Tuesday, February 16, 2010

Hanggang Kailan: Ang Pagtatagpo

Limang taon ang long distance na relasyon nila Anne at Geff. Kahit gaano man sila kalayo sa isa't isa ay totoong nagmamahalan ang dalawa. Minsan naman ay nag-aaway at nagkaroon ng di pagkakaunawaan at minsan ay muntik na silang magkahiwalay. Pero dahil may tiwala sa isa't isa at sa Itaas, sila ay nagkaayos at patuloy sa kanilang paglalakbay sa buhay pag-ibig.

Ipinagdiriwang nila ang anniversary na kahit ay nasa malayo, walang humpay ang tawagan at pagpapadala ng sulat o love letter, emails, at chat. Ganoon nga talaga pag inlove kayo sa isa't isa, parang hindi kumpleto ang mga araw kung di kayo nagkakausap.
Sobrang masaya ang relasyon nila at kontento sila sa sitwasyon na binigay sa kanila. Dahil, ayon sa kanila, darating din ang tamang pagkakataon na sila ay magkakasama hanggang sa pagtanda nila.

Plano nilang magbakasyon sa Pilipinas para sa kanilang pagkikita. Sabik na sabik silang pareho na makasama ang isa't isa pero dahil na rin sa kanya-kanyang responsibilidad sa kani-kanilang trabaho. Kaya minsan naaantala ang kanila pag-uwi sa Pilipinas.
Hanggang sa dumating na nga 'yong araw na kanilang pinakahihintay. Pareho silang pinayagaan na magbakasyon ng ilang buwan. Sobrang saya at excitement ang nararamdaman ni Anne at Geff. Maraming plano silang ginawa sa pag-uwi at pagkikita nila.
Sa Pilipinas....

Geff (tumawag kay Anne): Hello, baby!
Anne: Hi baby!

Geff: Are you ready for tomorrow?

Anne: Yes, I am ready! Kinakabahan ako....

Geff: At bakit?
Anne: E kasi naman, matagal na tayo sa ating relasyon pero bukas pa lang ang unang pagkikita nating dalawa. Di ba?

Geff: Yup. You know what, I am happy...
Anne: Happy, saan?
Geff: Happy..... dahil makikita na kita. I love you, Anne!
Anne: I love you, too!

Kinabukasan... sa isang restuarant ng kilalang Mall nagpa-reserved si Geff ng table para sa kanila ni Anne. Alas syete ng gabi sila usapan, medyo late ng isang minuto sa Anne. Humingi siya ng paumanhin. Masaya sila sa kanilang unang pagkikita na para bang at ease na sila sa isa't isa. Well, sabagay matagal na rin silang magsyota kahit malayo sila sa isa't isa. After nilang kumain, nagpakasunduan nila na pumunta sa bahay nila ni Anne upang ipakilala si Geff sa kanyang mga magulang.
Habang binabaybay nila ang kahabaan ng EDSA masaya pa rin silang nagkwentuhan at nagtatawanan na parang walang katapusan. Masayang-masaya sila dahil sa wakas ay natupad na nila ang noon pa nila hinihiling.
Geff: Anne, masayang-masaya ako dahil nakita at nakasama kita. Parang ayoko nang matapos ang gabing ito.
Anne: I am happy too, Geff! Thank you for everything.... you make me complete!
Geff: I love you, Anne... I love you with all my heart.
Anne: I love......
Hindi na natapos ang pagsabi ni Anne... dahil biglang kinaladkad sila ng isang ten wheelers truck at bumangga sila sa isang bus... Naipit ang kotse ni Gef! Nagkagulo ang mga tao sa paligid at ilang minuto lamang ay dumating ang isang ambulance at mga police. Si Anne at si Geff ay natagpuan sa ilalim ng kotse na naliligo sa kani-kanilang dugo at magkahawak kamay. Pinilit ng mga police at ang mga staff na maiahon sina Anne at Geff mula sa pagkaka-ipit nila sa kotse. Subalit, huli na ang lahat. Wala ng buhay ang dalawang magkasintahan!

6 comments:

  1. wat?! ganda na sana nang luv story... devaleh... magkasama silah siguro sa other life... or maybe they'll become a vampire at maging edward and bella silah... hangswit.. haha... ingatz lagi... Godbless! -di

    p.s. tipid komentz koh kc am not feeling so well... sinabi lang... =)

    ReplyDelete
  2. alam moh bah unang pumasok sa yutakz koh pagkabasa koh nyan... "pinatay tlgah silah eh noh!" ahahha.. lolz.. sana pinag-honeymoon moh muna... tsk!... lolz... humiritz lang uletz... later! Godbless!

    ReplyDelete
  3. @ Dhianz: hahaha... wala e... wala ng maisip kaya tinapos ko na.. hahaha!

    ReplyDelete
  4. binasa ko pramis!

    * sabay bagsak sa damuhan*

    binaril ung nagsinungaling! bwahahaha

    so, sino nga si anne at jeff? anubeh stressball! nyahahaha

    ReplyDelete
  5. Happy ending naman kahit paaano... At least hanggang sa huli sila pa rin...

    ReplyDelete
  6. @ YANAH: Ano daw? ano yong stressball? kaw ha.... lols

    @ MANGYAN: Hehehe oo nga.. kahit papaano nagkasama sila. :D

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D