Showing posts with label PEBA. Show all posts
Showing posts with label PEBA. Show all posts

Wednesday, January 4, 2012

NGOs, OFW bloggers oppose Philhealth circular raising premiums of OFW members

NGOs, OFW bloggers oppose Philhealth circular raising premiums of OFW members

Several non-government organizations involved in overseas employment issues banded together to oppose Philhealth Circular No. 022 that would nearly triple the amount of premiums to be paid by overseas Filipino workers by next year.

Philhealth convened a consultative meeting with a handful of non-profit organizations representing overseas Filipino workers this morning. Walter Bacareza, vice-president of its Member Management Group presented the agency's plans to increase membership rates including that of OFWs as well as the Board's intention to "revolutionize" healthcare services in the country. Philhealth vice-president for corporate affairs Gregorio Rulloda was also present in the meeting.

Former labor undersecretary Susan Ople of the Blas F. Ople Center, Luther Calderon, president of the Kabalikat ng Migranteng Pilipino, Inc., Apostol Gratela, chairman of the Kalahi-Advocate for Overseas Filipinos and Jun Aguilar of the Filipino Migrant Workers' Group objected to the planned increases citing the lack of consultations with the labor and overseas workers' sectors. With two weeks to go before the new rates are imposed, the health agency issued the invitations for today's consultative meeting to a handful of OFW sector representatives only yesterday. The circular itself was issued on December 15.

"On January 2, unless the Philhealth Board withdraws its circular, all overseas workers would be paying 300 pesos more for their Philhealth premium and for those unable to pay that amount within the first six months of 2012, they would have to pay 2,400 pesos as annual premium from July onwards, a huge amount compared to the current 900 pesos being shelled out by every OFW. These new rates are being imposed without consultations, without clear explanations, and without consideration given the heavy financial burdens already being experienced by our migrant workers' given the series of calamities and continued slowdown in the world economy," the leaders of the said NGOs said.

During the consultative meeting, Philhealth officials explained that the higher premiums would allow the agency to meet its performance targets as well as attain the country's Millennium Development Goals and aspiration for universal health care coverage. Vice-President Bacareza also cited the GOCC Governance Act of 2011 that includes a performance evaluation of all GOCCs.

"It is unfortunate that the Philhealth Board of Directors decided to issue and release this new circular while the nation is grieving over the deaths of so many of our compatriots in Iligan, Cagayan de Oro and other parts of the Visayans and Mindanao regions. We question the timing, the lack of consultations, and the inexplicable haste by which this new circular is now being imposed not only on our OFWs but on all workers covered by Philhealth," Susan Ople said.

Jun Aguilar of the Filipino Migrant Workers' Group who was a former OFW in Saudi Arabia said that most OFWs are not even aware of the benefits due them as Philhealth members. "My son is an OFW and he relies on the more efficient health care system in Saudi Arabia rather than Philhealth because that is where he is situated. Why should he now pay triple the cost of premium to enable Philhealth to meet its own internal targets?"

Aguilar also cited a provision in the Amendments to the Migrant Workers' Act otherwise known as Republic Act No. 10022 that prohibits any increases in government fees for services rendered to OFWs.

Another OFW advocate, Luther Custodio, objected to the planned increase and called for a more intensified information campaign from Philhealth about its "revolutionary" changes to the current national health program.

Moves to oppose the Philhealth premium increases are set to snowball with the participation of OFW bloggers that founded the annual Philippine Expat/OFW Bloggers Award (PEBA). PEBA founder Jebee Solis who is based in Saudi Arabia said his group will blog against the new Philhealth circular citing the fact that most foreign companies obtain health insurance for foreign workers.

Philhealth officials who were present during the consultative meeting with the NGOs promised to report to the Board the concerns of the OFW sector on the impact of the abrupt increase in Philhealth premiums on the expenses of every departing worker, and on those wanting to renew their memberships.

"We are appealing to the Philhealth leadership to be more considerate given these extraordinarily difficult times. Every OFW with relatives in calamity-stricken areas will be relied upon to help defray the rebuilding of homes, and the sustenance of their surviving kin. We seek a deferment of Philhealth Circular No. 022 pending more extensive consultations and so that all of us can focus our efforts and attention in helping out those devastated by the floods in Mindanao," the civil society leaders said.

FMWG - Opposition to Increased Philhealth Premium Payment

December 21, 2011
  
Dr. Eduardo P. Banzon
President and Chief Executive Officer
Philippine Health Insurance Corporation

Subject:           Opposition to Increased Philhealth Premium Payment

Sir:

The Filipino Migrant Workers Group vehemently opposes the issuance of Philhealth Circular No. 022, s, 2011 which increased among others, the individual premium contribution of Overseas Filipino Workers from Nine Hundred Pesos (900) to Two Thousand Four Hundred Pesos (2,400) per year effective July 1, 2012.

The increase was not only arbitrary, but the circular itself is in clear violation of the Implementing Rules and Regulations (IRR) of R.A. 10022 otherwise known as the Amended Migrant Workers Act.

For millions of OFWs who are holding low-paying jobs and hardly benefiting from Philhealth, and particularly those who are already covered by more superior health insurance provided by their overseas employers, the present compulsory premium of Nine Hundred Pesos is already a burden. But to even increase it by more than 150% (without proper consultation) is downright callous and a clear manifestation of insensitivity to the feelings of the Migrant Sector.

Philhealth must also reckon with Rule XVII of IRR on R.A. 10022 which provides, under Section 4 on Government Fees, Administration Costs and Taxes, the following:

“All fees for services being charged by any government agency on migrant workers prevailing at the time of the effectivity of this Rule shall not be increased.”


Sincerely,
  
Jun S. Aguilar                                                
President       
Filipino Migrant Workers Group 



Tuesday, December 13, 2011

Nakaakyat ulit ng stage

Huli kong akyat sa stage ay noong nakapagtapos ako ng kolehiyo upang tumanggap ng diploma. Noon, pinangarap kong tumanggap ng parangal kagaya ng mga nakikita at napapanood ko sa telebisyon. Lagi kong sinasabi na "sana makatanggap din ako ng award", simpleng pangarap pero sa wakas natupad. Hehe!

Isang karangalan ang makatanggap ng award at kinikilala ang iyong talento. Nagpapasalamat ang inyong lingkod sa bumubuo ng PEBA, sa mga volunteers nito at sa mga hurado na syang humusga sa mga kalahok. 

Tumataba ang puso ko dahil sa parangal na ito, dahil sa inyo may napapatunayan ako sa sarili ko. Muli, MARAMING SALAMAT!

Saturday, October 15, 2011

Bagong Pamilya, Bagong Simula


Mahirap mamuhay nang nag-iisa ka lang, walang mag-aalaga sa t’wing ika’y magkasakit. Walang mag-asikaso.  Walang makaka-usap kapag ika’y nalulumbay. Hay! Na-miss ko na ang asawa’t mga anak ko. Kamusta na kaya sila? Matagal ko na silang hindi nakikita. Malamang malalaki na mga anak ko, siguro nakakapag-asawa na rin. Siguro, successful na ang mga anak ko. Pero ang problema ko, hindi ko alam kung tatanggapin nila akong muli.

Ako si Rey Gabriel,  isang OFW, 45 years old, may asawa’t dalawang anak,  isang lalaki at isang babae,  at ako ay nangaliwa. Sa t’wing ako’y babalik ng Pilipinas, ibang pamilya ang binalikan ko. Pero ngayon, namumuhay nang mag-isa dahil iniwan na rin ako. Pinagsisihan ko ang paglayo sa una kong pamilya. Ito ako ngayon, walang trabaho, walang kasama, at malungkot.

Naghahanap ako ng trabaho ngayon pero wala nang tumatanggap sa akin. Hindi ko alam, marami naman akong karanasan sa trabaho, masipag naman ako. Pero wala pa ring tumatanggap sa akin. Mahirap na nga talaga makipagsabayan sa panahon ngayon. Mangibang-bansa na lang siguro ako ulit, siguro may tatanggap pa sakin.
….
Kinamumuhian ko ang aking ama, kinalimutan ko ang mga bagay na nagpapaalala sa kanya. Iniiwasan ko ang mga dating nakagawian ko ng gawin, dahil sa t’wing  naalala ko ito puot at galit ang namumutawi sa aking puso at isipan.

Masayang pamilya ang pinangarap ko, pero simula noong iniwan kami ng tatay ko. Nawalan ng saysay ang isang pamilyang pinangarap ko.  Mga alaala na pinipilit kong iwaglit sa aking isipan. Nais kong mamuhay ng walang galit pero hindi ko ito maiiwasan.

Sadyang mapaglaro nga talaga ang tadhana. Galit at hinanakit ang nadadarama ko.

Tawagin mo akong si John, isang anak na may puot at galit sa isang ama, na sumira sa aming mga pangarap. Nag-iwan ng sugat sa aming mga puso.

….
Ako si Grace, kapatid ni John.

Namatay si Nanay dahil sa sakit sa puso, hindi nakayanang mag-isa na wala ang aking ama. Hirap at pait ang sinapit naming magkakapatid noong iniwan kami ni Tatay. Gusto kong magalit sa mundo, kamuhian ang lahat ng ama. Pero wala akong magagawa siguro ito ang tadhana para sa aming pamilya.

Subalit kung puro galit, puot at hinanakit ang paiiralin ko walang mangyayari sa aming lahat. Lumabas ako ng bansa upang hanapin ang aking Tatay. Para ituwid ang lahat ng mga baluktot na daang aming tinahak. Nais kong ibalik ang saya at ngiti sa aming mga labi.

Nangibang-bansa para maiahon ang natitirang mahalagang tao sa aking buhay. Nagbakasakaling matagpuan ko ang matagal nang hinahanap…ang aking Tatay. Alam kong nagkasala siya pero hindi ako Panginoon para parusahan siya. Nais kong maging buo ulit kaming pamilya kahit wala na si Nanay. Kung mangyayari man iyon, siguro maging masaya ang Nanay.

Lumipas ang apat na taon, hindi nabigong matagpuan ang lalaking mahalaga sa akin. Ang taong naging haligi ng tahanan at bumuo sa aming pagkatao. Sa pagbalik ko, baon ko ang pag-asang mabuo ang pamilyang inaasam asam ko. Pag-asang maayos ang gusot ng pamilya. At sa pagbabalik ko, dala ko ang taong mahalaga sa aming magkakapatid. Ang taong magdadala ng ngiti sa aming mga labi. Ang taong pupuno ng kasiyahan sa aming mga pusong nalulumbay.

….
Ang pagtatagpo…

Si John ang sumundo sa akin sa airport. Lingid sa kanyang kaalaman kasama ko ang taong kinamumuhian niya. Hindi ko alam kung masisiyahan siya sa makikita pero lubos akong nananalangin na “Lord, tulungan niyo po kaming ayusin ang lahat!”

“Ate! Ate!” sabay yakap sa akin ang kapatid ko. Sabik na sabik!

“Kamusta ka na? Nagpakabait ka ba?” tapik sa kanyan likod.

“Opo! Ate, wag ka ng umalis ha. Miss na miss kita.”

“May surpresa ako sayo, John,”  tinawag ko si Tatay “ Tay ……..si John”

Sabay lingon sa kaliwa si John, nanlaki ang mata, nakasimangot, kitang kita ang galit sa mukha.
 “John…anak ko… ang laki mo na bunso ko,” wika ni tatay “Anak, patawad sa paglayo ko sa inyong magkakapatid. Pinagsisihan ko ang lahat ng iyon. Sana mapatawad ninyo ako.”

 “Sobrang sakit ng mawala ka sa buhay namin. Alam mo ba…. yong ginagawa natin dati ay pinipilit kong kalimutan dahil sobrang sakit!” wika ni John habang tuloy tuloy ang daloy ng kanyang luha, “ang sakit sakit…namatay si Nanay dahil sa sama ng loob. Kagagawan mo ang lahat kung bakit nagkakaganito ang buhay namin!”

Isang madamdaming tagpo ang naganap sa mga oras na iyon. Luha ng hinanakit, sakit, puot at galit ang naghari sa panahon ‘yon. Pagsisisi. Sumbat. Ito ang nangyari sa aming pagtatagpo nina John at Tatay.

“Kasalanan ko ang lahat ng ito. Nagkasala ako sa inyo mga anak pati sa Nanay niyo. Nandito ako ngayon sa inyong harapan para humingi ng tawad. Para ituwid ang pagkakamaling nagawa ko sa inyo. Sana ay tanggapin ninyo ang paghingi ko ng tawad. Patawad mga anak!”

“Noong umalis si ate. Sobrang lungkot ang nadarama ko. Madaming kulang sa buhay ko. Tatay, matagal ko na kayong pinatawad,” sabay yakap ni John kay Tatay “Tatay… wag mo na kaming iwan. Ikaw na lang ang nag-iisang taong kailangan namin ni Ate.”

Niyakap ko ang dalawang lalaking mahal na mahal ko, ang taong pupuno ng saya sa aking puso. “Salamat, Lord! Pinagbigyan mo kami!”

“Pangako mga anak! Ngayong tinanggap ninyo akong muli, magbabago sa buhay natin. Pupunan ko ang lahat ng pagkukulang ko sa inyo. Sa pagbabalik ko, asahan niyo ibabalik ko ang ngiti sa inyong mga labi. Mahal ko kayo John….Grace!”

“Oh sya, tama na tong drama natin! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Pang-Oscar Award ang eksena natin dito. Winner!” Sabay nagtawanan kaming tatlo habang papalabas ng airport.


Ito po ay lahok sa Pinoy Expats/OFW Blog Awards 2011 - OFW Supporters

Thursday, February 24, 2011

A Prayer for OFWs

Dear God,


You crossed every border between divinity and humanity to make your home with us. Bless our fathers, mothers, brothers and sisters who have travelled to foreign lands with faith in their heart leaving their families behind as they break through the barriers of people, cultures, and languages to escape oppression and poverty.

There are many things going on that are beyond us even with our collective power. We come to thee in supplication and heartfelt pleadings as we are mindful of the ordeals of others.

We thank thee for hearing the prayers of your people as China grant reprieve to our three OFWs and may the Chinese government grant a lesser penalty to their case.

We pray for the thousands of OFWs who were incarcerated and imprisoned in the Middle East, Asia and other continents, may thou please grant them the chance to get back to their families and find a new life, justice and freedom as they entrust their lives into thy hands. May Thou enlighten our leaders to put the plights of distressed OFWs as a priority and withdraw from plans to cut the DFA social service and legal assistance funds.

We pray to Thee that our OFWs in Taiwan will soon be reprieved of taking all the heat of the current Taiwan-Philippines rift. May the government emissary would soon find resolution to this issue so that those more than five thousand scheduled for deployment will now be allowed to take on their jobs, and the nearly a hundred thousand currently employed may keep their jobs and be able to sustain their families.

We pray that may Thou please keep our overseas Filipinos safe in the escalating conflict in countries where democratic renaissance in Muslim nations is unfolding from Morocco, Egypt, Yemen, Bahrain and Libya as they await the immediate repatriation efforts being taken by our government agencies.

We pray for Thy protection and guidance of the more than thirty thousand OFW’s in Libya. May their families in the Philippines be freed from fear and worries of their condition and that the OFWs safety is assured despite the worsening condition.

We pray that may Thou save from harm our Filipino workers in war torn countries of Iraq and Afghanistan, as well as OFWs in Nigeria, Somalia, Lebanon and Jordan, who have taken great risks to continue their fight against poverty to support their families in the Philippines despite of the work deployment ban imposed in these countries.

We pray for the safety of the Filipino nurses trapped in the rubbles during the earthquake in New Zealand, and the rest of the OFWs and Expats around the world who are suffering from natural calamities, diseases and injustices that they may find comfort through faith in Thee.

Hear our prayer Lord, to end the corruption that has become the plague of our nation, to end poverty that afflicts and besets Thy people, to end violence and war that displaces millions of our Filipinos from their homes, which separate, divide and break families.

As we await for the signs of time when the Filipinos around the world, the fathers and mothers brothers and sisters, and sons and daughters may be reunited as one happy family.

We pray for Thine tender love and kind mercy, with our faith, with our hope, with our love to thee, we pray for power greater than us all, we pray for divine intervention.

Saturday, August 21, 2010

OFW: saludo ako!



“Pagtibayin ang Pamilyang OFW : Matibay na Tahanan Para Sa Matibay Na Bansa”


Overseas Filipino Workers o kilala sa tawag na OFW - tinaguriang bagong mga bayani sa bagong henerasyon. Mga Pinoy na matatagpuan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Paano nga ba sila napadpad sa ilang libong milyang layo mula sa kanilang lupang kinalakihan? Hindi mo lubos maisip na napakarami nang mga Pinoy ang nasa iba’t ibang bansa ngayon. Ano nga ba ang dahilan ng kanilang pangibang-bansa?

Maraming mga Pinoy ang nangibang-bansa upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Mahirap man tanggapin sa karamihan na mahiwalay sa kanilang mga mahal sa buhay subalit ito lamang ang tanging paraan para maiahon ang pamilyang nalulunod sa kahirapan ng buhay. Lakas loob nilang itong talikuran upang mabigyan lamang ng kasaganaan sa buhay ang kanilang pamilya. Mahirap makita ang iyong minamahal na iiwan kayo para lamang sa ikakabuti ng bawat isa.

Iba’t ibang dahilan ang pangingibang-bansa ng mga Pinoy pero iisa ang layunin ng bawat isa sa kanila, ang tulungan ang kanilang pamilya. Hindi sapat ang kinikita kaya naisipang lumayo na lamang para maibigay ang pangangailangan nila. Kaysa mananatili sa sariling bansa at makikitang nagugutom ang kanilang pamilya. Mas mahirap naman kung makikita mo silang naghihirap.

Malaking sakripisyo sa bawat OFW na iiwan ang kani-kanilang mahal sa buhay at harapin ang hirap ng buhay sa ibang bayan na hindi kapiling ang pamilya, ang anak, at ang mahal sa buhay lalo na sa mga mahahalagang okasyon tulad ng Pasko, Valentine’s day, graduation ng kapatid o anak, at kaarawan.

Kapag malayo ka sa pamilya, unang makakalaban mo ay ang pangungulila. Pangungulila rin ang dahilan kung bakit nagkakasakit ang ibang kababayan natin sa ibang bansa, siguro dahil hindi sanay na mawalay sa kanilang pamilya.

Mahirap mawalay sa pamilya sapagkat hindi naman ito isang sakay o ilang minuto na kapag gusto mo silang makita ay makikita mo. Ilang taon din ang hihintayin para makapiling silang muli. Pero para sa kabutihan ng pamilya ay handang magsakripisyo at handang magtiis para sa kanila. Kailangang gawin para sa ikakaunlad at para sa ikakabuti ng lahat .

Masaya dahil makikita mong nakaahon na sa pagkalunod ang iyong pamilya. Masaya dahil makikita mo silang nakakakain tatlong beses sa isang araw, nakakasuot ng magandang damit, nakapag-aral at napagtapos ang kapatid o anak sa unibersidad, napaganda ang buhay at iba pa. Masarap sa pakiramdam ang makikita mong nakangiti ng walang sakit na nararamdaman ang iyong pamilya.

Malayo man pero nanatiling matatag ang bawat membro ng pamilyang OFW. Nagkakaisang harapin ang hamon ng buhay, ‘yang ang tunay ng pamilyang OFW.

Paano nga ba mananatiling matatag?

Maraming paraan para lamang magiging malapit ang mga OFW sa kanilang pamilya. Pinaka-popular ay ang internet communication - maraming gumagamit nito at ito ang modernong pamamaraan upang makita at makausap ang pamilya sa iba't ibang sulok ng mundo. Maaaring gamiting ang webcam na kung saan ay makikita ang mga mahal sa buhay na parang katabi mo lang. Maaari ring gamitin ito upang ipagdiriwang ang kaarawan o anibersaryo at iba pa, na parang kasama mo na rin sila. Maaring sumulat o email para maipahayag o maikwento ang mga bagay bagay.

Tawag o text - andyan ang cellphone na maaaring kontakin ang mga mahal sa buhay at i-update sila sa mga bagay bagay. Sa paraang ito, nakakatulong ng malaki para sa mga kababayan natin nagtatrabaho sa ibang bansa at maiparamdam sa kanila na hindi sila malayo sa inyo.

Bakasyon - may nakalaang bakasyon ang bawat OFW upang makasama ang pamilya at ang mga mahal sa buhay. Maaaring igugol ang oras sa pamilya at iparamdam sa kanila na mahalaga sila at kung gaano mo sila kamahal.

Ito ang magandang pamamaraan para ipakita sa ating mga kababayan na nagsumikap na magtrabaho sa ibang bansa para sa kanilang pamilya at sa kanilang mahal sa buhay. Sa pamamagitan nito, mananatiling matatag ang bawat membro ng pamilya.

Ako po ay lubos na sumasaludo sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa para sa kanilang pamilya, na lakas loob na harapin ang hamon, iiwan ang kinalakihan pook para lang sa ikakabuti ng kanilang pamilya. Kayo po ay hindi lamang bayani kung ituring ng buong mundo kundi para sa akin ay isang bayani ng bawat pamilya.