Hi guys, my name is Meng. :3 |
At dahil doon na-met ko si Meng, unang kita ko palang sa kanya, na-attract na ako, kaya, tinake-home ko na sya after ng Bazaar. Sino si Meng? Ayan oh, meet my Meng. Gusto niyang sumakay sa aking white Porche, at excited siyang makasama sa galaan si Laloy. Sino naman si Laloy? Pangalang ng camera ko. Ahihihihi!
Anyway, hindi ito tungkol kay Meng at kay Laloy ko ang pag-uusapan natin ngayon. Ang ating tatalakayin (tatalakayin talaga? nasa class room lang? LOL) ay tungkol sa mga pinagkakaabalahan ng inyong lingkod lalo na sa kanyang spare time. Kapag mag-we-weekend ay nakaabang na sa mga lakad/invitation dahil kailangan mawala ang stressed sa katawan. Friday night pa lang ay dapat iiwan na ang stressed sa lobby ng opisina. Bawal isipin ang trabaho kapag weekend! Nakakasira e! Hehehe.
Hindi lang ang pagtakbo, lakwatsa, foodtripping ang kinaadikan ng inyong lingkod. Pati mountaineering ay akin na ring pinasok. Nakakaadik din! Promise! Akin pong ibahagi sa inyong mga mambabasa at taga-subaybay ng pahinang ito ang mga mundok na aking naakyat.
Twin Hike: Mt. Talamitam and Mt. Batulao
Mt. Batulao (811+ MASL)
Location: Nasugbu, Batangas
Dinouble hike namin ang Mt. Talamitam and Mt. Batulao.
Ito ang pinakamataas na bundok na naakyat ko, trekking pa lang ay hihingalin ka na. May sampung campsite ang bundok na ito. Dalawang option ang pwede ninyong daanan: Old to New Trail and New to Old Trail. Pero para sa akin, mas ok sa old to new trail dahil medyo easy lang though hihingalin ka rin naman. May portion na mag-rock climbing ka para makarating sa tuktok ng bundok. Buwis buhay lalo na kapag naulan. Pero kapag nandoon ka na sa itaas ng bundok.....you will see the dramatic and breathtaking scene.
Hindi ko ito makakalimutan dahil ginabi na kami sa bundok kaya hirap kaming bumaba lalo na wala kaming dalang flashlight. Kampante kasi na 5pm e nasa jump-off na kami.
Mt. Talamitam (630+)
Location: Nasugbu, Batangas
Ito ang bundok na unang inakyat namin bago ang Mt. Batulao sa twin day hike namin. Ang bundok na ito ay kalbo katulad ko. Haha! Kita mo naman sa picture, kaya be sure na may dala kang pantakip sa inyong mala-porselanang balat.
Yong dalawang babaeng kasama namin dito ay walang reklamo. Hanga kami! Sad lang kasi di na sila tumuloy sa pangalawang bundok na aakyatin namin sa araw na iyon. Siguro pagod na!
Twin Hike: Mt. Maculot and Mt. Manabu
Mt. Manabu Peak (760+)
Location: Sto. Tomas, Batangas
Ang bundok na ito ay good for the beginners dahil easy access, short trail at may magagandang tanawin na ikaka-enjoy mo. Unforgettable ito para sakin dahil noong umpisa ng trail namin, medyo hindi maganda ang kalagayan ng kaloob-looban ng aking tyan na siyang sanhi ng hindi sinasadyang pagbabawas ng dumi sa kagubatan. Nakakahiya man sa mga kasama ko pero kailangang hintayin nila ako kesa naman matae ako sa brief. Hahaha!
Lesson learned: wag basta basta kumain ng pagkain lalo na kung alam mo ikakasira ng sikmura mo. Takaw kasi! Lol
Mt. Maculot/Rockies (706+)
Location: Cuenca, Batangas
Mt. Maculot ay isa sa mga popular na daytrip destination lalo na sa weekends and summer month. Ayon sa isang blog, ang Mt. Maculot ay may tatlong destination; rockies (706m), the summit (930m), and grotto (510m). Pero ang inakyat lang namin ay ang Rockies. Maganda ang view pag nasa tuktok ka na ng Rockies, makikita mo doon ang Taal Lake. Hindi lang talaga ako nakapagpa-picture ng nakatayo sa rockies habang niyayakap ang Taal Lake. Sobrang lakas makahina ng tuhod to think na takot din ako sa heights. Hahaha! Gustuhin ko man pero hindi ko talaga kayang tumayo. Nanginginig ako! :3
Mt. Manalmon (196+)
Location: San Miguel, Bulacan
Para sa akin, ito ang pinaka-easy'ng akyatin na halos tatagal lang ng 30minutes. Kaya medyo bitin ang pag-akyat dito. Mabuti na lang may Bayukbok Cave na malapit sa lugar na iyon. At ang Madlum River na kung saan pwedeng magswimming after ng caving.
Mt. Batulao (811+ MASL)
Location: Nasugbu, Batangas
Ito ang unang pagkakataon namin na umakyat sa Mt. Batulao pero ito din ang araw na kinamumuhian namin. Hahaha! Bakit? Sobrang nakaka-stressed at haggard akyatin ang bundok na ito lalo na kung umuulan. Imagine, from the jump-off maputek na siya hanggang doon sa paanan ng bundok. Plus, dagdagan mo pa ang pag-ambon noong panahon na iyon.
Putikang mga paa, short, damit, plus simplang, slide, madulas, tumba to the left to right, naiiwan ang suot na tsinelas o sapatos sa ilalim ng putek. Haha! Saya!
Mt. Tagapo (438+)
Location: Talim Island, Laguna de Bay
Binangonan, Rizal
Unang bundok na naakyat, easy lang din ang trail dito siguro aabutin lang ng 1.5hrs nasa tuktok ka na ng bundok. Ang bundok na ito ay tinatawag ding Mt. Susong Dalaga dahil kapag nasa Laguna ka and spot the peak of the Mt. Tagapo para siyang korte ng suso ng dalaga.
Looking forward sa major hike/overnight sa Pico de Loro and Mt. Pulag. Hopefully, this year magawa na yan. At looking forward din akong makasama ang ibang PBOers na gustong mag-explore sa kabundukan. Be sure lang na hindi ka maarte ha, dahil bawal ang maarte kapag namumundok ka kundi baka itulak kita sa bangin! Hahaha!
Believe naman ako sa yo. Nice knowing you more empi. Admirable:)
ReplyDeleteMs. Joy, thank you! :D
DeleteSana ma meet mo si kuya Emps in person, like me, maingay sya. hahaha!
DeleteLangya ka pao! Lakas ng tawa ko. Hahahaha
DeleteNyahahaha ikaw na ang gala :)
ReplyDeleteHahaha! oo nga e. Ganun daw talaga. Hehehe
DeleteIsama mo si Rix sa bundok para may walking GPS ka kuya Emps!
DeleteSiya ang walking GPS? Hahaha
DeletePwede sumama sa next hike? Di naman ako maarte eh. Maldita lang? lols. Seriously, namimiss ko na mamundok, naglie low lang ako last year dahil recovering ako from operation and heartbreak. Chos! I still have my gears up and ready, mejo kelangan ko lang mag invest on a slightly bigger bag for my tent. Pero kung day hikes lang nman, wala problema.. wala lang ako maxadong posts sa fb ng treks and hikes kasi may asungot akong kasama dun.. hahaha.. Asungot tlga.. lels.
ReplyDeleteSyempre, I look forward to more adventures with our PBO friends :)
Uy! Inform kita kapag may akyat kami. Sama ka para masaya! :D
DeleteAnong bundok ba ang next? Note: hindi ako sasama. haha!
DeleteAkala ko naman sasama ka! Sa mt. Makiling pa naman kami. Di ba malapit lang sa inyo? Ikaw sana guide namin
Deletewaaa... sama me! lol
DeletetarA! lol
Deletedouble wow sir empi! una dahil ang cute ni meng! ahaha ingatan at baka arborin. 2nd is yun mga bundok na naakyat niyo po. niyaya nga ako ni jinjiruks na mamundok din, pag may budget ako sabit ako ky boss jin, magastos yta ang mag hike, pero sulit pag nsa taas na :-)
ReplyDeleteMagkakilala pala kayo ni jinjiruks! Sama ka naman minsan para ma-meet na rin kita sir. Hehehe!
Deletenakaka-excite ang pagbundok.... kaso pano ko ba sasabihin,.... nakakapagod tignan at gawin pero malamang sa alamang fulfilling kapag nakaakyats ka. Pero malululains din me sa heights so baka nerbyosin ako pag makakakita ng bangins. :p
ReplyDeleteKaya mo yan Khants!
DeleteGogogo tots!
DeleteIba naisip ko. Hahahaha
DeleteGnda nman sa tuktok ng bundok, kaw na tlga empi ang gala sa bundok :))
ReplyDeletetaog bundok kasi ako e. lol.....saka andoon mga lahi ko. lol
Deleteahm, anung lahi? kalahi ka ng mga puno at halaman? :P
DeleteUnggoy! Hahaha
Deletehaha congrats pboers! sucess naman kais talaga ung bazaar
ReplyDeletekakahiya wa ko naitulong
anyways haha ang napupuntahan ko pa lang bundok ee mount buga buga haha
imaginary bundok namin nun bata kame haha actually tambak nag sya ng mag buhangin parang
tuyong dagat kasi un haha
bakit pala di ka sumama doon?
DeleteOo nga bat di ka sumama? lalalala
DeleteLalalala ka dyan. Ikaw din kaya! Hahaha
DeleteSeryoso mecoy may child hood prob ka ba? nyahahaha..
DeleteLOL! Child hood problem? Ano yon mecoy? Haha
DeleteAstig si empi! Im sure ksama mo na lagi si meng! Lols!
ReplyDeleteTunay kang empi-ssable!
Empi-lievable!
Ang dami mong extension sa pangalan ko. iba iba. hahaha husay!
DeleteOo siya na lagi kong kasama. forever alone kasi ako. Lol
empissable? hahah!
Deletehmmm...mag iisip din akong idudugtong sa empi...
EMPI-FOUR? mp4. lol
Mp4 talaga. Hahahaha. Panget!
Deletepwede in for you Pao anf Empi..uhmmm
DeleteEMPI-nget! at PAO-nget! nayahaha
ang KORNI mo Panget! LOL
DeletePanget. gustong gusto ko umakyat ng bundok..SERIOUSLy. Aside sa pag akyat ko araw araw sa hagdan ng MRT, gusto ko maakyat ang Pico de Loro and Maculot!
ReplyDeletePANGET! Sigurado ka ba dyan? Hahaha! Sige,isama kita pag babalik kami sa Maculot. Pakulutan kita doon. LOL!
Deletebasta dala ka lotion tas jacket..ayoko umitim like u!
DeleteWow! Ang puti mo no? Lol
DeleteHahahaha! Anak araw? lol
DeleteOo, anak araw nga daw sya. Lol
Deletekaya nga e! di na maputi tas paiitimin mo pa ako..just inform me when ha? PANGET!
DeleteOk, PANGET!
DeleteGustong gusto ko rin mamundok. Sana sa susunod na uwi ko makapamundok tayo kambal. Yung toy na nabili mo sa PBO Bazaar na maraming humawak. haha
ReplyDeleteOo nga kambal e. di bale, nxt time isasama kita. Noong umuwi ka kasi walang sched na akyat e.
Deletemanganakyat ng bunodk ang kambal... wala bang bundok na kambal?
DeleteParang wala yata e.
Deletehuwaw naman ang daming bulubundukin...hehe Kidding aside, ang galing mo ha? kaya mo talaga umakyat....bow ako dun...hindi ko forte yang mga ganyan....:) Cute ung may cave...:)
ReplyDeletexx!
Try mo. Magugustuhan mo siya. Hehehehe
DeleteSumama ka kay kuya Emps. :) Magugustuhan mo sya. ^_^
DeleteSama! Hahaha
DeleteEmpi, yung totoo, ilan na lang ang bundok na di mo naaakyat? hehe!
ReplyDeletePwde ka ng endrser ng vitamins o ng drugs, ang dami mong energy! :)
btw Hello kay Meng! Ang cute nya kahit natangal ang isang parte ng tenga nya
He should be the next Energizer Bunny. "It keeps going, and going and going."
DeleteMadami pa siya. Konti pa lang yan e. hehehe.
DeleteSige, kapag may bagong vitamins. Irecommend mo ako. Ikaw stylist ko at ikaw naman Lili ang manager ko. :)
e ako? P.A.? haha!
DeleteIkaw anG PA! Hahaha
DeleteGood luck on your next climbs! :D
ReplyDeleteThank you! :)
Deleteako na ang naiingit! wala akong kakilalang mountaineers dito sa bohol :(
ReplyDeleteHehehe. Zion, may bundok ba dyan sa bohol? Akyatin natin! :)
DeleteKuya emps, isa isahin mo ang chocolate hills!:)
DeletePwede pwede! Hahaha
DeleteFrom Bohol ka pala Zio! Ive been there.. Conquered your land! nyahahaha
DeleteE di ikaw na nakapag-Bohol!
DeleteWOW!!! kainggit! Maculot pa lang naakyat ko dyan sa mga nasa listahan mo.
ReplyDeletepasama ka kay kuya Emps pabalik sa listahan nya, mabait yan, kaya papayag sya. :)
DeleteOo, pepz! Mabait ako kaya sasama ako. Haha
Delete-_- mahilig ka pala sa kuneho. Play boy ka no! haha! :3 Wala lang. wala na ko masasabi pa. haha! Hindi naman ako mahilig mangakyat ng bundok at alam mo yan, :3 basta pasalubong nalang, isang sanga ng puno pwede na. haha!
ReplyDeleteNasagot ko lahat ng comment mo. Wala na rin ako masabi dito. Hahaha
Deletedami mo namang napuntahan... nakaka excite nga ang mamundok hehehe
ReplyDeleteganda ng mga view... thanks sa pag share
Salamat, ser!
Deleteser marco paolo :) taga nasugbu ako :))))
ReplyDeletesandali, may mga namundok sa inyo na nakatsinelas lang?
Uy! Lapit lang ah.
DeleteOo, nakatsinelas talaga. Sanay na yata e. hehehe
Ganda ng mga kuhang mga akyat nyo sa bundok, kakainspire naman empoi! may dream akong puntahan dito sa Europe sana magawa ko this year :)
ReplyDeleteSama ako, Gracie! Hehehe
Deletewow u look like ur havin' the time of ur life.. happy for u! =)
ReplyDeleteyes, dhi! ganyan dapat. Thank you! hehehe. ingat ka ha. :)
Deletehuwaw!!!! ang galing naman ang dami mo ng naakyat! :) nakakatuwa at nakakainggit hehe, pwede po ba ko sumama next time haha! pangarap ko din talaga mag-hike hehe
ReplyDelete@sis dhiiiiiiii: wow! halerrr hehe :p *hugss*
Sama ka! :)
Delete