Friday, January 7, 2011

w0w! n@g-s3ks k@y0?

Sabi nila, madali daw magsulat kapag nasa emo mode ka... hmmm... ganun ba yon? Sabi rin nila, nakakatamad magsulat kung inlove ka... hmmm... bakit kaya? Dahil ba naka-focus ang atensyon mo sa kapareha mo? Hindi rin... tamad lang siguro talaga o kaya naubusan ng topic. Pwede ring wala ng maikwento. Pero minsan kung mapansin mo kapag ang isang tao ay nasa emo mode... naku po, halos every minutes yata may emo post. Buti na lang lumayo na sa kin ang spirit ng kaemohan. Hirap din kaya maging emo no!

Minsan naman, ang dami daming pumapasok na ideya sa isip mo o mga kwento na gusto mong isulat o ibahagi sa mga readers mo. Pero sa sobrang dami nito, di mo alam kung ano ang uunahin... ang resulta? Wala kang naisulat... grabe nga e... minsan ang ganda ganda ng takbo ng istorya na nasa isip mo pero kapag inumpisahan mo na siyang isulat parang ang korni korni na. Hehehe! Kaya, hindi mo na siya itutuloy.

Kanina pala, may interview ako sa isang kilalang kumpanya dito sa Pilipinas... dumaldal ako ng dumaldal sa nag interview sa kin which is not really me kasi tahimik type kasi si MPoy. Pero kanina, nagulat ako... parang hindi si MPoy yon. Naisip ko tuloy.... nakadrugs ba ako! Tsk! Ang resulta sa interview.... feeling ko okey naman sya kahit nanginginig ako, hindi dahil sa kabado ako kundi dahil sa lamig ng A/C na kung saan nakatapat sa kin... pakiramdam ko nga hindi na ako makatayo dahil sobrang nanigas (uyyy iba nasa isip!) ang mga kalamnan ko. Buti na lang pinalipat ako ng upuan at doon sa tabi ni Ma'am Grace... hehehe! Madali at madugo ang pinakitang example na gagawin... pero palagi ko kayang kaya ni empi yon. Kaso, nagdadalawang-isip siya kasi project base lang yon.

Bakit kaya nawalan na ng gana si empi na mag apply abroad? Ewan ko ba.... siguro dahil doon sa karanasan niya limang taon na ang nakalipas. Yong iba niyang kaklase nasa Mexico na, yong iba nasa Dubai na... ang alam ko may nag-europe na rin. Swerte naman ng mga walanghiya na yon!

Gusto ko ulit lumipat ng panibagong kubo.... pero wala pa akong mahanap. Paano naman kasi hindi naman naghahanap si empi! Ang tamad tamad kasi! Ewan ko ba... unang linggo ng buwan ng Enero, 2011... Tinatamad ako... sa trabaho nga... maaga umuuwi... minsan nag half day... Ibig sabihin kaya nito... buong taon akong tatamarin?! Hala ka! Wag naman... lumayo ka kay empi.... ispiritu na katamaran, lumayo ka!

Ang lakas lakas ko na namang kumain... nakakainis! Ibig sabihin ba nito ay tataba si MPoy sa taong ito. Naku po! Wag naman sana... Hindi pwede yon! Kailangan sipagin at ibalik ang routin na every weekend na tatakbo sa park... oy! naalala ko tuloy yong si Kuya na sumayaw sa park ng Nobody, nobody but you... hehehe! Kamusta na kaya mga ka-jogmates ko doon... as if naman na kilala ako no... hehehe! Namiss ko na ang tumakbo.... try ko nga sa sunday... jogging ako... join kayo? hehehe!

Tumawag ang Inay pala noong New year.... aba! himala at bumati sa kin... hehehe! At as usual, nagsusumbong na naman tungkol sa mga mababait kong mga kuya. Buti na lang wala ako doon at least di ako masyadong apektado... hehe! Parang ang sama ko no.... ni hindi ko man sila namiss... siguro dahil masyado na akong detached sa kanila. Ganun ba yon?

Ang dami kong sinasabi ah... wala naman akong problema... gusto ko lang dumaldal... para kasi akong high na high ngayon... lintik na cobra yan! Uminom pa kasi si MPoy ng cobra bago umuwi ng kubo kaya ayan parang adik lang... hinihintay si antok... tagal dumating... tsk! Gumala pa yata. Baka naman lumandi pa ang antok na yon. Tsk! Tsk!

Uy! Kanina pala noong nagmeryienda kami ng ka-opisina ko... nakakatawa kasi napansin ni Reypot ang damit ni Loupot... sabi niya, uy! lou ganda ng damit mo ah.... sagot ni lou; tse! sa dibdib ka lang nakatinging e... si rey naman ay sumagot ng; parang ang laki ng dibdib mo ah! Hahaha... tawanan kami! Dami pang kalokohan kanina... kaso iniisip ko pa kung anu ano ang mga yon... nakalimutan ko na talaga. Nakakainis! Wala tuloy akong magawang entry sa eksena ko. Tsk!

Teka, kaya mo siguro binasa to dahil sa titulo ko no... umamin ka! Hindi nga, nag s3ks k@y0? Hmmm....masarap ba yon? Haha! explain mo naman kung ano pakiramdam nyan. Lol!

Ayon, buti na lang dumating na si antok... makakatulog na rin!

Nite guys! :)


33 comments:

  1. You need to spice up ur life baka nabobored ka lang parekoy...pero gudlak sa mga plans mo...happy new year!

    ReplyDelete
  2. Napagdaanan ko na yan dati par... Focus ka na alng sa future mo..siguro kailangan mo ng inspirasyon para magpursige...Happy New Year Par!!!

    ReplyDelete
  3. hindi kami nagsex. di natuloy. haha!

    wag na emo. nakakalumo yan.

    ReplyDelete
  4. ewan ko sa title ng post mo na parang jejemon! hahahaa. naku ako noong sinumpong ng katamaran, muntik ko nang idelete ang blog ko. buti na lang sinipag uli. kaya naman para sa kin eh may panahon ng katamaran at hindi yan pangmatagalan.

    ReplyDelete
  5. first of all, aamin ako. talagang hinintay ko ang kwento ng nagsex.

    second, natawa ako sa comment ni bino. jejemon ka ba hansam? lol

    third,hindi ko rin maintindihan kung baket pag-inlove ka e, you always run out of things to blog. puro umpisa, hindi naman matapos. pero pag sinapian ka ng ghost of black eyeliner at pink eyeshadow na mas kilala bilang emo, ang dami mong ideas! parang hindi ka maubusan ng words! parang ang dami mong gustong sabihin at para ka ng si Shakespeare sa dami ng mga malalalim na salitang kaya mong isatitik!
    IMBA di ba? (pers time kong ginamit ang salitang IMBA. nagamit ko ba sya ng tama? lol)

    hindi ko alam kung bat cobra ang tinake mo. may nakapagsabi saken na mas matindi ang sipa ng Rhino. hanapin mo yun sa mercury drug o sa counter ng SM. baka meron din sa watsons. picturan mo ng makita ko rin ang itsura.

    ktnxbye.

    :P

    ReplyDelete
  6. hehehe ang alam kong cobra eh yung pampatayo! lolzz

    ReplyDelete
  7. emo ang comment ko!

    sabi mo nga limang taon na ang nakalipas sa mapait mong karanasan pero hindi dun natapos ang lahat. (malay mo sa 2011 mas malayo pa ang marating mo) have faith my friend! gudluck!

    ReplyDelete
  8. whahha emo.. imba.. high na high ka nga... kasalanan ng cobra whahahhaa.. whahaha buti na lang bumalik na si antok sayo heheeh :D

    ReplyDelete
  9. Dude, you left me hanging. I drooled after I read this waiting and waiting for that SEX story. I guess that orgasm of yours was subsided by a divine intervention turning you emo.


    http://arandomshit.blogspot.com

    ReplyDelete
  10. sobra naman akong naiyak sa post na 'to. punong puno ng emosyon. LOL. adik ka.

    ReplyDelete
  11. Nakakapanghinayang na walang kinalaman ang title sa post. Binasa ko pa naman nang wagas.

    ReplyDelete
  12. oo nga hinihintay koh 'ung part 'bout s3x eh... aheheh... lolz.. tsk!... nde ka ren madaldal ngaun noh... ayos... napunta sau kadaldalan koh??? lolz... ayos... adik... ano tinake moh??? pa-share naman dyan.... oo nga anyareh sa marcong tahimik... oh yeah nde ka maemo kc pinasa moh kaemohan moh saken last year... pero pinasa ko na ren diz year kaya dehinz na akoh emo... daw! lolz... abah... namiss koh magkomentz... oh yeah nde koh na alam sasabihin koh sau... oh yeah thanks sa greeting... gift koh????? lolz... so yeah... ingatz lagi... may nakamiss daw sau... nalimutan koh i-ask 'ung name eh... lolz.. peace out... Godbless! -di

    ReplyDelete
  13. wahahaha.. OO... at matagal kong inantay kung san papasok sa eksena ang title mo.. hehe

    ReplyDelete
  14. Manlilinlang...wala naman sex eh..choz!

    ReplyDelete
  15. GF ba ang gusto mo?

    PM me... hahaha :P

    cheer up empoY! :)

    ReplyDelete
  16. akala ko kung ano na. mukhang enjoy na enjoy ka sa interview at feel close sa interviewer parang wala lang.yakang yaka.
    Good luck na lang sayo kung ano man ang gusto mong mangyari.

    ReplyDelete
  17. Nalinlang nga ako sa title, wala palang jerjeran scenes... pero seriously, good luck sa mga gusto mong tahakin sa buhay...

    ReplyDelete
  18. @ Jag: Thanks bai! Gagawin ko yang sinasabi mo. :)

    @ MOKONG: Salamat, Par!

    ReplyDelete
  19. @ Chikletz: Sayang naman di natuloy! Hahaha

    @ Bino: Parang di masyadong bulgar ang titulo. Haha!

    ReplyDelete
  20. @ RAINBOW: Ate pretty, parang blog post din ang comment ah. Ayos! Haha! Teka, ano yong Rhino? Para saan yon?

    ReplyDelete
  21. @ KIKO: Happy New year din, sir! :)

    ReplyDelete
  22. @ CM: lahat tumatayo, boss. Hehehe

    ReplyDelete
  23. @ Bhing: ate, emo ka talaga kahit kelan…. Hehehe! Peace!

    ReplyDelete
  24. @ AXL: haha. Cobra talaga oo… nakakahigh hehehe!

    ReplyDelete
  25. @ DENASE: hehehe… nagpapahalata ka. Hehehe!

    ReplyDelete
  26. @ JC: hahaha! Sus, inaabangan mo lang din ang part ng seks doon e. :D

    ReplyDelete
  27. @ DHI: hahaha… oo nga.. sinalin mo sakin tsk! Oh yeah, nagbirthday ka na ba… happy birthday. Blowout na! :D

    ReplyDelete
  28. @ MD: nagpapahalata kang M******. Lol!

    ReplyDelete
  29. @ MB: Sus! Ikaw rin, nagpapahalata! Lol!

    ReplyDelete
  30. @ MR. CHAN: Wow! Sige… PM ko… pag isipan ko muna. Haha!

    ReplyDelete
  31. @ DIAMOND: Oo nga e… parang close nga kami.. haha!

    ReplyDelete
  32. @ GLENTOT: Isa ka rin sa mga nagpapahalatang… ma*****.
    Thank you po. 

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D