Thursday, October 7, 2010

May Ka-date Ako

Ganun talaga pag single... pa-date date na lang... LOL! Hindi ko pa alam kung paano ko sisimulan ang kwento ng aking buhay pag-ibig...anak ng b****ng ipis.... may buhay pag-ibig pala ako! Nakalimutan kong lumandi din pala ako noong mga panahong iyon. LOL! Gaya ng sabi ko, hindi ko pa alam paano ko sisimulan ang kwentong pag-ibig ni empi. Tsk!


Pero bago ko ikwento ang mala-dramang karanasan na iyon ay nakikipag-date muna ako. Noong nakaraang weekend... bago mag-alas 5pm. May nag-text sa akin, nagtatanong kung may lakad ako pagkatapos ng trabaho.
Reply ko naman ay; "Ayon sa aking schedule....wala raw akong appointment ngayong araw. Bakit?"


"OT ka pa? Anong oras labas mo? Dinner sana tayo." sagot niya.


"7pm."


"Wag ka muna mag-OT. Sobra na yan!"


"Ok. Sige. Meet me at (insert place)"


Ayon, pagkatapos kong magtrabaho di na ako nag-extend pa at nagmamadaling nag-out. At nag punta sa lugar kung saan kami magkikita. Buti naman at nauna na siya. Dahil ang ayoko sa lahat yong pinaghihintay ako! Hmp!
Umikot muna kami sa isang mall at nagpapasama na rin akong mag-canvass sa isang computer shop doon. At pagkatapos, nag-aya na siya mag-dinner... nag-suggest siya na sa cabalen (<- di ko alam kung tama ang spelling ko. hehe) na lang daw. Ayaw ko kasi baka mahal doon... concern ako kasi siya ang gagastos. Ang bait ko di ba? LOL!
Kaya, sa iba na lang kami kumain... konti lang inorder namin kasi baka hindi namin maubos... :)

Habang kumain ay nagkwentuhan na rin... at.... at.... may nakita akong..... SEKSI.... mapapa-WOW ka sa kaseksihan.... perpekto ang pangangatawan.... pang-Kama.... LOL! pinagtitinginan siya sa loob ng resto.... pero wag ka!!!!! Retokadang may lawit pala. Tsk! Pero wag ka rin!!! Ang bf..... foreigner! at......................holding hands pa sila! Ang sweetttt!!!!! Nainggit tuloy ako. Hehe!




Balik sa pagkain na kami noong nakalabas na sila ('yong retokada...) masarap naman ang pagkain nila... pagkatapos nag dessert ng Fresh Lumpiang Ubod. Sarap!



Busog! Solve! Nakalibre ng dinner... LOL! Pagkatapos naming kumain.... kwentuhan ulit at share ng mga plano sa Christmas.... Sabi ko, "Skipping Christmas siguro ako..."

"Bakit?"

"Wala lang... gagayahin ko lang yong Skipping Christmas ni John Grisham."

"Hahaha! Sira ka!"

*grin*

Teka, nakalimutan ko palang banggitin....Sa Kalye Juan pala kami kumain. :D May ipapatikim pa sana siyang icecream na sabi niya ay tiyak na magugustuhan ko. Na-curious naman ako.... Anong klaseng icecream naman kaya yon... hmmm.... kaso lang di natuloy kasi hindi na kasya kay pareng tiyan kung mag-icecream pa kami. Sa susunod na lang daw. :D

Ayon, dahil kumain ako ng shrimp..... namantal ako.... nangati... Allergy pala ako sa shrimp.... nakalimutan ko (alam ko may magrereact! yanah, wag ka na magreact.... masarap kasi ang shrimp...LOL!)

Bago ko pala tapusin 'to.....babatiin ko lang po ang isang blogger....na nag-celebrate ng kanya ika-30th birthday.... Happy Birthday, yanah!

PS...

27 pala hindi 30th birthday... hehehe!


Read more:

28 comments:

  1. Buti pa to pa-date-date lang!hmp! lolzz

    may napansin lang akong kakaiba sa entry mo, pero di ko na sasabihin sayo :D

    ReplyDelete
  2. yun oh.. padate-date na lang... ang srap naman ng mga food. kakagutom :D

    ReplyDelete
  3. kakagutom par... graduate nko dyan par yung date-date... coz I enjoy being someone's husband...

    ReplyDelete
  4. @ CM: Pare, binibitin mo ko.... sabihin mo na! LOL... PM mo sa kin yan. antayin ko! Ngayon na pare... urgent! LOL

    ReplyDelete
  5. @ AXL: Hehehe... kuha ka lang dyan.

    ReplyDelete
  6. @ MOKONG: Graduate na ba pare? ako di pa... LOL!

    ReplyDelete
  7. uuueeeyyy.... nasesense ko na hindi ka namagi-skipping christmas.. =D

    parang iba ang aura ng post mo na ito kuya.. =D i like this. haha!

    ReplyDelete
  8. ate rain.... kala ko ikaw yong nag add sakin sa fb... ikaw ba yon? LOL!

    hahaha, plano pa rin yon ate... lol... paano naiba? bakit?

    ReplyDelete
  9. ayos sa sequence of blog posts ah.. "bakit single...", "may ka-date..", ang susunod? buhay pag-ibig na! haha!

    ReplyDelete
  10. Naks naman,, may date sya!
    mukhang lalablayp kana ren ah?! :)

    then what happened next?? ;)

    ReplyDelete
  11. kalimutan mo na yun parekoy, isipin mo na lang na wala akong sinabi lolzz

    ReplyDelete
  12. LOL at kuya CM! hahaha! ikaw na ang the best in pabitin! hahahaha!

    ako ren kuya MP, isipin mo nalang den wala akong sinabi. kalimutan mo na yon! lol!

    ReplyDelete
  13. ikaw na ang may kadate....
    may tatanong sana ako kaso wag nalang hahahha,,,,,
    ok payn ikaw na ang lalablyf?woooooooo......

    ReplyDelete
  14. marco sabi ni mama yaya at papa driver di ka daw nagpaalam noong nakipagdate ka...Potek ang pogi siaya ang nililibre! next sama ko para sa akin yong titira...crisis kasi bawal mag aksaya ng food. LOL!

    ReplyDelete
  15. eto si rose, sinegundahan pa! kakalimutan nya na nga eh :D

    ReplyDelete
  16. nice naman lumalove life heheheh...bitin naman ang kwento ahahha

    ReplyDelete
  17. @ JC: Hahaha! Pare, hayaan mo na... LOL! buhay pag-ibig? mukhang malabo pa pare.

    @ GESMUND: hahaha... atat? wala naman gang doon lang yon.

    ReplyDelete
  18. huwow.. buhay pagibig! anong meron? lolz

    ReplyDelete
  19. @ LORD: Tsk! Tsk! binibitin mo ko pare... PM mo na! LOL!

    @ RAIN: Hahaha... ano ba sabi mo? may sinabi ka? LOL!

    @ UNNI: Ayan na naman yang pabitin... grrrr! pag untugin ko kayo ni pareng CM e.

    ReplyDelete
  20. @ MB: haha... madalian lang kasi yon pare... kaya di ako nakapagpaalam kina Mama yaya at papa driver. LOL!
    wag ka umasa pare kasi wala naman natitira. haha!

    @ CM: isa pa yang rose jack na yan! pag untugin ko na kayo ni unni at rose at ikaw pare... bibitinin ba ako! sakit sa puson LOL!

    @ JEPOY: hindi poy... gang date lang yon. :D

    @ MD: wala naman pare... LOL!

    ReplyDelete
  21. aysus bitin!
    asan ang lablayp?

    ReplyDelete
  22. yoko nang post.. lolz.. have a gud weekend dude... Godbless! -di

    ReplyDelete
  23. @ CHYNG: hahaha... ala namang lablayp chyng e.

    @ DHIANZ: hahaha! Have a good nite dee.

    ReplyDelete
  24. ayus ang date, kasama ang food trip :) next time wag na lang lantakan ang shrimps ;)

    ReplyDelete
  25. me date kapang nalalaman ngayon ah, signs of times nga ba para hindi mahuli sa byahe

    ReplyDelete
  26. @ NOREHANON: Oo nga po e... yaan mo na... masarap din kasi yon e di bale na mamantal. hehehe!

    @ JIN: Di naman... :)

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D