Monday, June 13, 2011

Nagbalik si Tatay Ko!

***Ang kaganapan sa kwentong inyong mababasa ay pawang kathang isip lamang ng author ng pahinang ito. Kung ang bawat pangyayari ay katulad ng nangyari sa totoong buhay, paumanhin po. Ito po lamang ay contribution para sa June Theme: Tribute To Fathers ng The Kablogs Journal. 




“Nay! Nasaan ba talaga si Tatay?”

Ito ang lagi ang tanong ng aking anak. Sampung taong gulang pa lamang si Leonelle pero hinahanap na niya ang asawa kong si Homer. Halos labing limang taon na rin ang nakalipas na wala kaming balita sa asawa ko simula noong siya ay mangibang-bansa.

Nangibang-bansa siya pero simula noon wala na akong naririnig sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya doon. Buong pamilya ay nag-alala sa kanya.

Pero pilit kong iniisip na siguro busy o walang oras. O kaya naman istrikto ang nagiging amo niya. Pero noong tumagal ay hindi na ako umasang babalik pa ang asawa kong si Homer. Nangungulila ako dahil wala akong ibang tatakbuhan kapag may sakit ang anak ko. Kailangan ko si Homer. Kailangan ko ng karamay sa mga pagkakataong magkakasakit ang anak ko, sa panahong kailangan ko siya.

“Homer, nasaan ka na nga ba?”

Nawalan na ako ng pag-asang babalik pa siya. Kaya, sa bawat tanong ng aking mahal na anak ay sinabi kong nasa ibang bansa. Ayaw kong kamuhian ng aking anak si Homer dahil lumaki siyang wala ang ama.

Nakakapagod pala ang ganitong sitwasyon. Hindi mo masasagot ang lahat ng mga tanong. Minsan pa nga, naririnig ko na lang sa ibang tao na iniwan na kami ng asawa ko. Nakaka-praning ang ganitong sitwasyon pero kakayanin ko ito dahil sa anak namin ni Homer.

Isang umaga, lumapit sa akin si Leonelle...

“Nanay, may program po kami at kailangan po kayo umattend kasama si Tatay. Pero hindi ako aattend dahil wala naman akong Tatay” sambit sa akin ni Leonelle.

“Anak, si Tito James na lang isama natin.”

“Nanay! Tatay nga, Tatay! Hindi Tito!”

“Anak naman…”

“Nanay, nasaan ba si Tatay?”

Kitang kita ko sa mga mata ng anak ko ang pagkadismaya dahil hindi ko masagot ang tanong niya. Ayokong magsinungaling sa anak ko. At ayaw ko ring sabihin na iniwan kami ng ama niya dahil hindi ako sigurado. Napakabigat ng loob ko sa t’wing itatanong ni Leonelle sa akin ang tungkol sa kanyang ama. Wala akong maisagot dahil wala rin akong alam kung nasaan si Homer.

Pero bago ako sumagot…

“Nandito ako. Ako ang Tatay mo.”

Mga ilang minuto rin bago kami nakalingon sa taong nagsalita sa likod namin. Nanginginig ako at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman noong mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil sa paglingon ko sa likod ng taong nagsasalita… wala iba kundi si Homer.

“Anak… ako ang tatay mo.” Tugon niya, “Sabel, patawad kung hindi ko nagawang magparamdaman sa inyong lahat. Mahabang istorya. Napakalupit ng tadhana.”

Walang patid ang pagbuhos ng aking mga luha sa mata. Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman. Masaya ako, dahil sa haba ng taong paghihintay, ito siya nagbalik. Malungkot dahil hindi siya ang Homer na nakita ko bago siya umalis. Napasakit makita ang mahal mo na walang matinong damit, madungis, at sobrang payat.

Nilapitan ko siya. Niyakap ng mahigpit.

“Homer… nagbalik ka. Salamat sa Diyos!”

“Sabel…mahal ko! Patawad!”

“Tatay… Tatay…” sambit ni Leonelle.

Noon ko lang nakita si Leonelle na nakangiti. Masaya habang yakap ang amang matagal na niya inaasam.

“Tatay ko! Ikaw ang Tatay ko!”

“Anak, patawad… hindi ko nasilayan ang paglaki mo.”

“Wala yon, Tay! Ang mahalaga ngayon ay nandito ka. May matatawag na akong Tatay. May Tatay na ako! Yahoooo!” Masayang sabi ni Leonelle.

“Sabel, patawad. Hindi ko nagawa ang pangarap natin.”

“Shhhh… gaya ng sabi ni Leonelle. Mahalaga sa amin ang pagbabalik mo.”

“Pinagkaitan ako ng tadhana. Pero magsisimula tayong muli. Kasama ang anak natin. Wala akong ibang iniisip kundi kayo ng mag-ina ko. Hindi ko matiis na mawalay sa inyo. Mahal ko kayo Sabel…at ng aking anak!”

Simula ng dumating si Homer, naging masayahin na si Leonelle. Masipag na sa kanyang pag-aaral. Aktibo sa mga activities sa school. Lubos akong natuwa sa anak ko dahil nagiging first honor siya. Noon ko lang siya nakitang ganoon. Kaya lubos ang kasiyahan na nadarama ko.

Ngayon andito na siya. Magsisimula kaming muli. Muli kaming mangarap. Kalimutan ang bangungot na pinagdaanan. Sa ngayon, masaya ang pamilya ko. Masaya at kontento sa kung anong meron kami. Ang mahalaga, sama sama kami sa hirap at ginhawa.

“Nanayyyyy… Tatayyyyy…… Mahal ko po kayo!” Sigaw ni Leonelle.

Ngiti lamang ang naging tugon naming mag-asawa habang papalayo si Leonelle.

8 comments:

  1. at sa iyo din bulakbolero. :D

    ReplyDelete
  2. ayun oh1 sa wakas lumabas din ang issue ng kablogs! happy father's day :)

    ReplyDelete
  3. parang matagal ung kablogs journal lately... o naging busy lang ako.

    adbans happy fathers day sa iyo empi (parang mali, sa tatay mo pala) at sa mga dadalaws dito sa iyong blog post!

    ReplyDelete
  4. hay, napakagandang kwento.. ang sarap ng ending.

    ReplyDelete
  5. marco, nood tayo miley cyrus...

    ReplyDelete
  6. @ BINO: Oo nga e. Happy tatay day sayo! :D

    @ KHANT: Hahahaha. happy tatay day sa tatay mo

    ReplyDelete
  7. @ MOMMY: Thank you, mami! *wink*

    @ JOSHY: Tara! Hehe

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D