Saturday, January 26, 2013

Personal | Karanasan

Masayang nagkwentuhan ang magkakaibigan sa coffee shop sa isang Mall. Habang sumasarap ang kwentuhan, biglang nagtakbuhan ang mga tao sa loob ng Mall. Nagulat ang lahat! Nagtayuan ang mga tao sa loob ng coffee shop, nakiusyo, tuluy-tuloy ang takbuhan ng mga tao at nagkakagulo na. Yong iba papuntang exit ng Mall at ang iba naman papunta sa loob ng mga resto at botique. Sumama ang magkaibigan sa daloy ng takbo ng mga tao. Ang isa, umiba ng direksyon.

Pumasok sa isang resto para maging safe at pumasok na rin ang ibang mga tao sa loob. Nanginginig ang buong katawan, kinilabutan at nenerbyus sa maaring mangyari anumang oras. Mga ilang segundo tumahimik ang paligid, lumabas sa resto ang mga tao at nakikiramdam. Bigla na namang nagtakbuhan ang mga tao papasok sa resto at botique.

Narinig ang putok ng isang baril sa baba. Mas lalong nagpanic dahil iniisip niya na baka umakyat sa third floor ang salarin. Nagtago ang mga tao, yong iba tinatawagan na ang kani-kanilang pamilya. Yong iba naman ay tinitext ang mga kaibigan o kamag-anak.

Paano kung ito na yong huling gabi? Sino ang maghahatid ng masamang balita sa kanya pamilya?

Lumipas ang ilang minuto, naging ok na ang lahat...dali-daling lumabas sa resto at tinungo agad ang exit ng Mall para makaalis na agad. Salamat Lord! Ligtas kaming lahat.

News:


A robbery incident stirred panic among mall-goers in Mandaluyong City Saturday.
Mandaluyong City Police Senior Superintendent Armand Bolalin confirmed the incident, identifying "Martilyo Gang" to be behind the robbery at a jewelry store in Megamall.
"The robbers used hammers to rob the jewelry store," Bolalin said.
"It's a hold-up. They used hammers to get the [jewelry] from the counter," Bolalin added.
This reporter saw people in panic, running in big groups from SM Megamall Building B.

The shooting started at the upper ground floor of department store in SM Megamall Building B, a little past 7 pm.

As of this posting, Bolalin said no casualties have so far been reported.
"There's no report of anyone injured in the incident yet," he said.
Meanwhile, SM management issued a statement around 11 pm. It said it "deeply regrets the robbery incident at a jewelry counter inside SM Megamall on Jan.26 at approx 7:26pm."
SM, quoting initial reports, confirmed "Martilyo Gang" was behind the heist.
"They pounded the jewelry fixtures, broke the glass and stole a still undetermined amount of jewelry before escaping. A gunshot was reportedly fired at the ceiling but fortunately, no casualty was reported," the SM statement added.

http://ph.news.yahoo.com

38 comments:

  1. hala.. buti nalang mga 5pm ako nasa mega mall..

    ReplyDelete
  2. katakot talaga dyan. Kahit dami tao sa mall, may nang holdap pa rin pala. Talamak na talaga ang kasamaan ng ibang tao and di rin natin alam kung one day ay mabiktima tayo, Better to be prepared soul, body and spirit. Although it is not easy.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga e. Na-realized ko nga noon na dapat talaga maging happy and contented sa buhay para di masayang ang mga pagkakataon. :)

      Delete
  3. ive heard this and nakita ko ang post mo sa fb, glad ur ok sir empi!!! labs ka ni lord!! madami ka pang pweding gawin kaya hold still, wag magworry sa tuhod kailangan tumayo pa ng tumayo para sa kinabukasan at sa magagawa pa sa darating na araw. keep safe empi!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa kinabukasan talaga no? hehehe... iniisip at kinonek ko talaga ang tuhod sa kinabukasan at na-gets ko naman siya. Hahaha!

      Ingat din Lala!

      Delete
  4. I was there also! Di kami makalabas sa Fitness First hanggat hindi clear and secured ang mall...

    When people heard the gunshot, nagpanic lahat. All shops closed their doors and lowered the roll-up doors. Walang matakbuhan mga tao. I was talking with the crew of Goldilocks after, hanggang kitchen daw nila eh nagpasukan ang mga tao sa takot.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Grabe no! Akala ko noong unang, may sunog. Noong, narinig ko ang putok. Waaahh! Nakakakaba! Good your safe din kuya! :D

      Delete
  5. before 6pm umalis na ako ng megamall nasa Otaku Expo ako. Same thing din yung ginawa nila sa SM Bicutan may malaking event din ang mall at dun sila umatake.

    ReplyDelete
  6. buti tinamad me magmall nitong restday ko kaya nasa house lang ako.

    Good to hear na okay ka lang emps, pero medyo grabe ang experience na nasaksihan mo.

    ReplyDelete
  7. naku ayokong maging bahagi ng ganitong engkwentro... kakatakot... tsk tsk...

    ReplyDelete
    Replies
    1. nakakatakot nga talaga. grabe! nginig ang buong kalamnan mo.

      Delete
  8. MArtilyo..grabe naman talaga..panu yun naipasok..? ahhh bumili muna yata sa Dept store tas un gnamit..
    ingat lage Empi

    ReplyDelete
    Replies
    1. di ko na sasagutin tanong mo. sinagot mo na e. hahaha!

      ingat din!

      Delete
    2. Lam mo joke yan na martilyo..tas nakita ko sa news bumili pala talga ng martilyo...

      Delete
  9. Nandun ka pala. Thanks God ur all safe. Nakita ko ang news na'to sa twitter. Si Mar nga nandun din. Tsk! Ingats nalang tayo sa susunod.

    ReplyDelete
  10. grabe di mo talaga masasabi san ang safe na puntahan sa panahong ito nu

    ReplyDelete
  11. buti naman ok ka kuya empi. nakakainis yang robbery na yan nacancel yung day 2 nung event na pupuntahan ko sana. ang tagal ko pa namang inantay yun tss

    ReplyDelete
    Replies
    1. wag na mainis kesa naman mapasama ka sa ganong pangyayari. mas delikado pa yon :)

      Delete
  12. Hindi man lang talaga pinaabot ng madaling araw? kakatakot naman. Good! No one was hurt. Items can be replaced, but lives? Good thing hindi nanlaban yung ninakawan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga e. Buti na lang talaga walang nasasaktan sa nangyari! :)

      Delete
  13. Thank God talaga, walang hinostage. We were in out of town when we heard the news.. unang buwan palang ng taon pero ang dami na nangyayari. Hay, God, please take good care us.. Buti ligtas ka at ang iba.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga e. Iba na talaga ang panahon ngayon no. Parang mas delikado na. :) Ingat, Mitch!

      Delete
  14. nakakatakot...huhu, i was at work during that time, but I'm glad ur safe :)

    ReplyDelete
  15. Glad you're safe :) Andaming modus operadi ngayon dyan kaya ingat lagi.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Daming masasamang loob no. tsk! thanks! :)

      Delete
  16. Aw. Huli na talaga ako sa balita. Buti ayos lang kayo pre.

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D