Saturday, January 19, 2013

Busy Bee

Viva Pit Senyor sa mga Cebuano!

Sobrang abala ang lahat noong nakaraang linggo. Hindi mapakali ang lahat, stressed, nagpapanic na dahil malapit na malapit na ang event. Kuha ng mga trophies at mga give aways, etc. Abala din ang iba sa pagpapabook ng mga rooms & airline tickets. Yong iba naman, abala sa pag gawa ng mga reports and presentation. 
ACACIA HOTEL Lobby
Samantalang ang inyong lingkod naman ay abala rin sa pag-setup ng mga bagong gadgets na gagamitin ng mga nasa field works. Inventory dito, assigned doon...Ka-stress! 

At dumating na nga ang araw ng event. Toink! Linggo ng umaga, tinanggap ang imbitasyon nina Joanne at Zai para magbreakfast sa Something Fishy...Akala ko naman kung anong something fishy yan, iba kasi naisip ko. LOL! 

As usual, late na naman ako dumating. Hahaha! Nakapag-champurado na sila. Then, kain kain kain kain. Tapos kumain, lakad lakad lakad lakad...... Walang picture dahil hindi naman ito ang ibablog ko kundi ang event noong nakaraang linggo e. Hahaha!
Our Room
Linggo ng hapon, binabaybay ang EDSA at ang Express way para tumungo na sa event. Isang starex na puno ng kahon kahong iPad para sa mga field works. Pagka-checkin sa Acacia hotel. Pasok muna kami sa room namin at nag take ng rest. After, distribution na agad para makatambay na sa kwarto ng maaga at ienjoy ang pag stay. Hahaha! Akala mo naman makapag-enjoy!
Distribution ROom
Alas nine na kami natapos noon. Then, late dinner at Teriyaki Boy with our Boss. Then, balik sa hotel para makapag-bath tub. Hahaha! At makapag-rest ZZzzzzzzz
Our James Bond attire LOL
 Kinabukasan, meeting ang nagaganap. Puro business and numbers ang pinag-uusapan. Di ako maka-relate. Hahaha! At dahil pasaway kami ni Ryan, umaga ng monday naka-jeans at polo lang kami. Pagkakababa namin! Hala! Nakapang-corporate ang lahat. OP kami. Hahaha! Napansin ni Boss. Ayon, nasermunan. Hahaha! Kaya, balik kami sa kwarto at nagbihis ng pormal kuno. LOL!
Awarding Ceremony
 Lunes ng gabi, awarding para sa mga field works. Sinong naka-hit, etc..... Hindi ako sanay mag coat with bow-tie. Hahaha! Pero napanindigan ko naman siya. At dahil dyan, binola ako ng mga Boss. Poging pogi daw ako kapag nakapormal. So, anong ibig sabihin nila? Hindi ako kaaya-aya kapag normal days? Hmmm. Lol

Ang theme ng awarding ay James Bond kaya lahat kami naka coat & bow-tie.
Our Department

Martes ng umaga, busy pa rin....training, meeting, etc. 

Wednesday ng umaga, ganun pa rin....busy busy busy....assist ng mga problema sa gadgets, etc etc etc

K-pop and Dance Contest
Kinagabihan, may program naman K-pop daw ang theme pero ang iba naman parang hindi k-pop e. Hahaha! May dance contest. Nakalimutan ko ang name. Yong gagayahin nila ang dance step sa malaking screen. Haha! 


Picture Picture
Mabuti na lang hindi tinawag ang department namin para mag intermission number. Kundi, YARI! Hindi ako prepared. Hahaha! Ayon, lumabas na kami sa ball room at nag pi picture picture.

Ayon lang ang update ko ngayon. Bukas tatakbo ng 16km, ang boring dahil ako lang mag-isa. Parang tinatamad ako pero sayang ang finisher shirt. Kaya naman, inanyayahan ko yong friends ko na pumunta para i-cheer ako. Hahaha!

Kamusta naman kayo? 

Ciao!




25 comments:

  1. E kashe nemen ang gwapo mo talaga nun naka-coat at bow tie! Yun KPop attire, ahmm.. di ko na-gets outfit mo, hahaha.. Ganda dun sa hotel ah, I'm sure mainggit si bookaikai sa bath tub, hehe.. Buti nga napagalitan, kulit kasi e.

    Wag ka na takbo bukas, nakakapagod yun! :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. ako rin. di ko gets ang kpop attire ko. hahaha. basta may masuot lang. hahaha

      pasaway talaga ako, alam mo yan! lol

      sayang ang F-shirt e. Lol

      Delete
  2. Saya ng event. Eto pala yung DP mo sa FB. ahhh...
    Katuwa yung Kpop dance contest. Sayang di kayo tinawag. May Award kaba?

    16KM???? huh? 5-6KM lang ang nagagawa ko per day. Nahiya naman ako. Good luck sa pagjog mo :) Cheers!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala akong award. LOL!

      Salamat, Kambal! Ito paika-ika! Haha

      Delete
  3. enjoy na enjoy mo ang james bond outfit... pang holywood...naks...

    ReplyDelete
  4. jumejames bond ang get up!
    nice bagay sayo parekoy

    ReplyDelete
  5. akala ko si James Bond..si Empi pala :) Ang ganda ng Acacia no? at ang bathtub! kakainget hehe :) sana tinakas mo kmi ni Marse ng iPad :)

    see u monday Empi, have a safe and fun run :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang ganda nga. Tara! Hotel hopping tayo. Haha

      Delete
  6. ang sosyal at malakas maka-golden-spoon sa mouth ang suot! Bihis luxurious! At ang bathtub!!! woot!

    makapagpabook nga diyan... Hahanap ako ng manlilibre sa akin. char! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Padamay ako ha pag meron ka ng mahanap. Haha

      Delete
  7. ang pogi talaga shit! hahahahahahah :-) san ka tatakbo ako magchecheer sayo hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. E di dapat pala ikaw sinabihan ko para may magcheer! Di bale, sa susunod!Haha

      Delete
  8. Gwapo naman, hehe! bagay na bagay sayu :)

    ReplyDelete
  9. Para ka ngang si james bond. Bagay na bagay sa yo. Anyway, it was a nice event. Nice seeing you at work and play and knowing the person behind this blog.

    ReplyDelete
  10. gwapo talaga ang lalaki tingnan kapag naka bow and tie, mas lalong malinis at gwapo ang dating. iba talaga kapag nakacorporate attire ano kasi mas executive ang dating. yong sa akin naman, mas confident akong magsalita sa harap ng tao kapag nakacorporate attire ako pero kapag normal lang, nanginginig ako, hahaha kasi siguro ang corporate attire para sa akin is an authority, parang magawa mo ang gusto mong gawin kapag nasa harap ng tao, nasasabi ko ang aking gusto sabihin hahahaha

    amfugeh ni empi ligh talaga naman! sana ganyan kayo araw2x para maiba naman ang pilipinas hahaha chos!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Actually, di ako sanay magsuot ng ganyan. Haha

      Delete
  11. Empi..baka naman may naitago kang isang kahon ng ipad? amin na lang o! heheheh

    ReplyDelete
  12. ang kisig at ang gandang lalake lang nung naka bow tie oh...ay halos lahat pala naka bow tie..wehehe

    specifically yung malapit ng beerday pala...:D

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. oo nga tabs. happy birthday sau! LOL

      Delete
  13. AHAHAH! Nung last time isang pic lang. Ngayon hongdami! Kakalula! Pero kuya emps! bagay nga sayo yang formal formalang outfit! ;)

    At, yung iPad, wala na ba? HAHAHAH!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha. Ayoko ng kagalang galang e. Haha.

      Wala rin akong iPad. Hahaha

      Delete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D