Thursday, February 11, 2010

Hanggang Kailan

Dahil sa modern technology marami na ring nagkakaroon ng relasyon sa pamamagitan ng YM, FB, FS, Txtm8 at kung anu ano pang networking na lumalabas sa internet ngayon. Maraming nagkakagustuhan sa pamamagitan ng networking na iyan. Isa na rito sina, Anne at Geff. Pareho silang malayo sa isa't isa, si Anne nasa US at si Geff naman ay nasa Italy. Pero, dahil nga sa modern technology pinagtagpo silang dalawa. Una, ay bale wala lamang sa kanilang ang lahat kumbaga, pampalipas oras lamang ang pagbubukas nila sa kani-kanilang account at YM.

Nag-uusap sila. Nagkukulitan. Nagbobolahan. At bigla na lang nawala ang kontak nila sa isa't isa. Mga ilang buwan din ang lumipas noong huli sila ay nagkakausap. May kanya kanyang nangyayari sa kanilang buhay.

At isang araw, habang OL (online) si Anne, may bigla nag PM sa kanya;

unknownski: Hello!
Anne: Hi!
unknownski: Musta?
Anne: I'm fine. u?
unknownski: I'm good. Kilala mo pa ba ako?
Anne: Oo naman. Ikaw pa!
unknownski: Naks naman! sige nga, anong pangalan ko?
Anne: Tumigil ka nga Geff! Kilala pa kita noh!

Anne: Bakit bigla kang nawala?
Geff: Oo nga e... naging busy lang sa trabaho kaya nawala ng time na mag-OL kasi pag-uwi ng bahay, pagod na!
Anne: At nag-explain pa talaga enoh!
Geff: Syempre naman! Nagtanong ka e.
Anne: Hahaha! Oo nga naman...
Geff: Musta ang buhay buhay?
Anne: Gaya pa rin ng dati. :D
Geff: Na-miss kita, alam mo ba yon?!
Anne: Hindi e...
Geff: Hahaha... bad ka!
Anne: Joke lang! Miss din kita...
Geff: talaga?
Anne: Oo nga... ayaw maniwala nito! hmp!
Geff: Sige nga, kung miss mo ko.... ihug mo nga ako.
Anne: Hahaha! May ganoon talaga enoh?
Geff: Oo naman! sige na... hug na...!
Anne: Hmm...
Geff: what?
Anne: Oo na... sige na nga... Hugs for you, Geff!
Geff: Napilitan ka lang yata e... :(
Anne: Asus... sabay tampo enoh... hindi noh... Oh, nasaan ang hugs ko?
Geff: Hehehe... syempre naman... mawawala ba yon... lapit ka na... at hugs kita ng mahigpit....
Anne: Thanks, Geff!
Geff: Wala yon... Love kita e...
Anne: Huh?
Geff: Oo, mahal kita, Anne!
Anne:................
Geff: What?
Anne: I can't believe it!
Geff: Bakit?
Anne: Bigla kang nawala tapos sasabihin mong mahal mo ako?
Geff: Yup! Nawala ako dahil pinag-iisipan ko ng matagal kung sigurado ako sa nararamdaman ko para sayo. At kung handa ako sa ganitong relasyon. Ngayon, ay sigurado ako Anne. Mahal kita. Kahit anong pilit ko na tanggalin ka sa isipan at sa puso ko. Hindi ka nawawala. Kaya ako nagbalik at nagbakasakali na OL ka para sabihin sayo ang nararamdaman ko. Anne, I love you!

Geff: Still there, Anne?
Anne: Yup.
Geff: I hope, di pa huli ang lahat...
Anne: I don't know...
Geff: What do you mean?
Anne: I don't know why I miss you when you are not around. I am longing for you. I think......I love you, too, Geff!

At doon nagsimula ang pag-iibigan nila Anne at Geff. Naging masaya silang dalawa sa naging takbo ng pag-iibigan nila. Minsan, nagkakaroon ng tampuhan at away pero normal lang sa isang relasyon yan.

14 comments:

  1. Minsan talaga kailangan ng mahabang oras ang pag iisip kung tama ba ang binabalak na gagawin, sa paraang ito nakakasigurado kang tama ang magiging desisyon mo...

    Happy Valentines pre at Kay Geff & Anne :)

    ReplyDelete
  2. @ CM: Happy Valentines din parekoy! :D

    ReplyDelete
  3. si Anne eh nasa Seattle, Wash US at si Geoff eh nasa Pinas? iniba pa ang kwento ohh.. pareho silng blogger na nagkatagpo na nakabuo ng pagiibigan..
    weeeeeeh..
    MP at D? lols

    happy puso day parekoy

    ReplyDelete
  4. Hangswit naman nang pag iibigan nilah. Sigh. Hmmm naki internet lang akoh sa cell nang ateh ko cause la akong internet for now. Kaso takte feeling ko one word per minute akoh. Nangangapa akoh nang letters eh. Tsk. Kayah nde akoh makakometz nang ayos. Sana happily ever after yang dalawang yan. Masabi nilah how much they love each other. Naks naman. Wehe. Sige nakidaan lang akoh online. Ingatz lagi. Godbless.

    ReplyDelete
  5. i lyk d story :)
    it happens 2 me b4 pero npunta lng s wla.. pero sana sa inyo hapi ending :)

    ReplyDelete
  6. Hhmm, hard to believe. Case to case basis ang LDR. Ü

    ReplyDelete
  7. @ KOSA: Hahaha... umayos ka parekoy! gumagawa ka ng istorya! lols

    @ DHIANZ: Wawa naman... bumili ka na kasi. :D

    @ KAYEDEE: hmmm... abangan na lang ang kwento nila Anne at Geff! thanks kaye ;)

    ReplyDelete
  8. hmmm LDR medyo mahirap na usapan yan... pero di ba pag gusto mo ang isang bagay gagawa at gagawa ka ng paraan... hehehe nice post

    ReplyDelete
  9. @ AMOR: Tangs u talaga! hahaha...

    @ SAUL: Thanks parekoy... :) Musta?

    ReplyDelete
  10. I used to be a non-believer of this. But I guess time is really changing and it works and it does make other people find true love~~~~

    ReplyDelete
  11. @ PUSANG KALYE: hmmm.... hehehe... walang maihirit. hehehe

    @ YANAH: si anne at jeff ay ehem... lols

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D