Sunday, February 17, 2013

Conquer Corregidor Island

Hi kids! Mula Siargao Island ay naligaw ang inyong lingkod sa Manila Chinatown upang makiisa sa pagdiriwang ng mga Tsinoy sa kanilang Chinese New Year. Kinubakasan, dumako naman sa Isla na hugis tadpole na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Manila....ang CORREGIDOR ISLAND.

Napakapalad ko dahil isa ako sa napili na isama ng kaibigan namin na nanalo sa photo contest. Kaya nagkaroon ng pagkakataon na makapunta ng Corregidor Island dahil bukod sa spa at foodtrip ay isa ang Corregidor Island sa papremyo. 

Isa ang Corregidor Island sa listahan na gusto kong puntahan last year pa at sa wakas, sa di sinasadyang pagkakataon....natupad din! :)

Bago mag-alas syete ng umaga ay nasa port na kami ng Sun Cruises. Ito ang sasakyan namin papuntang isla. Pagkadating ay inavail na namin ang reservation tickets namin. Ilang minuto lang ay lulan na kami sa sasakyang pandagat. United Nation lang ang dating dahil ang nakasakay nito ay iba't ibang lahi; korean, american, canadian, indian, at syempre Pinoy. May mga students from International School.
Upon arrival at the port, sinalubong kami ng Travia - ito ay mini bus ng Sun Cruises, Inc. na syang pangunahing paraan ng transportasyon sa isla. Our tour guide welcomed us to the island and introduced his name. He is Mang Carlos. Pero bago kami magsimula sa aming tour ay inalam niya muna kung may nakahalong Japanese sa bus namin dahil ililipat ito sa Japanese Bus. Ang sosyal! May sariling silang bus at Japanese tour guide. 


Unang pinuntahan ng grupo ay ang Malinta Tunnel. Ayon kay Mang Carlos, tinatawag itong malinta tunnel dahil noong araw ay maraming linta o leeches sa lugar na iyon. Pumasok kami sa tunnel kung saan ay matutunghayan ang Light and Sound Show. Ang show na ito ay must-see lalo na sa mga first timer dahil sa loob ng tunnel ay pinapakita ang mga kaganapan noong unang panahon. 

The show is about half an hour. Ito ay optional part ng tour ibig sabihin pwede kang hindi pumasok sa loob ng tunnel at maghintay na lang sa bus sa exit ng tunnel. Pero kung ako sayo, pumasok ka na lang para mas kumpleto ang tour mo.
Bago mag-lunch break ay tumungo ang grupo sa lumang port na kung saan dito raw nagsabi ng "I shall return" si Douglas McArthur. 
We had lunch sa Corregidor Inn ang nag-iisang hostel sa isla na may 31-bedroom hotel at La Playa restaurant. Binigyan kami ng isang basong cold pandan juice bilang pag-welcome sa mga bisita sa lugar. The buffet was included to our tour kaya lamon na!!! Hahaha! 

Sa kabilang side ay may maliit na pool. Pinili namin kumain sa may beranda dahil maganda ang tanawin mula dito. Makikita mo ang Bataan at ang Cavite naman sa kabilang side.
I had fried chicken, chopsuey, corn, paella, at syempre pakwan at kamias. 45minutes lang ang break dahil marami pang pupuntahan. Naka-two-rounds ako! Hahaha!

After 45 mins, infairness sa grupo namin ontime palagi, bow ako! :) Dumako naman kami sa ulo ng isla kung saan matatagpuan ang mga batteries na naka-installed sa isla, ang barracks mula bottomside to topside. May 23 batteries ang naka-installed sa Corregidor Island, 56 coastal guns and mortars, 13 anti-aircraft artillery batteries, 76 guns, at 10 sperry searchlights at dalawang mahabang batteries Hearn and Smith.



Sa bottomside at middleside, makikita ang American Barracks, Phillipines Barracks, Bachelor quarters at hindi bachelor quarters.  Sa topside, makikita ang mile long barracks, museum, kaisa-isang cinema, Eternal Fame of Freedom at Pacific War Memorial.
Pacific War Memorial, kung saan makikita ang estatwa ng isang Amerikano na tinulungan ang isang Pinoy na parang nabaril sa digmaan noon. 

Ang building na makikita mo sa baba, yong malaking bilog at yong kaliwang bahagi ng larawan. Ayon kay Mang Calros, kapag sumapit ang May 6 ay pag patak ng alas 12 ng tanghali. Ang sinag ng araw ay saktong sakto tatama sa sentro ng bilog na makikita mo sa kaliwang bahagi ng larawan. Mangyayari ito every 4 years kung hindi ako nagkakamali sa pandinig. Hehehe!
Pagkatapos maikot ang ulo ng isla ay bumaba ang grupo upang puntahan naman ang buntot ng isla. Makikita rito ang Caballo Island na bahagyang nakaharang sa entrance ng Manila Bay.

Pero bago tinutungo ang buntot ng isla ay binisita muna ng grupo ang iba pang memorial na nasa isla at kasama sa binisita ay ang Spanish Lighthouse.
Natapos ang tour namin sa buntot ng isla. Balik port na agad kami dahil oras na rin para bumalik ng Manila. Mainit. Nakakauhaw. Nakakapagod. Pero worth it ang tour sa Corregidor Island. Sa grupo namin, may dalawang bata na super daldal, englisero't englisera. Noong tinanong ni Mang Carlos kung may doctor ba sa grupo, engineer, titser, etc.....sagot ng dalawang kids; Boy: " I want to become a scientist!" Girl: "And I want to be a car builder!"

*end of our tour*

Kita-kits sa susunod na mga gala. :)

*ang ibang pictures ay galing kay Jeff

46 comments:

  1. wow... matagal ko ng naririnig yang corregidor isaland at nakakaintriga ngang mapuntahan... salamat naman sa pag-tour...

    ganda ng mga kuha parekoy...

    ReplyDelete
  2. WE were there in 2004. My husband, mother-in-law, daughters in me. Parang kahapon lamang. hihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. 9years ako pero feeling parang kahapon lang. Balik kayo doon, Mami Joy! :)

      Delete
  3. San kayo kumuha ng package? Day tour lang ? Gusto ko din pumunta

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa Sun Cruises pero free tickets yong sa amin. :) Yes! Day tour siya. Punta na!:D

      Delete
  4. Chuserang palaka yung mga bata kuya ha? panget din ba? lol

    Pinaka gusto kong mapuntahan yung lighthouse at yung view habang kumakain kayo..magkano kaya mag overnyt dito ... kaingit naman..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sabi ng mga bata, mas panget ka raw! LOL

      Kayang kaya mong mag-overnight doon. Punta na! :D

      Delete
  5. tuloy tuloy ang gala mo parekoy ahh!
    corregidor naman naun
    mejo creepy talaga yang place na yan nu?

    anyways ganda ng shots mo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha. Oo nga e. naumpisan kasi kaya ayan tuloy tuloy na... haha

      Oo pero ewan ko lang kung mas creepy siya kapag gabi. :D

      Delete
  6. Gusto q rin pmnta dyan! :(

    ReplyDelete
  7. Wow, interesting yun pagsakto ng sikat ng araw dun sa hole, dapat nakinig ka kasing mabuti para alam naten kung kelan yung susunod at dun mismo ako sa araw na yun pupunta, haha!

    Hindi ko na-gets to "Bachelor quarters at hindi bachelor quarters"?? Paki-explain nga. Haha.

    Answerte mo lang, kaasar ka. Ancute nun mga bata. Bibong bibo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga e. Tara puntahan natin sa May 6 kaso anong year ng May 6? Hahaha!

      Bachelor para sa mga single. Hindi bachelor ay yong doble, meaning, may asawa na. May pinangalan si Mang Carlos e nakalimutan ko kaya "hindi bachelor" na lang sinabi ko. LOL!

      Delete
    2. Ikaw nagpunta di ba? Tanungin pa ko!

      Ikaw naman pala magulo e, hindi ka nag pay attention kay Mang Carlos kasi. Haha.

      Delete
    3. Hahahaha! E hindi ko nga alam kung anong year e. Lol!

      Delete
  8. gusto ko din mapadpad dyan sa koregidors....... makakapasyal din ako dyan. tiwala lungs

    ReplyDelete
  9. isa din ang Corregidor sa a must see list ko ;-) thanx sa tour. ill share it with my friends. ang ganda din ng mga photos sa landscape. at yung mga bata nakakatuwa. doctor lang tinanong scientist sagot.

    ReplyDelete
  10. ASTIG. YEP, THANKS SA ONLINE TOUR. WANNA CLIMB UP THE SPANISH LIGHTHOUSE :)

    ReplyDelete
  11. Siargao tapos Corregidor naman ngayon...hala threat ka na kay dora ha!

    nga pala nice shots..clap clap clap!!! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kakalabanin ko si Dora! Hahaha

      Thanks, Tabs!

      Delete
  12. Napatingin naman ako sa Google kung hugis tadpole nga ang Corregidor :D Antagal ko ng hindi nakakapunta diyan. Last pa yata ay nun elementary pa ako, field trip pa iyon ah :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang tagal na nga noon ha. Balik ka na doon! :D

      Delete
  13. suya ko. perting laag gyud.

    pero mura lagi di kamias ang naa sa photo. it does not look aslum.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahahaha! Singkamas pala yon Lils! SOrry!

      Delete
  14. Ang gala mo talaga Empi! Hahaha!

    Bakit di mo kami sinama ni Marse? Anyways ok lang pala, takot ako sa tunnels mukhang may mumu e hehe :)

    ReplyDelete
  15. Ito yung hindi ko pa rin napupuntahan kahit anlapit-lapit na nga lang! Grrr... Pero thanks sa very beautiful photos a! Gusto ko mag overnight dyan muhahahahha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya, pumunta ka na roon. Hinihintay ka na ng Corregidor! LOL

      Delete
  16. Para na din akong nakapunta ng Corregidor! hehe.

    Awesome pics too!

    ReplyDelete
  17. Replies
    1. Andyan din ako nung freshman ako. field trip. hehe

      Delete
    2. hindi ako nagkaroon ng chance na magkafieldtrip sa lugar na yan. booo!

      Delete
    3. Puntahan niyo na! Mag-fieldtrip kayong dalawa. Dali! :D

      Delete
  18. gustong gusto ko talaga dyan! very historical.

    ReplyDelete
  19. Ang saya sa corrigidor kaso nakakatakot lang hahaha.. ang tahimik kasi ng place nung pumunta kami

    ReplyDelete
    Replies
    1. masaya kaya yon! tara sama ako pag pupunta ka. hahaha

      Delete
  20. Ang ganda ng pics nakakaengganyo. Mabalikan nga yan one of these days.

    chacha small world, kilala ko yung naka-purple(?) na collared shirt.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Talaga sir? Small world.

      Sama ako pag babalik kayo. Hahaha! Parang close lang e no. LOL!

      Delete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D