Tuesday, January 29, 2013

Jatujak

Patalastas:
Bago ka maglaway sa post na ito, nais ko lang ibahagi ang PBO o Pinoy Bloggers Outreach - ay magkakaroon ng PBO's Bazaar For A Cause. Baka ikaw ay nais mag-donate para sa bazaar para maibahagi ng membro para sa next project. Maaring kontakin lamang po ang kasapi ng PBO. Maaring sa Facebook fan page o kaya sa twitter. Ang layunin ng PBO ay magbigay, tumulong at magpasaya ng kapwa. Maaring pong bisitahin ang PBO website at Facebook fan page
Maraming Salamat! :)

Ito na! Inimbitahan ako ng aking mabuting kaibigan na mag-foodtrip (PG kasi siya!LOL) dahil karawan nga naman niya. Nahiya naman ako dahil wala akong naibigay na konting handog. Hahaha! Pero ok lang yon, naiintindihan naman niya na magastos ako kaya walang pera. Hahaha! Laglag ba ang sarili? Hayaan mo na!

Lagi niya akong tinatanong kung saan daw ba masarap kumain. E siya itong mahilig mag-browse sa net at madaming alam pagdating sa mga foods e. Ako pa ang tatanungin? Kesyo, ako daw ay gala kaya ako ang tinatanung. So, to make this reklamo short....siya ang nagresearch! Hahaha! 

Gusto ni Bestfriend i-try ang Thai Food. Kaya, nahagilap niya itong JATUJAK (alam ko ano iniisip mo sa name ng resto) na resto sa net. Nagbasa ng reviews, etc. Oh, kita mo na di ba? Ang husay mag-browse sa net tapos ako pa tatanungin talaga! 

Parang ang hyper ko ngayon? Dala ba ito ng pagsasabon ng mga ehem? Anyway, back to our topic....We met at SM North Edsa para doon tikman ang Thai Food na sinasabi niya. 

Trivia:
Jatujak (cha-tu-chak) is the largest weekend market in Bangkok and in the world - a haven for bargain hunters and Thai Food lovers.

Inorder namin ay; Fried Rice with Shrimp, Chicken Phad Thai, Pomelo and Pawn Salad, at SpringRoll.

Sa totoo lang, nagugutom ako habang pinopost ko ito. Grabe! Kaya, nawala na lahat ng gusto kong sabihin e.

Masarap ang Pomelo and Pawn Salad.

Ang laman ng spring roll ay sotanghon (yata?) at togue.

Fried rice with shrimp, dahil matigas ang ulo ko....kakain ako kahit may shrimp!

Chicken Phad Thai, may peanut sya. Medyo matamis daw pero bakit di ko nalasahan ang tamis? LOL!


Happy Viewing! Maglaway ka! LOL!

**may hindi magandang nangyari sa akin ngayong araw....sana after ng Siargao ay may trabaho pa rin ako. Tsk! Tsk!

Siya, uwi na ako. Babawi na lang ako at magpakitang gilas ulit! :) 

50 comments:

  1. I love Thai foods! :)

    ReplyDelete
  2. JATUJAK-ol is good.. hahahaha.. ako lang makakgets yata nun.

    Nag Thai food ka pala..ako din dis week Thai foodtinira namin ng teamates ko.. malulunog ka sa togue at sabaw.

    Wanna try din. Mukhang edible naman..lol..

    Wag kang nega, let the "pananabon" passed away ok? Pray ka lang lage.

    ReplyDelete
  3. yay!!!

    pagpumupunta akong Manila always sa IT ko ang kumain dyan, favorite ko yung bagoong rice nila and yung green curry..yum, yum!!! ^__________^

    ReplyDelete
  4. wow...ang sarap ng food... i'll try that with ....hmmnnn... bahala na... thank you for mentioning our event

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sabay bawi Senyor? Hahaha!

      Salamat din kuya emps sa pag mention ng PBO event (gaya-gaya lungs)

      Delete
    2. with? sino yan? LOL

      Walang anuman!

      Delete
  5. nakaka tom jones naman to!! feeling ko kilala ko yang si bday boy na yan - next time kami naman papalibre! :)

    okay ka lang Empi? i-enjoy natin ang Siargao trip, I'm sure okay pa rin lahat pag balik natin :)

    ReplyDelete
  6. Bui na lang busog na busog ako bago ko mabasa post mo kung hindi baka maglaway nga. :) anyway hope mging ok pa rin ang work mo after the trip.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya nga po ate Joy, nakakagutom ang mga posts nila no!

      Delete
    2. I hope so, Ms. Joy!

      Kain Pao! LOL

      Delete
  7. Nakakamiss naman ang mga pagkain sa Thailand.. hehe joke di pa ako nakakatuntong ng Thailand ever pero naiisip ko ang pagkaing pinoy na wala namang gaanong pinagkaiba sa pagkaing Thai. Chatuchak! mali pala bigkas ko kanina, salamat sa trivia :D

    ReplyDelete
  8. yay, i love chatuchak!!! may love affair ako with thai food!

    ReplyDelete
  9. Ako din nagutom. Basta Thai, kanin ang madalas na siniserve.. kasarap sarap!

    ReplyDelete
  10. Pangalan pa lang, mukang iba na. Haha. Matry ngang mag-thai foods.

    ReplyDelete
  11. Jatujak ka talaga. LOL Gusto ko na ang thai food. mukhang masarap. Libre mo ko dyan :P

    ReplyDelete
  12. galing naman ng kuha! food blogger na food blogger ah!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Professional Photographer kasi yang si kuya Emps! Magaling yan! :) Oha! Promote promote! :D

      Delete
    2. Sir Mots! Di naman! Heheh!

      PAO! Prof talaga? Di kaya. LOL

      Delete
  13. sarap naman food blogger na food blogger ang dating ng mga shots,
    hmmm money donation ba to?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Parang nabasa ko na to. Hahaha!

      Delete
    2. Hahaha! Oo nga, parang nabasa ko na rin to! LOL

      Delete
  14. masaraps ang padthai.... nakakatakams. :D

    ReplyDelete
  15. Wow mukha nga masarap parang di ko to napapansin sa sm north ah. Mga magkano nagastos nyo?

    ReplyDelete
  16. Parang wala na kong maicomment. Naubos na sa kakareply ko sakanila!

    Oo kuya Emps! Naglaway ako sa mga fooooods! Hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, pansin nga rin e. Kulit mo sa reply. Kakatuwa! Hahaha

      Delete
  17. mmm sarap. makes me wonder kung alin ang totoong masarap at alin ang mukha lang masarap.

    ReplyDelete
  18. you took all those pictures?! ur good! =)

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D