Friday, June 7, 2013

Huling Hirit sa Tag-init

Buon Giorno! How are you my friends?

Pagkatapos ng Albay Escapade ko, the following week naman ay ang huling hirit ng grupo sa tag-init. Destination? Majayjay Falls, Majayjay, Laguna. Lulan ng bus patungong Sta. Cruz, Laguna ang grupo para takasan ang napakagulong lugar at mag overnight sa ilalim ng mga punong kahoy na ang tanging tulugan ay ang tent lamang. Excited dahil first time matulog sa tent at mag overnight sa mala-paraisong lugar na akala mo ay kasapi sa mga taong nandoon na hindi mo nakikita.

Pero bago marating ang lugar na ito, isang baldeng tiyaga at isang sakong patience ang pag-iipunan niyo dahil mahaba ang byahe at nakakapagod dahil apat na sakay bago mo matapakan ang lupa sa lugar na ito.

“Everything you can imagine is real.” 
― Pablo Picasso
Sakit sa pwet, nakakahilo at nakakainip pero konting tiyaga my friend dahil pagdating mo sa lugar mapapawi ang lahat ng iyong nararamdaman dahil malalanghap mo ang preskong hangin. Ang amoy ng probinsya. Ang amoy ng mga puno. 

Pagkadating sa lugar, nagpa-rehistro sa Brgy. Hall, at nag-rent ng tent (good for 5 person). Mga 20 minutes lakad mula sa Brgy. Hall bago mo marating ang Majayjay Falls. Madaming tao noong dumating ang grupo. Ang iba ay pauwi na at ang iba naman ay kakarating lang. 
Agad inassemble ni Manong ang aming munting titirhan sa lugar na iyon. Habang, kami naman ay hinahanda ang baong pagkain dahil sobrang late na kami nakarating. Pagkatapos naitayo ni Manong ang aming tent syempre with the help our group. Hehehe! Late lunch naaaaaaaaa!!!!! 

Mga bandang alas tres, umulan, medyo nararamdaman na namin ang lamig at mas lalong lumamig dahil nasa ilalim kami ng mga puno at malapit sa falls. Sarap pakinggan ang agos ng tubig mula sa Falls.

Alas kwatro ng hapon, tumungo ang grupo sa Falls at doon nagtatampisaw na parang mga bata. Sobrang lamig na tubig, I am sure....uurong ang betlog mo! Sobrang lamig talaga, yong parang may yelo at mas lalo pang lumamig dahil nga umulan noong mga oras na iyon.
Pero, hindi alintana ang lamig at patuloy na nilublob ang mainit init na katawan sa tubig. Hahaha! Nakakangatog! Pero ang sarap ng feeling. Madami pa ring naliligo sa mga oras na iyon hanggang sa sumapit na ang dilim. 

Bumalik ng tent para magbihis at mag-dinner. Pagkatapos, ang grupo ay nagsama-sama sa iisang tent. Kwentuhan. Lokohan. Tawanan. Saya!

Marami ding nag-o-overnight noong araw na iyon. Rinig na rinig ang mga boses nila na nag-iinuman sa baba. Tawanan, sigawan, ang saya nila! At may mga tanod ding nagroroving para sa kaligtasan ng mga turista. At ayon sa aking kasama, may nanakawan daw doon. 
Ang dami mong maririnig na mga nagkakantahang kulisap, palaka, ibon, at ibang iba uri ng mga insekto. Nakakita ako ng alitaptap sa labas mula sa maliit na bintana ng tent namin..ang cute nilang tingnan!

Hindi ako nakatulog noong gabi, namamahay yata ako. Hahaha! 
Umuulan pa rin noong madaling araw pero tumila siya noong umaga na at unti-unti ng nagpakita ang haring araw. Binalikan ng grupo ang Falls habang maaga pa dahil akala namin wala pang naliligo para makapag-picture ng walang sagabal pero pagdating namin doon. ABAAAAA!!!! May naliligo na! Hahaha!

Picture, picture na lang kahit may mga tao na. Bumalik sa tent ang nag-breakfast then, balik ulit sa falls para mag-swimming bago babalik sa Manila.

Bago mag-lunch time....nakabalik na ng Sta. Cruz ang grupo.

Komento ko lang sa Majayjay Falls.....madumi ang paligid, hindi siya naaalagaan ng mga locals ang lugar...yong mga basura ng mga turista, naiiwan lang doon. May mga paliguan at palikuran na hindi na nagagamit. Sayang lang! Sana ma-maintain nila ng maganda ang lugar.

That's it for now. Happy weekend!

28 comments:

  1. Ganda at sarap ng adventure nyo. Sayang at di nalilinis dyan. Nasisira ang ganda ng nature.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga Mommy Joy! Nagkalat ang basura. :)

      Delete
  2. hindi naman tayo nagusap kung ano ang title ng entry di ba? ahahahaha. na miss ko maligo sa falls :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha, sorry! hindi ko napansin na ganyan din title ng post mo. Tsk tsk tsk

      Delete
    2. nyahahaha hindi wag ka na mag paliwanag ahahahaha joke lang nuba?

      Delete
  3. napawow naman ako sa first shot! ganda ng pagkakakuha!
    haha kung san san ka talaga napapadpad parekoy ahh
    at dang ganda ng lugar charap maligow

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama sarap magtampisaw... kala ko may sakit si empi? haha

      Delete
    2. @MECOY: Hahaha. kung san san na nga ako napapadpad. hehe

      Masarap maligo...sobrang lamig! :D

      Delete
    3. @JEI: Hahaha. Last last week pa yang majayjay falls. late post lang. :)

      Delete
  4. Na miss ko tuloy ang home province ko. Madami ka pang ma discover sa Laguna. It's the ultimate place where you can escape from the stressful scenery of the city. Madaming hidden paradse sa lagun, kahit dun sa mga maliliit na bayan o baranggay na aala mo eh walang kayang i-offer sa mga turista. Nalungkot nga lang na gustong gusto nila i-boost ang tourism sa laguna pero walang approriate facilities at walang maayos na pag monitor sa mga lugar at sa mga environmental concerns nito. Nung bimabasa ko nga ang entry mo inisip ko agad kun nasaan ang palikuran at kung saan itinatapon ang basura.

    This is a nice post, and i hope it will help raise awareness sa mga environmental issues ng aking minamahal na lalawigan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mukhang madami nga magaganda sa Laguna. May gusto pa kaming puntahan...yong 7 lake sa laguna. :)

      Sana nga mapansin ng mga official at maalagaan nila ang magagandang lugar sa Laguna. Sayang kasi kung mapabayaan.

      Delete
  5. Ang gondo naman dyan! Napa ohemgee talaga ako sa unang pic. Ang saya pa kasi campin camping ang peg at very nature ang eksena. Natakot lang ako may binangit kang mga taong di nakikita - waah!

    Miss you Empi, sama mo naman kami sa ibang gala mo next time! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wag kang matakot,zai! Mababait sila. Hehehe!

      Delete
  6. pre sarap adventure ah. gnda ng place.

    ReplyDelete
  7. Jam packed yung falls ha pero maganda yung lugar, very refreshing :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maganda ang lugar at malamig ang tubig. Sarap! :D

      Delete
  8. 1. Magmamajayjay dapat ako nung 2004 pero d ko type mga kasama ko kaya di natuloy.
    2. Sulat kayo sa brgy at municipal hall. Sandalian lang yun. Pag may pumuna na turista inaaksyonan kagad nila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1. Sayang naman sir. Di bale, punta ka na lang kapag type mo na mga kasama mo. :D

      2. Pwede pala yon? Hmmm...sige, next time para naman di nila mapabayaan.

      Delete
  9. at dahil sa post mong ito.... parang natetempt akong pasyalan tong majayjay falls.

    ReplyDelete
  10. Sayang naman ang falls kung masira lng. Sana alagaan ng local gov. Kumikita naman sila sa turismo

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maayos din siguro yan kapag madami ng nakapuna. :)

      Delete
  11. ang saya at ang ganda ng falls!
    sa wakas at nakapagbloghop ulet!

    ReplyDelete
  12. Empi isama mo nmn ako sa mga lakad mo :)

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D