Thursday, December 13, 2012

Relax Mode

Hello there! What's up?

SMP pa rin ba kayo? LOL! Naku! Wag ng isipin yan ang mahalaga masaya kayo kung anong meron kayo ngayon, di ba? Gaya nga ng lagi kong sinasabi sa mga kaibigan ko, "enjoy life lang ako! no pressure! no rush! kung anong meron, enjoy lang!"

Kaya naman nag-overnight ako sa isang Hotel kahit mag-isa lang. Bakit ba? Required ba ang may kasama kapag mag-hotel? Weh?

Dahil wala namang lakad at walang schedule sa pamumundok noong weekend nagpasya akong i-avail ang napanalunan noon sa PEBA ang overnight stay sa Fersal Hotel. Kaya, agad akong nagpa-reserved hangga't hindi pa expired ang GC. Hahaha!

Alas 12nn ako nagcheck-in. Pagdating doon, nilapag ang bag agad agad hinubad ang tshirt, shoes, medyas, pants, at ang panloob na kasuotan. Haha! Oo! As in BOLD ako doon sa kwarto tutal ako lang naman mag-isa. Walang pakialamanan! 

Sabi nga ng friend ko sa US, aba! magpaka-wild ka dyan. Sagot ko, ha? ano yon? mamimick-up ako tapos dadalhin dito? Hahaha. Iba pala ang ibig niyang sabihin at iba rin ang pagkakaintindi ko, ang halay ng isipan ko talaga. OKEY! 

So, ayon dahil masunurin akong bata....naghubad nga ako doon sa kwarto. Hahaha! Pero syempre tinamaan ako ng lamig....nagsuot na ako ng damit. Natulog. Nag-relax. Kumain. Natulog ulit. Nag-ehem. Joke!
Hmmm...so what happens in fersal hotel remains in the hotel. Okey? Hahaha!

Sya nga pala guys, baka gusto niyo sumama sa Dec 30. Year-end mountaineering namin! PM niyo lang ako if interested. Thanks!

Merry Christmas! Bye!

36 comments:

  1. balita ko mahigpit ang security jan sa hotel na yan, kahit daw ang mga kwarto ay may CCTV :) aheheh joke lamang :)

    sobrang relaxing yan sir.

    magandang araw sayo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bigla naman akong kinabahan sa sinabi mo! Hahaha!

      Delete
  2. Ang sosyal! Ganda nun room.. Walang bathtub? Err.. Joke! Mayaman oh, may laptop! Pa-bold bold ka pa, ayan gininaw ka rin, hahaha..

    Anong bundok ng aakyatin sa 30? As if namang makasama ko, hehe..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala nga e...yon nga tinanong ko sa receptionist. haha

      Delete
  3. Huwaw sosyal ni ser. Dapat nagpic ka nung hubad ka tapos ipost mo dito. dyuk! San yung hotel nayan? how much ang per night?

    Sama ako sa year-end mountaineering. mukhang masaya yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Meron nga ako pic sir na nakahubad pero syempre for my eyes only lang iyon. hahaha

      sama ka na!

      Delete
  4. san akyat mo ser? di ko alam kung pano kita i-PM.

    ReplyDelete
  5. Hala ka, may hidden cam ang rooms..... baka nek taym nasa website na ang nudie clips mo. lols.

    sosyal ng napanalunan mo sa peba, hotel accom. so conyo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. E di sisikat na ako nyan! Hahahaha

      Delete
  6. totyal! so nagpakawild ka nga sa pag-ehem? dyuk!

    ReplyDelete
  7. hah wow ng hotel mag isa? mas masaya kaya pag may kasama haha
    ahaha pang isa lng ba ung prize?

    at inenjoy mo talaga sarili mo nu

    sarap naman ng food kaw na talaga

    ReplyDelete
    Replies
    1. actually, good for 2 person sya. haha

      Delete
  8. kaw na nagstaycation!

    required no ! mas enjoy pag may kasama hahaha ;-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. wala kasama e. yoko naman mamick-up! hahaha

      Delete
  9. wow naman.. parang ang ganda ng trip na yan ha.. hehe..

    san akyat mo? isang araw lang ba yun?? parang gusto ko sumama

    ReplyDelete
    Replies
    1. day hike lang yon cheenee! sa batangas po, hmmmm....Mt. batulao siguro

      Delete
  10. Ang saya naman!

    Ano yung nag ehem? Hehehe :)


    Sayang naman, may pasok kami sa year end mountain climbing..tsk tsk!

    ReplyDelete
  11. sayang ung dec 30, may reunion ako with friends.

    at ginagawa ko rin yang mag staycation alone hahhaha

    ReplyDelete
  12. HAHAH! Oo nga naman, hindi required ang partner kapag maghohotel. HAHAHAH! :D Very relaxing nga ang ambiance (visually) ^^

    ReplyDelete
  13. hahahaha! gusto ko yong comment ni @lakastamalakasuga. sana lumabas ang cctv clip na yon! hahahaha

    eMPi, ikaw na walang kaswerte-swerte sa mga panalong ganyan. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. naku po! scandal yan. haha

      Delete
  14. may hidden security cam ang hotel... may scandal ka na pare. hahahaha

    ReplyDelete
  15. Weh? Mag-isa nga lang ba? LOL

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D