Noong nakaraang EB, nagtanong si Arline kung kelan ako nag-Maculot. Nagtaka si Zai sabay tingin sa buhok k0. Ang dinig niya kasi "kelan ka nagpakulot?" Kaya noong nagkalinawan na...nagtawanan kami. LOL! Ang adik lang. Magpapakulot ba ako e kalbo ako? LOL!
Anyway, namiss ko na naman ang mga pamilya ko sa bundok kaya namundok ako kasama na naman ang mga kaibigan na mahilig sa nature at mahilig umiwas sa maraming tao.
Sa totoo lang, di na ako sanay mag MALL. Hahahaha! Parang nahihilo ako kapag sobrang dami ng tao. Arte ba? Ahihihi *pa-cute*
Unang bundok ay Mt. Maculot, inakyat ang Rockies.
Tapos, punta naman sa pangalawang bundok, Mt. Manabu. Hingal aso na naman kami habang yong isang kasama namin parang wala lang sa kanya. Lintik na mga paang yan bilis umakyat. Halos nakahalati na siya pero kami nasa paanan pa ng bundok. Hahaha!
Pero masaya! Kapagod pero pagdating mo ng tuktok....WOWWWW!!!! Tagal ang hingal at pagod mo.
Ito ay pang-apat at pang-limang bundok na inakyat ng inyong lingkod. Next destination, twin hike ulit sa Mt. Batulao at Mt. Talamitam ngayong katapusan ng December. Naway matuloy!
Next year....looking forward sa major hike at overnyt.
Sya, mag divi muna at maghanap ng flowing decorative fountain na wish ng monita ko. Good luck sa paghahanap. Hirap ng wishlist niya! Grrrrrr
Happy sunday everyone! Bye!
Ako rin kulutin mo. dyuk!
ReplyDeleteTaong bundok ka pala. Kelan nyang next year? kapag nasa Pinas ako, Sama ako ah. Yan ininvite ko na sarili ko. lol
Tara na! Sa Dec 30, sama ka! LOL
DeleteGusto q rn magganyan, but im scared hehe
ReplyDeleteKaya mo yan!
Deletetara magpakulot tayo este maculot pala hehe.. gusto ko yung view sa mga summits ng bundok pero takot talaga ako umakyat..sana may shortcut na lang..cable car o kaya helicopter ganyan..hehehe..
ReplyDeleteBubuhatin ka ni Empi, wag ka mag-alala haha
DeleteCable car talaga? Sosyal naman! :D
DeleteSama naman! Yan din ang isa sa mga trip ko, ang umakyat ng bundok!
ReplyDeleteTara! :D
Deletehaha tamang basag trip lang eeh,
ReplyDeleteanyways ganda ng view ha want ko din maexperience na makapunta sa ganyan
Gawin na yan para maexperience mo! :D
Deletei love that!! kaso sa bigat ko hindi ata ako makakaakyat ng bundok!! hahaha
ReplyDeleteKaya yan. Tiwala lang. :D
Deletepanay ang pakulot este pabundok hehehe. good experience at ung adrenalin rush, the best :D
ReplyDeleteTama ka bino!
DeleteHaha, natatawa pa rin ako sa nagpakulot na yan! Wow, maya't maya talaga ang akyat nyo ah, mukhang enjoy ka nga talaga! Ta-try ko din yan, pag meron na kong sapatos/sandals na pwedeng pang-hike, haha!
ReplyDeleteEnjoy talaga! :D Mag umpisa kayo sa Mt. Manalmon. Hindi siya masyadong matarik kaya yakang-yaka mo!
DeleteOg sa dihang na ibog ko!!!!! --________--
ReplyDeletekatkat ta tabian! :D
Deletegusto ko din magpaculot! este..magpunta sa mt maculot..
ReplyDeletetara! hahaha
DeleteHahaha salamat sa special mention :) ako magpapakulot na bago mag Pasko :)
ReplyDeleteAnyways, ang saya ng mga akyat nyo - sana maka sama kami. Kaka ibang experience at ibang fulfillment siguro pag naakyat mo ang tuktok. Tapos may The Climb by Miley Cyrus na tumutugtog sa background no? :)
Alam mo bang ginawa kong background music yan? hahaha
Delete