Thursday, June 16, 2011

Realization

Photo from redgage

***Minsan sa ating buhay, akala natin hindi tayo tatamaan ng kung anu anong pangyayari o karamdaman na hindi natin inaasahang dadapo o mangyari. Akala natin, malakas tayo. Dahil sa sobrang busy tayo sa bagay na ating pinagkukuhanan ng ating ikakabuhay. Dahil sa sobra tayong abala at nakalimutan nating...............hindi pala isang machine ang ating katawang lupa, na kunting repair lang ay okey na agad. Napapagod at napapagod din pala ito. Minsan kasi pabaya na tayo dahil buong akala natin ay malakas pa ito. Doon na lang natin mapansin na unti unti siyang nanghihina at ikaw.....ikaw mismo ang maaapektuhan nito. 

***Ang pinaka-kalaban mo kapag ikaw ay namumuhay mag-isa, ay sa t'wing dadapuan ka ng sakit. Wala kang kasama. Kailangang pilitin mong kumilos para sa sarili mo. Kailangan mong gumaling para na rin sa sarili mo. Kailangan mo ng comfort ng ibang tao pero wala...wala...wala... dahil nag-iisa ka. Pero ganun talaga ang buhay, kailangan mong magpakatatag hindi para sa ibang tao kundi para sa sarili mo. 

***Dahil dito nagiging matatag ka. May nagsabing, "Over ka na sa pagiging independent mo! Hindi ko kaya ang ginawa mo!" Ganun talaga, kapag hindi ka magpakatatag lalamunin ka ng iyong kahinaan. Lalamunin ka ng iyong kalungkutan. Sinabi mo lang na hindi mo kaya pero kung nasa sitwasyon ka sa ganito. Ma-realized mo na lang na kaya mo pala.Oo naman! Mahirap kung sa mahirap pero papayag ka bang tatalunin ka ng iyong kahinaan? Syempre, hindi! Kailangan mong gumaling. Kailangan mong magpakatatag. 

***Kapag nasa ganito kang sitwasyon, minsan naiisip mong umuwi sa pamilya mo hindi para sabihing natalo ka sa laban. Kundi, sabihin sa kanila na kailangan mo ang kanilang kalinga. Kailangan mo ang comfort ng mga taong nagmamahal sayo. Kahit isang YAKAP lang sa mga taong importante sa buhay mo ay oks na oks na!




20 comments:

  1. no man is an island kaya kahit independent ang tao. he/she will need someone to lean on and to comform him/her.

    ReplyDelete
  2. Tama. Hindi tayo mga robot. Kailangan din ng pahinga.

    Okay ang pakiramdam na maging independent.. it is so liberating. But it is NEVER a crime to admit that you need help. So though we are independent human beings, we still have to ask for help, once in a while. :)

    ReplyDelete
  3. Kaya dapat, huwag po nating kakalimutan na bigyan ng halaga ang ating kalusugan. Puhunan kasi natin yan sa buhay eh. Kung may sakit ka, papaano ka na lang, diba?

    Magandang Araw!

    ReplyDelete
  4. para sa tulad kong OFW, isang txt lang o tawag ang gamot namin jan...yung bang "musta ka na?" na mrcvd mo sa cp mo eh biglang sigla ka na :)

    ReplyDelete
  5. yan ang mahirap pag nag-iisa ka malayo sa pamilya, pag kailangan mo sila sa ganyan mga situation naawa ka n lang sarili mo, haist..:(

    ganyan ang buhay kaya mo yan empi, sooon mkakasama din sila.. nalulungkot ako sa mga ganyan kwento.. CHEER!!!!!!! empi

    ReplyDelete
  6. gaano man tayo kaindependent, darating at darating ang panahon na kakailanganin pa rin natin ang tulong, kalinga at pagmamahal ng iba

    ReplyDelete
  7. may sakit ka ba? kung mayroon man, get well soon.

    talagang ang pamilya ang ating unang nasa isip kung may nangyaring mabuti o masama man sa atin. ganun ka close ang bonding ng pamilyang pinoy.

    ReplyDelete
  8. and you are correct, being sick and alone is hard. kahit gano ka kastrong, magbbrkdown ka din. specilly maktia mo yung ibang may sakit andaming dalaw ng pamilya..
    and that's the reason bakit di ko maconsider magwork abroad..

    ReplyDelete
  9. nararamdaman kita parekoy...lalo na pagdito ka sa abroad.

    ReplyDelete
  10. Ako kanina pumunta ng ospital pinatangal ko yung something something sa katawan. hehehehe. Mahirap magkasakit parekoy, kaya let's take good care of our body..

    ReplyDelete
  11. Walang taong hindi napapagod, kaya nga normal sa atin ang antukin...sign yun na pagod na ang katawan natin.

    Anu man yang nararamdaman mo, sana ay gumaling na, take care na lang at ingat.

    ReplyDelete
  12. Naalala ko tuloy nung nagkasakit ako..ang hirap pala, maluha luha ako pero dapat go parin kasi para din naman sa pamilya eh..

    kung sick ka man, hope you get well soon!

    Keri yan, go lang ng go! :)

    ReplyDelete
  13. skeptic akong tao. at isa sa mga hindi ko kayang lunukin na belief ay yang pagiging independent kuno ng isang tao. ano ba ang pamantayan para masabi ko na independent ako? when im living on my own? spending my own money? sapat na ba un para masabi kong independent ako?

    ...even superman needs help.

    ReplyDelete
  14. @KHANTS: Tama ka!

    @ LEAH: Yes, ate! :)

    ReplyDelete
  15. @ LIRA: Salamat po sa payo. Salamat din po sa pagdalaw ng pahina ko. :)

    @ CM: *text ito*

    Musta ka CM? :D

    ReplyDelete
  16. @ MOMMY: Salamat po. Hugs mami! :)

    @ BINO: Tumpak! Salamat, bino!

    ReplyDelete
  17. @ BULAK: Salamat bro.... getting better na. :)

    @ CHYNG: Well said chyng... hehe! Salamat!

    ReplyDelete
  18. @ AKONI: Oo nga parekoy. Ingat ka! :)

    @ TIM: Tama! Ang hirap talaga. :)

    ReplyDelete
  19. @ MOKS: Salamat par!

    @ TABIAN: Medyo okey na ako! :) Ty

    ReplyDelete
  20. @ KABUTE: Malamang pero sabi nga nila, kahit gaano ka man ka-independent... kailangan mo pa rin tulong ng ibang tao.

    tnx

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D