Masama ba kung single ka pa? Masarap ang maging single, di ba? Oo, masarap in a way na magagawa mo lahat ng gusto mo. Lakwatsa dito, lakwatsa doon. Inom dito, inom doon. Gala dito, gala doon. Gimik dito, gimik doon. Landi dito, landi doon. Seks dito, seks doon (LOL. Joke lang!) Whereas, kapag double ka naman este kapag may bf/gf ka....aminin mo.... hindi mo magagawa ang lahat pwera na lang kung likas kang pasaway. Anyway, masarap din naman talaga kapag may "other-half" kung tatawagin dahil may malalambing ka and to make sexual intercourse easily accessible, right? Pero syempre, pag-uusapan muna natin ang pagiging single... ok? Let's proceed...
Maraming dahilan kung bakit single pa ang isang babae at lalake.
- Hindi handa sa commitment. Ito 'yong tipo ng tao na ayaw ng commitment at hindi pa handa sa isang responsibility.
- Takot magmahal. Ito 'yong tipo ng tao na ayaw ibigay ang tiwala at ang pag-ibig dahil sa ayaw niyang masaktan.
- Sawi. Ito 'yong tipo ng tao na nabigo sa pag-ibig kaya pinili na lang ang maging single.
- Subsob sa trabaho. Ito 'yong tipo ng tao na mas priority ang career kesa lovelife. Kaya karamihan ay tumatandang dalaga o binata.
- Pihikan/mapili. Ito 'yong tipo ng tao na mataas ang qualification sa magiging partner. Kaya ang resulta, walang napili at ayon..... tantararantarannnn.... "matandang dalaga o binata".
Marami pang dahilan pero kayo na lang mag-isip... LOL! Single ako, bakit? LOL! May mga kwento naman kung bakit nagiging single o kung bakit single ang isang tao. May kanya-kanyang kwento ang bawat isang tao tungkol sa kanilang buhay pag-ibig. Kung tatanungin mo ko kung ano kwento ng buhay pag-ibig ko. Hmmm... Kwento ko na lang sa susunod. Ok?