Showing posts with label Laguna. Show all posts
Showing posts with label Laguna. Show all posts

Thursday, July 25, 2013

River Rafting

Hello guys! What's up? Pasensya na kayo hindi ako nakakabisita sa inyong mga tahanan medyo busy ang inyong lingkod. Hindi ako makakapangako pero I will try to visit your sites. How's life going on guys? I hope medyo ma-adventure ang inyong buhay, wag puro nega at ka-emohan. Enjoy life guys. :)

Nitong nakaraang weekend ay sumabak na naman sa adventure ang inyong lingkod kasama ang Elite Team. Ang destinasyon? Magdalena, Laguna. What Magdalena, Laguna has to offer? Hmmm. Sino ba ang hindi mag-aakala na pwede mo ng magawa ang inaasam-asam mong white river rafting. Hindi mo na kailangan dumayo pa sa CDO para gawin ito. It's just 3 hrs drive from the Metro ay magagawa mo na ang inaasam-asam mo.


Pero bago namin ginawa ang adventure ay inikot muna namin ang lugar. Then, mga ilang minutong paghihintay tinahak na ng grupo ang lugar kung saan kami ay mag river rafting. Pero bago namin ginawa iyon ay kumain muna kami ng lunch at naghintay ng mga ilang minuto para sa turn namin.

Then, nakita na namin ang dalawang grupo mula sa kanilang adventure and that's the time na kami naman ang sasabak. Excited na kaming lahat dahil halos 3 weeks din namin itong pinagplanuhan.

Hindi naman sobrang wild ang river. Tamang-tama lang para sa aming mga first timer at sobrang nakaka-enjoy at gusto naming ulitin ito. At kung may pagkakataon, ready na kami sa CDO white river rafting.

Thanks Elite Team! See you soon....


Friday, June 7, 2013

Huling Hirit sa Tag-init

Buon Giorno! How are you my friends?

Pagkatapos ng Albay Escapade ko, the following week naman ay ang huling hirit ng grupo sa tag-init. Destination? Majayjay Falls, Majayjay, Laguna. Lulan ng bus patungong Sta. Cruz, Laguna ang grupo para takasan ang napakagulong lugar at mag overnight sa ilalim ng mga punong kahoy na ang tanging tulugan ay ang tent lamang. Excited dahil first time matulog sa tent at mag overnight sa mala-paraisong lugar na akala mo ay kasapi sa mga taong nandoon na hindi mo nakikita.

Pero bago marating ang lugar na ito, isang baldeng tiyaga at isang sakong patience ang pag-iipunan niyo dahil mahaba ang byahe at nakakapagod dahil apat na sakay bago mo matapakan ang lupa sa lugar na ito.

“Everything you can imagine is real.” 
― Pablo Picasso
Sakit sa pwet, nakakahilo at nakakainip pero konting tiyaga my friend dahil pagdating mo sa lugar mapapawi ang lahat ng iyong nararamdaman dahil malalanghap mo ang preskong hangin. Ang amoy ng probinsya. Ang amoy ng mga puno. 

Pagkadating sa lugar, nagpa-rehistro sa Brgy. Hall, at nag-rent ng tent (good for 5 person). Mga 20 minutes lakad mula sa Brgy. Hall bago mo marating ang Majayjay Falls. Madaming tao noong dumating ang grupo. Ang iba ay pauwi na at ang iba naman ay kakarating lang. 
Agad inassemble ni Manong ang aming munting titirhan sa lugar na iyon. Habang, kami naman ay hinahanda ang baong pagkain dahil sobrang late na kami nakarating. Pagkatapos naitayo ni Manong ang aming tent syempre with the help our group. Hehehe! Late lunch naaaaaaaaa!!!!! 

Mga bandang alas tres, umulan, medyo nararamdaman na namin ang lamig at mas lalong lumamig dahil nasa ilalim kami ng mga puno at malapit sa falls. Sarap pakinggan ang agos ng tubig mula sa Falls.

Alas kwatro ng hapon, tumungo ang grupo sa Falls at doon nagtatampisaw na parang mga bata. Sobrang lamig na tubig, I am sure....uurong ang betlog mo! Sobrang lamig talaga, yong parang may yelo at mas lalo pang lumamig dahil nga umulan noong mga oras na iyon.
Pero, hindi alintana ang lamig at patuloy na nilublob ang mainit init na katawan sa tubig. Hahaha! Nakakangatog! Pero ang sarap ng feeling. Madami pa ring naliligo sa mga oras na iyon hanggang sa sumapit na ang dilim. 

Bumalik ng tent para magbihis at mag-dinner. Pagkatapos, ang grupo ay nagsama-sama sa iisang tent. Kwentuhan. Lokohan. Tawanan. Saya!

Marami ding nag-o-overnight noong araw na iyon. Rinig na rinig ang mga boses nila na nag-iinuman sa baba. Tawanan, sigawan, ang saya nila! At may mga tanod ding nagroroving para sa kaligtasan ng mga turista. At ayon sa aking kasama, may nanakawan daw doon. 
Ang dami mong maririnig na mga nagkakantahang kulisap, palaka, ibon, at ibang iba uri ng mga insekto. Nakakita ako ng alitaptap sa labas mula sa maliit na bintana ng tent namin..ang cute nilang tingnan!

Hindi ako nakatulog noong gabi, namamahay yata ako. Hahaha! 
Umuulan pa rin noong madaling araw pero tumila siya noong umaga na at unti-unti ng nagpakita ang haring araw. Binalikan ng grupo ang Falls habang maaga pa dahil akala namin wala pang naliligo para makapag-picture ng walang sagabal pero pagdating namin doon. ABAAAAA!!!! May naliligo na! Hahaha!

Picture, picture na lang kahit may mga tao na. Bumalik sa tent ang nag-breakfast then, balik ulit sa falls para mag-swimming bago babalik sa Manila.

Bago mag-lunch time....nakabalik na ng Sta. Cruz ang grupo.

Komento ko lang sa Majayjay Falls.....madumi ang paligid, hindi siya naaalagaan ng mga locals ang lugar...yong mga basura ng mga turista, naiiwan lang doon. May mga paliguan at palikuran na hindi na nagagamit. Sayang lang! Sana ma-maintain nila ng maganda ang lugar.

That's it for now. Happy weekend!

Monday, May 13, 2013

The Story of Mt. Kalisungan

After ma-injured ang inyong lingkod noong nag island hopping. Tigil muna ang weekend getaway though kating-kati ng umalis pero hindi pwede dahil hindi pa magaling ang sugat sa paa. Almost 3 weeks din yata iyon bago gumaling. Kaya, tiis tiis muna at tanggi tanggi din sa mga lakad pag may time. Ahihihi! 

So, bukod sa weekend getaway? Ano pinagkakaabalahan mo? Ahh, gumagala pa rin kahit papaano pero tumatanggi ako kapag swimming, out of town, etc kasi lugi ako e, hindi ko maiienjoy kapag injured.

Kamusta ang sugat? Mabuti naman, naka-recover na pero manipis pa rin ang balat niya kaya medyo nag-iingat din na hindi mabundol sa matutulis na bagay.

Saan ang gala mo? 

Finally, lumipas ang isa't kalahating buwan, ito na naman ang inyong lingkod ay                                maghahatid sayo ng panibagong post. Hahaha! Akala mo kung ano...

Noong weekend ay sumabak na naman sa akyatan kahit kulang sa praktis, walang ehersisyo, hindi nakapag-warmup ng mabuti, at hindi nakakapag-jogging. Pero sige, go lang ng go. Kinita ang mga friends na sina Jane at Jepoy sa Bus Terminal, sumakay sa HM Transport bus bound to Sta. Cruz, Laguna, 2hrs drive from Cubao. Kaya, tulog tulog muna.

For the first time, si Roy ang nauna sa tagpuan namin sa Duck Junction. Bravo, Roy! Lol... at na-late naman daw kami dahil sa ibang junction kami binaba ni Kuyang konduktor. Tsk! Tsk! Husay mo tsong! 

DUCK JUNCTION

Sumakay ulit kami ng jeep papunta ulit ng Sta. Cruz at ayon, nakita na namin ang Duck Junction. Kaya pala yon ang tawag sa lugar na iyon dahil may malalaking itik sa ginta ng kalsada. From Duck Junction, sumakay naman kami ng jeep going to Brgy. Lamot 2.

Registered at Brgy. Hall na kung saan si Kapitan ay medyo hindi maganda ang gising. Wag na natin pag-usapan dito dahil good vibes lang tayo dito. So, after ng registration....

....start trekking

First and Second PEAK

Hindi ko na mabilang kung nakailang pahinga kami, lakas makaubos ng energy lalo na walang ehersisyo at biglang sabak agad sa akyatan kaya hindi maganda ang resulta. Mabuti na lang si Ate Mercy, our guide, ay matiyaga at walang tigil ang kwento. Good job, Ate!
Ascending.....Descending....
Napadaan kami sa mag-asawang kumukuha ng buko at inalok naman kami ng libre pero nahiya naman kami kaya binayaran namin sila. Pagkatapos kumain, akyat ulit.

Halos every 30 minutes yata pahinga kami.
Walang lang para may exposure sila

Ayon sa aking pananaliksik, ang Mt. Kalisungan ay may iba't ibang pangalan; yong iba tinatawag itong Mt. Calauan o Mt. Nagcarlan and others call it Mt. Lamot dahil ito ay nasa Brgy. Lamot. Pero may pagkakaisa na ang bundok na ito ay dapat kilala bilang Mt. Kalisungan, ito ay may taas na 760 MASL. 

Sa tuktok ng Mt. Kalisungan ay makikita ang San Pablo's seven lake; bunot lake, calebato lake, pandin lake, yambo lake, palakpakin lake, mohicap lake, at sampaloc lake.

Mga bundok na makikita mo sa summit ay ang Mt. Tagapo, Mt. Sembrano, Mt. Cristobal , Mt. Banahaw at Mt. Makiling. Mountains are covered by clouds kaya hindi sya masyadong makikita. Pero fulfilling kapag nakarating ka ng sa tuktok. At noong nakita namin ang kabuuan ng bundok, hindi namin sukat akalain na mataas siya.
Mt. Kalisungan

30 minutes lang kami nag-stay sa tuktok dahil sobrang init na saka walang puno na pwede masilungan kaya baba agad kami. At tumambay muna doon sa may kubo ni Mang Roy at bumili ng buko ulit.  Then,

....start descent

Naabutan na kami ng ulan sa pagbaba namin mabuti na lang at hindi kami naabutan doon sa part na matarik dahil kung hindi, yari.....slide at tumbling ang eksena namin. Umulan noong nasa kapatagan na kami. Thanks, God!
Elite Team
at hindi mawawala si Meng. Oh yeah!

ITINERARY
05:30am – Assembly, HM Transport – Cubao
06:00am – Take HM Transport bus bound to Sta. Cruz, Laguna (107.25php)
08:00am – drop off to Duck Junction Victoria, Laguna (paki-linaw na lang sa conductor na ang baba niyo ay doon sa may malalaking statue ng itik baka sa ibang junction pa kayo ibaba). Take a jeep going to San Pablo then, jump-off Brgy. Lamot 2
08:30am  – ETA Brgy. Lamot 2, register at the Brgy. Hall, 20php
09:00am – start trek
12:00nn – SUMMIT
12:30pm – lunch
01:30pm – start descent
03:30pm – ETA Brgy. Lamot 2
04:00pm - back to Manila or if you have any sidetrip......

Next post....BE COOL! :)