Showing posts with label Thank You. Show all posts
Showing posts with label Thank You. Show all posts

Monday, October 5, 2009

Salamat

Panginoon, salamat sa walang sawang pakikinig mo sa aming dasal.
Gabayan Niyo po kami palagi.
Maraming Salamat sayo Mahal naming Panginoon!

Tuesday, June 9, 2009

Daming Q's

Puro tanong. Daming tanong. Ang mensaheng mababasa niyo ay hindi base sa feelings ko ngayon sapagkat masaya naman ako... hehehe! Natanggap ko ito mula sa isang kaibigan...

[tunog ng CP ko...]

1 New Message

[Binuksan ang CP at binasa ang mensahe]

"Bakit kapag nagmahal ka? Kailangang masaktan? Ano yon? Package deal? Buy love, take pain... Pwede bang? with purchase of love...you can get your love one for free?"

May ganon tanong talaga enoh... hehehe! Wala lang akong magawa kaya pati mga text message pinag-tripan... adik lang! hehehe!

Pwede niyo ring sagutin ang mga tanong na yan...

Anyway, musta ang weekend ninyo?

Sa akin, masaya naman... sa bahay lang ako; nagpahinga, nagtulog tapos nakapagbasa ako ng libro ni John Grisham at tapos nagttext… tapos noong linggo dahil sumikat si haring araw kaya dali dali akong naglaba para matuyo kaagad. Tapos noong gabi nag-videoke kami tapos nagttext ulit… yon lang! :)


Have a wonderful Monday to all! :)

P.S.
Congrats pala sa mga ikakasal sa buwan na ito... Buwan daw kasi ng sakalan ngayon e... este kasalan pala... :)
Saka salamat pala sa nag-congrats sa pagkapanalo ko... mga ka-chorva salamat! lolz!

Saturday, June 6, 2009

Peace To All


Ang "A Journal of My Simple Life" ay na-featured at nanalo sa CHORVACHEORVAMUS bilang Chorva Blog Award for Week 4. Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng bomoto. Hindi ko po alam kung sinu-sino po kayo sapagkat ang inyong lingkod po ay hindi naman nangangampanya para sa botohan. Kaya naman po ako'y lubos na natutuwa dahil napili ako sa nasabing award at kahit papaano po ay may nakikilala sa akin. :)

Maraming Salamat ulit sa mga bomoto at sa mga Ka-Chorva!

**********


Nitong nagdaang mga araw ay punong-puno po ng tensyon ang blogosperyo. Sana po ay maayos na natin ang hindi pagkakaunawaan at bigyan ang isa't isa na magpaliwanag at pakinggan ito. Hindi kung banat lang banat sa mga komento at salitan ng mga salitang hindi kaaya-aya. Sana po ay ayusin natin ito dahil tayo po ay mga Pinoy na dapat mag-isa at hindi maging magka-away.

Ako naman po ay naiintindihan ang mga saloobin nang bawat isa. Siguro nga nabahiran ng sama ng loob o galit sa ating mga puso dahil sa ating mga nababasa. Nayurakan ang ating ego o pride kung tawagin. H'wag po sana nating idaan ito sa init ng ating mga ulo mga blogmates... Kaya SMILE na kayo riyan.... Sige kayo rin baka dadami mga wrinkles niyo...hehehehe! H'wag nga kayong ma-HB, okie dokie?

PEACE TO ALL! God Bless!

-Marco Paolo-

Thursday, May 14, 2009

Oy, salamat ha!

Una sa lahat maraming salamat sa mga sumusubaybay sa kwento ng aking buhay. Ako'y natutuwa dahil sa inyong mga komento. You guys lifted me up to continue my dreams. Ilang beses ko iyong pinag-iisipan kong ishare ko ba ang karanasang iyon at dahil matagal na rin ang pangyayaring iyon at nakamove on na rin ako kaya naman share ko sa inyo ang karanasan ko sa buhay.

Maraming THANK YOU sa inyong lahat...


"Jesus did not promise that life would be easy but He did promise to be with us in every step of the way. Keep going! He cares for us all the time...."