Hi Fans! Kamusta naman ang buhay buhay? Buhay pa ba? The day after the IMS outreach ininvite naman ako na magtrekking sa Montalban to San Mateo. Since hindi pa ako nakakaakyat ulit ng bundok simula noong pumasok ang 2013. Kaya, grab ko na ang pagkakataon.
First time kong magpunta ng Montalban, walang idea kung san ang sakayan at san ang babaan. Buti na lang masunurin ako sa instruction at na-gets ko naman kaya hindi naligaw at higit sa lahat hindi na-LATE! Lol!
Nagkita-kita kami sa Montalban pagkatapos derecho na sa Wawa dam, it was already 10am kaya medyo mataas na ang araw. Na-amazed na naman ako sa Wawa dam, parang ang sarap maligo dito. Sabi ng mga locals, maraming dumadayo dito lalo na sa darating na Holy week, punong-puno daw ito ng tao. Parang hindi maganda magpunta dito ng holy week, maraming tao e.
Maraming cottage at ang ibang local ay nagtatayo pa ng iba pang cottage bilang paghahanda sa darating na long long weekend. Nag-stay muna kami ng ilang minuto dito....
more cottages...
....bilang first timer....syempre kailangan magpa-picture. sabi ko kay photographer, dapat na nasa gitna ako! hmp! :D
Pagkatapos, magpapogi este magpapicture.....trek na kami! Ang ganda lang dito dahil may plantation ng eggplant at sabi ni Jeff, pwede raw bumili dito at ikaw mismo ang mamimitas. Hindi lang pala eggplant, pati sitaw at kamati at may okra pa pala.
Bago magsimula ang sakrispisyo (sakripisyo talaga e no?). Kailangan muna naming tumawid ng apat ng sapa para marating ang boundary ng Pingtong Bucawe (San Mateo).
Mga 11:30am narating namin ang boundary ng San Mateo. May maliit na tindahan doon na pwede pahingaan. Nag-rest muna and we ate our snacks. I bought 6pcs of bananacue. Ang sarap! At si Manong local nilibre kami ng halohalo. Ang bait! Babayaran sana namin pero nagpupumilit siyang libre na raw yon.
Maraming bikers din pala dito lalo na kapag weekends. At nainggit naman ako gusto ko din bumili ng mountain bike. Hahaha!
Tanong ng mga locals doon, "bikers din po ba kayo mga sir?", "walkers lang po kami..." :)
Start na ulit ng trekking.....paakyat....ng paakyat...paakyat....akyat pa....more akyat.....and more more more akyat.....labanan ang sikat ng araw....more akyat...walang katapusang trekking ito. Nakaka-uhaw.
Past 1pm na yata kami nakarating sa Camp Sinai at nagsara na ang mini karendirya kaya ito na lang ang lunch namin. Mango Pie worth 45pesos plus mineral water. Buko pie naman kina Jeff, Thomas at Roy.
Dahil wala naman kaming ibang kasama kaya ito ang kuha ni Laloy samin.... LOL! Husay mo Laloy! Hahaha!
Ang sarap siguro kapag may ganito kang rest house. Maliit pero gusto ko may puno sa paligid para presko.
Wot! Wot! Nakakawala ng stress!
Back to Wawa Dam na.....almost 6pm.
Happy long long weekend, folks! Sana ay makapagmuni-muni kayong maigi. God bless! Tsup!Ang itim ko na!!!!! Hahaha!
Excited for my next trip........
Ciao!
based? lol
ReplyDeletenatawa ako sa bikers at walkers hahahahahaha
i envy you na talaga hahaha
kakainis kana empilels! naman! bakit kaladkarin ka! hahhahaha isama naman ako sa susunod na treking na yan promise hindi ako magpapabuhat sayo kapag ako ay napagod na hahaha kahit gagapang ako basta makarating ako sa pupuntahan natin gagawin ko! hahahaha
Game! Lumuwas ka sa linggo! May akyat kami!
DeleteTara na!
sige na ako na ang nainggit ng bongga sa trek trek chuchu nyo..mejo matagal na rin kasi akong walang trek, poor me! :'(
ReplyDeleteayus yung mga pechurs mo empi boy! ^_______^
Thanks tabs!
DeleteWala ka na bang lakwatsa? Byahe ka na ulit... :)
dito namin ni celebrate ang bday ni mama two years ago... this place brings lots of memories... hehehe... napilayan kasi dito si ex, sana di na gumaling yun kung alam ko lang na magbbreak kami..bwahahahahahaha...
ReplyDeleteIt's really refreshing to go and commune with Mother Nature even just for a few hours.. Let's go Majayjay Falls! Ang init ngaun eh..hehehe
May pagkabitter ha? Hahaha
DeleteAng daming lakad. Hehehe.
Sa linggo ha...game ka na? Hehehe
bwahahahaha gisang gisa ang ampalaya with itlog lol
DeleteAng hilig sa ampalaya e. hahaha
Deletenice trek empi. Pampalaki ng muscles and also pampaalis ng stress. Just dropping by:)
ReplyDeleteI wish Mommy Joy, lalaki muscles ko! Hehehehe
DeleteThanks po. Ingat lagi :)
kotang-kota ka na adventure ngayong taon ha... kainggit ka naman... mag-lovelife ka na nga para mapirme ka sa isang lugar...lol
ReplyDeleteKulang pa yan e. hehehehe
DeleteAyaw ko magkalovelife...sagabal sa mga lakad. Hahaha
Pwede rin naman basta hilig din ang lakwatsa. :)
Dahil sa post mong mango pie, ngayon ko lang napagtantong BUKO PIE, at EGG PIE palang ata ang natitikman kong PIE! Oh, PIZZA PIE. Hahaha!
ReplyDeleteNatikman ko na lahat yan. Beef pie na lang at chicken pie...meron daw yan sabi ni ateng tindera.
Deleteastig ng view! nakakawala nga ng pagod!
ReplyDeleteTama! :)
DeleteNatakot ako dun sa Dam.. lol.
ReplyDeleteNatakot? Na matangay sa agos? Hahaha
DeleteSaan yan? Bulacan ba? Ang ganda! Inamin mo din na maitim ka! got you there! nyahaha..
ReplyDeleteBakit naman kayo nilibre ni Kuya ng halo halo? sayang naman yun g kita nya doon!
Natawa ako sa walker... zombie yun e.
Montalban at sanmateo!
DeleteOo, kasing itim mo na ako! LOL
mabait daw kasi kami kaya nilibre kami ni manong.
Balak sana namin ni erin na dito sa wawa dam pumunta last holyweek pero, nauwi kami sa liliw laguna ahahaha.
ReplyDeleteDi pa ako nakapunta dyan! Sama! Hahahaha
DeleteMukang maganda doon may nabasa kasi akong blog about doon. nakalimutan ko nga lang kung ano link. Di pa mahal ang trip dyan. Sige if ever na mapush namin ni Erin yan :D
DeleteGo! Hehehe
DeleteTuyo na ang Batis ng Liliw! hahaha..seriously, galing kami sa Batis ng Liliw last Jan, at waley tubig! We ended up sa park, at nagkape at umuwi n lang din..hahaha
DeleteMalas mo naman meow. Hehehe
Deletenice hongganda ng view! ahh at masarap naman talagang maligo dyan!
ReplyDeletenaku sa sunday puno na yan,
walkers haha parang walking dead term lang
Tama ka mecoy! Walking dead talaga ibig naming sabihin. Hahaha
Deletethis is official. akoy inggit na inggit sayo ser empi.
ReplyDeleteSama ka ser, mag unwind. Alam kong toxic ka sa mga ginagaw mo
Deleteser empi, gusto ko mag 30KM this summer.
DeleteGo, ser!
Deletehonggondo nomon! kayo na may long weekend! huhuhuh
ReplyDeleteWala ba kayo khants? Awww. Wawa naman. Haha
DeleteOMG empi! super ganda! parang na te temp na talaga ako sumama sa mga gala ng kakilala kong mountaineers. kaso baka di kaya ng powers ko ang lakaran. pero kung mga ganitong level din yung view tatry ko.
ReplyDeleteKaya mo yan, Phioxee!
Deletethe darker you are the more interesting your summer was, right?...:) natakot ako sa dam...baka mag over spill...parang ang daming tubig...;O nag laway ako sa pie...gutom kasi....hehehe
ReplyDeletexx!
parang kulay green di ba? hehe
Deletemasarap sya... :)
parang gusto kong matikman ang mango pie... mukhang masarap hehehe at magugustuhan ko hehehe
ReplyDeleteganda ng adventures,,, dami mo na ring napupuntahan.... ganda ng rest house.....
masarap sya, sir! oo nga e. ang ganda ng rest house, yong likod makikita ang kabundukan. :)
Delete