Friday, December 18, 2009

Visiting Here

Bumisita lang at sumilip sa kakaibang mundo at mag-alay ng isang tula para sa ating lahat. :)

Christmas is filled with joys and laughters,
Christmas is filled with love,
It is also to recall all our good memories
With someone we love dearly.
We often think at Christmas time
Of people we do really keep in our hearts.
We realize how blessed we are
to have our family around us.

This poem also posted at: Click Here

Marco Paolo

Thursday, December 10, 2009

Huling Mensahe

Para sa inyong lahat,

Kamusta naman po kayo? Nawa'y nasa mabuting kalagayan kayo at nasa maayos na pamumuhay. Magsasara na naman ang taong 2009 at bubuksan ang panibagong hamon para sa ating lahat. Sa ating paglalakbay dito sa mundo ako'y nananalangin na maging maayos at malabanan natin ang kung anumang hamon ang ibibigay Niya para sa atin. Ang hamong iyon ang siyang magbibigay ng tagumpay para sa atin lahat. At ang hamong iyon ang siya magpapatibay sa ating pagkatao.

Sa darating na kapaskuhan, ako rin po ay nananalangin na maging Maligaya ang Pasko para sa bawat isa sa atin, hindi lang para sa ating mga sarili pati na rin para sa buong Pilipinas at para sa buong mundo.

Sana, sa bagong taon na ating haharapin ay mas lalo tayong maging matatag sa mga unos at suliranin na darating sa ating buhay. At para sa ating bansa, sana ay umunlad ng konti at magkaroon ang bawat isa ng kabuhayan o source of income. Sana wala nang krimen o anumang sakuna para sa sambayanang Pilipino.

Ako rin po ay lubos na nagpapasalamat na naging bahagi (blogsphere) sa mundo ito. Nagbahagi ng konting kaalaman o opinyon na meron ang utak ko. Naging parte ng isang organisasyon dito sa mundo ito.

Ako rin po ay humihingi ng paumanhin sa hindi pagdalo bilang volunteer ng PEBA, for personal reason kung bakit hindi po ako makapagbigay serbisyo para sa PEBA. Pero gusto ko lang po malaman ninyo na masaya ako ng naging membro ng organisasyong ito. Nawa'y pagpalain po kayo ng MayKapal lalong lalo na ang founder ng PEBA, Presidente, staff at ang membro nito. Hindi ko man kayo personal na nakilala pero para sa inyo.... Maraming Salamat!

Maraming salamat din po sa mga bloggers na nakilala ko dito. Maraming Salamat!

Magsasara na po ang AJOMSL o A Journal of My Simple Life para sa taong ito. Susubukang bumalik sa susunod na taon upang magbahagi ng konting kaalaman, kwento, opinyon, tula at iba pa.

Merry Christmas and Happy New Year to all of us!

Gumagalang,

Marco Paolo

Friday, December 4, 2009

update lang...

Update lang habang may pagkakataon...sabi nga nila, sulat lang daw ng sulat at para naman sa iba ang pagba-blog - it's a way of expressing our feelings or opinion.

  • May mga pagkakataon talaga na hindi mo maiiwasan na mangyayari sa buhay mo. Akala mo maayos na ang lahat pero meron pa palang isang bagay na pwedeng mangyari na hindi mo talaga ini-expect. HINDI INAASAHAN. - minsan masaya at minsan naman malungkot, yon ang mga mararamdaman mo sa isang bagay o pangyayari na hindi mo inaasahan. Hays!
  • Ito ngayon ang hindi ko inaasahan na mangyari, maaaring magpasko ako na wala nang trabaho. Hays! Sana nga lang mali ang mga predictions at vibes ko at ng kasama ko... pero mangyayari yata yon dahil napapabalita na e pero sana magiging SAVE ako! Nakakalungkot lang isipin dahil kung kelan living with my own na ako saka pa ito mangyari. Sana na nga mali... Tsk! Tsk! Tsk!
  • Hindi lang yata mainit ang pasko ko kundi malamig, malungkot at jobless! I'm worried. Sigh!

Thursday, December 3, 2009

Dropping by

Just want to greet all of you a "Merry Christmas and a Prosperous New Year to all!" May all of us have a wonderful and fruitful life for this coming 2010. God Bless us!

Bye for now... Missing you all!


Marco