Showing posts with label Stalker. Show all posts
Showing posts with label Stalker. Show all posts

Friday, July 15, 2011

Wag mo ko i-stalk


Bebot: H'wag mo na nga akong i-stalk! Ligawan mo na lang ako.
Stalker: Sasagutin mo ba ako kung sakaling liligawan kita?
Bebot: Aba! Depende sa diskarte mo!

Larawan galing dito

Tuesday, August 11, 2009

Stalker


Ang stalker ay ‘yong taong may labis na pagnanasa o pagkagusto sa isang tao. May stalker ka ba? Kung meron, ito ang pwedeng gawin ng isang stalker:

1. Sinusundan ka kahit saan; sa beach, sa bar, at kahit sa bahay mo.
2. Pahilim kang kinukunan ng picture.
3. Madami kang picture na nakadikit sa kanyang kwarto.
4. Inaalam ang bawat kilos at bawat activities mo.
5. Pwede manira ng taong malapit sa iyo.
6. Pwedeng manakit ng kapwa.
7. Sasaktan ang sarili para mapansin mo lang.
8. At pwedeng pumaslang para lang makuha ang gusto at para mapasakanya… IKAW!

Ang mga iyan ay ang kayang gawin ng isang stalker. Kaya, ingat ingat! Ang punong makikita niyo pala sa itaas ay may kinalaman din sa pagiging stalker ng isang tao dahil kung may puno ka sa tabi ng iyong bahay. Pwede siya roon umakyat para lang makita ka’t magmasid sa mga ginagawa mo.