Showing posts with label Bakasyon. Show all posts
Showing posts with label Bakasyon. Show all posts

Saturday, October 8, 2011

E ano ngayon kung magbakasyon ka?!

...yan ang banat ng isa kong kakilala noong sinabi kong magbakasyon ako. Sabagay, paki nga naman nya kung magbakasyon ako. O di kaya bitterans lang siya kasi di makapagbakasyon. Lol! Matagal ko na itong pinaghandaan 'to, nakatsamba't may 0 fare ang CebPac kaya nakatipid ako. Yon nga lang, maikling bakasyon lang ito. Yong tipong madaliang lakad lang. Pero okey lang, at least nakapagbakasyon.

Teka, saan nga ba nagpunta ang "kol me empi"? Hmmm... walong taon akong nawalay sa aking inang bayan (gumaganun? Lol). Since 2003 unang uwi ko palang mga 2008 yata, tapos nitong September 29, 2011 lang ulit nakabalik doon. Akalain mo yon... daig pa ang nasa ibang bansa. Lol!
habagat kasi kaya maalon ang dagat
at kulay brown pa

September 29, 2011: Original flight - Manila to Surigao - 7:15AM. Sa kasamaang palad, na-kansela ang flight ng inyong lingkod. At nilipat ang flight ko sa Butuan, kaya Manila to Butuan ang drama ko. 
abot ko na ang langit... Lol!
Nakakainis lang kasi sinadya ko pa naman na mag Mla - Sur para mas malapit ako. Pero e sa wala akong magagawa kaya... inhale exhale na lang. Pero, binigyan ako ng free flight ng CebPac kaya okey na rin. 
Surigao

pagkagising sa umaga gumala agad sa beach
sa likod lang naman ng bahay yan. hehe!

Nakarating ng Butuan mga bandang 11:45AM, mga 2 hours ride pa bago makarating ng Surigao City. From there, sakay ulit ng jeep about 1hr and 45 minutes ang byahe. Nakakapagod!

madaming kahoy at kung anu ano pa
kapag habagat sa lugar namin

Minalas na naman ako, ang sinakyan kong jeep ay hindi dumirecho sa mismong lugar ko. Mga dalawang barangay pa bago ako makarating sa amin. Tsk! Tsk! Tsk! Sakay na naman ng habal habal papunta na talaga sa amin.

naalala ko noong bata pa ako,
naglalaro din kami sa maalong dagat

Mga 30 minutes nakarating din sa bahay. Alam na nila ang pagdating ko. Di ko na sinurpresa ang aking mga tauhan doon baka magulat na naman tulad noong una kong uwi. Hehe! Pagdating ko sa bahay, derecho na kay Ina, Ama, at Lola. At si Lola, hindi na ako kilala..."Nay! Nay!" "Kinsa ka?" (Sino ka?). Dala ng katandaan ni Lola kaya hindi na ako kilala. Pero nakilala din ako. Hehe!

iba't ibang kulay ng bato

hindi ko alam kung ano ito,
parang kamag-anak yata ng mga shell

Stop! Humaba na ang kwento... hanggang dito na lamang. :) Itong tatlong huling larawan ang mga antigong gamit sa bahay.
Black & White TV

De Gas na Refrigerator

Wall Clock
na kasing edad ko na rin, tumutunog yan
Hindi ko alam kung bakit ayaw pang itapos ang De gas na ref namin. Ang luma luma na e at sobrang sira na. Ayaw pa itapon.

***Habal habal - motorcycle