Ang sarap mangarap! Bata pa lamang ako gusto ko ng magkaroon ng sarili bahay na pinalibutan ng punong kahoy o mga halaman. Nasanay kasi ako sa bahay namin noong nasa probinsya pa ako, pagkagising ko sa umaga maamoy mo ang mga bulaklak sa hardin ni Nanay. Nasanay na rin akong tumulong sa pagdidilig ng mga ito. Sabi pa nga niya, "Para maganda ang tubo ng mga orchids o mga bulaklak natin kausapin mo din sila." Parang baliw lang? Lol
Balik tayo sa "libre ang mangarap," kaya simula noon namuo sa aking mga pangarap ang magkaroon ng sariling bahay. Ayoko ng Mansion dahil masyado itong malaki, ang hirap linisin, at kung konti lang kayong member ng pamilya. Hindi kayo magkakakitaan. Haha!
Gusto ko yong simple lang sa labas pero astig pagdating sa loob ng bahay. Napapansin ko kasi sa ibang bahay, ang ganda sa labas pero pagpasok mo sa loob... ang pangit! Yong iba naman malaki tingnan sa labas pero pag pasok mo, ang sikip at maliit!
Gusto ko sa bahay ko walang gamit o dekorasyon masyado, pangit kasi tignan sa bahay kung maraming decors or something like that. LOL!
Gusto ko ang kusina ng bahay ko ay maganda, malinis, medyo malaki at kumpleto sa gamit. In fact, may sketch na ako para dyan. Pinagawa ko pa sa kaibigan ko. Gusto ko sana i-share kaso wag muna baka magaya pa ng iba. Joke!
Gusto ko sa bahay ko, yong malapit sa beach o overlooking. Sarap kasi langhapin ang hangin mula sa karagatan. Based on my experience na rin. FYI, ang likod kasi ng bahay namin sa probinsya ay beach na... kaya kung magkaroon man ng tsunami. Kami ang maunang lamunin. Haha!
O kaya gusto kong bahay ay katulad sa nasa itaas na larawan at nasa ibabaw. Ang sarap mangarap!
