Monday, September 28, 2009

The Prayer


Lord, help us!

Lord, guide us!

Lord, help those people who are the victim of typhoon Ondoy.

Friday, September 25, 2009

Mag-syota


Mag-syota na sila simula noong tumuntong sila ng high school. Napaka-sweet nilang dalawa at karamihan sa kanilang mga kaklase ay naiinggit. Maganda at gwapo ang mag-syotang ito. Pareho silang may part time job after their class. Si lalaki, sa boutique ng pamilya niya nagpa-part time. Si babae naman, sa isang coffee shop. Graduating sila pareho at candidate for valedictorian, si lalaki at candidate for salutatorian naman, si babae.

Napaka-swerte nilang dalawa sa isa’t isa at mahal na mahal nila ang isa’t isa. Ang pamilya ng dalawang ito ay hindi naman tutol sa kanilang relasyon. Ipinanganak sila na parehong may respeto sa isa’t isa at pagmamahal sa bawat isa. Para na ngang mag-asawa ang dalawang ito e.

Isang gabi pagkatapos ng party na dinaluhan nila, ay ‘yon na pala ang katapusan ng pagkikita at pagsasama nilang dalawa. Bakit? Ito ang nangyari…

Habang pauwi sila mula sa party na kanilang dinaluhan… si lalaki ay nagmamaneho ng sasakyan. At sila’y binangga ng isang ten wheeler truck… himalang nakaligtas si babae at ang kawawang lalaki ay naipit sa ilalim ng kotseng kanilang sinasakyan. At ito’y binawian ng buhay sa loob mismo ng sasakyan.

Napakasakit at sobrang lungkot ang nararamdaman ni babae dahil sa nangyari, halos hindi na siya lumalabas nang bahay dahil sa sobrang lungkot niya. Maraming tanong ang pumapasok sa isipan niya.

At hindi lang si babae ang nagluksa kundi pati na rin ang pamilya ng lalaki lalo na sa kanyang Nanay na kung saan ay malapit siya.

Ito ang kwento ng pag-iibigan nina Lawrence at Vicky.

Paano mo haharapin ang ganitong trahedya ng iyong buhay? Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Vicky? Ano kaya ang gagawin mo?

Hindi natin hawak ang oras at ang buhay natin at lalong hindi natin alam kung hanggang kailan tayo sa mundong ito. Maraming pwedeng mangyari sa bawat segundo na ating buhay. Kaya naman, pahalagahan natin ang bawat segundo o minuto o oras na binibigay Niya sa atin…


Wednesday, September 23, 2009

Fiesta na!


Kapag FIESTA:

May handaan.
Maraming pagkain.
Maraming alak at siyempre maraming lasing.
Maraming nagtitinda ng mga damit at iba pa.
May pagalingan ng boses (Singing Contest)
May pagalingan sa pagsayaw.
May beauty contest.
May parade at marami pang iba…

…isa sa mga nabanggit sa itaas ay karaniwang present kapag FIESTA (sa amin!) sa mga barangay. Kung bakit ko nailathala? Kasi malapit na ang FIESTA sa amin at hindi ako makakauwi!!! At ang daming nagtTEXT sa akin at nagtatanong kung uuwi ako, hmp!

Thursday, September 17, 2009

AJOMSL: 1


Kay bilis lumipas ang panahon,
Parang kailan lang ay balewala lang ang lahat,
Nag-eemo sa mga post,
Nagsa-sad face pa nga minsan.

Nagbahagi ng mga opinyon,
Na naayon sa aking isipan,
Naki-komento sa ibang mga blogero,
Naging kaibigan dito mundong ito.

Kay bilis lumipas ang panahon,
Ang AJOMSL ay isang taon na pala,
Isang taon ng nakibahagi ng mga kwento,
Opinyon, at mga tulang naaayon sa nararamdaman.

Maligayang Bati para sa AJOMSL o A Journal of My Simple Life!

Salamat ng marami sa inyong lahat!!! [kindat]

Tuesday, September 15, 2009

SIYA na ang bahala



Ang paglubog ng araw ay napakagandang tanawin,
Minsan malungkot ito at minsan naman ay masaya,
Parang buhay ng tao,
May masayang tagpo at may malungkot.

Bawat unos ng buhay,
Bawat suliranin na kinakaharap,
Bawat pagsubok,
At bawat sakit na nararamdaman.

Ang paglubog ng araw ay nagsasabing,
Ang lahat ng dinaranas mo ay mapapawi
At lilipas lamang dahil,
Ito’y kasama sa bawat paglalakbay ng buhay.

Sinasabing h’wag kang mapagod sa iyong paglalakbay
H’wag kang sumuko sa bawat karanasan
H’wag kang panghinaan ng loob sa lahat
ng pangyayari sa iyong buhay.

Manalig ka sa Kanya
Dahil Siya ang nakakaalam ng bawat takbo ng iyong buhay
Siya ang may hawak ng lahat
Ipagpaubaya mo sa kanya ang lahat
Humingi ka ng gabay sa bawat paglalakbay.

Manalangin at gabayan ka Niya….

Friday, September 11, 2009

Numerous Q (plus Panalangin para kay Maricris)

Patalastas:
Ako po’y nananalangin para kay Maricris. Sana po ay magpakatatag po kayo at lumaban sa iyong kalagayan ngayon.
Siya po ay may cancer at kasalukuyang lumalaban sa sakit. Para po sa iyong kaalaman siya po ay kaibigan ng ating Kablogs na si The Pope. Kung kayo po ay gusto tumulong sa financially maaring pakibisita mo ang pahina ni The Pope para sa karagdagang impormasyon. Maraming Salamat sa inyo!


_________________________________________________________


Paano kung ang gusto o ang pangarap mo ay hindi naakma sa nangyayari sa iyong buhay? Paano mo ito iha-handle? Susuko ka na ba? Paano kung sa pinakadulo nito ay ang sarap at tagumpay? Nakakapanghinayang diba?

Paano kung ang mahal mo ay pinagtutulakan ka sa ibang tao? Anong mararamdaman mo? I-sakripisyo mo ba ang nararamdaman mo para tuluyang i-let go ang taong mahal mo? Paano kung siya ang HAPPINESS mo? At paano kung hindi ikaw ang HAPPINESS niya? Mahirap diba?

Bakit ganon? Paano kung…? Bakit ako pa?! Bakit sa akin lahat?!

Mga tanong na tayo lamang ang may kakayahang sumagot… mga tanong na minsan ay ang pangyayari ang siyang magpa-realize sa atin… may mga pagsubok lang talaga sa ating buhay ng parang gusto na natin i-give up dahil sa pagod na tayo.

Kasama na sa ating buhay ang mga pangyayari na hindi natin inaasahan. Mga problemang darating na hindi natin ginusto o minimithi. Sino nga ba ang may gusto ng problema? Hindi ba wala sa ating ang may gusto nyan? Pero… iyan ay kasama sa ating paglalakbay o yong tinatawag nating JOURNEY OF LIFE.

Minsan pa nga ay tinatanong na natin Siya dahil sa mga pagsubok na binibigay niya sa atin. Minsan kasi naikukumpara natin ang sarili sa ibang taong nakakapit kay SWERTE. Bakit nga ba ganon? Hindi ko rin kayang sagutin ang tanong na yan.

Dahil Siya lang ang nakakaalam ng lahat! Manalangin na lamang at humingi na gabay sa Kanya...



"Walk so close to God that you leave no room for the devil. - Larry Bird"

Saturday, September 5, 2009

Just a thought


People in our life maybe just come and go; some of them leave memorable moments in our life that we may never forget.

Some may hurt us but we learned.

Some may teach us a good lesson.

Some will accept you as who you are and what you are.

Some will love you in their own way. They might not showy of loving but be assure that you are in their hearts no matter happen.

Some may not understand us but still they are in your side, always!

Some will make us happy.

Some will make us smile in their simple jokes.

Some will make us laugh.

But above all, let us be grateful to people who make us happy; they are the charming gardeners who make our souls blossom.

Tuesday, September 1, 2009

Go on...

Each of us experience different kind of trials, problems, etc. A problem that really makes us down because we are already tired and giving up is the best way to escape.

Each of us has a dream and ambition in life. We give up if we fail of achieving this dream and ambition. We discouraged in doing something for our dream because we are afraid.

But according to the homily of Bishop Soc Villegas;
----------------------------------------------------------------------------------
The Lord tells us, “Do not give up, go on & start again. Keep on trying. All the efforts in the past are still worth it. I have led you in the past; I will continue to lead you. Go on, do not be discouraged. You are not very far from you goal.”
-----------------------------------------------------------------------------------
It reminds me that I pursue my dream and not giving up for all the trials or problems because He is always in our side.

He will guide us.

And He will give us problems because He wants us to talk to Him because sometimes we forget Him for what He really did for us.

Continue dreaming...