Sunday, December 9, 2012

Kelan ka nagpakulot?

Noong nakaraang EB, nagtanong si Arline kung kelan ako nag-Maculot. Nagtaka si Zai sabay tingin sa buhok k0. Ang dinig niya kasi "kelan ka nagpakulot?" Kaya noong nagkalinawan na...nagtawanan kami. LOL! Ang adik lang. Magpapakulot ba ako e kalbo ako? LOL!

Anyway, namiss ko na naman ang mga pamilya ko sa bundok kaya namundok ako kasama na naman ang mga kaibigan na mahilig sa nature at mahilig umiwas sa maraming tao. 

Sa totoo lang, di na ako sanay mag MALL. Hahahaha! Parang nahihilo ako kapag sobrang dami ng tao. Arte ba? Ahihihi *pa-cute*

Dawalang bundok ang inakyat namin sa loob lamang ng isang araw. Galing di ba? Good luck naman sa tuhod at sa mga binti. Ang akala namin ay hindi namin makakaya pero GALING! WE DID IT! Kahit hingal aso kami noon.

Unang bundok ay Mt. Maculot, inakyat ang Rockies. Nagpagulonggulong  Nagpicture. Nagpahinga.

Tapos, punta naman sa pangalawang bundok, Mt. Manabu. Hingal aso na naman kami habang yong isang kasama namin parang wala lang sa kanya. Lintik na mga paang yan bilis umakyat. Halos nakahalati na siya pero kami nasa paanan pa ng bundok. Hahaha!

Pero masaya! Kapagod pero pagdating mo ng tuktok....WOWWWW!!!! Tagal ang hingal at pagod mo.

Ito ay pang-apat at pang-limang bundok na inakyat ng inyong lingkod. Next destination, twin hike ulit sa Mt. Batulao at Mt. Talamitam ngayong katapusan ng December. Naway matuloy!

Next year....looking forward sa major hike at overnyt.

Sya, mag divi muna at maghanap ng flowing decorative fountain na wish ng monita ko. Good luck sa paghahanap. Hirap ng wishlist niya! Grrrrrr

Happy sunday everyone! Bye!

23 comments:

  1. Ako rin kulutin mo. dyuk!

    Taong bundok ka pala. Kelan nyang next year? kapag nasa Pinas ako, Sama ako ah. Yan ininvite ko na sarili ko. lol

    ReplyDelete
  2. Gusto q rn magganyan, but im scared hehe

    ReplyDelete
  3. tara magpakulot tayo este maculot pala hehe.. gusto ko yung view sa mga summits ng bundok pero takot talaga ako umakyat..sana may shortcut na lang..cable car o kaya helicopter ganyan..hehehe..

    ReplyDelete
  4. Sama naman! Yan din ang isa sa mga trip ko, ang umakyat ng bundok!

    ReplyDelete
  5. haha tamang basag trip lang eeh,

    anyways ganda ng view ha want ko din maexperience na makapunta sa ganyan

    ReplyDelete
  6. i love that!! kaso sa bigat ko hindi ata ako makakaakyat ng bundok!! hahaha

    ReplyDelete
  7. panay ang pakulot este pabundok hehehe. good experience at ung adrenalin rush, the best :D

    ReplyDelete
  8. Haha, natatawa pa rin ako sa nagpakulot na yan! Wow, maya't maya talaga ang akyat nyo ah, mukhang enjoy ka nga talaga! Ta-try ko din yan, pag meron na kong sapatos/sandals na pwedeng pang-hike, haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Enjoy talaga! :D Mag umpisa kayo sa Mt. Manalmon. Hindi siya masyadong matarik kaya yakang-yaka mo!

      Delete
  9. Og sa dihang na ibog ko!!!!! --________--

    ReplyDelete
  10. gusto ko din magpaculot! este..magpunta sa mt maculot..

    ReplyDelete
  11. Hahaha salamat sa special mention :) ako magpapakulot na bago mag Pasko :)

    Anyways, ang saya ng mga akyat nyo - sana maka sama kami. Kaka ibang experience at ibang fulfillment siguro pag naakyat mo ang tuktok. Tapos may The Climb by Miley Cyrus na tumutugtog sa background no? :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Alam mo bang ginawa kong background music yan? hahaha

      Delete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D