Mom,
How are you?
Hindi ko na kayo nakikita since 2008. Isang beses lang ako nakauwi dyan no. Ano na kaya itsura niyo? Umalis ako dyan noong 2003 na baon ang mga paalala mo, na tumatak sa isipan ko hanggang ngayon. "Anak, dahil aalis ka na... wag kang mag-iinarte sa lugar na pupuntahan mo ha. Dahil ibang iba siya sa kinalakihan mo." - yan ang naalala ko. Salamat ha, dahil natuto akong makibagay sa lahat. Noong napadpad ako dito, masasabi kong tama ka nga Mom. Ibang iba siya sa lugar na kinalakihan ko. Dyan sa lugar natin may sarili akong kwarto, malaki ang tinitirhan. Pero dito, aaminin ko Mom ang laki ng adjustment ang ginawa ko. Lalo na noon, nakikitira lang ako. May katabi sa kama. Maliit na tirahan. Maingay! Mausok! Siksikan! Pero nakaya ko mom!
Naalala mo pa ba Mom, dati kapag nawala kayo sa tabi ko... hinding hindi na ako mapakali dahil ayaw kong mawala ka sa paningin ko. Takot akong mag-isa! Ilang oras ka lang mawawala sa tahanan. Nag-alala na ako! Nalulungkot na ako!
Pero noong panahon na kailangan nating lahat na maghiwalay. Ikaw, lumuwas dito sa Manila para makasama mga Kuya ko. Si erpat, umuwi sa mga magulang niya.
Pero AKO! Iniwan niyong mag-isa. Hindi mo alam kung gaano kalaki ang impact sa akin 'yon. Sobrang lungkot! Hindi ako sanay na wala ka, si Erpat. Dahil kayo palagi ang kasama ko sa bahay. Sila kuya kasi ay bihira ko na lang makikita kasi nakikipagsapalaran na rin sa Manila. Laki ng adjustment yon Mom! Iyak ako ng iyak noon dahil sobrang namimiss ko, ikaw, kayo ni erpat.
9 years old niyo akong iniwan kay lola. Simula noon, nagiging tahimik na dating madaldal. Nagiging palaisip. Nagiging seryoso na dating masayahin. Bihira ng makikitang ngumiti. Nakasimangot palagi na dating namang palakaibigan. Alam mo ba Mom, binansagan ako ng kapitbahay natin na "ANG LALAKI SA BINTANA" kasi sa bintana ako nakaupo nakatanaw sa malayo na parang may hinihintay. Mom, hirap na hirap ako noon. Sobrang hirap noong wala kayo sa tabi ko. Gusto kong yumakap sa isang ina pero... nasaan ka? Wala ka sa tabi ko! kailangan ko ng mga taong gagabay sa akin pero nasaan kayo? Wala! Iniwan niyo ako!
Bata pa lang ako, inintindi ko na ang kalagayan natin. Minsan nga, masasabi ko ang MALAS ko! Bakit ako ang naging bunso?! Di ba, minsan sinabi ko sayo harap harapan.... "Sana ako na lang ang panganay niyo! Dahil ang swerte ng mga kapatid ko! Bakit pa kasi ako ang bunso?! Bakit pa kasi ipinanganak niyo ako?!"
Natahimik ka noon.
Siguro ramdam mo ang paghihirap na nararanasan ko. Alam mo Mom, 9 years old pa lang ako noong iniwan niyo ako kay Lola. Pero ang dami kong natutunang gawaing bahay, imbes na puro laro lang dapat ang inaatupag ng isang siyam na taong gulang na bata. Pero hindi e. Mom! Trabaho ng matatanda ang ginagawa ko noon, aakyat ng bundok para kumaha ng kamoteng kahoy, tumulong sa mga nagkokopra at pagpapakain ng mga alagang baboy. Magsaing para kay Lola. Maglinis ng buong bahay ni lola. Magdilig ng halaman. Magwalis. Mag-igib ng tubig. Maglaba. Lahat yan Mom, ginagawa ko araw araw. Nakakapagod Mom! Oo! Pagod na pagod ako. Gusto kong maglaro. Naiinggit nga ako sa mga kaklase ko. Naglalaro sila pagkatapos ng klase habang ako ay abala sa pagkuha ng mga tirang pagkain sa mga kapitbahay para sa alagang baboy. Ang hirap Mom! Nakakapagod!
Mom, hindi ko naman sinisi sa inyo lahat ito! Gusto ko lang ilabas ang emosyon na to! E sa ganoon talaga ang buhay.
Alam mo Mom, inggit na inggit ako sa mga Kuya ko. Kasi noon, ang dami dami nilang laruan. Lahat ng bagay na gusto nila, naibibigay niyo. Lahat ng gusto nila, pwede! Sige! Bili dito, bili doon. Nakapag-aral sila sa gusto nilang school. Sa Cebu pa nga sila nag-aaral, di ba? Pero ako? Konti hingi ko lang ng isang maliliit na bagay.... "saka na yan, anak!", "Mom! bili mo ko bagong sapatos.", "Sige, anak, pagnagkapera tayo!"
Hay! Mom, ang hirap maging bunso! Sarap ng buhay nila Mom! Nakakainggit! Naalala ko noong 8 years old pa ako. Lagi kayo pumupunta sa Cebu para sa mga kapatid ko. Oo! Minsan sinama mo ako doon kaya alam ko kung gaano kalaki ang school na pinapasukan nila. Wow! Bigatin! Nakakainggit Mom!
Nagkasama-sama tayo ulit noong highschool na ako. Pero hindi na ako sana'y na sa bahay ako tumuloy. Kaya, doon na lang ako sa bahay ni lola. Mas kumportable na ako doon!
Noong, unang bakasyon na umuwi ka galing Manila. Pinatawag ka ni Titser. Akala ko noon, may nagawa akong mali. Pero sabi mo sakin, "Anak, second honor ka raw! Attend tayo ha!" Pero alam mo Mom hindi na ako sanay na umakyat sa stage para kunin ang mga awards ko every commencement. Kasi, wala ka na e. Wala ka noong na kasabay ko na tatanggap ng award! Ni hindi na nga ako umaakyat ng stage e. Kinukuha ko na lang pag enrollment na. Kasi, wala na kayo na pag aalayan ko ng award e. Nakakainggit nga noong mga kaklase ko. Kasama Tatay at Nanay nila na tumatanggap ng award para sa kanilang anak.
Pero alam mo ba mom kung ano ang sobrang nagpapa-pressure sa akin? Oo! Matatalino sila Mom. Alam ko yon, nakikita ko naman kasi mga award nila simula elementarya hanggang secondary e. Pero, bakit hindi sila nag-aral ng mabuti noong kolehiyo! Bakit drop ng drop ng mga subjects? Bakit sila huminto? Samantalang kaya niyo namang ibigay lahat ng gusto nila noon. Noong AKO na, mom gusto kong maging doctor. Mom, ito gusto kong kunin pagkatapos ko ng high school. Mom, Tay, doon ako mag-aral sa Cebu ha. Pero wala... walang natupad sa lahat ng gusto ko! Matalino naman ako katulad nila. Mas matalino pa nga yata ako kesa sa kanila e, honorable naman din ako noong kinder hanggang highschool ako ah.
Kumuha ako ng exam sa MSU (Mindanao State University). Nakapasa naman ako may scholarship pa yon pero ayaw niyo kasi malayo. Saka delikado doon. Kailang ko ng encouragement pero hinila niyo ko pababa. Oo! Alam ko! Pero sana (ang tanga ko din kasi e) nilagay niyo sa school na gusto ko. Sana hindi niyo ako pinigilan sa gusto kong kunin.
Alam mo ba Mom, masama loob ko kay erpat. Humingi ako ng tulong sa kanya... sabi ko, gusto kong mag-aral ng PT/Medtech o doctor/HRM. Pag-aralin niya ako. Aba! Ang sagot ba naman sa kin, "Sige lang! Andyan naman Lola mo."
Tama ba yon Mom? Tumahimik na lang ako.
Noong kolehiyo na ako, nag-aral naman akong mabuti kahit hindi ko feel ang kursong pinakuha nila. Ang engot ko kasi! Sunod sunuran sa kanila. Ito na lang kunin mo, in demand to. Mabilis ka makapasok!
Pressured masyado pero nakaya ko. Nakapasok pa nga sa top 10 noong first year college e. Pero hindi ko talaga feel. Sabi ko nga sa inyo, magpalit na ako ng kurso e. Pero sabi mo, tapusin mo na lang muna yan. Saka tayo mag-enroll ng gusto mo. Pero hindi naman nangyari. Ikaw talaga Mom!
Pinilit kong tapusin ang kursong yon dahil ang tingin ng mga tao sa AKIN ay parang superHERO. Bawat makakasulubong ko sila. Alam mo empi... ikaw lang ang kakaiba sa mga kapatid mo. Ikaw lang makakapagtapos ng pag-aaral. H'wag mo silang gayahin ha. Magpakabait ka. Mag-aral ka ng mabuti. Sobra! Nabibingi na nga ako sa mga paalala nila at ni Lola e. Kailangang behave para hindi maikumpara sa mga kuya.
Mom, wala akong galit sayo. Alam kong pinipilit mo lahat para pagtapusin ako ng dalawang taon. Masama lang loob ko sa mga Kuya ko at kay erpat. Nangako din kasi sila na pag-aralin ako. Pero nasaan ang pangakong iyon? Si erpat naman kasi kung hindi naging lasenggo e di sana hanggang ngayon maganda pa rin negosyo nyo, e di sana magkasama sama pa rin tayo. E di sana natulungan ko kayo na iangat ulit ang negosyo natin. Pero wala e. Hindi inalagaan ni erpat.
Hay, Mom! Dito ko na lang binuhos lahat. Ayokong ipadala/ipabasa to sa iyo dahil ayokong mag-alala ka. Ayokong dagdag pa ako sa problema niyo. Kita mo mom, ako na naman mag-isa rito. Kayong lahat nandyan sa lugar natin, sama sama kayo dyan. Magkasama sama na naman kayong lahat dyan. Samantalang ang bunso niyo, andito. Hindi kayo kasama. Sanay na ako mom pero minsan hinahanap hanap ko ang kalinga ninyo. :(
Hindi mo alam kung ano nararamdaman ko. Ayaw ko lang na dagdagan ang mga pasanin mo. Kaya ko pa naman.
Hindi mo alam kung ano nararamdaman ko. Ayaw ko lang na dagdagan ang mga pasanin mo. Kaya ko pa naman.
Sorry pala Mom bihira ko lang sagutin mga tawag mo. Naiiyak kasi ako pag maririnig ko boses mo e. Saka pag magsusumbong ka tungkol dyan.
Mahal kita Mom! Mahal na mahal kita, Mom!
Happy mother's day!
haaay... parang ang lungkot naman... mabuhay ka MP!
ReplyDeletenakakalungkot naman ang post mo. parang yung pagkainis ko sa pangyayari dito sa opis biglang naging sadness sa pinagdaanan mo/ niyo ng mother mo.
ReplyDeleteadvance happy mothers day sa mom mo.
akala ko nuon lahat ng bunso swerte, dahil nasa kanila lahat ng atensyo, pinangarap ko kayang maging bunso...hindi pala lahat ganun kaswerte...
ReplyDeleteHayaan mo parekoy, malamang nangyari yan para ihanda ka sa hinaharap, kita mo naman ngayon kayang kaya mo na mag isa.
i hope mabasa ito ng mommy mo.....iniwan ka pala sa lola mo..part na iyon ng buhay....ganun naman talaga..mapagbiro ang tadhana..
ReplyDeleteWow empi, pare naiyak ako sa sulat mong ito...sana mabasa ito ng mga kapatid mo at erpat mo..wag na mommy mo, kasi baka malungkot.
ReplyDeleteanyway, MSUans ako...sana doon ka nakapag-aral naging classmate sana tayo.
hirap naman yan.....huhuhuh...halika dito hug kita...dibale pag aaralin kita...LOL hahahaha! Pwede ka pa naman maging doctor..doctor sa puso! hahaha!
ReplyDeleteCheer up! love your mom while she's still exist...sa akin wala na....haaay...
bumabaw na naman luha ko.. ahahaha...
ReplyDeletegrabe, pang MMK...
wow sosyal mom! hehehe. at least buhay ang mom mo. so may time ka pa para makasama siya daba? :D
ReplyDeleteka lungkot naman neto...*teary ayed* walang stir when it comes to family chuvaness affected ako much lalo na basta nanay pinaguusapan...
ReplyDeleteeverything happens for a reason empi boy, pero nanay mo yan kahit ano mangyari mahal ka nyan! weeee! :)
Nakakbasa ko pa lang ng blog post ni Bino, ngayon naman etong syo... palungkutan ba ngayon? hehehe nakakatouch lang kasi nanay's boy din ako, mas nakakarelate ako sa ganitong post about nanay ntin.
ReplyDeleteNice to know you pare na may seryosong side din pala ang utak mo, hanga ako sayo, abangan mo na alng ang post ko sa linggo, nainspire ako sayo at sa post ni Bino.
Advance HAPPY MOTHER'S DAY!
nkakalungkot naman ito empi..haist..
ReplyDeletebaligtad pala ang nangyari,pagkakaalam ko tlga eh nasa bunso ang atensyon,at madalas sila ang nabibilhan ng mga bago at kung ano2 pa..
pero dahil sa post na ito,nalaman ko na ndi pala lahat..
mabuhay ka!dahil sa pagiisa mo!naging matatag ka!matapang at nakayang harapin ang hamon ng buhay magisa!
galing mo!...
sa mom mo,(pangmayaman ha):)
happy mothers day!
happy mums day...say what you need to say as the song goes...let her know what you really feel, telling your mum that you love her much and misses her much wont make you less of a man, grins.
ReplyDeleteNaiiyak ako lagi pag naiisip ko na may hindi ako masabi sa magulang ko. lalo na kay mama. natatakot ako na baka masaktan sya. Hay... pinaiyak mo ko tol..
ReplyDeletemay contest po ako. baka po gusto nio sumali.
http://beyondcrypticness.blogspot.com/2011/05/come-back-contest.html
alam ko masaya ako kasi hindi nangyari sa akin 'to. umiyak naman ako dito sa post mo. wala naman akong plano mag-emo sa mga oras na 'to kasi ganado ako ikutin ang blogosphere sa kababasa ng mga latest pero parang ang bigat na humakbang palipat sa ibang blog, dahil sa post mo.
ReplyDeletei hope you are OK. mabigat lang basahin, tumulo uhog ko ng di ko napigilan, tuloy-tuloy ang agos potek. LOL.
you sound like a very good son. with this post, i come to know you more as a person, kahit dito ko lang sa net nababasa pangalan at panulat mo, para sa akin, I'm glad to have met you.
Belated Happy Mother's Day Empi!
ReplyDelete