Monday, August 8, 2011

Libre ang mangarap

Ang sarap mangarap! Bata pa lamang ako gusto ko ng magkaroon ng sarili bahay na pinalibutan ng punong kahoy o mga halaman. Nasanay kasi ako sa bahay namin noong nasa probinsya pa ako, pagkagising ko sa umaga maamoy mo ang mga bulaklak sa hardin ni Nanay. Nasanay na rin akong tumulong sa pagdidilig ng mga ito. Sabi pa nga niya, "Para maganda ang tubo ng mga orchids o mga bulaklak natin kausapin mo din sila."  Parang baliw lang? Lol

Balik tayo sa "libre ang mangarap," kaya simula noon namuo sa aking mga pangarap ang magkaroon ng sariling bahay. Ayoko ng Mansion dahil masyado itong malaki, ang hirap linisin, at kung konti lang kayong member ng pamilya. Hindi kayo magkakakitaan. Haha! 

Gusto ko yong simple lang sa labas pero astig pagdating sa loob ng bahay. Napapansin ko kasi sa ibang bahay, ang ganda sa labas pero pagpasok mo sa loob... ang pangit! Yong iba naman malaki tingnan sa labas pero pag pasok mo, ang sikip at maliit!

Gusto ko sa bahay ko walang gamit o dekorasyon masyado, pangit kasi tignan sa bahay kung maraming decors or something like that. LOL!

Gusto ko ang kusina ng bahay ko ay maganda, malinis, medyo malaki at kumpleto sa gamit. In fact, may sketch na ako para dyan. Pinagawa ko pa sa kaibigan ko. Gusto ko sana i-share kaso wag muna baka magaya pa ng iba. Joke!

Gusto ko sa bahay ko, yong malapit sa beach o overlooking. Sarap kasi langhapin ang hangin mula sa karagatan. Based on my experience na rin. FYI, ang likod kasi ng bahay namin sa probinsya ay beach na... kaya kung magkaroon man ng tsunami. Kami ang maunang lamunin. Haha!



O kaya gusto kong bahay ay katulad sa nasa itaas na larawan at nasa ibabaw. Ang sarap mangarap! 

25 comments:

  1. ganda 'ung nasa taas... simple lang... hangsarap nga non... by d' water... hmmm... nd yes sarap mangarap.... pero keep dreaming kc lahat nagsisimulat sa pangarap.... sometimes u dream too much 'bout it that it comes true.... i believe on that... kaya nga we should always think 'bout positive things... juz keep thinkin' bout it nd more likely it'll happen.... nagsalita ang positive lagi?... lolz... hmmm... well wish yah all d' best... awa ni God na matupad ang pangarap moh.... sabi nga devah...juz believe nd have faith in Him kc He will give yah d' desires of ur heart... ingatz lagi wabz kong friendship... nd btw in fairness namiss koh magkomentz nd mag-blog hop... Godbless! -di

    ReplyDelete
  2. nd akalain moh 'un... nakabased hanglola moh... lolz! =P peace out... laterz!

    ReplyDelete
  3. pareho tau ng pangarap.. ayaw ko din ang mansiyon.. hehe!

    ReplyDelete
  4. or something like that? kainaman. lol.

    ako, siempre gusto ko yung bahay na maganda panlabas at panloob. yung malinis. yung mabango. kahit san nakapwesto solb na ko. kaso siempre hindi lahat ng gusto at pangarap natin pwedeng matupad. possible nga pero kung di ganun kadami pero mo. talo ka. kaya kung di man matupad pangarap ko, ayus lang, basta ang mahalaga yung ibabahay ko. :)

    ReplyDelete
  5. ako pangrap din ang maayos at simpleng bahay, ayoko ng magarbo... simple lang gaya nung unang larawan pre...

    ReplyDelete
  6. ok na sa akin ang maliit na bahay, pero hekta-hektarya naman ang bakuran. lol

    ReplyDelete
  7. ganda ng dream house mo. heheh.

    sabi nila basta lagi mong iniisip ang dream mo at may exact details, malaki ang chance na you will get it kasi navisualize mo na

    ReplyDelete
  8. Pareho tayo ng gusto sa bahay maliban doon sa malapit sa dagat kasi ayaw ko yong lagkit na dala ng dagat. Pero gusto kong may tubig sa tapat ng bahay parang lawa lang pero di maalat.
    libre naman mangarap. ang maganda doon kung ano ang iniisip mo yon ang nangyayari.

    ReplyDelete
  9. gusto ko malaking malaking bahay na may farm sa loob hhehehe! taray yata hihi

    ReplyDelete
  10. Ako sakto lang.. Hindi ganun kalaki at hindi naman kasikipan. Tsaka para sa akin hindi importante yung kagandahan ng bahay, ang importante dun yung pagmamahalan ng nakatira dun *naks poldo ikaw ba yan?? LOL...

    Pareho tayo Empoy, gusto ko malapit sa nature yung future house ko.. siguro ok na yung under the sea yung maraming fish.. Jowk...

    Gow empoy! live your dreams!

    ReplyDelete
  11. sha ikaw na ang nanlait sa ibang bahay. wahahaha! Ok lang yan marc. Dream on! in fairness magaganda ang dream house mo.

    ReplyDelete
  12. ako naman gusto ko ung may hardin, ayoko ng may lake. basta simple lang pero dapat malawak ang hardin

    ReplyDelete
  13. pareho tayo may floor plan na ako ng bahay ko pampatayo nalang ang kulang!hehe gusto ko simple lang ang house ko at malaki din ang kusina kasi masarap magluto pag kumpleto at malawak ang gagalawan mo.

    ReplyDelete
  14. ayaW NG mansyon pero ang lalaki ng mga bahay na pinost sa pic.adik. okay lang yun.pag me masnion ka di mayaman ka.pwede kana magka-anak ng 1-dosena --yun --magkaka-kitaan na kayo.lols

    ReplyDelete
  15. Mahilig ako bumili ng mga libro na may mga layout at floor plan ng mga bahay. Wala lang, sarap lang mangarap.

    ReplyDelete
  16. @ DHI: natawa naman ako sa "nagsalita ang positive" hehehe... mukhang sinipag kang magcomment ngayon ah. :) balita?

    @ MOMMY: Apir, mami! :D

    ReplyDelete
  17. @ BULAKBOLERO: Lol!

    Tama ka! Ang mahalaga yong kasama mo sa bahay kahit maliit o malaki man yang tutuluyan! :D

    @ MOKS: Hahaha!

    ReplyDelete
  18. @ PEPE: Wow! Yaman..Hehehe!

    @ KHANTS: Tama! Hehehe!

    ReplyDelete
  19. @ DIAMOND: Yeah! Libre ang mangarap. Malay natin matutupad din yon. hehe


    @ KASWAK: Haha! May farm sa loob? Gara! :D

    ReplyDelete
  20. @ POLDO: Gumaganun ka na ngayon ha? Lol!

    @ KURA: Haha! laitero ba ang dating? LoL! Sori!

    ReplyDelete
  21. @ BINO: Wow! Go, Bino! :D

    @ IYA: Matatayo mo din yan for sure. :D

    ReplyDelete
  22. @ PUSA: hahaha! Maliit na version na yan. hehehe!

    @ GLENTOT: Sarap nga mangarap! :D

    ReplyDelete
  23. ganda ng pangarap mo men hehe...
    dream on ^^...

    ReplyDelete
  24. Cheers sa pareho nating pangarap: isang bahay na malapit sa beach. Sarap nun, yung paggiging mo kahit di ka pa naghihilamos diretso ligo na agad sa dagat hehehe

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D