Hi kids! Mula Siargao Island ay naligaw ang inyong lingkod sa Manila Chinatown upang makiisa sa pagdiriwang ng mga Tsinoy sa kanilang Chinese New Year. Kinubakasan, dumako naman sa Isla na hugis tadpole na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Manila....ang CORREGIDOR ISLAND.
Napakapalad ko dahil isa ako sa napili na isama ng kaibigan namin na nanalo sa photo contest. Kaya nagkaroon ng pagkakataon na makapunta ng Corregidor Island dahil bukod sa spa at foodtrip ay isa ang Corregidor Island sa papremyo.
Isa ang Corregidor Island sa listahan na gusto kong puntahan last year pa at sa wakas, sa di sinasadyang pagkakataon....natupad din! :)
Bago mag-alas syete ng umaga ay nasa port na kami ng Sun Cruises. Ito ang sasakyan namin papuntang isla. Pagkadating ay inavail na namin ang reservation tickets namin. Ilang minuto lang ay lulan na kami sa sasakyang pandagat. United Nation lang ang dating dahil ang nakasakay nito ay iba't ibang lahi; korean, american, canadian, indian, at syempre Pinoy. May mga students from International School.
Upon arrival at the port, sinalubong kami ng Travia - ito ay mini bus ng Sun Cruises, Inc. na syang pangunahing paraan ng transportasyon sa isla. Our tour guide welcomed us to the island and introduced his name. He is Mang Carlos. Pero bago kami magsimula sa aming tour ay inalam niya muna kung may nakahalong Japanese sa bus namin dahil ililipat ito sa Japanese Bus. Ang sosyal! May sariling silang bus at Japanese tour guide.
Unang pinuntahan ng grupo ay ang Malinta Tunnel. Ayon kay Mang Carlos, tinatawag itong malinta tunnel dahil noong araw ay maraming linta o leeches sa lugar na iyon. Pumasok kami sa tunnel kung saan ay matutunghayan ang Light and Sound Show. Ang show na ito ay must-see lalo na sa mga first timer dahil sa loob ng tunnel ay pinapakita ang mga kaganapan noong unang panahon.
The show is about half an hour. Ito ay optional part ng tour ibig sabihin pwede kang hindi pumasok sa loob ng tunnel at maghintay na lang sa bus sa exit ng tunnel. Pero kung ako sayo, pumasok ka na lang para mas kumpleto ang tour mo.
Bago mag-lunch break ay tumungo ang grupo sa lumang port na kung saan dito raw nagsabi ng "I shall return" si Douglas McArthur.
We had lunch sa Corregidor Inn ang nag-iisang hostel sa isla na may 31-bedroom hotel at La Playa restaurant. Binigyan kami ng isang basong cold pandan juice bilang pag-welcome sa mga bisita sa lugar. The buffet was included to our tour kaya lamon na!!! Hahaha!
Sa kabilang side ay may maliit na pool. Pinili namin kumain sa may beranda dahil maganda ang tanawin mula dito. Makikita mo ang Bataan at ang Cavite naman sa kabilang side.
I had fried chicken, chopsuey, corn, paella, at syempre pakwan at kamias. 45minutes lang ang break dahil marami pang pupuntahan. Naka-two-rounds ako! Hahaha!
After 45 mins, infairness sa grupo namin ontime palagi, bow ako! :) Dumako naman kami sa ulo ng isla kung saan matatagpuan ang mga batteries na naka-installed sa isla, ang barracks mula bottomside to topside. May 23 batteries ang naka-installed sa Corregidor Island, 56 coastal guns and mortars, 13 anti-aircraft artillery batteries, 76 guns, at 10 sperry searchlights at dalawang mahabang batteries Hearn and Smith.
Sa bottomside at middleside, makikita ang American Barracks, Phillipines Barracks, Bachelor quarters at hindi bachelor quarters. Sa topside, makikita ang mile long barracks, museum, kaisa-isang cinema, Eternal Fame of Freedom at Pacific War Memorial.
Pacific War Memorial, kung saan makikita ang estatwa ng isang Amerikano na tinulungan ang isang Pinoy na parang nabaril sa digmaan noon.
Ang building na makikita mo sa baba, yong malaking bilog at yong kaliwang bahagi ng larawan. Ayon kay Mang Calros, kapag sumapit ang May 6 ay pag patak ng alas 12 ng tanghali. Ang sinag ng araw ay saktong sakto tatama sa sentro ng bilog na makikita mo sa kaliwang bahagi ng larawan. Mangyayari ito every 4 years kung hindi ako nagkakamali sa pandinig. Hehehe!
Pagkatapos maikot ang ulo ng isla ay bumaba ang grupo upang puntahan naman ang buntot ng isla. Makikita rito ang Caballo Island na bahagyang nakaharang sa entrance ng Manila Bay.
Pero bago tinutungo ang buntot ng isla ay binisita muna ng grupo ang iba pang memorial na nasa isla at kasama sa binisita ay ang Spanish Lighthouse.
Natapos ang tour namin sa buntot ng isla. Balik port na agad kami dahil oras na rin para bumalik ng Manila. Mainit. Nakakauhaw. Nakakapagod. Pero worth it ang tour sa Corregidor Island. Sa grupo namin, may dalawang bata na super daldal, englisero't englisera. Noong tinanong ni Mang Carlos kung may doctor ba sa grupo, engineer, titser, etc.....sagot ng dalawang kids; Boy: " I want to become a scientist!" Girl: "And I want to be a car builder!"
*end of our tour*
Kita-kits sa susunod na mga gala. :)
*ang ibang pictures ay galing kay Jeff
*ang ibang pictures ay galing kay Jeff























