Wednesday, January 23, 2013

Takbo | EB | Food | Movie Date

Hello ka-empi! Ayos ba tayo dyan?! Ayos gyud! 

Kung follower ka sa twitter acct ni @kolmeempi malamang alam mong tumakbo sya ng 16km noong nakaraang linggo. Sa awa naman ng Diyos natapos niya ito ng 2hrs na kahit nag-alala siya sa kanyang mahiwagang tuhod. Pero ayon, right after ng takbo nabugbog ang hinlalaki ng kanyang kanang paa. Sumakit ang tuhod at katawan.

Pero na-disappoint siya noong nakuha niya ang finisher shirt. Haha! Kasi ang ini-expect niya ay parang dri-fit pero cotton ito. 
my 711run finisher shirt
Anyways, buong linggo siyang nagpahinga dahil hapong-hapo siya pagkatapos ng takbo at kailangan din dahil may kikitain siya.

Inimbitahin siya na mag-lunch kasama ang ilang nakilalang bloggers na kasapi sa PBO. As usual, late na naman si empi. Lol! Kinita sa Mcdo - Boni sina Arline, Mar, at Jun. Tumungo sa LONGGANISA SORPRESA.

Iba't ibang klase ng longganisa na galing pa yata sa iba't ibang lugar. Dahil ang inorder nila ay: Longganisa Davao, Longganisa Laoag, Longganisa Cabanatuan, Longganisa GenSan, at Empanaditas.
kanya-kanya kami sa pagkuha nito
 Habang hinihintay nila ang kanilang order, nagpipicture picture muna. At may sinabi si Arline na may nakapagsabi daw na si Jun ang "pinaka-hot". At habang naghihintay; nagti-tweet at nagtetext. Iniinggit ang ibang kakilala sa twitter. Ganyan tayo e.... LOL!
twit-twit-text-text

Mga ilang minuto ay dumating din ang kanilang order at kainan naaaaaa.....at tikiman naaaaaa!!!! Nagkakalokohan pa sila. Patikim nga ng longganisa mo..... LOL! Kung green-minded ka, iba maiisip mo! Hahaha!
green-minded ka! LOL
After nilang magtikiman, concentrate na sa kani-kanilang pagkain. Pagkatapos, tinikman naman ang cupcakes ni Arline. Sarap! Tapos, konting kwentuhan at usap tungkol sa PBO next project.
EB. Its more fun in the Philippines

After lunch, tumungo naman sa Philcare Clinic (kasama si Arline) para patingnan ang tuhod dahil may nanananananananananakot kay empi na baka raw blah blah blah blah blah.... LOL! So, ayon ng IM kailangan ni empi na magpatingin daw sya sa Ortho para malaman. 

Then, si Kuya Mar naman ay tumungo na sa trabaho. Si Jun, umuwi muna ng bahay para maligo daw. Weh? Ang totoo naman ay natutulog siya. LOL!

Sa Clinic:
IM: Walang namang ooperahan sayo
Empi: (ha? nagtataka kung tinatanong sya kung naoperahan na) Wala naman po Doc.
IM: Wala nga. Kailangan matingnan ng Ortho ito at baka mag-undergo ka ng therapy.
Empi: Ahh ok, Doc.
Then, went to HappyLemon para mag milktea with Arline habang hinihintay si Jun. Around 5pm, they went to Eastwood para kitain naman sina Joanne, Zai at Senyor.
sweet dream....wala lang! LOL

They watched Les Miserables that night tapos, kinita si kumagcow sa Caffe bene. Tambay mode. Kwentuhan. Kulitan. Ayon.... Nice meeting you again guys. Ang saya ng gabi kahit masakit ang katawan at tuhod. LOL!

Ciao!

41 comments:

  1. sino ba ang nananananananakot sayo? bad yun...pero tama lang na pacheck yan dahil mahirap umattend ng event pag naka wheelchair o saklay...

    saya ng weekend mo noh? extended hanggang monday...

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. si Joanne! Sasaktan daw nya ako. Hahaha!

      Delete
  2. masarap ba ang longganisa nio? lols....

    parang panget nga for runner ang cotton shirt.... mas comfy yung dryfit na kakaiba texture. :p

    ReplyDelete
  3. E bakit nga cotton yung finisher shirt? Kalurkey. Naka-sched na ba pa-ortho mo? Sige ka, baka... echos! Ako pala daw nananakot.. Parang ang bilis ng oras nun Monday.. nabitin ako sa gala at kwentuhan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ko alam...baka walang budget. haha

      Baka friday...punta ako ortho. :)

      Delete
    2. ayeeh.. kumokoncern si joanne.. hehe

      Delete
    3. Hahaha.. eto namang si Chenee, nakabantay sa comments natin sa isa't isa oh, haha!

      Delete
    4. o nga. hahaha. stalker lang? LOL

      Delete
  4. di ko na tuloy inarbor sa kuya ko ung shirt kasi cotton hehehe

    ReplyDelete
  5. wow busy ahaha. pagtapos ng 2 attempt ko sa fun run eh nakakaramdam na rin ako ng something sa tuhod ko kaso matigas ang ulo ko. kahit di na ako nag fufun-run eh nagjo-jog naman ako sa camp ng mga pulis na malapit sa amin :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. at least my time kang magjogging. ayos yan rix! :D

      Delete
  6. maka THEY ka naman as if di ka namin kasama.. hahaha.
    nakakatwa ka pala sa blog.. napatawa ako sa kainan ng cupcake at longanisa..
    ang cool ng pix naten..busy lahat sa phone..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kunwari ibang author ako kaya THEY. hahaha

      defensive ka naman masyado...natulog ka kaya. tagal namin naghintay ni arline. Joke! Haha

      Delete
  7. nagiging madalas yung pagkikita nyo with the other bloggers...naiinggit talaga ako...hehe una ding pumasok sa utak ko pag ka tingin ko sa daming longganisa ay...makitikim nga ng longganisa...hahaha


    xx1

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hope ikaw din makakasalamuha ko sa susunod. :D

      Delete
  8. sasarap ng mga nilamons nu dyan haha
    runner ka din pala parekoy!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. oo masarap nga!

      yep. kunwari runner ako. LOL

      Delete
  9. ay cotton sya?.. at least meron diba? hehehe.. thank you nga pala sa treat sa happy lemon nagenjoy talga ako dun at mega dila pa ko sa lid hahaha!

    sana naman ay um-ok na yung tuhod mo para makatakbo na ulet agad :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakapag-date pala kayong 2 nun ah? Lagot ka saken sis! Char.

      Delete
    2. sinamahan niya ako sa clinic. :D

      Delete
  10. Ikaw na naka 16KM run. 5K everyday ako ngayon. Daming gala. Pahinga namana kayo. lol :D

    ReplyDelete
  11. Anong klaseng LONGganisa yan? Bakit more than an inch lang -- ang 'short'.

    Kidding.

    Kumusta na higalang Empi?

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. ikaw ha...iba nasa isip mo. LOL!

      mabuti naman ako miga!

      Delete
  12. Basta ang masasabi ko lang, pinaka-masarap longganisa ang order ko! hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. naalala ko si Arline...siya mismo nag-alok ng longganisa niya. Haha

      Delete
  13. ang masasabi ko lang ay congrats sa natapos mong 16km run! at ang sarap ng pat bingsu ano?! yey! :)

    ReplyDelete
  14. Nakaka-intriga kung masarap nga ba ang longganisang iyan. Ma-try nga din. :)

    ReplyDelete
  15. I ran 16k too!

    I did it a little over 2 hours... :)

    ReplyDelete
  16. ayun oh!!! the food!! ang sarap!!! ikaw na ang madaming lakad na sulit na sulit!!!

    ReplyDelete
  17. Wow! Galing mo pala sa takbuhan. So sad lang dahil nasobrahan yata tuhod mo. Ako, hangang one km lsmg sa treadmill. Hi hi.
    By the way, buti naka pag meet ang Pbo dyan. I love seeing you guys together:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga e. Ma-meet ka rin sana ng mga PBOers. :D

      Delete
  18. kayo na talaga ang palaging nagmemeet lol ang bitter ko na talaga hahahahaha sana pag makapunta ako ng mla timing may fun run para sasabay na ako! hahaha

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D