamilya, kaklase, mga dating kaibigan at ka-opisina. Isa rin ito sa mga tanong na nagpapa-pressure at nagpapa-stress sa karamihan. Minsan napapa-isip ka na rin... Bakit nga ba?

Masama ba kung single ka pa? Masarap ang maging single, di ba? Oo, masarap in a way na magagawa mo lahat ng gusto mo. Lakwatsa dito, lakwatsa doon. Inom dito, inom doon. Gala dito, gala doon. Gimik dito, gimik doon. Landi dito, landi doon. Seks dito, seks doon (LOL. Joke lang!) Whereas, kapag double ka naman este kapag may bf/gf ka....aminin mo.... hindi mo magagawa ang lahat pwera na lang kung likas kang pasaway. Anyway, masarap din naman talaga kapag may "other-half" kung tatawagin dahil may malalambing ka and to make sexual intercourse easily accessible, right? Pero syempre, pag-uusapan muna natin ang pagiging single... ok? Let's proceed...

Maraming dahilan kung bakit single pa ang isang babae at lalake.
  • Hindi handa sa commitment. Ito 'yong tipo ng tao na ayaw ng commitment at hindi pa handa sa isang responsibility.
  • Takot magmahal. Ito 'yong tipo ng tao na ayaw ibigay ang tiwala at ang pag-ibig dahil sa ayaw niyang masaktan.
  • Sawi. Ito 'yong tipo ng tao na nabigo sa pag-ibig kaya pinili na lang ang maging single.
  • Subsob sa trabaho. Ito 'yong tipo ng tao na mas priority ang career kesa lovelife. Kaya karamihan ay tumatandang dalaga o binata.
  • Pihikan/mapili. Ito 'yong tipo ng tao na mataas ang qualification sa magiging partner. Kaya ang resulta, walang napili at ayon..... tantararantarannnn.... "matandang dalaga o binata".

Marami pang dahilan pero kayo na lang mag-isip... LOL! Single ako, bakit? LOL! May mga kwento naman kung bakit nagiging single o kung bakit single ang isang tao. May kanya-kanyang kwento ang bawat isang tao tungkol sa kanilang buhay pag-ibig. Kung tatanungin mo ko kung ano kwento ng buhay pag-ibig ko. Hmmm... Kwento ko na lang sa susunod. Ok?

33 comments:

  1. Being single is the new black... At ano naman yon ibang dahilan? ibulong mo sa akin.
    Nasa perfect timing lang yan kapatid.

    ReplyDelete
  2. Pero nagka-girlfriend ka naman? Single pa ang isang tao kasi sa hirap ng buhay natin sa ngayon. MAhirap makipagcommit ng isang relasyon lalo na ang pag-aasawa kasi kailangang may mainam kang trabaho, magandang pundar na bahay o ari-arian, lalo na kung ikaw nag lalaki, dapat mapatunayan mo sa mga magulang ng babae na hindi mo lang sya kundi kaya mo syang buhayin.

    ReplyDelete
  3. single ako dahil dun sa unang bullet haha... ^^ masaya naman akong single at alam ko namang andyan lang ang babaeng makakakulitan ko habang buhay ^^ ...daming babae sa mundo haha..di nauubos yan, sa gandang lalake kong ito hahahahaha ^^ masaya naman ako sa barkada ko ^^ minsan naiinggit ako sa kanila pero mas matatanda kasi sila sakin kaya nagbibigay sila ng advise sakin na darating din yan...at sabi nila sakin ngayon, pede na kasi graduate nako hashahaha....mag pantustos nako haha..^^ it's good to be single...susulitin ko talaga pagiging single kasi pag double na ko ...mahirap na magwala ^^ hehe

    ReplyDelete
  4. single is a choice.. naks sabay ganun oh... ganun naman talaga choice naman yun.. di ba?

    ReplyDelete
  5. sang-ayon ako na masaya maging single. simple lang ang buhay. haha!

    bakit nga ba single pa si MP? kwento na yaaaan, ready na ang popcorn at tissue. Maalaala Mo Kaya ata 'to. lol.

    ReplyDelete
  6. @ MB: Explain new black?

    Kapatid? iisa ang ama? o ina? LOL

    Thanks MB! Tama ka...nasa perfect timing lang yan!

    ReplyDelete
  7. @ MOKONG: Oo naman!

    Tama ka dyan pare! Wala na ako maidagdag... nasabi mo na e. :)

    Thanks!

    ReplyDelete
  8. @ SENDO: Mag-gf ka na... may pantustos ka na pala e. LOL

    Thanks bro.

    ReplyDelete
  9. @ AXL: Tama ka! Choice ng isang tao ang pagiging single.

    Thanks!

    ReplyDelete
  10. @ JC: LOL... adik! ano yon sinehan? LOL

    ReplyDelete
  11. Ako ay single din dahil di pa ko married. :)

    ReplyDelete
  12. tanong ng bayan: BAKIT SINGLE PA SI MP?

    kelangan sagutin... wahahahaha
    anu ba tong post na toh! di makarelate.. nyahahahaha

    balik na lang ako mamaya.. busy ako eh hahahahahaha


    bakit ako single? wlang magkamali! tnt much

    ReplyDelete
  13. single ba ako MP???lols~~
    ok payn sapul ako dun sa ibang bullets mo tsk tsk,,ai wait single ba talga ako hahaha,,,naconfuse tuloy ako hahaa,,,
    ano wento mo dali bulong mo naman ahihi~~

    ReplyDelete
  14. agree ako sa lahat ng nabangit sa taas.
    Its fun to be single. Magagawa mo lahat ng diskarte sa buhay na walang sagabal .Selfish nga lang.

    My pressure lang kasi not normal sa karamihan they will think and worry about you.
    ang importante lang ay may ginagawa ka while you are single to prepare for the big day of your life. Iba nga lang ang kaso pag sa babae.Mas mahirap.

    ganon pa man if single be happy.

    ReplyDelete
  15. agree ako sa lahat ng nabangit sa taas.
    Its fun to be single. Magagawa mo lahat ng diskarte sa buhay na walang sagabal .Selfish nga lang.

    My pressure lang kasi not normal sa karamihan they will think and worry about you.
    ang importante lang ay may ginagawa ka while you are single to prepare for the big day of your life. Iba nga lang ang kaso pag sa babae.Mas mahirap.

    ganon pa man if single be happy.

    ReplyDelete
  16. UMAEMPI single ka pa? sayang married na ko! lol joooooooke! hahahaha!

    naalala ko yung post ko about the single and the committed.

    "When u are SINGLE, all u see are HAPPY couples, and when u are committed, all u see are HAPPY SINGLES"

    ReplyDelete
  17. @ MD: malamang single ka nga pare... di ka pa married e... try mo mag married... tiyak, di ka na single... LOL

    @ YANAH: LOL.... saka na... bumbwelo pa ako. LOL

    uyyyy.... magkasunod sila ni MD. hmmm... LOL

    ReplyDelete
  18. @MP
    new black = universal color di ba ang black its means hindi na nakapagtataka kung maraming single ngayon..kasi madami talagang single..parang color black kahit saan makikita mo..Gets mo na??? or further explanation pa? bwahahaha

    Magkaparehas tayo ng YAYA at HARDINERO tange, kambal ka tayo ng tadhana... kulang-kulang nga lang pagkalalake ko.Lol!

    ReplyDelete
  19. @ UNNI: Single ka rin? hmmmm.... LOL

    na-confused? dahil?

    @ Diamond R: Single is happy. Lets celebrate... LOL

    @ Rainbow: tsk tsk tsk sayang nga... LOL

    ReplyDelete
  20. @ MB: LOL natange pa ako... adik!

    hahaha ibig sabihin pala nyan... si yaya at si hardinero ang gumawa........ alam mo na! LOL

    ReplyDelete
  21. inggit nga ako sa mga single eh kasi nagagawa nila gusto nila pero sa kabilang banda ok rin naman ang status ko, nasa sayo na kasi kung paano mo gagawing masaya ang buhay mo single man o double :D

    ReplyDelete
  22. may point ka pare... salamat. :D

    ReplyDelete
  23. say wat?! 22 komentz nah... 2 hours ago lang atah post moh... abah! dmeng nakarelate parekoy... teka.. single kah kc nde hinihintay moh si dee.. haha... hangkafal.. lolz.. single akoh kc meron akong gusto na nde koh pa nakukuha.. meganon.. haha.. ingatz dude... kaaliw topic moh oh.. dmeng nalerki.. lolz.. Godbless! -di

    ReplyDelete
  24. ang daya,, di pa tinuloy... hahaha!

    dati napaka-enthusiastic ko sa bagay na yan lalo na sa pagiging double..sabi ko nga im more than prepared!
    e nung naexperience ang pakasawi (bullet#3), narealize ko na dapat pa kong maging bullet#4.

    sabi nga ni mb,, perfect timing lang yan..
    so carpe diem! :)

    ReplyDelete
  25. lufet ng BG song :))

    eh bakit bitin naman Marco?

    aabangan ko ung reason bakit ka single ;)

    ReplyDelete
  26. single?...hindi daw kasi lumalandi...ahahaha...

    try nating lumandi... baka hindi lang maging double...baka maging triple pa... ahahaha...^_^

    ReplyDelete
  27. MarcoPAOLO (ayan di na POLO) -
    meron kang di sinabing dahilan kung baket single pa ang isang guy or girl ahahha...

    and yeah, bket single ka pa nga rin ba?

    ReplyDelete
  28. @ DHI: Hintayin natin ang perfect timing... LOL

    @ Gesmund: hehehe... ginagawa pa ang karugtong..

    @ JEAN: abangan mo na lang..:D

    ReplyDelete
  29. @ SUPER G: Pare, paglalandi ba ang solusyon? LOL sige... maglalandi na ako. LOL

    @ SOLTERO: Self-explanatory na yon... LOL

    ReplyDelete
  30. natawa ako sa comment ni Yanah, sya na ang di makarelate, wahahaha!

    bakit single? para mas masaya! collect collect then select, nagkataong nasa walang katapusang collect ka pa siguro. lol

    ReplyDelete
  31. natawa ako sa comment ni Yanah, sya na ang di makarelate, wahahaha!

    bakit single? para mas masaya! collect collect then select, nagkataong nasa walang katapusang collect ka pa siguro. lol

    ReplyDelete
  32. magasawa ka na nga marko para hindi ka masabihan nang ganun. hehe. kung ako lahat ng options eh akin. ako na ang lahat. ako na ang gwapo. ako na si geoff eigenmann

    ReplyDelete
  33. @ Toilet: ayos ah... collect collect... dami na siguro na-collect. LOL

    @ Jin: LOL... pinuri ang sarili. AMEN! LOL

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D