Monday, March 4, 2013

Sambokojin plus BlueWater equals Relaxing

Nilalagnat. Nalulungkot. Nag-eemo. All alone. Loner. Lahat na! Siguro dala ng pagkabagot, stressed sa work at dala rin siguro ito sa pagiging zero balance ang schedule sa mga lakad noong mga nakaraang linggo. Grabe! Parang adik lang na nilalagnat kapag hindi nakatira. Hindi mapalagay! Aburido! Ganun ang nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw. Nag-iingay na lang sa twitter at nakipag-kulitan. Pero kung anong pagkabagot at pagkalungkot ko noong sabado...napawi naman nito noong linggo.

So fans, good day! Kamusta kayo?

Saturday night, check ko ang calendar kung may naka-schedule na lakad. Buti na lang meron! Yahoo! Bigla akong sumigla noong nakita ko ang schedule. At mas lalo akong natuwa noong may nag text to confirm kung makakasama ako. Oo, agad ang sagot. At hindi lang yan, dalawa ang naka-schedule na lakad. Ayos!

Sunday morning, meet ko muna bestfriend ko to get my order na parfum kasi may nag-order din sakin.  Small business namin ito. Hehehe! Then, nagpasama sa Trinoma para magregister sa RU1 at napag-alaman kong wala ng registration sa araw na yon? Huh? What?  Hindi! Kababasa ko lang na hanggang March 3, 2013 ang last registration e. Dali dali akong nag internet at tinignan ang Fitness Calendar ko. Ayon, nalaman kong hindi pala sa Trinoma kundi sa SM North ang registration. Hahaha! Sino tanga? E di si empi! LOL!

To make this katangahan short nag lunch kami sa Landmark Trinoma, nag chatime, then, kwentuhan sa buhay buhay, lovelife, sexlife, at iba pang may buhay. Biro lang! Kaya, ikaw kuya! MOVE ON ka na! Madami pa dyan. Gayahin mo kasi ako na kung ayaw sa akin, hindi ko pinagpipilitan. Wag mong hayaang umikot ang mundo mo sa isang tao. You have to learn to let go and move on! Pero thank you sa birthday gift mo sakin. Makapagpa-full-body massage na ako. Yahoo!

Afterward, punta naman akong Santolan MRT Station to meet my mountaineer friends dahil may carbo-party daw kami. Akalain mo yon, di lang mountaineering ang alam kundi pati foodtripping. Pero thanks kay jin dahil kung hindi sa kanyang pagkapanalo....hindi kami makakain dito. Haha! Ang mahal kaya, sabi nga namin, i-akyat na lang namin ang paggastos sa pagkaing ito. 

From Santolan MRT Station, nilakbay naman namin ang kahabaan ng EDSA papunta sa Sambokojin, parusa lang ang ginawa namin sa sarili namin, kasi naman kung sa Ortigas kami nagkikita-kita e di mas malapit lang ang nilakad namin. Tsk! Tsk! Tsk!

Pagkadating sa Sambokojin, akyat na kami sa second floor, all waiters greeted us, pero hindi ko alam kung anong language yon, Japanese yata, similar siya sa korean greetings na "an o sa yo" Hahaha! 

The waiter introduced his name tapos binigay ang menu, iniintroduce niya pati mga sauce kung saan siya gagamitin, may pang-seafood, at pang-meat. Itong nasa ibaba ay appetizer kuno namin pero parang walang kumain nito. Hahaha! 
kangkong, dilis, togue
Mga ilang minuto bago umalis si waiter, ito na, sugod na sa pagkain...... hahaha! nakakalito kapag buffet, hindi ko alam kung ano ang kakainin ko. Ang PG lang! 

Unang attack: Ito ang unang atake ko sa pagkain, Ojingo Bokum, salmon, at Chapchae. Yummy!
At syempre, di kumpleto ang Sambokojin experienced kapag hindi kami magluluto; beef, pork at yong laman ng crab, at yong parang taba ng bangus. Yummy!
Pangalawang attack: Crab stick, creamie salmon, at hindi ko matandaan itong bilog na ito, sige meat roll na lang itawag natin.

Lumapit si waiter, at binuksan yong maliit na lagayan, at pinakilala sa amin si Japanese Rice. Rice pala iyon buong akala namin ay ulam. Hahaha! Sarap! Nag-served naman ng soup.
medyo matamis ang japanese rice
Pangatlong attack: Dessert naman kami. Strawberry Moose yogurt, Mango Moose yogurt, Strawberry icecream at Mocha Swiss Roll. Sarap! Whew! One round pa!  

At ng dahil sa icedtea, nabusog agad kami! Tsk! Tsk! Tsk! Madami pang pwedeng itry na food e. Kainis! Hahaha! Nagkwentuhan na lang at planning para sa major hike namin by May siguro. Target namin ay Mt. Tapulao sa Zambales, overnight ito! Excited na ako! Saka, tuloy na raw ang Cagbalete Island getaway namin by April. Yahooo! After ng lokohan, tawanan, at kwentuhan....Time to relax naman kami.

Welcome to Blue Water spa......

Part pa rin ito sa napanalunan ni Jin, thankful talaga kami dahil sa isang gabi naranasan namin ang maging mayaman. Hahaha! 
Blue Water Spa lobby
Ang gara ng footspa room, parang nasa movie house lang kami, nakaupo sa malaki at malambot na upuan habang nanonood ng movie sa big screen at habang minamasahe ni ate ang mga paa. Ang sarap! Gusto ko yong tinusok-tusok ang talampakan ko, ang sarap! Promise! 
pasensya naman sa photo, medyo malabo
After one hour sa footspa, minasahe ni ate ang ulo at ang balikat at ang likod. Happiness! At pagkatapos, inienjoy ang kulay ng hallway nila. Parang avatar lang. 
Team Expandables
Having fun with Team Expandables (ito yong group namin kapag nagregister sa pag akyat, LOL). Thank you guys for the laugters at mga kalokohan. Looking forward for our major hike! Ihanda na ang alak! Biro lang!

38 comments:

  1. o great, pandagdag gutom pa sa akin. pero ang sarap tingnan ng mga kinain ninyo. ang lakas maka tulo laway.

    ReplyDelete
  2. Napansin ko parang sabay tayong nag-emo nung nakaraang araw kambal.

    Anyway nakakagutom at mukhang relaxing etong experience mo.

    Move on na tayo ah. hihi :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha. O nga kambal. Ano ba nangyari? Hahaha

      Sobrang nakaka-relax nga yon. :D

      Delete
  3. talagang literal na blue??

    Nakakagutom naman ang sambo adventure..... gusto ko matry jan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes, Khants! Blue ang lights nila. Hehehe

      Delete
  4. Namiss ko ang pagkain sa sambukujin kaso lang sumusuko ako sa dami ahahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. naumay nga kami agad e sa sobrang dami. haha

      Delete
    2. dapat kasi medyo pa sweet ang pagkain doon para maenjoy mo lahat ahaha. Pero mas ok na yung sambukujin kesa yakimix mas marami kasi ang pagpipilian doon eh.

      Delete
    3. Ay! Diniscourage mo kaming mag yakimix? hahahaha

      Delete
  5. kakatapos ko lang mag dinner pero nigugutom ako sa mga yan!
    anyways naku ganyan din ako madalas haha sumpungin lang!

    natawa ako dun sa madilim na photo parang surveillance lang ng imbestigador sa isang ilegal na masahihan hahaha piz

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uy! Nagpaalam ako nyan ha bago ko pinicturan sa loob. Haha! Defensive? LOL

      Delete
  6. Kelan pa naging relaxing ang pagkain sa health buff na gaya mo? sa akin lang dapat ganun...hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Relaxing siya kasi pagkatapos lumamon nagpafootspa , kaya, ayon po, ahihihi

      Delete
  7. blue kung blue ah... bongga...
    kagutom ang mga foodey, sana may mag-date sakin dun.chos!

    ReplyDelete
  8. wow.. rapsa! dapat mapuntahan din yan :)

    ReplyDelete
  9. Replies
    1. Di naman...swerte lang dahil isa sa mga sinama ng kaibigan. :)

      Delete
  10. asul na asul ang hallway! :D nun tinignan ko ang unang larawan ng pagkain sa itaas, sabi na at japchae nga :D

    ReplyDelete
  11. SPELL kakaingit.

    Unang una mas masiba ka pa sakin panget!
    Pero I'm not actually a fan of Asian food (well aside sa Filipino), pero what you tried was eye catching.. lalo na yung desserts.

    MAy mga gala sya.. isama mo naman ako!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas naiinggit ako sayo Panget!

      Ibig sabihin, fan ka sa mga desserts? Cakes?

      Sure! Isasama kita!

      Delete
  12. ang sarap naman ng foods xD totyal!

    ReplyDelete
  13. ako din. nagkakasakit pag walang naka schedule na gala lels. ;-) nakakatakam naman lahat ng food. masarap bah empi? parang diko kaya yung first/ yung Ojingo Bokum, salmon, at Chapchae. ano yung mejo slimy? hehhee

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di ba? Nakakapanghina ng katawan, hehehehe!

      Mas gusto ko yong salmon na creamie, super yummy!

      Di ko tanda anong name nyan e. hahaha

      Delete
  14. hindi ako mahilig sa japanese food pero bet ko yung dessert hihi.. ang saya naman ng spa buti naman at nagenjoy ka ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sobrang nag enjoy lalo na libre. Hahahaha

      Saka, yong kasama namin super funny kaya daming tawa. :)

      Delete
  15. Sambokojin!!! Pangarap ko dyan :) Nagutom ako sa pic ng chapchae at sa sangkaterba pang kinain mo :)

    Namimiss mo lang kami Empi kaya ka nag e-emo no? Kita kits na tayo ulit :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Zaizi! Namiss ko na nga kayo ni joanne! Hehehe

      Ang takaw ko no? Kung di pa ako nabusog agad....baka pati sushi tinira ko na rin. Hahaha

      Delete
  16. Very nice event. Kagutom mga foods. Nice seeing you having a good time with friends.

    ReplyDelete
  17. Thanks, Ms. joy!

    Enjoy po sa bakasyon mo! :)

    ReplyDelete
  18. Looks like the food was pretty tasty!

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D