Si empi ay nagtatrabaho noon sa isang malaking oil depot dito sa Pilipinas. Okay naman ang sweldo kahit papano nakakaraos naman, nabibili ang gusto at nakakaipon. Dahil sa pangarap niya ring makaalis ng bansa at may opportunity na nag-cross sa kanyang landas. Agad niya itong sinunggaban na walang pagdududa.Sa una, okay naman ang pag-uusap at ang mga kalakaran. Ni wala siyang duda sapagkat isa sa mga pinsan niya’y nakaalis nang dahil sa tulong ni matabang babaeng pandak ate. Naglabas ng pera at hinanda ang lahat ng kailangan. Nangutang na siya kay lola para sa pangarap na makaalis ng bansa.Dumating na ang araw na pinakahihintay ni empi... November 2005 iyon, tumawag si ate kay empi,
"Dong, magreadi na kayo dahil bago magpasko ang alis niyo..."
Hindi pa nakapag-resigned si empi noon kaya noong nalaman niya na makakaalis na siya sa wakas, agad siyang nagpasa ng resignation letter sa mga boss niya at iyon din ang sabi ni matabang babaeng pandak ate. Gulat na gulat ang mga boss ni empi. Hindi sana papayagan si empi dahil gusto naman siya ng mga boss niya pero alang-alang sa ambisyon niya… naiintindihan naman nila ito. Ganon pa man, best wishes na lang ang natatanggap ni empi mula sa mga ka-opisina at sa mga boss niya. Nagpapasalamat siya sa suporta nila.
Araw ng paglisan…
Hinatid si empi ng kanyang Nanay at kamag-anak at kabado siya noong mga panahong iyon parang aatras na siya dahil may kung anong humihila sa kanya pabalik. Pero tuloy pa rin…nilakasan niya ang loob para sa pamilya at sa ambisyon niya.
Sa airport, pinaalis agad ni empi ang Nanay niya’t mga kamag-anak dahil ayaw niya magiging emosyonal ang pag-alis niya. “Pare, si ate?
Hindi nagparamdam si ate. Sinubukan niyang tawagan si ate para i-confirm na nasa airport na sila. Pero, walang sumasagot sa tawag… pati sa text, wala…! Lalong lumakas ang kaba ng dibdib ni empi at pinipilit niya lang iwaksi ang mga negatibong pumapasok sa isipan niya. HINDI PWEDE, HINDI!
Wala maisagot si empi sa tanong ng kumpare niya, nanginginig siya habang sinasagot ang tanong ni kumpare niya. Biglang nag-ring ang phone ni empi nanginginig pa ring sinasagot ang tawag… si Ate yon!
“Dong, punta muna kayo dito sa Shangrila dahil nagka-problema sa ticket niyo”
What? FUCK! What happen?!
“Pare, punta raw tayo sa Shang… nagkaproblema raw sa ticket natin.”
Tulalang lulan ng taxi sina empi at ang kumpare niya pabalik ng Manila hindi alam kung ano ang nangyayari…pinipilit maging positibo sa lahat. On and off ang phone ni empi noon dahil nagmimiskol na si pinsan. Waaahhh! Hindi na niya alam anong gagawin…
Pagdating nila sa Shangrila tumambay pa sa food court para maghintay… Shit! Imaginin mo nakatambay sa Shang habang dala dala ang mga bagahe. WTF!!!
“Dong, hintay lang kayo inaasikaso pa ang ticket niyo.”
Buong araw silang nakatunganga sa food court ng Shangrila kaya naman hinding hindi niya makakalimutan ang food court ng Shangrila. Haayyysss… buhay nga naman!
Makalipas ang mahabang oras na paghihintay… ang sabi,
“Dong, ihanap ko na lang kayo ng mauupahan para makapagpahinga muna kayo bukas na ma-release ang ticket niyo.”
May ganon????
Kinabukasan maaga silang nagising dahil ang sabi alas singko daw sila aalis papuntang airport at sana nga makaalis na para wala nang mga tanong at mga pangungulit ng mga kamag-anak… naghintay na naman nang matagal sa may Jollibee sa may crossing. Lintik talaga! Nakahihiya na dahil pinagtitinginan na sila ni empi ng mga crew dahil halos kalahating araw ng nakaupo doon dala dala ang mga maleta.Haayy salamat at dumating din si ate… mabuti naman at pinakain niya muna sila dahil nahihilo na sa gutom…
“Ate, ano nang mangyayari sa amin? Matutuloy pa ba?”
Ngiti lamang ang sagot niya sa kanila ni empi at kay kumpare niya. Ano bang ibig sabihin ng mga ngiting yon? Pinipilit nila siyang magsalita kung ano ba talaga ang mangyayari. Alas kwatro na ng hapon pero nanatili pa rin sila sa kinauupuan. Wala pa ring balita. Ano na ba talaga? Kinukulit na naman si empi ng mga kamag-anak niya… dini-discourage na nila pero pinaninindigan pa rin ang desisyon ni empi. Itutuloy ko ito!
Inaabot nang gabi pero wala pa rin talagang nangyayari sa kanila. Hinatid na naman sila sa isang apartelle at doon nagpalipas ng gabi dahil ang rason bukas na makakaalis…sure na! Parang game ka na ba lang enoh! Lagi na lang bukas! Bukas!
“Dong, hintay lang kayo sa tawag ko ha… “
Kinabukasan (ulit?!) nag-stay sa apartelle sina empi at si kumpare sa inuupahan ni matabang babaeng pandak ate at buti naman may food allowance at binayaran ang upa ng apartelle. Nakatanggap ako ng tawag noong araw na iyon… si kuya (kapatid ni empi) yon.
Pinapauwi na siya dahil sobrang nag-alala na si Nanay at iyak nang iyak na raw. Naiiyak na rin si empi sa mga nangyayari. Pero sabi, ok lang konting tiis na lang at makakaalis rin. Pinilit ni empi na maging kampante para sa kanila. Pinilit pakalmahin ang pamilya na sobrang nag-alala. Kahit si empi man ay medyo nahihirapan na rin pero lakas loob niya itong haharapin…ito ang hamon ng buhay para kay empi. Hamon na hindi niya alam kung kailan matatapos….
“puro na lang kayo bukas… sabihin niyo na lang ang totoo!”
Palipat-lipat ng apartelle na sila empi… palipat-lipat na parang taong gala. Tumagal ang pag-stay nila sa isang apartelle sa may west ave. sa Quezon City. Doon sila halos isa o dalawang buwan namamalagi. Sa umpisa, ok naman ang kalagayan dahil binibigyan ng food allowance at sila ang nagbabayad ng rent sa apartelle na yon.
Ganon pa man, panay pa rin ang pangungulit ng mga kamag-anak nila. Pero nananatiling matigas ang ulo dahil sa puso ni empi ang pananabik na makakaalis at tuparin ang mga pangarap. Naghihintay pa rin kahit minsan ay naisipan na ring sumuko at umalis sa apartelle.
“Ok lang ako ‘wag kayong mag-alala”
Sa totoo lang, nahihirapan na si empi sa sitwasyon pero lakas loob niya pa ring haharapin ang pangarap na 'yon.
“Ate, kamusta? Ano na ang balita?”
“Dong, hintay lang kayo ha… please Dong, hintay lang kayo...”
Maraming pangako ang binibigay sa kanila. Mga pangako na kay sarap isipin kung talagang tutuparin nila.
“Empi, uwi ka na lang dahil si Ante ang payat na dahil sa pag-alala sayo… ‘wag mo na lang isipin ang nagastos mo dahil pera lang yan at siguro maiintindihan ka ng Lola mo, hindi mo naman kagustuhan ang nangyari e. Iyak nang iyak ang nanay mo. Magpakita ka na dito…” text ng tita ni empi.
May kirot sa puso ni empi noong nabasa ang text. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman noong araw na natanggap niya ang mensahe na iyon. Gusto umiyak dahil pakiramdam niya nabigo siya sa pangarap niya. Gusto niya sumigaw… at itanong kung bakit nangyari sa kanya yon! Kung ano ang naging kasalanan niya...at pinaglaruan siya ng ganun!Halos isa o dalawang buwan nagtiis si empi at si kumpare, na hindi nakita ang kanilang pamilya.
Nasa Pinas lang naman sila noon pero parang ang layo nila sa pamilya. At minsan naisip nilang para silang naglayas.Pinipilit nilang maging matatag kahit gusto nang sumuko sa mga oras na iyon. Mabuti na lang at may karamay sa mga panahong nalulungkot at nabibigo. May nakakausap. At karamay sa mga panahong iyon ang kumpare ni empi na biktima rin, katulad niya.
Minsan gusto niyang sisihin ang sarili dahil nandamay pa siya ng ibang sa katangahan niya.
Nangarap lang naman na iahon at ibigay ang gusto ng mga magulang at ibalik ang karangyaan na meron sila noon…Isang araw, text ng text sila sa kanya matabang babaeng pandak para alamin kung ano na ba talaga ang mangyayari. Makakaalis pa ba? O hindi? Hanggang kalian maghihintay?
“Dong, darating ang taong magdadala sa inyo. Hintay lang kayo ha dahil dyan din siya tutuloy…”
May konting ngiti sa puso noong sinabi ni matabang babaeng pandak ate sa kanila yon. Sana matuloy na. Please, Lord! Sambit ni empi.
Dumating na nga yong sinasabi niyang tao na magdadala kamo sa kanila sa Dubai at doon maninirahan sa bahay nila. Hmpt! Ang daming dahilan… At ayon, kinausap naman sila nang maayos at pinaliwanag kung bakit nagkaganon. At naku po, alam na alam niya ang nangyayari sa kanila ni empi… syempre chinismax siguro ni matabang babaeng pandak ate ang mga reklamo nila ni empi pati na rin reklamo ng mga kamag-anak.
Maayos naman makipag-usap yong tao… parang Medrep nga na nagbebenta ng produkto. Haayyss… hindi na alam kung maniniwala pa sila sa mga magagandang paliwanag mula sa nagbubulang bibig ni Sir negrong mukhang syokoy.
Lord, sana nga totoo ang mga sinasabi nito! Sambit ulit ni empi sa Kanya. Lumipas ang araw at ang isang lingo. Wala pa ring nangyayari.
Gutom na gutom na sila empi dahil wala na silang makain. Dahil hindi na rin sila nabigyan ng food allowance at pati rent ng apartelle ay nakalimutan na at si empi na ang kinukulit ng mga tauhan ng apartelle. Pabalik-balik na ang tauhan ng apartelle sa kwarto para itanong kung mag-extend pa. Wala silang maisagot sa tanong dahil natulala na naman sa mga nangyayari at siguro dahil na rin sa gutom.
“Ma’am, magkano po ba ang balance namin?”
“Sir, 1,200 po ang balance niyo… kung mag-extend pa kayo ng isang araw bale 2,000+ ang babayaran niyo.”
“Sir, ano extend pa po ba kayo?”
Limang oras pa ang pamamalagi nila sa apartelle na yon pagkatapos ng limang oras dagdag singil na. Kaya naisipan ni empi na kontakin ang kamag-anak. Wala ng ibang maisip kundi ibenta ang phone para bayaran ang apartelle at umalis na. Doon na nakapag-desisyon si empi… AYOKO na! Suko na ako!
Alas dos ng hapon, buwan ng Enero taong 2006.Sa SM Sta. Mesa, nakipagkita si empi sa kamag-anak para ibenta ang phone. Mabuti na lang at binili nila. Kaya pagkakuha ng pera agad agad siyang bumalik sa apartelle para makahabol sa oras. Ni hindi na nakipagkwentuhan at hindi na sinasagot ang mga tanong nila. Napansin nilang tolero na si empi at namayat na rin. Pinipilit ngumiti sa harap nila pero kung napapansin man nila may lungkot na sa mga mata ni empi, lungkot na puno ng pagkabigo.
Pagdating sa apartelle derecho agad sa cashier para bayaran ang balance at mag-declare na lalabas na. Pagkabayad… derecho agad sa kwarto at nagligpit ng mga gamit…
“Pare, saan ka pupunta?”
“Pare, aalis na ako dito…uuwi na ako sa Laguna.”
Dahil gusto na ring umalis ni Kumpare isinasama na ni empi pauwi ng Laguna dahil nandoon ang kapatid at ang nanay niya na matagal ng naghihintay. Dali dali silang umalis sa apartelle na yonna para bang tumakas sa mga kidnapper… Kinalimutan na ang pangarap dahil sobrang pagod na pagod na si empi.
Sa Laguna…
Gabi na dumating sa Laguna sila empi… hindi nila inaasahan ng pamilya na makikita nila si empi sa gabing iyon.
“Ma, mama si tito oh…” sambit ni Weskee (Pamangkin ni empi)
Nakatayo noon si empi sa may pintuan na nakangiti habang tinititigan si Weskee at yong sis-in-law niya. Hindi makapagsalita sa mga oras na nandoon na sa bahay. Walang kibo. Agad lumapit ang Nanay at niyakap si empi (umiiyak si Nanay) at hindi maipaliwanag ni empi ang nararamdaman niya.
Nananabik. Nahihiya. Nalulungkot. Bigo! Ngiti lamang ang tanging sagot ni empi sa mga tanong nila. Ngiti na kinukubli ang kabiguan at kalungkutan na nararamdaman niya sa mga oras na yon.Masakit para kay empi ang mga nangyayari… isang malaking pagkabigo ang naranasan at walang mapagkwentuhan noon sa nararamdaman.
Walang sagot kung bakit nangyayari yon. Maraming tanong sa puso at sa isipan ni empi. Pinipilit niyang tumayo mula sa pagkadapa at pagkabigo. Pinipilit niyang maging matatag kahit pakiramdam niya ay babagsak na. Na minsan naisipang tumalon sa Pasig River dahil sa sobrang depressed.
“Alam na ni Lola mo ang nangyari sayo. Siya pa nga ang nagsabi na umuwi ka na lang.”
Umiiyak si empi noon na hindi nagpapakita sa kanila. Iyak nang pagkabigo. Hinding hindi makakalimutan ang karanasan na iyon. Umiiwas sa mga tanong. Nakapanghihinayang dahil hindi na nga natuloy nawalan pa ng trabaho.
Matagal bago naka-move on sa nangyari si empi. Hindi lumalabas ng bahay. Kung lumabas man, sa gabi!Walong buwang tambay mula noong nag-resigned sa pinapasukan kompanya at pilit kinalimutan ang mga nangyari.
Kahit nakikita man nila na parang hindi naapektuhan si empi sa nangyari pero deep inside… sobrang bigat nang nararamdaman niya! Pakiramdam niya ay isa siyang… tanga!
Ito ang kwento ng pakikipagsapalaran ni empi, pakikipagsapalaran na nauwi lang sa wala. Malas man kung ituring pero kabiguan iyon para kay empi. Limang taon na ang nakalipas. November iyon, kaya anibersayo ang buwan na ito para kay empi. Anibersaryo sa namatay na pangarap!
Pero, tuloy pa rin ang buhay. Tuloy pa rin ang buhay na naka-SMILE ayon sa programa ni Lord CM, isang minutong SMILE.
SMILE lang kahit may mga problemang darating.
Thank you for reading. God bless!
Kung nais nyong magbigay ng tulong pinansyal, o donasyong gamit pang-eskwela, dito nyo lang po sila puntahan isangminutongsmile@yahoo.com
Maaaring bisitahin din ang pahina ni Lord CM para sa programang ito.
Agad lumapit ang Nanay at niyakap si empi (umiiyak si Nanay) at hindi maipaliwanag ni empi ang nararamdaman niya
ReplyDelete-naluha naman daw ako jan.. haysss..wag mong sabihing death anniversary.. ure still young.. marami pang pwedeng mangyari sayo.. marami pang magagandang bagay ang naghihintay para sayo.. ull just have to be patient. may tamang panahon ang lahat. kung hindi mo nakuha ung mga bgay na gusto, maaring hindi iyon ang para sayo.. malay mo.. meron pang MAS na plano si Papa God for you..
hang in there...
thanks for linking CM's Isang Minutong Smile..
May rason ang lahat parekoy...may dahilan siguro Sya kaya nangyari ang lahat at di ka Nya pinatuloy sa kung ano ang gusto mong mangyari...at tiyak ko, maganda ang dahilan Nya...
ReplyDeleteSalamat sa pag link parekoy :)
aawww...
ReplyDeletemukha ngang napakasakit nun,, 5 taon na ang lumipas pero tandang tanda mo parin ang mga nangyare,, ang bawat detalye..
biktima rin ang pamilya namin sa ganyan, nangyare naman sa bayaw ko. back to 0 din siya. sa awa ng diyos, nalagpasan rin nila at unti unting nakaahon.
gasgas na, pero naniniwala akong may purpose ang lahat ng pain na binibigay satin.
have faith.. good things are yet to come eMPI..
@ YANAH: Yup. Di ko makakalimutan ang scene na yon. Yakap yakap si Nanay... may sinabi siya sa kin noon na nagpapakirot sa puso.
ReplyDeleteSalamat po.
@ CM: Tama ka parekoy...maaaring may dahilan ang lahat.
ReplyDeleteSalamat.
@ GESMUNDS: Yup! Thanks.
ReplyDeletei remember reading your previous post about this scenarios in your life... kung di ako nag kakamali may Part 1 at Part 2 pa ata yung post mo dati... i do remember nag comment din ako sa post mo na yun.. nanumbalik ata sakit ng damdamin mo pare ha.. :D
ReplyDeleteS>>>M>>>I>>>L>>>E>>> :D
Parekoy, im sure theres a reason behind it. buhay paba si matabang babae? dapat dun nififiring squad.. hehehe.. I know God is always with you. Kampay lang ng kampay parekoy.. ;)
ReplyDeleteThat was quite an adventure, empi! Nakakairita si Pandak na ate! I admire your courage bro. Kung ako yan, baka sumuko na agad ako at hndi ko mapigilan at mapatay ko on the spot yung illegal recruiter na yun. Darating din yung para sa'yo, keep the faith burning bro! I wish you all the best! May karma din yang mga taong yan! Smile! :]
ReplyDelete2nd d motion kay zeb... nabasa ko na ren yan noon... nd yeah may part 1 nd 2 pah... but ok ngaun kc tuloy tuloy... anyway... kokoment uletz akoh... probably almost d same nang sinabi ko last time... siguro may bigger plan sau si God... bigger than ur dreams... bigger than wat u expected....nd in His time it'll happen.... u juz have to trust Him... *hugz*... take care marc... Godbless =)
ReplyDeletetol, wow, naka experience ka pala ng ganyan, di ko maimagine kung anong hirap yang dinanas mo lalo na nung naghihintay kayo for 2 months sa apartelle..
ReplyDeleteano na nagyari dun sa effing recruiter na un? sinunog mo ba? damn!
@ ZEB: Naalala mo pala? Naks. Salamat pare.
ReplyDeleteOo.. part 1...2...3 nga yon. :)
@ TIANO: Oy! Salamat pagbisita at pagbasa... Oo kampay lang ng kampay.
ReplyDeleteSalamat :)
@ IPROVOKED: Thanks!
ReplyDeleteHmmm... huling balita ko naghihirap na raw si matandang pandak na ate.
@ DHIANZ: Salamat dee... :)
ReplyDeleteKung ano man ang dahilan... Siya na ang nakakaalam.
@ SOLTERO: Di ko nga akalain na makayanan ko yong 2 months na naninirahan sa apartelle. Damn talaga bro!
ReplyDeleteKung legal lang ang pumatay... naku, baka napatay ko na!
Huling balita ko...naghihirap na raw.
Salamat bro, :)
ang pangarap hindi namamatay, minsan isinasantabi lang ntin pero anytime pwd natin subukan ulit. Hindi lahat ng panahon may bagyo. sumisikat ang araw sa panahong hapong hapo tau. You're still blessed in a million ways anjn ang totoong nagmamahal sau-Pamilya-
ReplyDeletekeep on striving hard and let go all the angst of bitterness. SMILE!
ooh.. so sad... but ika nga nilang lahat... everything have a reason and that reason is good. :D
ReplyDeleteMP, alam kong isang tao na ang nangyaring ito sa yo but I don't know why it saddened me. Medyo mabigat sa dibdib. I'm imagining all things that were happening ayon sa kwento mo, and I'm thinking how you were feeling back then.
ReplyDeleteIho, siguro hindi pa angayon ang tamang panahon. O, maaaring wala sa labas ng bansa ang iyong kapalaran. Always bear in mind na tayo'y itatanim kung saan tayo ay lalago.
Grabe nmng pagsubok yun...
ReplyDelete@ ANONYMOUS: Salamat po.
ReplyDelete@ AXL: Yup! Thanks bro!
ReplyDeleteMs. N,
ReplyDeleteYup, siguro nga hindi panahon.
Thanks Ms. N.
@ JAG: Grabe nga yon... di ko akalaing mangyayari sakin yon.
ReplyDeletetissue pls....how sad :(
ReplyDeleteTP,
ReplyDeletesalamat sa pag dalawa.