Showing posts with label trekking. Show all posts
Showing posts with label trekking. Show all posts

Monday, May 13, 2013

The Story of Mt. Kalisungan

After ma-injured ang inyong lingkod noong nag island hopping. Tigil muna ang weekend getaway though kating-kati ng umalis pero hindi pwede dahil hindi pa magaling ang sugat sa paa. Almost 3 weeks din yata iyon bago gumaling. Kaya, tiis tiis muna at tanggi tanggi din sa mga lakad pag may time. Ahihihi! 

So, bukod sa weekend getaway? Ano pinagkakaabalahan mo? Ahh, gumagala pa rin kahit papaano pero tumatanggi ako kapag swimming, out of town, etc kasi lugi ako e, hindi ko maiienjoy kapag injured.

Kamusta ang sugat? Mabuti naman, naka-recover na pero manipis pa rin ang balat niya kaya medyo nag-iingat din na hindi mabundol sa matutulis na bagay.

Saan ang gala mo? 

Finally, lumipas ang isa't kalahating buwan, ito na naman ang inyong lingkod ay                                maghahatid sayo ng panibagong post. Hahaha! Akala mo kung ano...

Noong weekend ay sumabak na naman sa akyatan kahit kulang sa praktis, walang ehersisyo, hindi nakapag-warmup ng mabuti, at hindi nakakapag-jogging. Pero sige, go lang ng go. Kinita ang mga friends na sina Jane at Jepoy sa Bus Terminal, sumakay sa HM Transport bus bound to Sta. Cruz, Laguna, 2hrs drive from Cubao. Kaya, tulog tulog muna.

For the first time, si Roy ang nauna sa tagpuan namin sa Duck Junction. Bravo, Roy! Lol... at na-late naman daw kami dahil sa ibang junction kami binaba ni Kuyang konduktor. Tsk! Tsk! Husay mo tsong! 

DUCK JUNCTION

Sumakay ulit kami ng jeep papunta ulit ng Sta. Cruz at ayon, nakita na namin ang Duck Junction. Kaya pala yon ang tawag sa lugar na iyon dahil may malalaking itik sa ginta ng kalsada. From Duck Junction, sumakay naman kami ng jeep going to Brgy. Lamot 2.

Registered at Brgy. Hall na kung saan si Kapitan ay medyo hindi maganda ang gising. Wag na natin pag-usapan dito dahil good vibes lang tayo dito. So, after ng registration....

....start trekking

First and Second PEAK

Hindi ko na mabilang kung nakailang pahinga kami, lakas makaubos ng energy lalo na walang ehersisyo at biglang sabak agad sa akyatan kaya hindi maganda ang resulta. Mabuti na lang si Ate Mercy, our guide, ay matiyaga at walang tigil ang kwento. Good job, Ate!
Ascending.....Descending....
Napadaan kami sa mag-asawang kumukuha ng buko at inalok naman kami ng libre pero nahiya naman kami kaya binayaran namin sila. Pagkatapos kumain, akyat ulit.

Halos every 30 minutes yata pahinga kami.
Walang lang para may exposure sila

Ayon sa aking pananaliksik, ang Mt. Kalisungan ay may iba't ibang pangalan; yong iba tinatawag itong Mt. Calauan o Mt. Nagcarlan and others call it Mt. Lamot dahil ito ay nasa Brgy. Lamot. Pero may pagkakaisa na ang bundok na ito ay dapat kilala bilang Mt. Kalisungan, ito ay may taas na 760 MASL. 

Sa tuktok ng Mt. Kalisungan ay makikita ang San Pablo's seven lake; bunot lake, calebato lake, pandin lake, yambo lake, palakpakin lake, mohicap lake, at sampaloc lake.

Mga bundok na makikita mo sa summit ay ang Mt. Tagapo, Mt. Sembrano, Mt. Cristobal , Mt. Banahaw at Mt. Makiling. Mountains are covered by clouds kaya hindi sya masyadong makikita. Pero fulfilling kapag nakarating ka ng sa tuktok. At noong nakita namin ang kabuuan ng bundok, hindi namin sukat akalain na mataas siya.
Mt. Kalisungan

30 minutes lang kami nag-stay sa tuktok dahil sobrang init na saka walang puno na pwede masilungan kaya baba agad kami. At tumambay muna doon sa may kubo ni Mang Roy at bumili ng buko ulit.  Then,

....start descent

Naabutan na kami ng ulan sa pagbaba namin mabuti na lang at hindi kami naabutan doon sa part na matarik dahil kung hindi, yari.....slide at tumbling ang eksena namin. Umulan noong nasa kapatagan na kami. Thanks, God!
Elite Team
at hindi mawawala si Meng. Oh yeah!

ITINERARY
05:30am – Assembly, HM Transport – Cubao
06:00am – Take HM Transport bus bound to Sta. Cruz, Laguna (107.25php)
08:00am – drop off to Duck Junction Victoria, Laguna (paki-linaw na lang sa conductor na ang baba niyo ay doon sa may malalaking statue ng itik baka sa ibang junction pa kayo ibaba). Take a jeep going to San Pablo then, jump-off Brgy. Lamot 2
08:30am  – ETA Brgy. Lamot 2, register at the Brgy. Hall, 20php
09:00am – start trek
12:00nn – SUMMIT
12:30pm – lunch
01:30pm – start descent
03:30pm – ETA Brgy. Lamot 2
04:00pm - back to Manila or if you have any sidetrip......

Next post....BE COOL! :)


Saturday, March 2, 2013

Mountaineering

Hi guys, my name is Meng. :3
Hey kiddo, miss me? Dahil miss you too big time!! Ahihihi! Medyo matagal-tagal ding hindi nakapag-post pagkatapos ng madaming gala noong nakaraang buwan. Madaming nangyari umpisa pa lang ng buwan sa taong 2013, kumapit agad si stress at si pressure sa katawan ng inyong lingkod. Pero bukod dyan, may maganda rin namang nangyari tulad ng nagtagumpay ang unang bazaar for cause ng PBO, kaya binabati ko ang PBOers. 
At dahil doon na-met ko si Meng, unang kita ko palang sa kanya, na-attract na ako, kaya, tinake-home ko na sya after ng Bazaar. Sino si Meng? Ayan oh, meet my Meng. Gusto niyang sumakay sa aking white Porche, at excited siyang makasama sa galaan si Laloy. Sino naman si Laloy? Pangalang ng camera ko. Ahihihihi!
Anyway, hindi ito tungkol kay Meng at kay Laloy ko ang pag-uusapan natin ngayon. Ang ating tatalakayin (tatalakayin talaga? nasa class room lang? LOL) ay tungkol sa mga pinagkakaabalahan ng inyong lingkod lalo na sa kanyang spare time. Kapag mag-we-weekend ay nakaabang na sa mga lakad/invitation dahil kailangan mawala ang stressed sa katawan. Friday night pa lang ay dapat iiwan na ang stressed sa lobby ng opisina. Bawal isipin ang trabaho kapag weekend! Nakakasira e! Hehehe.

Hindi lang ang pagtakbo, lakwatsa, foodtripping ang kinaadikan ng inyong lingkod. Pati mountaineering ay akin na ring pinasok. Nakakaadik din! Promise! Akin pong ibahagi sa inyong mga mambabasa at taga-subaybay ng pahinang ito ang mga mundok na aking naakyat.

Twin Hike: Mt. Talamitam and Mt. Batulao
Mt. Batulao (811+ MASL)
Location: Nasugbu, Batangas

Dinouble hike namin ang Mt. Talamitam and Mt. Batulao.

Ito ang pinakamataas na bundok na naakyat ko, trekking pa lang ay hihingalin ka na. May sampung campsite ang bundok na ito. Dalawang option ang pwede ninyong daanan: Old to New Trail and New to Old Trail. Pero para sa akin, mas ok sa old to new trail dahil medyo easy lang though hihingalin ka rin naman. May portion na mag-rock climbing ka para makarating sa tuktok ng bundok. Buwis buhay lalo na kapag naulan. Pero kapag nandoon ka na sa itaas ng bundok.....you will see the dramatic and breathtaking scene.  

Hindi ko ito makakalimutan dahil ginabi na kami sa bundok kaya hirap kaming bumaba lalo na wala kaming dalang flashlight. Kampante kasi na 5pm e nasa jump-off na kami.

Mt. Talamitam (630+)
Location: Nasugbu, Batangas

Ito ang bundok na unang inakyat namin bago ang Mt. Batulao sa twin day hike namin. Ang bundok na ito ay kalbo katulad ko. Haha! Kita mo naman sa picture, kaya be sure na may dala kang pantakip sa inyong mala-porselanang balat. 

Yong dalawang babaeng kasama namin dito ay walang reklamo. Hanga kami! Sad lang kasi di na sila tumuloy sa pangalawang bundok na aakyatin namin sa araw na iyon. Siguro pagod na!

Twin Hike: Mt. Maculot and Mt. Manabu
Mt. Manabu Peak (760+)
Location: Sto. Tomas, Batangas

Ang bundok na ito ay good for the beginners dahil easy access, short trail at may magagandang tanawin na ikaka-enjoy mo. Unforgettable ito para sakin dahil noong umpisa ng trail namin, medyo hindi maganda ang kalagayan ng kaloob-looban ng aking tyan na siyang sanhi ng hindi sinasadyang pagbabawas ng dumi sa kagubatan. Nakakahiya man sa mga kasama ko pero kailangang hintayin nila ako kesa naman matae ako sa brief. Hahaha! 

Lesson learned: wag basta basta kumain ng pagkain lalo na kung alam mo ikakasira ng sikmura mo. Takaw kasi! Lol

Mt. Maculot/Rockies (706+)
Location: Cuenca, Batangas

Mt. Maculot ay isa sa mga popular na daytrip destination lalo na sa weekends and summer month. Ayon sa isang blog, ang Mt. Maculot ay may tatlong destination; rockies (706m), the summit (930m), and grotto (510m). Pero ang inakyat lang namin ay ang Rockies. Maganda ang view pag nasa tuktok ka na ng Rockies, makikita mo doon ang Taal Lake. Hindi lang talaga ako nakapagpa-picture ng nakatayo sa rockies habang niyayakap ang Taal Lake. Sobrang lakas makahina ng tuhod to think na takot din ako sa heights. Hahaha! Gustuhin ko man pero hindi ko talaga kayang tumayo. Nanginginig ako! :3


Mt. Manalmon (196+)
Location: San Miguel, Bulacan

Para sa akin, ito ang pinaka-easy'ng akyatin na halos tatagal lang ng 30minutes. Kaya medyo bitin ang pag-akyat dito. Mabuti na lang may Bayukbok Cave na malapit sa lugar na iyon. At ang Madlum River na kung saan pwedeng magswimming after ng caving. 

Mt. Batulao (811+ MASL)
Location: Nasugbu, Batangas

Ito ang unang pagkakataon namin na umakyat sa Mt. Batulao pero ito din ang araw na kinamumuhian namin. Hahaha! Bakit? Sobrang nakaka-stressed at haggard akyatin ang bundok na ito lalo na kung umuulan. Imagine, from the jump-off maputek na siya hanggang doon sa paanan ng bundok. Plus, dagdagan mo pa ang pag-ambon noong panahon na iyon. 

Putikang mga paa, short, damit, plus simplang, slide, madulas, tumba to the left to right, naiiwan ang suot na tsinelas o sapatos sa ilalim ng putek. Haha! Saya!


Mt. Tagapo (438+)
Location: Talim Island, Laguna de Bay
Binangonan, Rizal

Unang bundok na naakyat, easy lang din ang trail dito siguro aabutin lang ng 1.5hrs nasa tuktok ka na ng bundok. Ang bundok na ito ay tinatawag ding Mt. Susong Dalaga dahil kapag nasa Laguna ka and spot the peak of the Mt. Tagapo para siyang korte ng suso ng dalaga.

Looking forward sa major hike/overnight sa Pico de Loro and Mt. Pulag. Hopefully, this year magawa na yan. At looking forward din akong makasama ang ibang PBOers na gustong mag-explore sa kabundukan. Be sure lang na hindi ka maarte ha, dahil bawal ang maarte kapag namumundok ka kundi baka itulak kita sa bangin! Hahaha!